Habang nasa eroplano, walang ibang inisip si Lu Jinnian bukod sa gagawin
niya kay Qiao Anhao sa oras na makauwi siya sa China. Kung gising na ito,
balak niya sanang sikreto itong lapitan at yakapin galing sa likod. Pero kung
maabutan niya itong tulog, gusto niyang tatadtarin ito ng halik hanggang sa
magising ito, at mmm…. alam mo na, yung ginagawa ng mga magasawa.
Bago siya dumiretso sa Mian Xiu Garden, dumaan muna siya sa isang flower
shop para bumili ng isang bouquet ng fresh flowers na ibinilin niyang
ipadeliver nalang sa bahay nila.
Kinalkula ni Lu Jinnian ng mabuti ang oras para masiguro niyang makakauwi
siya sa lalong madaling panahon. Mula airport hanggang Mian Xiu Garden,
tinatsa niya na kalahating oras lang siyang magmamaneho, pero dahil dumaan
siya sa flowershop, nadagdagan ito ng sampung minuto.
Pagkarating niya sa Mian Xiu Garden, hindi siya kaagad pumasok sa loob at
sinulit muna ang pagkakataon na pagmasdan ang napakaganda nilang villa,
na lalo pang nangingibabaw tuwing nasisikatan ng araw. Dahan-dahan siyang
tumingin sa bintana ng master's bedroom na nasa second floor at kahit siya ay
hindi niya maipaliwanag kung bakit sobrang saya at panatag niya lalo na
noong nakita niya ang halamang ipinwesto niya sa pasamano ng bintana.
Atat na atat na siyang makita si Qiao Anhao kaya nagmamadali siyang
naglakad papasok. Mabilisan siyang nagpalit ng sapatos at ibinalagbag ang
kanyang maleta sa first floor bago siya kumaripas ng takbo paakyat.
Pagkarating niya sa tapat ng pintuan ng master's bedroom, ipinikit niya muna
ang kanyang mga mata para kalmahin ang naguumapaw niyang pananabik at
noong naramdaman niya mas kontrolado niya na ang kanyang sarili, dahan-
dahan siyang naglakad papasok sa loob na parang isang magnanakaw.
Napakatahimik ng buong paligid at bukod sa sipol ng hangin na nanggaling sa
labas, wala na siyang ibang naririnig. Ang buong akala niya ay natutulog pa si
Qiao Anhao, na parang isang biik, kaya sinadya niya na lalo pang bagalan ang
paglalakad, pero pagkadaan niya sa changing room, laking gulat niya sa
tumambad sakanya.
Ang kanyang suit, shirt, necktie, kasama ang dress, jacket, sombrero at
eyeglasses ni Qiao Anhao ay nagkalat sa sahig.
Wala siyang kahit anong ideya sa nangyari at hindi pa man din siya
nahihimasmasan ay muli nanaman siyang nagulantang nang makita niyang di
hamak na mas malala ang nangyari sa mismong tulugan nila, na para bang
sinalanta sila ng isang napakalakas na delubyo.
Medyo nahilo siya sa kalat na sumalubong sakanya kaya minasahe niya ang
parte ng kanyang ulo na sumakit. Sa totoo lang, hindi siya komportable na
makakita ng ganito kagulo dahil siya yung tipo ng tao na napaka sinop sa
katawan at sa gamit, pero gayumpaman, wala siyang balak na sirain ang
plano niyang sorpresahin si Qiao Anhao kaya imbes na magalit ay hinayaan
niya nalang ito at naisip niya na magpapatawag nalang siya ng taong
maglilinis mamayaa kaya hindi nagtagal, muli siyang maglakad ng
nakatingkayad papunta sa kama, pero pagkatapos ng pangalawa niyang
hakbang, muli nanaman siyang natigilan dahil napansin niyang nakahawi na
ang kumot at tanging nakabukas na sitsirya nalang ang laman ng kama.
Nasaan si Qiao Anhao?
Dali-daling hinalughog ni Lu Jinnian ang buong kwarto para hanapin si Qiao
Anhao at noong hindi niya talaga ito makita, sinubukan niyang pumunta sa
study room at laking gulat niya noong nakita niyang kasing gulo rin ito ng
kwarto nila. Lahat ng mga dokumento niya ay nagkalat sa sahig, may mga
nakatambak na hindi pa nabubuksang kaha ng sigarilyo sa basurahan at higit
sa lahat, ang iniwan niyang nakalock na kabinet ay nakabukas na ngayon
kaya ang recording pen, phone, at iba pang mga dokumentong itinago niya rito
ay nagkalat din sa paligid.
Wala si Qiao Anhao sa bahay at napaka gulo rin ng bahay nila… hindi kaya
nalooban sila?
Medyo kinabahan si Lu Jinnian noong una pero agad din siyang kumalma
noong nasiguro niya na wala namang nawalang mahalagang gamit.
Dalawang araw at dalawang gabi lang siyang nawala, pero ano ba talagang
ginawa ni Qiao Anhao? Bakit bigla nalang nagkaganito ang bahay?
Dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone para tawagan ito.
Simula noong naging maayos sila, ito ang unang pagkakataon na hindi siya
sinagot ni Qiao Anhao kaagad kaya bahagyang kumunot ang kanyang noo sa
pagtataka. Pinakinggan niya lang ang pagriring ng kabilang linya pero imbes
na sagutin ay bigla siyang binabaan nito.
Lalo pang kumunot ang kanyang noo at dahil hindi niya maintindihan kung
anong nangyayari, paulit-ulit niya itong sinubukang tawagan pero lahat ng
'yun, ay binababa lang nito… At sa pinaka huli niyang tawag… hindi pa man
din nagriring ang linya ni Qiao Anhao ay binabaan nanaman siya nito.
Ano bang nangyayari sa babaeng 'to? Bakit ayaw niyang sumagot ng phone?
Naiiritang tinanggal ni Lu Jinnian ang kanyang necktie at naiinis na sinipa ang
mga nakaharang na dokumento. Sa sobrang pagka'desperado, biglang
pumasok sa isip niya na tawagan ang kanyang assistant.
Naiiritang tinanggal ni Lu Jinnian ang kanyang necktie at naiinis na sinipa ang
mga nakaharang na dokumento. Sa sobrang pagka'desperado, biglang
pumasok sa isip niya na tawagan ang kanyang assistant.
"Mr. Lu?" Mabilis na sagot ng assistant sa kabilang linya.
Samantalang si Lu Jinnian naman ay parang isang automatic na robot na atat
na atat na nagtanong, "Alam mo ba kung nasaan si Qiao Qiao?"
Pagkatapos na pagkatapos niyang magtanong, bigla siyang nahimasmasan at
naalala, paano nga naman malalaman ng assistant niya kung nasaan si Qiao
Anhao?
Tama! Ano bang pumasok sa isip niya para tawagan ang assistant niya ang at
hindi si Zhao Meng? Pero noong puputulin niya na sana ang linya, hindi niya
inaasahan na sasagot ito, "Si Miss Qiao? Kumakain sila ni Zhao Meng ng
Japanese food sa ACR."
Ha? Hindi ba parang may mali na alam ng assistant niya kung nasaan at kung
anong ginagawa ng asawa niya? Biglang naging seryoso ang itsura ni Lu
Jinnian at nagtanong, "Paano mo nalaman kung nasaan si Qiao Qiao?"
Kabisadong kabisado ng assistant ang timpla ni Lu Jinnian kaya noong
sandaling magsalita ito, alam niyang nagseselos ito kaya nagmamamadali
siyang nagpaliwanag, "Mr. Lu, nakita ko kasi yung post ni Zhao Meng, ten
minutes ago. Nilike ko pa nga 'yun eh."
Pero mukhang hindi sapat ang mga sinabi niya para humupa ang inis nito…
Teka, may importante nga pala siyang dapat sabihin kay Mr. Lu! Kaibigan niya
rin si Qiao Anhao at ngayong pinaguusapan ito sa internet alam niyang si Lu
Jinnian lang ang pwedeng makatulong dito kaya nababagabag siyang
nagpatuloy, "Mr. Lu…"
Sa totoo lang, medyo nalungkot si Lu Jinnian dahil pakiramdam niya ay mas
updated pa ang kanyang assistant sa nangyayari kay Qiao Anhao kaysa
sakanya. Oo nga pala… Simula noong naghiwalay sila noong Chinese
Valentine's day, hindi na siya ulit nakapagbukas ng WeChat….Bukod sa
naiinis siya, wala na rin naman talaga siyang gustong sabihin sa assistant
kaya plano niya talaga itong babaan pero noong pipindutin niya na ang 'end',
bigla niyang napansin ang phone nakalapag sa isang nakabukas na drawer.
Bigla siyang natigilan at sumabat sa assistant, "Oh tama. Pumunta ka sa
pinaka malapit na branch ng China Mobile at ikuha mo ako ng SIM gamit ang
dati kong number, at dalhin mo sa ACR."
"Sige, Mr. Lu," sagot ng assistant. Desidido siyang ipaalam kay Lu Jinnian
ang tunay na nangyayari sa asawa nito kaya muli siyang nagpatuloy, "Mr. Lu,
si Miss Qiao kasi…."
"Doot-doot-doot…" At tuluyan ng pinutol ni Lu Jinnian ang tawag.
-
Sa sobrang pagmamadali ni Lu Jinnian, hindi na siya nag'abalang magpalit ng
damit at walang pagdadalawang isip siyang dumiretso sa kanyang sasakyan.
Noong magmamaniobra na sana siya, sakto namang dumating ang inorder
niyang mga bulaklak.
Pagkababa niya ng bintana niya, binigyan siya ng delivery boy ng isang card.
"Sir, pakipirmahan po."
Anong pipirmahan….wala dito yung taong dapat pumirma….at ginawa pa
nitong parang basurahan ang buong bahay….
Gusto sanang pagbuntungan ng galit ni Lu Jinnian ang delivery boy, pero
bandang huli, kinuha niya pa rin ang ballpen at pumirma. Pagkatanggap niya
ng mga bulaklak, hinagis niya lang ito sa back seat.
-
Noong oras na makarating siya sa ACR, naghihintay na ang kanyang assistant
sa entrance ng department store kaya nang makita siya nito, dali-dali itong
lumapit sakanya para ibigay ang SIM card.
Habang kumakaripas ng lakad papasok sa ACR, sinalpak niya ang SIM card
sakanyang phone at in'on ito.
Dumiretso siya sa mapa, na nasa first floor, para hanapin ang Japanese
Restaurant na sinabi ng kanyang assistant at nang makita niya na ito,
nagmamadali siyang pumunta sa escalator.
Habang nakabuntot kay Lu Jinnian, atat na atat na nagsalita ang
assistant,"Mr. Lu, mau kailangan akong ireport sayo, tungkol kasi 'to kay…."
"Kung ano man yan, mamaya nalang natin pagusapan." Sa mga oras na 'to,
walang plano si Lu Jinnian na pagusapan ang trabaho dahil ang gusto niya
lang mangyari ay makita si Qiao Anhao at malaman kung bakit siya
binababaan nito.
"Mr. Lu, ang gusto ko kasi sanang sabihin sayo ay…" Sa loob-loob ng
assistant, gusto na sana niyang sumigaw. Pwede bang patapusin mo muna
ang sasabihin ko? Gusto ko lang namang ibalita ang nangyayari sa asawa mo!
"Uulitin ko pa ba ang sinabi ko?" Namimilosopong tanong ni Lu Jinnian
habang abala siyang nagtatype ng kanyang password sa WeChat.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES