App herunterladen
72.35% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 704: Scandal (1)

Kapitel 704: Scandal (1)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang importante niyang meeting ng alas tres ay hindi na importante ngayon.

Wala ng importante para sakanya dahil ang gusto niya lang mangyari sa lalong

madaling panahon ay makauwi siya… para makita si Qiao Anhao, na sikretong

gumawa ng paraan para ipaglaban siya.

-

Sobrang nalungkot si Qiao Anhao sa magkasunod na pagputol ni Lu Jinnian ng

linya lalo na noong pangalawa dahil akala niya 'yun na ang pagkakataon

niyang makapagconfess dito na matagal niya na rin itong mahal. Pero bandang

huli pala, nawalan na si Lu Jinnian ng interes na makipagusap sakanya kaya

bigla nalang siyang binabaan nito.

Kaya ngayon na nabitin sa lalamunan niya ang mga gusto niya sanang sabihin,

paano nga naman siya sasaya…

Akala niya pa naman marerealize ni Lu Jinnian ang pagkakamali nito at

tatawag ulit sakanya, pero mukhang wala na talaga itong balak. Aminado

naman siya na naiinis at nalulungkot siya dahil hindi niya inaasahan na

gagawin ito sakanya ng asawa niya pagkatapos niya itong inintindihin noong

wala siyang natanggap na kahit anong text galing dito mula alas dose ng

tanghali hanggang alas tres ng umaga….

Habang patagal ng patagal, lalo lang siyang nalulungkot …

Hanggang sa hindi niya na natiis at siya na mismo ang tumawag dito. Ha?

Bakit naka'off ang phone ni Lu Jinnian?

Nasa meeting na ba siya?

Pagod na pagod na humiga si Qiao Anhao sa kama. Noong una, balak niya

sanang hintayin si Lu Jinnian, pero bandang huli, hindi niya namalayan na

nakatulog na siya sa sobrang antok.

Madaling araw na siya nakatulog kaya tanghali na rin siya nagising

kinabukasan. Pagkamulat na pagkamulat niya, kinuha niya kaagad ang

kanyang phone para silipin kung nagparamdam na ba si Lu Jinnian, pero bukod

sa text message ng 10086 at ilang advertisement galing sa ilan niyang mga

application, wala ng iba!

Binilang niya ang time difference ng China at America: Alas diyes palang ng

gabi kung nasaan si Lu Jinnian at base sa pagkakakilala niya rito, siguradong

gising pa ito kaya sinubukan niya ulit itong tawagan pero…. nakapatay pa rin

ang phone nito.

Sa pagkakataong ito, tuluyan ng nadurog ang puso ni Qiao Anhao at sa

sobrang lungkot kahit hanggang pag'ihi at pag'toothbrush ay nagbubuntong

hininga pa rin siya.

Pagkalabas niya ng CR, biglang nag'ring ang kanyang phone. Nangako siya sa

sarili niya na hindi niya papansinin ang anumang galing kay Lu Jinnian, pero

noong narinig niya ito, parang bigla siyang nakalimot at nagmamadaling

tumakbo papunta sakanyang phone. Si Zhao Meng lang pala… may sinend ito

sa Weibo.

Isang link… Pagkapindot niya nito, hindi niya inaasahan na bubulagain siya ng

balitang usap-usapan na pala siya sa social media. Sa sobrang daming views,

umabot na ito sa top searched: [Qiao Anhao, Desperada sa lalaki]

Dali-dali niyang pinindot ang topic at laking gulat niya dahil hindi lang isa,

kundi dalawang chismis pala ang kumakalat sakanya sa Weibo.

Ang unang post ay nagsasabing, "Hinarass di umano ni Qiao Anhao si Mr. Lu

at noong hindi niya nakuha ang gusto niya, umiyak siya ng malakas sa airport,

na para bang wala na siyang pakielam sa kahihiyan niya."

Mayroon pang video na naka'attach.

Pagka'pindot niya ng play, nakita niya ang sarili niya na umiiyak sa airport

habang yakap-yakap niya si Lu Jinnian galing sa likod.

Malinaw sa video clip na hinaharangan siya ni Lu Jinnian, pero dahil

masyadong maparaan ang mga tao, nakunan pa rin ng mga ito ang luhaan

niyang mukha kaya kahit saang anggulo tignan, mukha talaga siyang

nagpapaawa kay Lu Jinnian.

Noong baguhan palang si Qiao Anhao, wala masyadong pakielam ang mga tao

sakanya pero kasabay ng mga sunod-sunod niyang major dramas, bumulusok

din ang bilang ng mga taong sumuporta sakanya. Pagkatapos mairelease ng

'Alluring Times', lalo pa siyang gumaling sa pag'arte kaya nabigyan siya ng

oportunidad na lalo pang sumikat. Pero ang pinaka nagpatunog ng pangalan

niya ay noong nanalo sila ni Lu Jinnian bilang best screen couple nitong

nakaraang taon.

Alas sinco ng umaga noong inupload ang video, ibig sabihin, limang oras

palang itong namamayagpag sa internet, pero umabot na ito ng ilang milyong

views at mahigit na sa anim na digits ang shares at comments nito.

Ang sumunod naman na topic ay nagsasabing, "Pinagkakalat ni Qiao Anhao na

asawa niya si Lu Jinnian, pero bakit wala siyang suot na wedding ring?"


Kapitel 705: Scandal (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang sumunod naman na topic ay nagsasabing, "Pinagkakalat ni Qiao Anhao na

asawa niya si Lu Jinnian, pero bakit wala siyang suot na wedding ring?"

Kagaya noong una, may naka'attach din na video clip dito. Sa pagkakataong

ito naman, nakunan siya ng video noong tinawag siya ng dalaga sa makeup

room para magtanong kung talaga bang boyfriend niya si Lu Jinnian. Sumagot

siya ng 'hindi, dahil nanindigan siyang asawa niya ito.

Sa ilalim ng topic na [Qiao Anhao, Desperada sa lalaki], umabot na sa milyun-

milyon ang mga nagcomment at dahil ito ang pinaka mainit na balitang

kumakalat ngayon sa Weibo, siguradong dadami pa ito sa paglipas ng mga

oras.

Pinadaanan ni Qiao Anhao ng tingin ang mga comments at base sa nakita,

iilan lang ang mga fans na nagtatanggol sa kanya.

Masyadong matatapang ang mga fans ni Lu Jinnian kaya ngayong nakita ng

mga ito na niyakap, iniyakan at inangkin niyang asawa ang idol ng mga ito,

maraming nagalit sakanya. Siyempre hindi rin mawawala yung mga hater na

sobrang sakit magsalita.

Maraming tumawag sakanya na walang hiya at desperada, at mayroon ding iba

na pinaganda pa ang pagkakaayos ng mga salita kagaya ng 'chicken soup for

the soul, o ang comment na 'hindi dapat hinahayaan ng isang babae na

mawalan siya ng dignidad at integridad, dahil kung mangyayari ito, siguradong

mamaliitin siya ng lahat', pero alam niya naman na iisa lang ang din ang gusto

patunguhan ng mga ito– na sobrang baba niyang klase ng babae dahil

hinarass niya si Lu Jinnian.

Hindi naman maalis kay Qiao Anhao na maging apektado siya sa mga ganitong

klaseng headline, at syempre bilang artista, medyo nalulungkot siya dahil

maraming tao ang galit na galit sakanya. Alam niyang kahit anong mangyari,

hindi aamin ang puno't dulo ng lahat ng ito pero kung sino man siya,

siguradong malalim ang galit nito sakanya.

Kahit pa sabihin niyang walang katotohanan ang mga nababasa niya, masakit

pa rin ito lalo kapag sinusumpa siya ng mga tao kaya para makapaglibang

kahit papano, niyaya niya si Zhao Meng na mananghalian sa ACR.

Ang ACR ay isang first class na department store sa Beijing na may mga

restaurants sa loob.

Lahat ng mga tinitinda rito ay napaka mahal at kahit ang sinasabing pinaka

murang item ay aabot pa rin sa limang digits.

Kasama sa plano ni Qiao Anhao na mag'shopping pagkatapos nilang

mananghalian ni Zhao Meng sa isang Japanese restaurant. Pero hindi pa man

din dumating ang mga inorder nila, nawalan na siya ng gana kumain dahil sa

mga sinend nitong screenshots sakanya.

Sinend ang mga ito ng kaibigan ni Zhao Meng na isa ring artista pero hindi

naman ganun kasikat.

Galing ito sa isang Wechat group…

Iilan lang ang member ng nasabing group chat at lahat ng mga ito ay nasa

entertainment industry.

May isang nagtanong kung totoo ba ang mga balitang hinarass niya si Lu

Jinnian at kung talaga bang magasawa sila sa totoong buhay.

May ilan ding sumagot pero ang mga pilosopo at pabalang na sagot ni Lin

Shiyi ang pinaka umagaw ng atensyon niya. [Ano ba sa tingin mo? Kung

talagang pinakasalan siya ni Mr. Lu, bakit wala siyang singsing?]

[Isa pa… kung talagang mahal ng isang lalaki ang isang babae, bakit niya

naman ito itataboy sa airport sa harap pa ng maraming tao habang umiiyak at

niyayakap siya nito?]

[Base sa opinyon ko, mukhang naharass talaga ni Qiao Anhao ng sobra si Mr.

Lu kasi kung titignang maigi, parang napilitan nalang siyang sumama eh. At

kung magasawa talaga sila, bakit hindi siya sinasama ni Mr. Lu sa mga dinner

parties nito?]

Kahit na hindi mahilig makisalamuha si Lu Jinnian sa iba, marami pa ring mga

kababaihan na nangangarap na makahanap ng kasing gwapo at yaman nito,

kaya noong nagbitaw si Lin Shiyi ng mga salita laban kay Qiao Anhao,

maraming sumangayon dito.

Hindi pa nakuntento si Lin Shiyi sa mga nauna niyang sinabi dahil marami pa

itong kasunod na pasaring na di hamak na mas mabigat basahin, [Natural lang

naman sa mga lalaki na patulan ang mga babaeng kusa ng naglalatag ng mga

sarili nila. Siguro ang buong akala ni Qiao Anhao, kaya niya talagang bilugin

ang utak ng mga tao na mag-asawa sila ni Mr. Lu pero gumising siya sa

kahibangan niya dahil mukhang hindi naman siya gusto ni Mr. Lu!]


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C704
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES