App herunterladen
70.81% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 689: Ang mga text message sa phone (40)

Kapitel 689: Ang mga text message sa phone (40)

Redakteur: LiberReverieGroup

Hindi makapagsalita si Auntie Qiao dahil sa nakakapanindig balahibong

balita na bumulaga sakanya. Hindi niya makumbinsi ang sarili niya totoo ang

mga narinig niya kaya gulat na gulat siyang tumingin kay Qiao Anhao, "Qiao

Qiao? Totoo ba 'yun? Na nabuntis ka dati?"

Buong gabing naghintay si Qiao Anhao para sa sandaling ito.

Bukod sa kagustuhan niyang masira ang reputasyon ni Han Ruchu sa harap

ng pinakamayayamang tao sa Beijing, plano niya rin na kunin ang simpatya

ng Qiao family para tuluyan ng masira ang relasyon ng matandang babaeng

ito sa nagiisang pamilyang kinakapitan nito!

Kahit na hindi tunay na anak nina uncle at auntie Qiao si Qiao Anhao, hindi

maalis na pamilya pa rin sila at iisang dugo lang ang dumadaloy sakanilang

mga katawan. Higit sa lahat, ito na ang tumayong mga magulang niya sa

loob ng labindalawang taon.

Kung malalaman ng mga ito kung ang kasamaan na ginawa sakanya ni Han

Ruchu…

Nagpanggap si Qiao Anhao na parehong nabigla at nahihiya sakanyang

auntie. Kailangan niyang palabasin ma sobrang naskatan siya ni Han Ruchu

kaya tumingin siya rito na may mangiyak ngiyak na mga mata. "Hindi ko po

alam kung anong nangyayari... Opo, nabuntis po talaga ako, pero namatay

ang baby sa sinapupunan ko. Sigurado po ako na buntis ako noong binigyan

ako ni Aunt Xu ng swallow's nest..."

Pagkatapos niyang magsalita, sinadya niya na may tumulong dalawang luha

mula sa magkabila niyang mga mata. "Auntie, nilagyan po ni Aunt Xu ng

sleeping pills ang swallows nest kaya po namatay ang baby ko..."

Habang nakikita ni Han Ruchu ang mga panduduro ng mga tao sakanya,

hindi niya na talaga kaya!

Bago magumpisa ang auction, nakita ng lahat na nagtalo sila ni Qiao Anho.

At ngayon, dahil naman sa anak nito, tuluyan ng nasira ang reputasyon

niya...

Ang imahe na pinakaiingatan niya sa loob ng maraming taon ay tuluyan ng

nasira ng ganun ganun nalang!

Sa pagkakataong ito, hindi na kaya ni Han Ruchu na magpanggap na

kalmado kaya gigil na gigil siyang bumaba ng stage. Sira na ang reputasyon

niya kaya ano pa bang itatago niya. Walang pagdadalwang isip siyang

sumugod kay Qiao Anhao para hampasin ito ng malakas sa ulo gamit ang

kanyang bag. "Hoy bwisit ka! Ikaw ba ang gumawa nito?"

Alam ni Qiao Anhao na sasabog na si Han Ruchu sa oras na magplay ang

recording, pero wala sa isip niya na aabot sa ganito. Hindi niya inakala na

talagang magwawala ito sa harap ng maraming tao!

Pero.... Dahil din sa ginawa nito, lalo siyang nagmukhang kaawa-awa sa

harap ng lahat. Bukod sa simpatya ng mga taong nanunuod sakanila,

mapapaamin niya ng katotohanan sa sobrang galit!

Kaya hindi siya nanlaban at hinayaan niya lang na tumama sa ulo niya ang

handbag nito.

Kaya niyang tiisin kahit gaano pa kasakit ang magiging hampas nito, kung

ito naman paraan para tuluyan niya ng masira si Han Ruchu!

Hindi biro ang pwersang ginamit nito kaya napakagat nalang siya ng

kanyang labi napaluha sa sakit. Para siyang isang batang nakakaawa na

tumingin sakanyang auntie at uncle, at hindi mapakaling nagsumbong,

"Uncle, Auntie.

Pareho ang personalidad ni Qiao Anxia at Auntie Qiao - masyado silang

protective.

Noong araw na ibinigay ni Han Ruchu kay Qiao Anhao ang dalawang kahon

ng swallow's nest, yun din ang araw na bumusita ito sakanya kaya nakita ni

Auntie Qiao kung paano magsuka ang pamangkin niya. Tandang tanda niya

na tinanong niya pa ito kung bakit, pero sinabi lang sakanya ni Qiao Anhao

na baka may nakain itong hindi maganda sa tyan.

Sa tagal niya sa industriya ng negosyo, hindi na bago sakanya ang mga

kwentong gamitan, at ngayon na narinig niya ang recording na inilabas ng

isang hindi nagpakilalang tao, malinaw na sakanya ang lahat…Galit na galit

siya sa sinapit ni Qiao Anhao at ngayong nakita niya mismo na sinaktan ito

ni Han Ruchu, hindi niya na kayang manahimik.

Marahil sa sobrang galit na nararamdaman niya, maging siya ay hindi niya

rin inaasahan na tatayo siya at tatawagin ang babaeng ito sa buong

pangalan. "Han Ruchu, ano bang gusto mo? Anong ebidensya mo para

sabihing si Qiao Qiao ang gumawa nito!"


Kapitel 690: Ang mga text message sa phone (41)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pagkatapos magsalita ni Auntie Qiao, muli siyang humarap kay Qiao Anhao

para patahanin ito. "Wag kang mag-alala, Qiao Qiao. Si uncle at auntie ay

nandito. Tignan ko lang kung anong magagawa niya!"

"Kung hindi ang bwisit na 'yan ang gumawa nito, eh sino pa ba!" Sa mga

oras na 'to, tuluyan ng isinantabi ni Han Ruchu ang kanyang reputasyon.

Dahil sa paulit-ulit na pagtawag ni Han Ruchu ng 'bwisit' kay Qiao Anhao,

lalo lang naginit si auntie Qiao. "Han Ruchu, pwede bang tigiltigilan mo yang

bibig mo. Sinong tinatawag mong bwisit?

"Para sabihin ko sayo, kung si Qiao Qiao nga talaga ang naglabas ng

recording, ano sa tingin mong gagawin mo? Pagkatapos mong gumawa ng

karumaldumal na bagay, ngayon natatakot kang malaman ng ibang tao? Sa

tingin mo ganun kadali mo nalang mabubully ang mga Qiao?"

Dahil sa pagtatalo nina Auntie Qiao at Han Ruchu, maraming mga kilay ang

nagsitaasan kaya hindi nagtagal, hindi na halos mabilang mga taong

nakapaligid sakanila para makiusisa.

Hindi na kinaya ni Xu Wanli ang kahihiyan kaya dali-dali siyang tumayo at

lumapit kay Uncle Qiao. "Parami na ng parami ang taong nanunuod sa atin.

Pwede bang pagusapan nalang natin 'to sa bahay?"

Matatawag na huwarang asawa si Auntie Qiao dahil normal sakanya ang

pagiging mahinhin at palaging sumusunod sa anumang sabihin ni Uncle

Qiao. Pero hindi siya pwedeng maliitin dahil sa mga ganitong sitwasyon,

maging si Uncle Qiao ay natatakot ring pumagitna.

Isa pa, si Uncle Qiao ang tunay na kadugo ni Qiao Anhao at hindi si Auntie

Qiao. Ngayon na nakikita niyang pinoprotektahan ng asawa niya ang

kanyang pamangkin, sino siya para pigilan ito. Kaya saang anggulo man

tignan, tama lang na tumahimik siya sa isang gilid at hayaan ang kanyang

asawa na gawin ang nararapat.

Napa'hmft si Auntie Qiao sa sobrang sama ng loob.

"Anong paguusapan pag-uwi? Sa harap ninyong lahat, sasabihin ko na mula

ngayon ay putol na ang ugnayan ng Qiao at Xu family at kahit kailan ay

hinding hindi na kami magkakaayos muli! Sino ka para saktan ang anak

namin? Sa tingin mo ba mga weak sauce ang mga Qiao?! Pagkatapos mong

sampalin ang isang tao, ngayon gusto mo pa ring lumuhod siya sayo?

Umasa ka!"

Habang nasa kalagitnaan si Auntie Qiao ng pagsasalita, si Qiao Anhao, na

mangiyak ngiyak, ay muntik ng matawa.

Hindi niya inakala na ang kanyang auntie na walang ibang ginawa kundi

magtrabaho at mag'mahjong ay marunong din palang gumamit ng mga

internet slang.

"Sa tingin mo ba mabuting tao yang anak mo? Baka iniisip mo na talagang

bagay yang bwisit na yan at ang Jiamu namin?" Biglang itinaas ni Han

Ruchu ang kanyang kamay at dinuro si Qiao Anhao. "Dapat lang mamatay

ang anak niya, dahil yun ay kay…"

"Tama na!"Galit na galit na sigaw ni Xu Jiamu, na kanina pa nanahimik.

Kailangan niyang sumigaw dahil alam niya na ang kasunod na sasabihin ng

nanay niya at hindi niya hahayaan na mangyari yun. Dali-dali niyang hinila

ang braso ni Han Ruchu at nanggigigil na sinabi, "Hindi pa ba sapat sayo

'to? O baka naman hindi pa ito nakakahiya para sayo?"

Habang nagsasalita si Xu Jiamu, bigla niyang hinila papunta sa ang kanyang

nanay, na may galit na galit na itsura.

Noong dumaan si Xu Jiamu sa harap ni Qiao Anhao, medyo binagalan niya

ang kanyang paglalakad. Sa totoo lang, gusto niya sanang tumingin at

humingi ng tawad sa kababata niya, pero hindi niya ito kayang tignan, kaya

pagkatapos ng halos kalahating segundo, tuluyan niya ng kinaladlad palabas

ang kanyang nanay.

Sa kabila ng paulit-ulit na pagmamakaawa ni Han Ruchu kay Xu Jiamu,

patuloy niya pa rin itong hinila palabas ng Beijing Club hanggang sa

makarating sila sakanilang family car. ""Jiamu, bitawan mo naman si mama."

Nang makita ng mayordoma, na kasalukuyang naghihintay sa loob ng

sasakyan, ang nangyari, dali-dali itong bumaba. "Madam, young master,

anong nangyari?"

Parang walang narinig si Xu Jiamu at ndire-diretso niyang binuksan ang

pintuan at itinulak si Han Ruchu papasok. "Umuwi ka na!"

At bigla niyang binalibag ang pintuan ng sasakyan.

Si Xu Jiamu ang kahinaan ni Han Ruchu kaya ngayong galit na galit ito

sakanya, nagmamadali niyang binuksan ang pintuan para habulin ang anak,

"Jiamu, saan ka pupunta? Hindi ka ba uuwi kasama ni mama?"


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C689
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES