"Sa totoo lang, wala namang problema sa akin kung maheadline ako. Normal
lang naman sa mga artista na magkaroon ng scandal paminsan-minsan."
Pampalubag loob na pagpapatuloy ni Qiao Anhao para kumalma si Lu Jinnian.
Idinetalye niya rin ang mga naging pasaring sakanya ni Lin Shiyi sa weibo.
At dahil dito, lalo pang nandilim ang paningin ni Lu Jinnian na para bang
makakapatay na ito ng tao sa sobrang galit.
Alam naman ni Qiao Anhao na hindi sakanya galit si Lu Jinnian pero hindi
naman lingid sa kaalaman niya na siya ang dahilan kung bakit ito galit kaya
hindi niya ito kayang tignan habang pabulong na nagpapatuloy, "Masyado
kasing masakit yung mga sinabi niya…tapos nagpost pa siya sa weibo…"
Sobrang sakit naman talaga ng nangyari sakanya kaya kahit nagkwekwento
nalang siya ay ramdam pa rin sa boses niya ang inis. "Siguro, naiinis lang ako
na iniinsulto niya ako."
"Habang kumakain tayo kanina, napansin ni Zhao Meng na may paparazzi na
sumusunod sa atin kaya may naisip siyang ideya…Gusto niya na makuhaan
tayo ng picture habang nagshoshopping…"
Kahit hindi pa tapos magsalita si Qiao Anhao, malinaw na kay Lu Jinnian ang
lahat.
Kaya naman pala noong nasa loob sila ng store, puro si Zhao Meng lang ang
nagtuturo, samantalang si Qiao Anhao ay tahimik lang sa isang gilid… So ganun
ba ang naging usapan nilang dalawa?
Sinabi muna ni Qiao Anhao ang lahat ng gusto niyang sabihin para linawin ang
totoong nangyari bago siya nagkaroon ng sapat na lakas ng loob na tignan si Lu
Jinnian para humingi ng tawad, "Lu Jinnian, sorry talaga. Hindi kita dapat pinilit
na samahan akong magshopping.
"Pag may bago ng balita, sigurado naman na matatabunan na ang scandal ko.
Makakalimutan na 'yun ng mga tao at kung si Lin Shiyi lang naman ang
paguusapan, ako nalang ang iiwas sakanya. Pero siguro nainis lang talaga ako
sakanya kanina kaya naisip kong gantihan siya pero ngayon okay na ako. Isa
pa, hindi ko naman kayang gamitin ng mga bag na 'yun, tsaka meron pa ngang
iba na hindi ko type. Hindi dapat tayo nagsasayang ng pera.
"Hindi ka pa nagpapahinga simula noong umuwi ka galing America. Alam kong
pagod ka na, pwede bang umuwi na tayo ngayon?"
Sisilipin sana ni Qiao Anhao ang reaksyon ng mukha ni Lu Jinnian pero bago
niya pa maingat ang kanyang ulo ay bigla itong yumuko at dahan-dahan siyang
hinalikan sa kanyang mga labi.
Mula noong umalis si Lu Jinnian sa China hanggang sa umuwi siya galing
America, wala pa talaga siyang pormal na pahinga kaya ngayon ay hindi talaga
biro ang pagod niya pero pagkatapos niyang marinig ang mga kwento ni Qiao
Anhao, pakiramdam niya ay bigla siyang lumakas.
Pagkakita niya palang kay Qiao Anhao ay sabik na sabik na siyang halikan ito
pero noong oras na 'yun, kasama nila si Zhao Meng at ang kanyang assistant
kaya nakakabastos naman kung bigla niya nalang itong hahalikan.
Pero ngayon, hindi niya na kayang pigilan ang nararamdaman niya at kahit alam
niyang may mga paparazzing nakapaligid sakanila ay wala siyang pakielam…
Pinaguusapan na sila ng mga tao at ano pa bang mawawala sakanila kung lalo
pang iinit ang balita. Isa pa, si Qiao Anhao ang babaeng pinakamamahal niya na
handa siyang pagalayan ng mga natitirang nioyang araw, kaya paano niya ito
hahayaang insultuhin nalang ng iba?
Hindi inaasahan ni Qiao Anhao na gagawin 'yun ni Lu Jinnian kaya biglang
nanlambot ang kanyang mga binti at naalala ang paparazzi na sumusunod
sakanila. Nanlaki ang kanyang mga mata noong nahuli niyang may kumukuha
ng picture nila kaya dali-dali siyang nagpumiglas kay Lu Jinnian at sinabi, "May
kumukuha ng pictures…"
Pero bago pa siya matapos sa pagsasalita ay mapusok na nagsalita si Lu
Jinnian, "Hayaan mo sila."
At muli, naramdaman niya ang malalambot nitong mga labi na dumampi
sakanya.
Sa pagkakataong ito, lalo pang naging mapusok ang halik ni Lu Jinnian.
Isa sa mga paboritong palatandaan ni Qiao Anhao sa asawa niya ay ang
kakaiba nitong amoy kaya ngayong halos magdikit na sila, parang may
biglang kumuryente sakanya nang malanghap niya ito.
Para siyang biglang nablangko at hindi na nakapalag pa.
Aminado naman siya na sobrang namiss niya rin talaga si Lu Jinnian kaya
habang nararamdaman niya ang paggalaw ng dila nito sa loob ng kanyang
bibig, tuluyan niya ng nakalimutan ang paparazzi na nagtatago sa isang
gilid at bumigay na rin sa bugso ng damdamin.
Dahil sa ginawa niya, lalo pang nanabik si Lu Jinnian at mas idinikit pa
nito ang katawan nito sakanya habang buong lakas siyang hinalikan nito
na para bang gusto na nitong higupin ang kaluluwa niya.
Sobrang tagal nilang naghalikan….
Ang buong akala niya talaga ay hindi na sila titigil pero buti nalang at
sobrang kabisado siya ni Lu Jinnian kaya noong naramdaman nito na
kinakapos na siya nga hininga, dahan-dahan nitong pinakawalan ang mga
labi niya. Noong sandaling 'yun, naramdaman niya ang kabog ng dibdib
niya na para bang nagpupumiglas ang puso niya palabas kaya ilang
sandali pa siyang nanatiling nakapikit habang kinakalma niya ang sarili
niya.
Bahagyang yumuko si Lu Jinnian para tignan siya ng diretso sa mga mata
at base sa lagkit ng titig nito ay para bang gusto nanaman siyang
sunggaban nito sa pangatlong pagkakataon. Pero sa kabila ng pananabik
ay mukhang nahimasmasan naman na ito at naalala na nasa pamublikong
lugar sila kaya imbes na muli siyang halikan ay dahan-dahan nalang
nitong inayos ang nagulo niyang buhok at malambing na sinabi, "Alam mo
ba, pagkakita ko palang sayo kanina, gustong-gusto na talaga kitang
halikan."
Sa totoo lang, medyo nakakakilabot ang sinabi ni Lu Jinnian pero dahil
kalmado lang siya noong nagsalita, biglang naging nakakakilig ang dating
nito. Hindi nagtagal, nahimasmasan si Qiao Anhao at doon niya lang
naalala na ang tagal niya na palang nagpipigil ng hininga kaya bigla
siyang huminga ng malalim. Noong napansin niya na nakatitig pa rin
sakanya si Lu Jinnian, medyo nailang siya kaya dali-dali niyang ibinaling
sa iba ang kanyang tingin para iwasan ang mga mata nito.
Sobrang dikit nila sa isa't-isa, at ramdam na ramdam ni Qiao Anhao na
may ibang gustong mangyari si Lu Jinnian kaya biglang namula ang
kanyang mukha niya at nagmamadali siyang yumuko sa dibdib nito habang
malambing na sinasabi, "Nakakainis ka talaga~"
Sa sobrang ilang, hindi niya na namalayan na napahaba niya pala ang huli
niyang sinabi. Narinig niya na may binulong si Lu Jinnian sakanya, na
hindi niya naintindihan, habang niyayakap siya nito ng mas mahigpit.
Medyo matagal pa silang magkadikit bago kumalma ang paghinga ni Lu
Jinnian. Tinulungan niyang tumayo ng maayos si Qiao Anhao at inayos
ang nagusot nitong damit at buhok.
Samantalang si Qiao Anhao naman ay hindi pa rin nakakaget over at
sobrang namumula pa rin ang kanyang buong mukha. Hanggang ngayon
ay hindi pa rin siya makatingin ng diretso kay Lu Jinnian kaya pasimple
niya lang itong sinilip habang nagaayos ng sarili nitong damit. "Tara na."
At bigla nitong hinila ang maliit niyang kamay para sabay silang maglakad
pabalik sa shop.
Naabutan nila si Zhao Meng at ang assistant na nakaupo sa sofa habang
umiinom ng kape samantalang ang shop assistant naman ay masayang
nakangiti habang nakatayo sa isang gilid.
Ang assistant ni Lu Jinnian ang unang nakapansin na nakabalik na sila
kaya dali-dali itong tumayo at nagtanong, "Mr. Lu, ibabalik pa ba ang mga
bag?"
Gusto sang sumabat ni Qiao Anhao at sabihin na "Oo, ibalik mo na", pero
bago pa niya maibuka ang bibig niya ay naunahan na siya ni Lu Jinnian,
"Hindi na."
"Lu Jinnian…"
Alam ni Lu Jinnian kung anong ibig sabihin ng pagtawag sakanya ni Qiao
Anhao kaya muli siyang nagsalita, "Diba gusto mo ng umuwi? Pag binalik
natin yan, sigurado matatagalan pa tayo kaya hayaan mo na."
Sa totoo lang, ang gusto niya lang naman talagang mangyari ay ang wag
ng ibalik ni Qiao Anhao ang mga ibinili niya para rito …. pero hindi niya
alam kung paano niya sasabihinn kaya naisip niya nalang na magdahilan.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES