Pagkatapos magsalita ni Auntie Qiao, muli siyang humarap kay Qiao Anhao
para patahanin ito. "Wag kang mag-alala, Qiao Qiao. Si uncle at auntie ay
nandito. Tignan ko lang kung anong magagawa niya!"
"Kung hindi ang bwisit na 'yan ang gumawa nito, eh sino pa ba!" Sa mga
oras na 'to, tuluyan ng isinantabi ni Han Ruchu ang kanyang reputasyon.
Dahil sa paulit-ulit na pagtawag ni Han Ruchu ng 'bwisit' kay Qiao Anhao,
lalo lang naginit si auntie Qiao. "Han Ruchu, pwede bang tigiltigilan mo yang
bibig mo. Sinong tinatawag mong bwisit?
"Para sabihin ko sayo, kung si Qiao Qiao nga talaga ang naglabas ng
recording, ano sa tingin mong gagawin mo? Pagkatapos mong gumawa ng
karumaldumal na bagay, ngayon natatakot kang malaman ng ibang tao? Sa
tingin mo ganun kadali mo nalang mabubully ang mga Qiao?"
Dahil sa pagtatalo nina Auntie Qiao at Han Ruchu, maraming mga kilay ang
nagsitaasan kaya hindi nagtagal, hindi na halos mabilang mga taong
nakapaligid sakanila para makiusisa.
Hindi na kinaya ni Xu Wanli ang kahihiyan kaya dali-dali siyang tumayo at
lumapit kay Uncle Qiao. "Parami na ng parami ang taong nanunuod sa atin.
Pwede bang pagusapan nalang natin 'to sa bahay?"
Matatawag na huwarang asawa si Auntie Qiao dahil normal sakanya ang
pagiging mahinhin at palaging sumusunod sa anumang sabihin ni Uncle
Qiao. Pero hindi siya pwedeng maliitin dahil sa mga ganitong sitwasyon,
maging si Uncle Qiao ay natatakot ring pumagitna.
Isa pa, si Uncle Qiao ang tunay na kadugo ni Qiao Anhao at hindi si Auntie
Qiao. Ngayon na nakikita niyang pinoprotektahan ng asawa niya ang
kanyang pamangkin, sino siya para pigilan ito. Kaya saang anggulo man
tignan, tama lang na tumahimik siya sa isang gilid at hayaan ang kanyang
asawa na gawin ang nararapat.
Napa'hmft si Auntie Qiao sa sobrang sama ng loob.
"Anong paguusapan pag-uwi? Sa harap ninyong lahat, sasabihin ko na mula
ngayon ay putol na ang ugnayan ng Qiao at Xu family at kahit kailan ay
hinding hindi na kami magkakaayos muli! Sino ka para saktan ang anak
namin? Sa tingin mo ba mga weak sauce ang mga Qiao?! Pagkatapos mong
sampalin ang isang tao, ngayon gusto mo pa ring lumuhod siya sayo?
Umasa ka!"
Habang nasa kalagitnaan si Auntie Qiao ng pagsasalita, si Qiao Anhao, na
mangiyak ngiyak, ay muntik ng matawa.
Hindi niya inakala na ang kanyang auntie na walang ibang ginawa kundi
magtrabaho at mag'mahjong ay marunong din palang gumamit ng mga
internet slang.
"Sa tingin mo ba mabuting tao yang anak mo? Baka iniisip mo na talagang
bagay yang bwisit na yan at ang Jiamu namin?" Biglang itinaas ni Han
Ruchu ang kanyang kamay at dinuro si Qiao Anhao. "Dapat lang mamatay
ang anak niya, dahil yun ay kay…"
"Tama na!"Galit na galit na sigaw ni Xu Jiamu, na kanina pa nanahimik.
Kailangan niyang sumigaw dahil alam niya na ang kasunod na sasabihin ng
nanay niya at hindi niya hahayaan na mangyari yun. Dali-dali niyang hinila
ang braso ni Han Ruchu at nanggigigil na sinabi, "Hindi pa ba sapat sayo
'to? O baka naman hindi pa ito nakakahiya para sayo?"
Habang nagsasalita si Xu Jiamu, bigla niyang hinila papunta sa ang kanyang
nanay, na may galit na galit na itsura.
Noong dumaan si Xu Jiamu sa harap ni Qiao Anhao, medyo binagalan niya
ang kanyang paglalakad. Sa totoo lang, gusto niya sanang tumingin at
humingi ng tawad sa kababata niya, pero hindi niya ito kayang tignan, kaya
pagkatapos ng halos kalahating segundo, tuluyan niya ng kinaladlad palabas
ang kanyang nanay.
Sa kabila ng paulit-ulit na pagmamakaawa ni Han Ruchu kay Xu Jiamu,
patuloy niya pa rin itong hinila palabas ng Beijing Club hanggang sa
makarating sila sakanilang family car. ""Jiamu, bitawan mo naman si mama."
Nang makita ng mayordoma, na kasalukuyang naghihintay sa loob ng
sasakyan, ang nangyari, dali-dali itong bumaba. "Madam, young master,
anong nangyari?"
Parang walang narinig si Xu Jiamu at ndire-diretso niyang binuksan ang
pintuan at itinulak si Han Ruchu papasok. "Umuwi ka na!"
At bigla niyang binalibag ang pintuan ng sasakyan.
Si Xu Jiamu ang kahinaan ni Han Ruchu kaya ngayong galit na galit ito
sakanya, nagmamadali niyang binuksan ang pintuan para habulin ang anak,
"Jiamu, saan ka pupunta? Hindi ka ba uuwi kasama ni mama?"
Noong huling birthday ni Han Ruchu, nagalit din sakanya si Xu Jiamu dahil
nalaman nito na may kinalaman siya sa pagkaaksidente ng dati nitong
asawa, at mula noong araw na 'yun, hindi na ito umuwi sakanila kahit pa
noong Bagong Taon.
Sa sobrang lungkot, wala siyang gana kumain at uminom kaya kinailangan
siyang isugod sa ospital…At doon lang bumalik si Xu Jiamu. Inako ng
mayordoma ang kasalanan at sinabing wala siyang kinalaman para lang
kumalma si Xu Jiamu. Ilang ilang araw palang ang nakakalipas… Ngayon,
ito naman… At ang mga nangyari ngayon ay di hamak sa na mas malala sa
nauna…
Halos mamatay si Han Ruchu sa sobrang takot noong unang beses itong
umalis… Ngayon, sa ikalawang pagkakataon, hindi niya na alam kung anong
gagawin niya para bumalik ito..
Hindi niya talaga kayang mawala ang nagiisa niyang anak kaya dali-dali
siyang bumaba ng sasakyan para habulin ito. Hinawakan niya ng mahigpit
ang braso ni Xu Jiamu at nagmamakaawang sinabi, "Jiamu, galit ka
nanaman kay mama, diba? Wag ka ng magalit kay mama, okay?"
"Makinig ka kay mama, hindi sayo yung bata. Hindi ba comatose ka noong
panahong 'yun, kaya ibig sabihin sa bastardong Lu Jinnian na 'yun ang bata.
Hindi papayagan ni mama na mabuhay ang bata…Dahil hindi kaya ni mama
na makitang nagpapalaki ka ng batang hindi naman galing sayo…Ginawa na
yun mama para sayo, kaya kailangan mong maniwala kay mama…"
"Ibang tao ba si Lu Jinnian? Kapatid ko siya! Parte rin siya ng Xu family.
Ang anak niya ay anak ko rin. Bakit hindi siya pwedeng mabuhay!" Hindi
alam ni Xu Jiamu kung sakit o galit ang nararamdaman niya, o pwede ring
kaba, pero nanginginig ang kanyang boses nang siya'y magpatuloy, "Ma,
buhay 'yun. Anak yun ni Qiao Qiao at ng kapatid ko. Buhay. Humihinga.
Paano mo nagawa yun?!"
"Hindi mo kapatid ang bastardong 'yun! Nakalimutan mo na bang ninakaw
niya ang kumpanya mo!" Nanggigigil na sagot ni Han Ruchu.
"Bakit niya ninakaw ang kumpanya ko? Dahil pinatay mo ang anak niya! Isa
pa, sakanya naman talaga ang kalahati ng kumpanya. Hindi yun sa akin
lahat!"
Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, pwersado niyang hinawi ang kamay ni
Han Ruchu, kaya bigla itong nawalan ng balanse, pero dahil mabilis din ang
kilos nito, nagawa pa rin siya nitong hawakan. "Mali si mama. Nangangayo
si mama sayo na hindi ko yun uulitin, okay?"
Sa totoo lang, wala ng ibang pinaniniwalaan ngayon si Xu Jiamu kundi ang
katotohanan. Matagal niya ng alam na galit ang nanay niya kay Lu Jinnian,
at alam ng langit na naiintindihan niya kung bakit, pero hindi niya naman
naisip na aabot sa kasukdulan ang galit nito!
Tumingala siya sa kalangitan at pagkatapos niyang huminga ng malalim,
muli siyang tumingin kay Han Ruchu at kalmadong nagtanong, "May mga
nagawa ka pa bang masama sakanila? Sabihin mo na saakin ngayon.
Nagmamakaawa ako, wag mo ng pahirapan ang isip ko."
"Wala na, wala na," walang pagdadalawang isip na sagot ni han Ruchu.
Dali-dali siyang umiling at sinabi, "Totoo, wala na."
"Talaga, wala na?" Tanong ni Xu Jiamu.
Tumungo si Han Ruchu, "Nagsasabi ng totoo si Mama."
Hindi na sumagot si Xu Jiamu at tinitigan niya lang si Han Ruchu.
Medyo nailang si Han Ruchu sa titig ni Xu Jiamu kaya muli siyang nagsalita.
"Jiamu, maniwala ka kay mama. Wala na talaga. Pwede bang umuwi na
tayo? Wag mo ng gawin yung ginawa mo dati…"
Hindi pa rin umimik si Xu Jiamu, pero sa pagkakataong ito, bakas ang
pagkadismaya sa kanyang mga mata kaya biglang natigilan si Han Ruchu.
Pagkalipas ng ilang sandaling pananahimik, muli nanamnag nagsalita si han
Ruchu, "Jiamu, ano bang problema mo? Kausapin mo ako. Wag mo namang
takutin si mama, oh?"
Yumuko si Xu Jiamu at kumuha ng isang kumpol ng papel mula sakanyang
bag, na direkta niyang iniabot kay Han Ruchu.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES