Yumuko si Xu Jiamu at kumuha ng isang kumpol ng papel mula sakanyang
bag, na direkta niyang iniabot kay Han Ruchu.
Naguguluhang tumingin si Han Ruchu kay Xu Jiamu bago niya kunin ang
mga papel na inaabot nito. Nang sandaling buklatin niya ito, laking gulat
niya dahil hindu niya inaasahan na isa pala itong kopya ng mga text
messagse na nanggaling mismo sa China Mobile.
Sa tulong ng liwanag na nanggaling poste, nabasa ni niya na kopya pala ito
ng paguusap nina Qiao Anhao at Lu Jinnian noong Chinese Valentine's day.
Matapos ang matagal na pananahimik, sa wakas muling nagsalita si Xu
Jiamu, "Noong apat na araw na nasa ospital si Qiao Qiao, ang phone niya
ay nasa bahay natin. Pwede mo bang sabihin sa akin kung sno ang nagsend
ng mga text na ito gamit ang pangalan ni Qiao Qiao?"
Hindi alam ni Han Ruchu kung anong sasabihin niya, pero sa sobrang kaba,
makikitang nanginginig ang kanyang mga daliri na nakahawak sa mga papel.
Dali-dali siyang tumingin kay Xu Jiamu at nagtanong, "Jiamu, saan mo
nakuha 'to?"
Ipinikit ni Xu Jiamu ang kanyang mga mata at dismayadong sinabi, "Talaga
bang umabot na tayo sa ganitong punto? Na mas iniisip mo pa kung sino
ang sumasabotahe sayo? Ang problema kasi, walang nanabotahe sayo dahil
ito ang katotothanan!
"Alam mong gusto ng kapatid ko si Qiao Qiao, tama? Ginamit mo si Qiao
Anhao bilang pain kay Lu Jinnian para pumayag siya na magpanggap bilang
ako, tama? Hindi mo matanggap na makitang masaya si Lu Jinnian noong
nalaman mong magdedate sila ni Qiao Qiao noong Valentine's day kaya mo
naisipang itulak siya sa hagdanan. Pagkatapos, kinuha mo ang kanyang
phone at sinend ang mga text na 'to sa kapatid ko, tama diba!"
Habang gigil na gigil na nagsasalita si Xu Jiamu, hindi nniya na napigilang
maiyak, "Ang tatay ko ang may kasalanan ko, hindi ang nanay ng kapatid ko
o ang mismong kapatid ko. Gumising ka! Kasalanan to ni Xu Wanli! Bakit
hindi siya ang gantihan mo? Bakit sila ang sinasaktan mo? Ano bang
nagawa nila sayo?!"
"Ang walang hiyang si Qiao Ahao ang may gawa nito, tama? Si Qiao Anhao
ang may gawa nito, tama? Hindi na napigilan ni Han Ruchu na umiyak
habang hawak hawak ang mga papel.
Sa puntong 'to, hindi na talaga alm ni Xu Jiamu kung anong gagawin niya.
Napakamot nalang siya sakanyang noo at huminga ng malalim. "Sobra mo
akong nadisappoint."
Pagkatapos ng huling sinabi ni Xu Jiamu, muli niyang tinanggal ang kamay
ni Han Ruchu mula sakanyang braso.
"Jiamu, wag umalis…" Nadedesperado na si Han Ruchu dahil sa takot niya
nab aka mawala sakanya si Xu Jiamu kaya bigla siyang tumingin sa
mayordoma, na para bang may gusto siyang ipagawa rito.
Naintindihan naman kaagad ng mayordoma ang gustong sabihin ni Han
Ruchu kaya nagmamadali siyang nagsalita, "Young master, ako ang kumuha
ng phone ni Miss Qiao at ang nagsedn sa mga message na yan. Walang
alam si amdam dito. Ako ang may gawa, wag mong sisihin si madam…"
"Tama na!" Kahit hindi nakatingin si Xu Jiamu, alam niya ang katotohanan.
"Wag na kayong magpanggap. Sa tingin niyo ba talagang bobo ako? Alam
ko naman kung sinong nakaisip na itulak si Qiao Qiao sa hagdan. Naniwala
ako na dahil ikaw ang nanay ko… ang nanay ko na pinalaki ako para maging
ganitong klaseng tao, akala ko magbabago ka pagkatapos nating hindi
magpansinan ng magtagal… alam mo dapat kung saan ka nagmali… alam
mo dapat kung anong iniisip ng anak mo, at dapat nirerespeto mo siya.
"Pero nagkamali pala ako…
"Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung kanino galing ang mga papel na
'to. Natanggap ko 'to kaninang umaga galing sa isang express delivery na
walang pangalan, pero ikaw, sigurado ka na kay Qiao Qiao ito galing.
"Mula noong una palang, hindi mo matanggap na nagkakamali ka. Ikaw
yung parating masaya kapag may nahihirapang iba."
Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, kalmado siyang humarap kay Han
Ruchu, na hindi namalayan na umiiyak na pala siya, "Bignigyan kita ng
pagkakataon, mama. Hindi lang isang beses. Kanina tinanong kita kung ano
pa ang mga ginawa mo sakanila, pero hindi ka nagsabi ng totoo… Lahat ng
mga maling ginawa mo, handa akong patawarin yun, pero pinili mong
magsinungaling sa akin. Para sayo wala akong alam kaya para mapaniwala
ako, nagsinungaling ka nanaman sa akin.
"Alagaan mo ang saril mo. Hinding hindi na ako babalik sa bahay ng mga
Xu."
"Jiamu wag! Mali talaga si mama…. Hindi 'to kakayanin ni mama, Jiamu…."
Sobrang sakit para sa isang ina, kagaya ni Han Ruchu, ang marinig ang mga
ganitong salita mula pa sa sarili nitong anak, kaya iyak nalang siya ng iyak
habang nagmamakaawa rito.
Yumuko nalang si Xu Jiamu. Si Han Ruchu pa rin ang nanay niya at ngayong
nakikita niya itong umiiyak, sobrang nasasaktan din siya. "Gusto kong
maniwala sayo, pero sorry, hindi ko na kaya."
Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, umatras siya ng dalawang hakbang.
Sa pagkakataong ito, lalong lumakas ang iyak ni Han Ruchu na parang
wasak na wasak na ang puso niya, "Jiamu, wala ng natira kay mama.
Ngayong gabi, nasira na ang reputasyon ko. Kakamuhian ako ng lahat at
tiyak magagalit ang papa mo sa akin dahil sa eskandalong ginawa ko. Kung
mawawala ka, wala na talagang matitira kay mama… Jiamu…
Nagmamakaawa sayo si mama, na wag ka ng umalis…"
Wala na talagang paaran para makumbinsi si Xu Jiamu kaya sa kabila ng
pagmamakaawa ng kanyang ina, tuluyan na siyang tumalikod.
Maging ang mayordoma ay tinulungan na rinb si Han Ruchu na
magmakaawa. "Young master, wag ka ng umalis."
"Jiamu..."
Binuksan ni Xu Jiamu ang pintuan ng kanyang sasakyan at sumakay.
"Jiamu, mailing mali si mama, Jiamu…"
Ipinikit ni Xu Jiamu ang kanyang mga mata at isinara angang
pintuan…Sobrang nasasaktan din siya sa nangyayari sa nanay niya pero
wala siyang magawa kaya pinili niyang pumasok sa loob ng sasakyan para
hindi niya ito marinig na umiiyak.
Ilang sandali rin siyang nakatulala sa loob ng kanyang sasakyan, na malayo
sa direksyon kung nasaan si Han Ruchu, bago niya ito iistart at magmaneho
papalayo.
Habang nagmamaneho siya, tuluyan na siyang bumigay, at isang patak ng
luha ang tumulo mula sakanyang mata.
Sobrang nasaktan siya sa mga nangyari.
Pero hindi niya maipaliwagan kung bakit siya nasasaktan.
Pakiramdam niya, nawala sakanya ang lahat sa loob ng isang gabi.
Ang nanay niya, na walang ibang ginawa kundi mahalin siya, ay gumawa ng
napakasamang bagay sa sarili niyang kapatid sa pinaka matalik niyang
kaibigan.
Ang kapatid niya, na kinasuklaman niya dahil sa panaagaw nito sakanya ng
Xu Enterprise…ay lihim palang iniiwan sakanya ang lahat. Kahit sa will ang
testament nito, siya ang ginawang beneficiary ni Lu Jinnian, sa kabila ng
lahat ng nagawa ng nanay niya rito.
Tuloy-tuloy ang pag'agos ng luha sa mga mata ni Xu Jiamu kaya maya't-
maya niyang itinataas ang kanyang kamay para punasan ang mga luha
niya. Hindi nagtagal, inilabas niya ang kopya ng will and testament na
pinirmahan ni Lu Jinnian.
Ibig sabihin… Ang kapatid niya pala na hindi mahilig makipagusap at
makihalubilo mula noong pagkabata nila ay mahal na mahal pala siya…
Sa sobrang bigat ng loob niya, biglang nanginig ang kanyang mga daliri na
nakahawak sa photocopy. Bandang huli, hindi niya na talaga kinaya kaya
ipinarada niya muna ang sasakyan niya sa isang gilid at tuluyan na siyang
umiyak.
Dahil kinaladkad ni Xu Jiamu si Han Ruchu, napilitan ang mga organizers na
ihinto ang auction. Dahil wala na ang bida, natural lang na humupa rin
kaagad ang gulo kaya hindi nagtagal, isa-isa ng nagsi'alisan ang mga tao.
Parehong galit at pagaalala ang nararamdaman nina uncle at auntie Qiao
kaya walang tigil sila sa pagpapalakas ng loob kay Qiao Anhao. Sa takot na
baka masaktan ito ulit, naisipan nilang pauuwiin nalang muna ito ulit
sakanila
Sa ikatlong beses na sinabi ni Qiao Anhao na ayos lang talaga siya at gusto
niya munang mapagisa sa ngayon, ay dun palang napanatag ang
magasawa.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES