App herunterladen
72.97% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 710: Scandal (7)

Kapitel 710: Scandal (7)

Redakteur: LiberReverieGroup

Naiinis na itinikom ng assistant ang kanyang bibig.

Nawawalan rin naman siya ng pasensya no… Ayaw mo talagang marinig Mr.

Lu? Sige, bahala ka! Ayoko na ring sabihin sayo. Sa bagay, ikaw rin naman

ang mamomroblema sa huli at hindi ako.

Kahit na ang tapang tapang niya sa isip niya, hindi pa rin maitatago ng

reaksyon niya na napahiya siya.

Ang ganda ganda ng intensyon niya, pero walang kahit kapiranggot na utang

na loob si Lu Jinnian!

Habang hindi mapakali ang assistant, abala naman si Lu Jinnian sa pagkalikot

ng kanyang WeChat. Hinanap niya ang post ni Zhao Meng sa friends' circle at

nilike ang pinaka bago nitong post!

Mmm… sa wakas, napanatag na siya…

-

Matatapang ang mga babae pero bigla silang tumitiklop kapag ang lalaking

mahal na nila ang pinaguusapan.

Kagaya nga ng sinabi ni Zhao Meng, 'ang mga babae, mahilig talaga yang

magpalambing sa mga lalaki, samantalang ang mga lalaki naman ay gustong-

gusto kapag nagpapasuyo ang mga babae'.

Pito o walong beses ng binabaan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian. Hindi niya

naman itinatanggi na pinagbuhusan niya ito ng galit, pero ngayong kalmado

na siya, gusto niya sanang sagutin na ang sunod nitong tawag.

Pero… hindi niya naman alam na hindi pala ulit tatawag si Lu Jinnian…

Habang patagal ng patagal siyang naghihintay, lalo lang siyang naiirita dahil

kahit paulit-ulit niya pang sabihin sa sarili niya na tama lang na binabaan niya

si Lu Jinnian ay binabagabag pa rin siya ng kanyang konsensya. Grabe ba

talaga yung ginawa niya? Masyado niya bang pinersonal si Lu Jinnian?

Mula middle high, madalas ng magkasama sina Zhao Meng at Qiao Anhao

kaya kabisado na niya ang bawat kilos nito. Habang kumakain ng scallops,

tinitigan niya ito na para bang gustong ipahiwatig ng itsura niya na 'buti nga

sayo', at nagsalita, "Karma niya yan. Diba nasaktan ka noong bigla ka niyang

binabaan? Sigurado nasaktan din yan dahil….

Habang nasa kalagitnaan ng pagsasalita, biglang natigilan si Zhao Meng at

napatulala.

Kumunot ang noo ni Qiao Anhao at nagtatakang nagtanong, "Bakit?"

Pero parang walang narinig si Zhao Meng kaya naguguluhan niyang sinundan

ang direksyon ng tinitignan nito.

Nakatitig si Zhao Meng sa pintuan pero na wala namang kahit anong

katitigtitig…

Malinaw na hindi ito gagawin ng normal na tao, tama? Pero noong titignan

niya na sana ulit si Zhao Meng para sabihing, "Baliw ka na ba?" sakto namang

nakita niya si Lu Jinnian, na naka kulay blue na suit, na naglalakad papasok

sa Japanese Restaurant.

Sasabihan niya palang na baliw si Zhao Meng, pero bakit parang siya ang

nababaliw?

Diba nasa America si Lu Jinnian? Malinaw na sinabi nito kagabi na may

importante itong meeting ng alas tres at may kailangan itong pirmahang

kontrata ngayong araw…Kaya paano nangyari na nandito ito ngayon?

Inisip niya nab aka namamalik-mata lang siya kaya paulit-ulit siyang kumurap

para magising sa katotohanan.

Habang nagtatanong si Lu Jinnian sa isang waiter, sakto namang nakita ng

kanyang assistant sina Qiao Anhao at Zhao Meng. Dali-dali nitong itinuro ang

dalawa, pero imbes na magpasalamat ay tinignan niya lang ito ng masama, na

para bang naiinis na naunahan siya nitong makita si Qiao Anhao, kaya sa

sobrang takot, bigla itong natahimik at napaatras.

Ano bang nangyayari? Tama ba ang nakikita ko? Dali-daling kinusot ni Qiao

Anhao ang kanyang mga mata. Si Lu Jinnian nga… Umuwi na siya galing

America?

Ibig sabihin pauwi na siya noong binabaan niya ako kagabi?

Hindi maipaliwanag ni Qiao Anhao ang nararamdaman niya at noong oras na

'yun, parang biglang nawala ang lahat ng lungkot na dinadaing niya mula

noong bigla siyang babaan nito hanggang sa magising siyang walang tawag o

kahit text manlang galing dito, sa mga masasakit na pambabash na natanggap

niya sa internet, at sa lahat ng mga paninira ni Lin Shiyi… Dahil ngayong nasa

harapan niya na ang pinakamamahal niyang Lu Jinnian, balewala na ang lahat

ng nangyari dahil nangingibabaw na sa puso niya ang magkahalong saya at

kilig.

Sa totoo lang, hindi naman talaga si Lu Jinnian ang tinitignan ni Zhao Meng…

May nakita kasi siyang isang nakasumbrerong lalaki na kanina niya pa

napapansing kinukuhaan ng patago si Qiao Anhao.

Noong una, binalewala niya lang ito dahil akala niya nagkataon lang.


Kapitel 711: Scandal (8)

Redakteur: LiberReverieGroup

Halos limang minuto niyang pinakiramdaman ang paparazzi at nang

magkaroon siya ng pagkakataon, sinadya niya itong titigan para masindak.

Pero dahil sanay ito sa ganitong kalakaran, mabilis itong nakapagtago kaya

paglingon ni Qiao Anhao, nagmukha siyang nakatulala sa kawalan.

Kaninang umaga, pumutok ang balita ni Qiao Anhao kaya kung makukunan

ang kaibigan niya ng hindi magandang litrato, tyak na gagawa nanaman ito ng

panibagong tsismis.

Hindi pwede! Siguradong ikakasira nanaman ito ni Qiao Qiao at bilang

kaibigan, ayaw niya itong mangyari kaya dali-dali niya itong tinignan para

balaan ito, pero noong magsasalita na siya, bigla naman itong tumayo na para

bang may nakita itong multo.

"Qiao Anhao, nasisiraan ka na ba ng…." Habang nasa kalagitnaan si Zhao

Meng ng pagsasalita, biglang sumulpot si Lu Jinnian…. Huminto siya sa

harapan ni Qiao Anhao, na para bang wala siyang pakielam sa mga

nakapaligid sakanila na lantarang kumukuha ng picture. Sa totoo lang, walang

siyang pinangangambahang kahit ano dahil para sakanya, si Qiao Anhao lang

ang mahalaga. "Qiao Qiao."

Hindi maitatago ng mga mata ni Lu Jinnian ang naguumapaw niyang

pananabik, na kahit sinong makakita ay mararamdaman na kung wala lang sila

sa pampublikong lugar ay yayakapin niya talaga si Qiao Anhao ng sobrang

hipit.

"Mr. Lu?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zhao Meng. Gusto niya sanang

itanong kung anong nangyayari pero noong napansin niyang nakatingin ang

lahat sa dalawa, dali-dali niyang itinikom ang kanyang bibig at nagtatakang

tumingin sa assistant.

Nabasa ng assistant kung anong iniisip ni Zhao Meng kaya bilang sagot,

nagkibit balikat siya na para bang gusto niyang sabihin na "Hindi ko rin alam."

Noong mga oras na 'yun, parang biglang tumigil ang mundo nina Qiao Anhao

at Lu Jinnian… Pero hindi naman pwedeng magtitigan nalang sila, tama?

Pagakalipas ng isang minuto, nagmamadaling tumayo si Zhao Meng para

sensyasan ang assistant na umupo at paalalahanan ang kaibigan niyang

nakatulala. "Qiao Qiao, diba kakauwi lang ni Mr. Lu galing America?

Siguradong hindi pa siya kumakain.

Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao at noong narealize niya na ang tagal

niya na palang natulala kay Lu Jinnian, bigla siyang namula at nahihiyang

gumilid para paupuin ito.

Kanina pa walang ganang kumain si Qiao Anhao, kaya hanggang sa mga oras

na 'to, halos wala pang bawas ang mga inorder nila, pero hindi naman

hahayaan ni Zhao Meng na pakainin ng tira-tira si Lu Jinnian kaya tinawag

niya ang waiter para humingi ng dalawang menu at dalawang bagong ng pares

ng chopsticks.

Kakatapos lang mananghalian ng assistant, kaya Sake nalang ang inorder nito

samantalang si Lu Jinnian naman ay nagdagdag lang ng konting sushi.

Pagkaalis ng waiter, biglang humirit si Zhao Meng, "Mr. Lu, malungkot lang si

Qiao Qiao dahil…."

Kabisado ni Qiao Anhao ang takbo ng isip ni Zhao Meng kaya alam niyang

magsusumbong ito kay Lu Jinnian na pinaparinggan siya ni Lin Shiyi sa

internet. Totoong malungkot siya pero wala naman siyang balak na idamay

ang asawa niya sa mga pinagdadaanan niya kaya dali-dali niyang sinipa ang

binti ni Zhao Meng sa ilalim ng lamesa at tinignan ito para tumigil.

Agad din namang itinikom ni Zhao Meng ang kanyang bibig at huminto sa

pagsasalita.

Pero huli na ang lahat dahil narinig na ni Lu Jinnian ang key word…

Maungkot?

Biglang kumunot ang kanyang noo at nagaalalang tumingin kay Qiao Anhao.

"Anong nangyari?"

Kung ngayon ang paguusapan, hindi na siya malungkot dahil napawi na ni Lu

Jinnian ang lahat ng bigat na nararamdaman niya lalo na alam niyang umuwi

ito sa kalagitnaan ng mahalagang trabaho para lang puntahan siya.

Mahigit fifty hours palang silang magkalayo, at mula noong lumapag si Lu

Jinnian sa America, dumiretso kaagad ito sa trabaho. Alam niyang hindi biro

ang pagod Lu Jinnian kaya ayaw niya namang bigyan ito ng dagdag na

problema dahil lang nagpapaapekto siya sa mga inosenteng tao sa internet at

sa mga walang kakwenta-kwentang pagpaparinig ni Lin Shiyi.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C710
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES