Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, kalmado siyang humarap kay Han
Ruchu, na hindi namalayan na umiiyak na pala siya, "Bignigyan kita ng
pagkakataon, mama. Hindi lang isang beses. Kanina tinanong kita kung ano
pa ang mga ginawa mo sakanila, pero hindi ka nagsabi ng totoo… Lahat ng
mga maling ginawa mo, handa akong patawarin yun, pero pinili mong
magsinungaling sa akin. Para sayo wala akong alam kaya para mapaniwala
ako, nagsinungaling ka nanaman sa akin.
"Alagaan mo ang saril mo. Hinding hindi na ako babalik sa bahay ng mga
Xu."
"Jiamu wag! Mali talaga si mama…. Hindi 'to kakayanin ni mama, Jiamu…."
Sobrang sakit para sa isang ina, kagaya ni Han Ruchu, ang marinig ang mga
ganitong salita mula pa sa sarili nitong anak, kaya iyak nalang siya ng iyak
habang nagmamakaawa rito.
Yumuko nalang si Xu Jiamu. Si Han Ruchu pa rin ang nanay niya at ngayong
nakikita niya itong umiiyak, sobrang nasasaktan din siya. "Gusto kong
maniwala sayo, pero sorry, hindi ko na kaya."
Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, umatras siya ng dalawang hakbang.
Sa pagkakataong ito, lalong lumakas ang iyak ni Han Ruchu na parang
wasak na wasak na ang puso niya, "Jiamu, wala ng natira kay mama.
Ngayong gabi, nasira na ang reputasyon ko. Kakamuhian ako ng lahat at
tiyak magagalit ang papa mo sa akin dahil sa eskandalong ginawa ko. Kung
mawawala ka, wala na talagang matitira kay mama… Jiamu…
Nagmamakaawa sayo si mama, na wag ka ng umalis…"
Wala na talagang paaran para makumbinsi si Xu Jiamu kaya sa kabila ng
pagmamakaawa ng kanyang ina, tuluyan na siyang tumalikod.
Maging ang mayordoma ay tinulungan na rinb si Han Ruchu na
magmakaawa. "Young master, wag ka ng umalis."
"Jiamu..."
Binuksan ni Xu Jiamu ang pintuan ng kanyang sasakyan at sumakay.
"Jiamu, mailing mali si mama, Jiamu…"
Ipinikit ni Xu Jiamu ang kanyang mga mata at isinara angang
pintuan…Sobrang nasasaktan din siya sa nangyayari sa nanay niya pero
wala siyang magawa kaya pinili niyang pumasok sa loob ng sasakyan para
hindi niya ito marinig na umiiyak.
Ilang sandali rin siyang nakatulala sa loob ng kanyang sasakyan, na malayo
sa direksyon kung nasaan si Han Ruchu, bago niya ito iistart at magmaneho
papalayo.
Habang nagmamaneho siya, tuluyan na siyang bumigay, at isang patak ng
luha ang tumulo mula sakanyang mata.
Sobrang nasaktan siya sa mga nangyari.
Pero hindi niya maipaliwagan kung bakit siya nasasaktan.
Pakiramdam niya, nawala sakanya ang lahat sa loob ng isang gabi.
Ang nanay niya, na walang ibang ginawa kundi mahalin siya, ay gumawa ng
napakasamang bagay sa sarili niyang kapatid sa pinaka matalik niyang
kaibigan.
Ang kapatid niya, na kinasuklaman niya dahil sa panaagaw nito sakanya ng
Xu Enterprise…ay lihim palang iniiwan sakanya ang lahat. Kahit sa will ang
testament nito, siya ang ginawang beneficiary ni Lu Jinnian, sa kabila ng
lahat ng nagawa ng nanay niya rito.
Tuloy-tuloy ang pag'agos ng luha sa mga mata ni Xu Jiamu kaya maya't-
maya niyang itinataas ang kanyang kamay para punasan ang mga luha
niya. Hindi nagtagal, inilabas niya ang kopya ng will and testament na
pinirmahan ni Lu Jinnian.
Ibig sabihin… Ang kapatid niya pala na hindi mahilig makipagusap at
makihalubilo mula noong pagkabata nila ay mahal na mahal pala siya…
Sa sobrang bigat ng loob niya, biglang nanginig ang kanyang mga daliri na
nakahawak sa photocopy. Bandang huli, hindi niya na talaga kinaya kaya
ipinarada niya muna ang sasakyan niya sa isang gilid at tuluyan na siyang
umiyak.
Dahil kinaladkad ni Xu Jiamu si Han Ruchu, napilitan ang mga organizers na
ihinto ang auction. Dahil wala na ang bida, natural lang na humupa rin
kaagad ang gulo kaya hindi nagtagal, isa-isa ng nagsi'alisan ang mga tao.
Parehong galit at pagaalala ang nararamdaman nina uncle at auntie Qiao
kaya walang tigil sila sa pagpapalakas ng loob kay Qiao Anhao. Sa takot na
baka masaktan ito ulit, naisipan nilang pauuwiin nalang muna ito ulit
sakanila
Sa ikatlong beses na sinabi ni Qiao Anhao na ayos lang talaga siya at gusto
niya munang mapagisa sa ngayon, ay dun palang napanatag ang
magasawa.
Noong humiwalay si Qiao Anhao sakanyang uncle at auntie Qiao, dumiretso
siya sakanyang sasakyan at nagmaneho palabas ng Beijing Club. Hindi pa siya
tapos kay Han Ruchu kaya imbes na umuwi, ay dumaan muna sya sa New
Heaven shopping mall para maigamit ng public phone.
Medyo matagal na nagring ang phone bago ito sagutin ng kabilang linya.
Bumungad sakanya ang boses ni Han Ruchu na halatang malungkot at hinang
hina, "Hello, sino 'to?"
Sampung segundo pa ang lumipas bago magsalita si Qiao Anhao, "Ako to."
Sa isang salita palang ni Qiao Anhao, alam na kaagad ni Han Ruchu na siya
ito. "Bakit mo ako tinatawagan? Wala akong sasabihin sayo!"
Galit na galit na si Han Ruchu na para bang desidido talaga itong ibaba nag
phone.
Pero sigurado si Qiao Anhao na mas pipiliin ni Han Ruchu na makinig sakanya
kaysa putulin ang linya, kaya kalmado siyang nagpatuloy, "Ako ang nagpadala
kay Brother Jiamu ng mga kopya ng text messages, kaya kung sakaling
baliktarin mo man ako sa gala, hindi siya maniniwala sayo dahil tumatak na sa
puso niya na gusto akong saktan ng sarili niyang nanay."
Kagaya ng inaasahan ni Qiao Anhao, hindi nga binaba ni Han Ruchu ang
tawag, bagkus, sinabihan pa siya nito ng mga masasakit na salita. "Bwisit ka!"
Hindi pinansin ni Qiao Anhao ang mga sinabi ni Han Ruchu at nagpatuloy lang
siya sa pagsasalita, "Of course, ako rin yung may kagagawan ng recording sa
charity gala. Sa totoo lang, wala naman akong intensyon na ipahiya ka. Dahil
ang gusto kong mangyari ay marinig yun ni Brother Jiamu…Aunt Xu, siguro
sobrang galit na ni Brother Jiamu ngayon no?"
"Bwisit ka!" Base sa tensyon ng pananalita ni Han Ruchu, ramdam na ramdam
ni Qiao Anhao na galit na galit na ito.
"Bwisit? Wag kang magalala. Kahit na bwisit ako, hinding hindi ko papatayin
ang anak mo!" Nangaasar na tumawa si Qiao Anhao. Hindi nagtagal, muli
siyang nagsalita na para bang nagtataka, "Gusto ko talagang itanong to sayo,
kung bwisit ako dahil sa mga nagawa ko, ano palang itatawag mo sa sarili
mo?"
Kahit na nasa kabilang linya si Han Ruchu, kitang kita pa rin sa mukha ni Qiao
Anhao ang matinding galit. Muli siyang nagsalita ng may matinding diin, "Wag
mong iisipin na tanga ang ibang tao at ikaw ang pinaka matalino. Alam mong
gusto naming ni Lu Jinnian ang isa't-isa, at ginamit mo 'yun para guluhin kami.
Tinawagan kita ngayon para sabihin sayo na naguumpisa ka palang magbayad
sa mga utang mo. Noong huli mong birthday…sinabi ko sayo na kamumuhian
ka ng lahat at iiwanan ka ng pamilya mo! Hindi kita hahayaang mamatay ng
ganun kadali! Yun ang pangako ko sayo!"
"Kakamuhian ako ng lahat at iiwanan ako ng pamilya ko? Anak ko si Xu Jiamu.
Bilang mag-ina, laging magkadugtong ang mga puso naming. Kahit nag alit
siya sa akin sa akin ngayon. Hinding hindi niya ako matitiis!" Nanggigil na
sagot ni Han Ruchu.
Ibang iba na ang lahat ngayon, dahil kung dati hindi pa sigurado si Qiao Anhao
sa mga bagay-bagay, pwes ngayon mas sigurado pa siya sa sigurado. May
kopya si Xu Jiamu ng will and testament ni Lu Jinnian….
Mula pagkabata, magkaibigan na sila ni Xu Jiamu kaya kabisado niya ang
pagkatao nito. Kahit na nanay nito si Han Ruchu, magkaibang-magkaiba ang
mga ugali nila. Sobrang sentimental na tao ni Xu Jiamu… Isa pa, ang kopya ng
mga text messages, ang recording pen, at ang will, sapat na ang tatlong
pasabog na ito para magbago ang tingin nito kay Han Ruchu.
At kung sakali mang may mangyari sakanila ni Lu Jinnian… Ang unang sisihin
ni Xu Jaiamu ay walang iba kundi ang sarili niyang ina!
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES