App herunterladen
73.17% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 712: Ang Lu Qiao Couple (1)

Kapitel 712: Ang Lu Qiao Couple (1)

Redakteur: LiberReverieGroup

Natatakot si Qiao Anhao na baka may masabi Zhao Meng o ang assistant na

lalo pang magpalala ng lahat kaya nagmamadali siyang lumapit sa tenga ni Lu

Jinnian para bulungan ito, "Wala. Nalulungkot lang ako kasi dalawang beses

mo kong binabaan kagabi."

Well, totoo naman. Medyo pareklamo ang pagsasalita ni Qiao Anhao, pero

siguro dahil galing sa babaeng pinaka mamahal niya, pakiramdam ni Lu

Jinnian ay para itong naglalambing na bata.

Ang tagal inisip ni Lu Jinnian kung anong ibig sabihin ni Qiao Anhao bago niya

maalala ang mga nangyari kagabi.

Ah… Kaya naman pala siya paulit-ulit siyang binababaan nito kanina….

Paglingon niya, saktong nakatagilid si Qiao Anhao at habang nakatitig sa

perpekto nitong mukha, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil muli

niyang naalala ang bawat linya ng mga sinabi nito kagabi. "Qiao Qiao, alam

mo ba sobrang saya ko."

"Sobrang saya ko dahil sa mga sinabi mo sa akin kagabi."

Walang private room ang napiling restaurant ni Qiao Anhao kaya natural lang

na maraming boses silang naririnig, pero nang marinig niya ang boses ni Lu

Jinnian, pakiramdam niya ay biglang tumahimik ang lahat.

Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang maramdaman pero noong mga

oras na 'yun, halos hindi na siya makahinga dahil parang sasabog na ang

puso niya sa sobrang bilis ng pagtibok nito. "So ibig sabihin, nagmadali kang

umuwi galing America dahil masaya ka?"

"Uh huh," Walang pagdadalawang isip na sagot ni Lu Jinnian. "Gusto sana

kitang isurprise pero paguwi ko, wala ka pala dun at sobrang gulo na ng

bahay. Halos wala na nga kong matayuan sa sobrang kalat eh."

Napa "Ah" nalang si Qiao Anhao nang maalala niya kung gaano kagulo ang

iniwan niyang bahay. Alam niya kung gaano kasinop si Lu Jinnian sa gamit

kaya bigla siyang namula sa sobrang kahihiyan.

Plano niya naman talagang maglinis bago mag Biyernes kasi yun ang alam

niyang uwi ni Lu Jinnian. Eh hindi niya naman alam na mapapaaga ito ng

dating…

So ibig sabihin, alam niya ng nagkalkal ako sa study room niya?

Napabuntong hininga si Qiao Anhao at naiilang niyang tinignan si Lu Jinnian.

"Kung…Kung ganun, alam mo ng may kinuha ako sa gamit mo?"

"Kagabi ko pa alam." Masayang sagot ni Lu Jinnian habang nakatitig sa mga

mata ni Qiao Anhao.

"Eh?" Paano nalaman ni Lu Jinnian kagabi? Wala naman siyang binanggit na

kahit ano at noong mga oras na 'yun, sigurado siyang nasa America pa ito….

Gamit ang kanyang baba, itinuro ni Lu Jinnian ang assistant na nakaupo sa

tapat niya. "Tinawagan niya ako kagabi."

Ah… Ibig sabihin, kalat na pala ang nangyari sa charity gala kagabi.

"Oh." Nahihiyang sagot ni Qiao Anhao.

Hindi nagtagal, biglang itinaas ni Lu Jinnian ang kamay niya para himasin ang

buhok ni Qiao Anhao, na lalo pang nagpapula sa tenga nito, at masaya niyang

sinabi, "Qiao Qiao, salamat."

Biglang napahawak si Qiao Anhao ng mahigpit sakanyang Chopsticks at ilang

sandali rin muna niyang kinalma ang kanyang sarili bago siya magsalita ng

sobrang lambing, "Hindi mo ako kailangang pasalamatan. Sinong nagsabi

sakanya na pwede ka niyang ibully…"

Ha? Nagbibiro ka ba? Paano naman ako binully ni Han Ruchu?

Sa totoo lang, medyo nakababa ng pagkalalaki ang sinabi ni Qiao Anhao, pero

imbes na mainis ay lalo pa siyang sumaya. "Qiao Qiao, anong ibig mong

sabihin?"

Sa sobrang kilig, hindi na namalayan ni Qiao Anhao na mali ang nasabi niya

kaya noong sandaling marinig niya ang tanong ni Lu Jinnian, bigla siyang

namula at kung saan saan tumingin para iwasan ang titig nito bago siya

muling magsalita, na halatang hiyang-hiya, "Ah… wala… ang ibig kong

sabihin, sino siya para ibully ang anak natin…"


Kapitel 713: Ang Lu Qiao Couple (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

Alam naman ni Lu Jinnian na nagpapalusot lang si Qiao Anhao pero imbes na

mainis ay natawa nalang siya at dahan-dahan niyang hinimas ang ang buhok

nito. "Kung pinoprotektahan mo ang ang anak natin, ibig sabihin

pinoprotektahan mo rin ako…"

Sa pagkakataong ito, hindi na nangatwiran si Qiao Anhao at tinignan niya

nalang si Lu Jinnian ng diretso sa mga mata habang nakangiti.

"Kekeke," sadyang ubo ng assistant para paalalahanan ang dalawa na nasa

pampublikong lugar sila.

Pati si Zhao Meng ay nakigatong rin at nagrereklamong sinabi, "Bakit niyo ba

ginagawa yan dito…. Hindi niyo ba naisip nab aka naiilang kaming makita kung

paano kayo maglandian jan?"

Dagdag ng assistant, "Tama! Kampi ako kay Zhao Meng. Siguro hindi niyo alam

ang kasabihan na 'Ang mga mahilig mag'PDA ay madaling mamatay?'…."

Masyadong nadala ang assistant sa pangaasar sa dalawa kaya hindi niya na

nabantayan ang mga lumabas sa bibig niya. Nang makita niyang nakatingin ng

masama sakanya si Lu Jinnian, dali-dali siyang huminto sa pagsasalita at

yumuko na para bang walang nangyari. Wala na siyang balak ituloy ang

karugtong ng sasabihin niya dahil alam niyang kung gagawin niya ito ay tiyak na

may kalalagyan siya kaya uminom nalang siya ng Sake at para makabawi,

nilagyan niya rin ang baso ni Lu Jinnian at patay malisyang sinabi, "Grabe Mr.

Lu! Kakaiba talaga ang Sake nila dito!"

Ilang sandali ring nakatitig si Lu Jinnian sa baso ng Sake na nasa harapan niya

bago niya ito kunin.

At doon lang nakahinga ng maluwag ang assistant.

Pero sandali…nagkakamali pala siya dahil hindi pa pala humuhupa ang inis ni

Lu Jinnian at muli siyang tinignan nito ng masama. "Anong ibig mong sabihin

dun sa sinabi mong 'Ang mga mahilig magPDA ay madaling mamatay?"

Nadala lang siya pero nasa katinuan pa rin naman siya! Alam niyang hindi siya

sasantuhin ni Lu Jinnian kaya dali-dali siyang umiling.

"Mahilig talaga kaming magPDA ni Qiao Qiao, sa tingin mo dapat iwasan na

namin?"

Sa isang maling sagot, alam niyang hulog siya kaya muli siyang umiling at sa

pagkakataong ito ay di hamak na mas malakas.

-

Kagaya ng nakasanayan, si Lu Jinnian ang nagbayad ng bill.

Ilang araw na siyang pagod gawa ng trabaho at byahe kaya ngayon, gusto niya

sanang dumiretso na sila ng uwi ni Qiao Anhao para makapagpahinga pero

noong magyayaya na siya, bigla namang nagsalita si Zhao Meng, "Mr. Lu! Bago

kami kumain, nagwindow shopping muna kami ni Qiao Qiao sa ACR. Alam mo

ba ang dami niyang nagustuhan pero sabi niya balikan nalang daw namin

pagkatapos naming maglunch."

Gulat na gulat na napatingin si Qiao Anhao kay Zhao Meng.

Nagwindow shopping tayo kanina? Diba ang usapan, magiikot tayo pagkatapos

nating kumain? At…. Kailan ko sinabi na marami akong nagustuhan?

Pagkatapos magsalita ni Zhao Meng, hindi na humingi ng kumpirmasyon si Lu

Jinnian. Dali-dali siyang tumayo at kinuha ang kanyang jacket bago siya

tumingin kay Qiao Anhao. "Halika na."

"Ano kasi…" Hindi alam ni Qiao Anhao kung bakit gumawa ng kwento ang

kaibigan niya kaya gusto niya sanang magpaliwanag.

Pero nabasa siya ni Zhao Meng kaya dali-dali itong tumayo at sapilitan siyang

hinala, "Qiao Qiao, anong gusto mong unahin? Handabags o damit? O alahas?

"Ano kasi…"

Kahit na patanong ang pagkakasabi ni Zhao Meng, halatang halata naman na

ayaw niyang pasagutin si Qiao Anhao. "Sabi mo kanina gusto mo yung latest

model ng Chanel Handbag… Ano tara na! Unahin na natin yun sa first floor."

Pagkatapos niyang magsalita, atat na atat naman siyang tumingin kay Lu

Jinnian, "Ano Mr. Lu, tara na?"

Tumungo lang si Lu Jinnian dahil basta para kay Qiao Anhao, laging oo ang

sagot.

Sa totoo lang, ayaw naman na talaga ni Qiao Anhao na magshopping lalo na

ngayon na alam niyang pagod si Lu Jinnian, kaya gusto niya sanang tumutol at

sabihing umuwi nalang sila pero noong saktong magsasalita na siya, biglang

lumapit si Zhao Meng sakanya at bumulong, "Qiao Qiao, ano ba… Kanina pa

may sumusunod na reporter sayo. Ilang beses ka niyang kinunan ng litrato

habang kumakain tayo. Ngayong nandito na si Mr. Lu, siguradong lalo yang

bubuntot sa atin. Diba binabash ka sa internet? Diba minamaliit ka ni Lin Shiyi?

Ngayong sasamahan ka ni Mr. Lu sa pagshoshopping, bilhin mo na lahat ng

magustuhan mo! Sa oras na ilabas ng reporter na yan ang mga pictures niyo,

siguradong pahiya yan si Lin Shiyi!"

"Qiao Qiao, tinutulungan na nga kitang palamigin ang pangalan mo kaya wag

ka ng maginarte jan! Isa pa, totoo namang asawa mo si Mr. Lu kaya bakit

natin hahayaan na ibash ka nalang ng mga tao sa internet."


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C712
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES