Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao kaya dali-dali siyang umiling. Habang
nakatingin sa camera, malambing siyang ngumiti at sinabi, "Wala."
Hanggat maari, ayaw niya na sanang ikwento kay Lu Jinnian ang mga ginawa
niya kaya bigla niyang binago ang topic, "Tapos ka na sa trabaho mo?"
"Err…Pagkatapos ng twelve hours ko na meeting, kakabalik ko lang sa hotel.
May isa pa akong meeting mamayang 3 pm." Detalyadong sinabi ni Lu Jinnian
ang kanyang schedule sa tanong ni Qiao Anhao na 'oo' o 'hindi' lang ang sagot.
Ang tagal ng nagtatarabaho ni Lu Jinnian at wala na itong oras para
makapagpahnga dahil may meeting nanaman ito ng 3 pm…"Oh…" Sobrang
nagaalala si Qiao Anhao para sakanyang asawa. "Bakit hindi ka
nagpapahinga?"
"Mamaya na," malambing na sagot ni Lu Jinnian. Sinilip nito ang paligid ni Qiao
Anhao at mahinahong nagtanong, "Malungkot ka ba? Bakit magisa ka lang sa
labas?"
"Hindi." Umiling si Qiao Anhao at bahagya niyang iniangat ang kanyang phone
para ipakita ang suot niyang evening gown kay Lu Jinnian. "Umattend ako ng
ball."
Nakasuot si Qiao Anhao ng evening gown na medyo mababa sa bandang dibdib
at coat na nakapatong sakanyang mga balikat kaya nang itaas niya ang
kanyang phone, nakita ni Lu Jinnian ang halos kalahati ng kanyang dibdib.
Dali-daling umiwas ng tingin si Lu Jinnian at naiilang na sinabi, "Pumasok ka sa
loob ng sasakyan mo. Magkakasakit ka niyan."
"Maya-maya…"
Nang muling tumingin si Lu Jinnian sa screen, nakatutok pa rin ang camera sa
dibdib ni Qiao Anhao. Napalunok nalang siya at pilit na pilit na sinabi,
"Sumunod ka na."
Bakit pinagsasabihan siya ni Lu Jinnian na parang isang bata…. Hindi na siya
bata…
Ngumuso si Qiao Anhao na para bang naiinis pero sa loob loob niya, sobrang
kinilig siya. Kahit na gusto niya pa sanang makausap si Lu Jinnian ng mas
matagal, hindi niya rin maintindihan kung bakit biglang nagkusa ang katawan
niya na tumayo at maglakad papunta sakanyang sasakyan.
Hindi naman naputol ang tawag pero imbes na video call ay ginawa muna ni Lu
Jinnian na voice call. Alam niya naman na ligtas sa Beijing pero natatakot pa
rin siya na baka maaksidente si Qiao Anhao kapag nagvideo call sila habang
nagmamaneho ito.
Ayaw niyang madistaract ito, kaya hindi rin siya masyadong nagsasalita habang
nasa byahe ito.
Walang ibang marinig si Lu Jinnian kundi ang galaw sa loob ng sasakyan,
samantalang si Qiao Anhao naman, na nakasuot ng earphones, ay rinig na rinig
ang tunog TV mula sa kabilang linya. Kahit na hindi ito nagsasalita, ramdam ni
Qiao Anhao na kasama niya pa rin si Lu Jinnian kaya sobrang panatag niya
habang nagmamaneho.
Pagkatapos niyang mag'maniobra sa loob ng Mian Xiu Garden, dali-dali niyang
tinanggal ang kanyang earphones at pinatay ang voice call para makapag'video
call sila ulit. Pagkasagot ni Lu Jinnian ng tawag, sinalubong niya ito ng
malambing na boses, "Nakauwi na ako."
"Oo nga," Sagot ni Lu Jinnian. Ngayon na naguusap na sila ulit, medyo
nakakagulo ang tunog ng TV kaya dali-dali niya itong mi'nute. "May gatas sa
ref. Wag mong kakalimutang initin muna yan para makatulog ka ng mahimbing."
Kapag nasa bahay si Lu Jinnian, siya ang laging nagiinit ng gatas para kay
Qiao Anhao. Masaya siya sa tuwing ginagawa ito kaya kahit ngayon na nasa
ibang bansa na siya ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang kanyang mga
responsibilidad.
"Hmm.." Nagpalit muna si Qiao Anhao ng tsinelas bago siya maglakad papunta
sa kusina. Habang hinihintay niyang uminit ang gatas, muli siyang sumilip sa
screen, kung saan nakita niya si Lu Jinnian na nanunuod ng ng financial news
sa naka'mute na TV. "Hindi ka pa ba pagod?"
Tumingin sakanya si Lu Jinnian at malambing na sinabi, "Maya-maya, hindi pa
ako inaantok."
Kinuha ni Qiao Anhao ang mainit na gatas at gamit ang isang straw, humigop
siya sandali at pabirong sinabi, "Nagkakainsomia ka nab a sa sobrang
pagkamiss mo sa akin?"
Hindi niya inaasahan ang lalabas sa bibig niya kaya bigla siyang nahiya
pagkatapos niyang magtanong….
Dali-dali siyang yumuko dahil hindi niya kayang tignan si Lu Jinnian sa screen.
Maya-maya, pasimple siyang sumilip at nakita niya na nakatitig sakanya ang
napakagwapong lalaki na nasa kanyang screen.
Biglang bumilis ang tibok ng puso at namula ng sobra ang mukha ni Qiao
Anhao sa sobrang kahihiyan kaya muli siyang yumuko at hindi mapakaling
humigop ng kanyang gatas, pero bago niya ito malunok, bigla itong sumagot,
"Oo."
Hindi niya maintindihan kung anong ibig sabihin ni Lu Jinnian. "Uh?"
Tinitigan ni Lu Jinnian ang hindi mapakaling si Qiao Anhao at ngumiti. Bago
siya sumagot, sumandal muna siya sa unan na nasa likuran niya. "Sabi ko oo,
namimiss kita."
Sa loob ng ilang araw nila bilang magasawa, hindi niya pa nasasabihan si Qiao
Anhao ng kahit anong sweet na salita.
Ito ang unang pagkakataon.
Parang biglang huminto ang tibok ng puso ni Qiao Anhao at sa sobrang kilig,
napakagat nalang siya sakanyang straw. Ilang sandali rin siyang hindi
nakapagsalita bago siya sumagot ng isang simpleng 'Oh'.
Samantalang si Lu Jinnian naman ay nakatitig lang sakanya.
Sobrang nahihiya talaga si Qiao Anhao kay Lu Jinnian kaya nakayuko lang at
hindi makatingin dito. Pagkalunok niya ng gatas na nasa kanyang bibig, dahan-
daha niyang binitawan ang straw at nahihiyang sinabi, "Miss na rin kita."
Pagkatapos niyang magsalita, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Sa loob ng maraming taon niyang minamahak si Lu Jinnian, kahit pa noong
araw na gumawa siya ng eksena sa America, hindi niya pa nito nagagawang
kausapin ng ganito kaseryoso.
Ito ang unang pagkakataon.
Noong sandaling 'yun, parang tumigil ang lahat ng nakapaligid sakanila.
Bandang huli, hindi na kinaya ni Lu Jinnian kaya siya na mismo ang nagisip ng
bagong nilang mapaguusapan. Itinaas niya ang kanyang daliri at ikinaway sa
camera. "Tignan mo, nagpasa."
Tinignan ni Qiao Anhao ang daliri na ikinakaway nito—may mga bakas ng
ngipin at kulay dark violet ito.
Kaninang madaling araw, pinunit niya ang marriage certificate niya at kinagat
ang daliri nito… Noong oras na 'yun, magkahalong takot at galit ang
nararamdaman niya…. Kaya buong lakas niya itong kinagat, pero hindi niya
naman akalain na ganun kalala ang mangyayari….
Napanguso nalang si Qiao Anhao sa sobrang kahihiyan.
Nagpalit si Lu Jinnian ng mas komportableng posisyon sa kama bago siya
malambing na nagpatuloy, "Habang meeting, nakita 'to ng lahat kaya tinanong
nila kung saan ko raw 'to nakuha."
"Ah?" Biglang nanlaki ang mga mata ni Qiao Anhao sa gulat. "Anong sinabi mo?
Sinabi mo ba na ako?"
"Hindi," Sagot Lu Jinnian para mapanatag si Qiao Anhao bago siya muling
magsalita, "Sinabi ko na parang nabaliw yung tuta ko kahapon at kinagat ako
kaya sabi nila, kailangan ko raw magpainject ng anti-rabies."
Hindi napigilan ni Qiao Anhao na mapahalakhak sa narinig niya pero
pagkatapos niyang tumawa, bigla niyang tinignan si Lu Jinnian ng masama. "Lu
Jinnian, tinawag mo ba akong tuta?"
Natatawa si Lu Jinnian na sumagot. "Sa tingin ko hindi ka naman ganun
kabobo."
Parang batang napikon si Qiao Anhao, "Lu Jinnian, tinatawag mo ba akong
bobong tuta?"
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES