App herunterladen
73.38% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 714: Ang Lu Qiao Couple (3)

Kapitel 714: Ang Lu Qiao Couple (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

Tama naman talaga si Zhao Meng… Wala siyang tinatapakang kahit sino kaya

bakit nga ba niya hahayaang ibash siya sa internet?

Sabayan pa ng mga nakakapikon na pasaring ni Lin Shiyi….Kung mabibigyan

siya ng pagkakataon, gusto niya rin talagang gumanti sa babaeng yun!

Hindi naman dahil asar-talo siya o kung ano mang tawag dun, pero hindi rin

naman kasi siya santo at kagaya ng mga normal na babae, gusto niya ring

pumatol kapag inaapi siya ng iba.

"Qiao Qiao, wag mong sabihin sa akin na gusto mong magpaapi?!" Naiinis na

tanong ni Zhao Meng.

Ano?! May tao bang gustong magpaapi?!

Tinignan ni Qiao Anhao ng masama si Zhao Meng dahil nainsulto siya sa huli

nitong sinabi. Sa totoo lang, sobrang nahiya siya kay Lu Jinnian noong

pinasugod niya ito sa set ng 'Love at First Sight' para ipagtanggol silang

magkaibigan kaya hanggat maari ayaw niya na sanang maulit ito, pero ano pa

bang magagawa niya? Ipit na ipit na siya at kailangan niya ring linisin ang

pangalan niya kaya tumungo siya at sinabi, "Sige."

Panatag na si Zhao Meng kaya masaya siyang ngumiti at payabang na sinabi,

"Mamayang gabi, siguradong magkakagulo ang entertainment news!"

-

Malinaw naman ang usapan nina Qiao Anhao at Zhao Meng kanina at totoo ring

desidido siyang gumanti kay Lin Shiyi pero noong oras na para pumili siya ng

gusto niyang bilhin, bigla siyang nakonsensya kasi pakiramdam niya ay

ginagamit niya nanaman si Lu Jinnian sa pangalawang pagkakataon.

Hindi siya nagpapakipot pero para kasi sakanya, hindi magandang tignan na

porket mayaman si Lu Jinnian ay sasamantalahin niya na ito.

Nahihiya siya na baka isipin nito ay masyado siyang materialistic kaya bandang

huli, sa kabila ng kasunduan nila ng kaibigan, isang bag lang ang pinili niya.

Pero hindi nagkamali si Zhao Meng! Lalo silang sinundan ng reporter ngayong

kasama na nila si Lu Jinnian kaya noong napansin niyang hindi nakikisama si

Qiao Anhao, medyo nainis siya dahil napaka tigas ng ulo nito.

Kilala niya si Qiao Anhao at alam niyang masyado itong emosyunal kaya siya

nalang ang gagawa ng paraan! Hindi nagtagal, bigla niyang itinuro ang pinaka

mahal na bag sa loob ng store, "Qiao Qiao, diba ito yung gusto mo kanina?"

Noong narinig ni Lu Jinnian ang hirit ni Zhao Meng, saktong kalalabas niya lang

ng kanyang card para bayaran ang napiling bag ni Qiao Anhao, pero dahil

nalaman niya na may iba pa pala itong gusto, muli niya itong isinisiksik sa loob

ng kanyang wallet at sinensyasan ang shop assistant na maghintay sandali.

Tumingin siya kay Qiao Anhao, na biglang yumuko, at malambing na nagtanong,

"Saan jan ang gusto mo?"

Hindi umiling o tumungo si Qiao Anhao.

Pero para kay Lu Jinnian, sapat ng alam niyang gusto ni Qiao Anhao ang bag na

itinuro ni Zhao Meng at hindi niya na kailangan ng kahit anong kumpirmasyon

kaya tumingin siya sakanyang assistant, na nagmamadaling sinabi sa shop

assistant, "Pwede bang pakibalot na rin ang bag na 'to?"

"May iba ka pa bang gusto?" Muling tanong ni Lu Jinnian. Sa pagkakataong ito,

ayaw niya itong madaliin.

Alam ni Zhao Meng na kung hindi sasagot si Qiao Anhao ay siguradong tatanggi

ito kaya inunahan niya na itong magsalita, "Oo! Gusto niya yan, yan yan, tsaka

yan din…."

Wala ng pakielam si Zhao Meng sa itsura ng bag, basta ang sakanya ay ituturo

niya lang ang lahat ng makita niya. Sa sobrang bilis niyang umaksyon, nawalan

na ng pagkakataon si Qiao Anhao na makapagsalita. "…mmm… tsaka yun din

pala. Oh tama! Gusto rin ni Qiao Qiao ang isang to…"

Napansin niya na parehong pareho ang deisgn ng huli niyang itinuro sa dalang

bag ni Qiao Anhao kaya para maging mas kapani-paniwala, kalmado siyang

nagpaliwanag, "Oh! Ito ang favorite ni Qiao Qiao. Medyo luma na ang gamit niya

kaya kailangan niya ng bumili ng bago."

Pagkatapos ng litanya ni Zhao Meng, sumagot lang si Lu Jinnian ng isang

kalmadong "Uh huh", bago niya tignan ang shop assistant para sabihin, "Pwede

bang pakibalot ang lahat ng itinuro niya?"

Dumiretso siya sa counter para bayaran ang bill, samantalang ang kanyang

assistant naman ay sinamahan ang shop assistant na icheck ng mabuti ang mga

bag.


Kapitel 715: Ang Lu Qiao Couple (4)

Redakteur: LiberReverieGroup

Habang abala ang dalawa, sinamantala na ni Qiao Anhao ang pagkakataon

na hatakin si Zhao Meng sa isang gilid para kausapin ng pabulong, "Zhao

Meng! Ano ba? Baliw ka na ba? Uubusin mo na ang laman ng store oh!"

"Hoy Qiao Qiao? Ano ka ba! Nakita niyo na nga ang isa't-isang nakahubo't

hubad, ngayon ka pa mahihiya? Naiiritang tanong ni Zhao Meng. "Isa pa,

hindi mo naman pera yan ha, bakit ba sobrang namomroblema ka?!"

"Anong hindi ko pera?" Kasal na sila ni Lu Jinnian, kaya ibig sabihin, ang

pera ng isa ay pera nila pareho.

"Oh sige, sabihin nating pera mo rin yan, pero Qiao Qiao sa dami niyan,

hindi naman yan kaagad mauubos kahit gaano pa karami ang bilhin mo."

Gustong pagdiinian ni Zhao Meng kay Qiao Anhao ang punto niya pero

habang nasa kalagitnaan ng pagdedebate, biglang sumulpot si Lu Jinnian

galing sa likod.

"Anong pinaguusapan niyo?"

Kahit na "niyo" ang salitang ginamit ni Lu Jinnian, malinaw na para lang ito

kay Qiao Anhao pero bago pa siya makapagsalita ay muli nanamang sumabat

si Zhao Meng, "Hay nako Mr. Lu! Yang asawa mo, nakokonsensya raw dahil

masyado siyang magastos."

Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Zhao Meng, hindi na nakapagtimpi si

Qiao Anhao at bigla niya itong kinurot ng madiin sa may bandang bewang.

'Yang asawa mo'… tatlong simpleng salita pero tunay na napaka sarap sa

tenga… Pakiramdam ni Lu Jinnian ay parang may umihip na malamig na

hangin sa kanyang mukha na biglang nagpagising sa pagod na pagod niyang

diwa. Dahan-dahan niyang hinimas ang buhok ni Qiao Anhao at imbes na

ibulsa ang kanyang wallet ay iniabot niya rito. "Wag ka ng magalala. Pwede

mong gastusin lahat ng laman niyan."

Hindi naman dahil sa masyado siyang galante o waldas sa pera…

Pero kasi nakatatak sa isip niya na kung noon na mahirap lang siya ay

nagawa niyang gastusin ang natitira niyang two hundred RMB para kay Qiao

Anhao ng walang pagaalinlangan, ano pang dahilan niya ngayong may

kakayahan na siya para tipirin ito?

Kahit ilang taon pa ang lumipas…kahit gaano pa siya kayaman ngayon…kahit

ano pa ang mga pinagdaanan nila o kung paano sila binago ng panahon….

Isa lang ang sigurado niya at yun ay ang mahal na mahal niya si Qiao Anhao.

Pero kahit na sabihin nating hindi siya sinuwerte sa buhay at mahirap pa rin

siya hanggang ngayon, hindi pa rin siya magaalinlangan na ubusin ang lahat

ng laman ng wallet niya para kay Qiao Anhao.

Kahit na wala siyang kaalam alam na si Zhao Meng talaga ang nasa likod ng

lahat ng ito, wala siyang pakielam dahil ngayon na kuntento na siya sa buhay

niya, wala ng lugar sa puso niya ang galit at ang gusto niya lang ay

mapasaya si Qiao Anhao….at handa siyang sumuporta kahit pa bilhin nito

ang lahat.

At sa sobrang pagmamahal niya rito, handa siyang isuko ang kanyang wallet.

May naalala si Qiao Anhao na isang kasabihan na nabasa niya noong bata pa

siya. Ang sabi dun, hindi raw mahalaga kung gaano karami ang pera ng isang

lalaki dahil ang tunay na mahalaga ay ang pagkukusa nito na magbigay ng

walang pagaalinlangan.

Kahit noon pa, maraming nagsasabi na maganda raw ang kasabihang ito pero

dahil masyado pa siyang muwang noon, binalewala niya lang ito. Ngayon na

may edad na rin siya, natutunan niya na kung ano ba talaga ang tunay na

importante sa buhay…at alam niya rin kung gaano kahirap magbanat ng buto

para lang kumita ng pera… kaya hindi siya naniniwala na kayang mabuhay ng

isang tao na wala ni isang kusing dahil halos lahat ng bagay sa mundo ay

nabibili ng pera. Ngayong mulat na siya sa realidad, naiintindihamn niya na

oo, hindi talaga mapapantayan ng oras o pera ang pagmamahal, pero pwede

itong gamitin bilang pang'express ng tunay na nararamdaman.

Habang nakahawak ng mahigpit sa wallet ni Lu Jinnian, tinignan niya ito ng

diretso sa mga mata.

Mukhang ilang araw na talaga itong walang pahinga dahil sa mga oras na 'to,

hindi na maitatago ng gwapo nitong mukha ang pagod sa pagitan ng

magaganda nitong mga kilay at ang bagsak na bagsak nitong mga mata, na

para bang nagmamakaawa ng matulog.

Nakasuot ito ng puting shirt na may ilang butones pang nakaligtaang maisara

at base sa pagkakagusot ng damit nito, halatang hinatak nalang nito ng basta

ang necktie nito at itinapon kung saan…Kapansin-pansin din na medyo

madumi na ang gilid ng mga kwelyo nito, na para bang ang tagal na noong

huling beses itong nagpalit.

Ibig sabihin, sa sobrang pagmamadali ni Lu Jinnian na makauwi sakanya ay

hindi na 'to nakaligo?

Halata namang pagod na pagod na si Lu Jinnian, pero dahil nalaman nitong

gusto niyang magshopping, pinilit talaga nitong gumising para samahan siya.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C714
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES