Pagkapasok ni Qiao Anhao sa clubhouse, ibinigay niya muna ang dala niyang
invitation sa service assistant na sumalubong sakanya bago siya ihatid nito sa
loob ng hall na may theme na 'The Crystal Palace'. Napapalibutan ang venue
ng makukulay na ilaw na bagay na bagay sa eleganteng tunog na nagmumula
sa piano. Tumambad sakanya ang mga prominenteng pamilya ng Beijing, na
nakasuot ng mga engrandeng damit habang nakikipagusap sa mga kakilala
nito.
Nakasuot siya ng isang kulay peach na strapped long dress at dahil malamig pa
rin sa labas gawa ng winter, pinatungan niya ito ng jacket noong una, na agad
niya ring ibinigay sa staff attendant pagkapasok niya sa hall. Habang hawak
ang kanyang handbag, pinagmasdan niya ang kanyang kaliwa't-kanan at hindi
nagtagal, niya nakita niya ang isang grupo ng mga babae kung saan walang
pagdadalawang isip siyang lumapit para puntahan ang kanyang Auntie Qiao, na
masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nito.
"Auntie."
Nang sandaling marinig ni Auntie Qiao ang boses ng tumawag sakanya, dali-
dali siyang lumingon at noong nakita niyang si Qiao Anhao ito, masaya niyang
hinawakan ang kamay ng pamangkin at malambing na sinabi, "Qiao Qiao,
nandito ka rin pala."
"En."
Kumuha si Qiao Anhao ng wine glass mula sa tray ng lumapit na attendant.
Tumayo lang siya sa tabi ng kanyang Auntie at pinakinggan ang pagpapakilala
ng mga kasama nito, at nang matapos na ang lahat, magalang siyang bumati at
nakipag'cheers sa mga ito.
Kasalukuyang nasa Japan sina Qiao Anxia at Chen Yang kaya hindi
makakarating ang mga ito sa taunang gala. Parehong maganda sina Qiao Anxia
at Qiao Anhao, pero di hamak na mas malambing at pasensyosa si Qiao Anhao.
Isa pa, gumawa rin siya ng dalawang drama na parehong mataas ang rating,
kaya naman halata sa itsura ni Auntie Qiao na sobrang saya nito habang
pinapakilala siya sa mga sakama nitong mayayayamang babae.
Kahit na hindi talaga si Auntie Qiao ang biological mother ni Qiao Anhao,
sobrang ipinagmamalaki talaga siya nito kaya sa tuwing may pupuri sakanya,
sobra-sobra rin ang ngiti nito.
Bilang respeto, nakangiti lang si Qiao Anhao sa buong paguusap at ilang
sandali niya rin munang sinamahan ang kanyang Auntie Qiao… Habang abala
sa pagkwekwentuhan ang lahat, nagmasid-masid siya sakanyang paligid
hanggang sa wakas nakita niya na rin si Han Ruchu kaya habang nasa
kalagitnaan ng paguusap, dahan-dahan siyang lumapit sakanyang auntie para
bumulong "Auntie…pupunta po muna ako kay Aunt Xu.
Tumawa at tumungo naman si Auntie Qiao.
"Excuse Me." Hindi niya nakalimutang ngumiti at yumuko sa mga kasama ng
kanyang Auntie para magpaalam bago siya nagmamadaling naglakad papunta
kay Han Ruchu.
Kahit na si Lu Jinnian ang may-ari ng pinaka malaking porsyento ng Xu
Enterprise, si Xu Jiamu pa rin ang beneficiary. Sa nakalipas na limang buwan,
marami na rin itong nalikom na shares kaya unti-unti na ring bumabalik ang
kapangyarihan nito sa kumpanya. Ngayon, balak ni Qiao Anhao na ipamukha
kay Han Ruchu na ito ang may kasalanan kung bakit bumagsak ang kumpanya.
Mahigit isang buwan na rin noong huling beses silang nagkita. Kumpara noong
huling kaarawan ni Han Ruchu, di hamak na mas maayos ang itsura nito
ngayon.
Nakutuban na ni Qiao Anhao na malamang gumawa nanaman si Han Ruchu ng
kwento para maayos ang relasyon nito sa anak nitong si Xu Jiamu.
…Na para sakanya ay normal lang naman.
Wala naman sa mga plano ni Qiao Anhao na sirain ang relasyon ng mag'ina.
Isa pa, kagaya ni Lu Jinnian, naniniwala rin siya sa kasabihang 'blood is thicker
than water' kaya siguradong kahit gaano pa kasama ang mga ginawa ni Han
Ruchu, papatawarin at papatawarin pa rin ito ni Xu Jiamu.
Pero kahit pansamantalang maayos ang mga iringan, hinding hindi na
matatanggal ang lamat sa relasyon ng mga ito.
Kaya ngayong gabi, gagawa siya ng isang bagay na lalong magpapalaki sa
lamat ng mag-ina!
Nanlilisik ang mga mata ni Qiao Anhao habang iniisip niya ang kanyang mga
plano, pero hindi siya pwedeng manatiling ganito dahil baka mapurnada pa ang
mga plano niya kaya dali-dali siyang nagpanggap na kalmado. Naglakad siya
palapit kay Han Ruchu at malambing itong tinawag. "Aunt Xu."
Noong narinig ni Han Ruchu ang pamilyar na boses ni Qiao Anhao, bigla itong
natigilan sa pakikipagkwentuhan. Base sa naging reaskyon ng matanda,
halatang halata na sobra 'tong nagulat, pero sa galing nitong magpanggap,
wala pang sampung segundo ay nagawa na nitong lumingon na parang walang
nangyari at malambing na bumati, "Qiao Qiao."
Sa mga ginawa niya noong nakaraan nitong birthday, siguradong galit na galit
ito sakanya ngayon!
Sa mga ginawa niya noong nakaraan nitong birthday, siguradong galit na galit
ito sakanya ngayon!
Malinaw na nakaranas ito ng matinding hirap at kahihiyan ng dahil sakanya,
pero ngayong nagkita na sila ulit, nagawa pa talaga nitong magpanggap na
parang walang nangyari!
Pero ayos lang yan. Dahil kahit anong gawin nitong pagpapanggap, marami pa
rin siyang paraan para galitin ito hanggang sa dumura na ito ng dugo.
Masayang nakangiti si Qiao Anhao habang naglalakad papunta kay Han Ruchu,
na sa unang tingin ay mukhang sabik na sabik siyang makita ang isang auntie
na sobra niyang pinagkakatiwalaan. Pumulupot siya sa braso nito at malambing
na sinabi, "Aunt Xu, nandito ka rin pala. Kanina pa kita hinahanap eh. May
sasabihin kasi sana ako sayo…"
Lumapit si Qiao Anhao sa tenga ni Han Ruchu at pabulong na nagpatuloy,
"Pagkatapos ko po kayong batiin ng happy birthday, hindi ko pa po pala kayo
nababati ng happy new year!"
Magiging kalmado na sana ang lahat kung hindi binanggit ni Qiao Anhao ang
salitang birthday, pero noong pagkasabi niya nito, naramdaman niya na biglang
nanigas ang buong katawan ni Han Ruchu. Hanggang ngayon ay pinaninindigan
pa rin nito ang pag-arte pero kahit na nakangiti ito, halatang halata pa rin ang
kaba sa itsura nito. Samantalang si Qiao Anhao naman ay mas lalo pang
nilakihan ang kanyang ngiti at mabilisan na lumayo sa tenga nito, na para bang
may binulong siya na sobrang nakakatuwa. Kumaway siya mukha nito at
masayang sinabi, "Aunt Xu, masaya ka ba?"
"Madam Xu, siya ay si?" nakangiting tanong ng isa sa mga kausap ni Han
Ruchu.
Naramdaman ni Qiao Anhao na pasimpleng inaalis ni Han Ruchu ang kanyang
kamay, pero imbes na bumitaw, lalo niya pa itong hinawakan ng mas matindi.
Sasabog na ang puso ni Han Ruchu sa galit, pero hindi ito pwedeng
magpahalata kaya pinilit nitong ngumiti sa babaeng nagtatanong at kalmadong
sumagot, "Ito ang anak na babae ng Qiao Family."
"Hello, ako po si Qiao Anhao." Kumpara kay Han Ruchu, di hamak na mas
kalmado ang itsura ni Qiao Anhao. Pagkatapos niyang magpakilala,
nakipagcheers siya sa babae at uminom ng konti sakanyang wine.
"Qiao Anhao, kilala kita. Ikaw ang supporting actress ng Alluring Times."
"So nanunuod po pala kayo ng drama ko…"
Habang naririnig ni Han Ruchu ang paguusap ni Qiao Anhao at ng kanyang
kaibigan, lalo lang siyang nainis at sa pagkakataong ito, halata na sakanyang
itsura. Kailangan niyang humanap ng paraan para hindi siya tuluyang sumabog
kaya dali-dali niyang inubos ang wine na nasa kanyang baso, pumikit, at
huminga ng malalim bago siya muling tumingin kay Qiao Anhao at nakangiting
sinabi, "Qiao Qiao, nandoon ang Auntie mo. Nabati mo na ba siya?"
Alam naman ni Qiao Anhao na gusto lang siyang paalisin ni Han Ruchu, pero
nagkakamali ito… dahil hindi niya hahayaan na makuha nanaman ng babaeng
'to ang gusto nito!
Hindi siya aalis at determinado talaga siyang inisin ito!
"Kakatapos ko lang pong batiin si Auntie." Kumurap si Qiao Anhao na para
bang may bigla siyang naalala bago siya magpatuloy, "Oh, tama. Aunt Xu, may
sasabihin pa po pala ako sainyo…"
Muli nanamang lumapit si Qiao Anhao sa tenga ni Han Ruchu at pabulong na
sinabi, "Aunt Xu, alam mo ba kung bakit ako nalaglag sa hagdanan noong
nagpunta ako sainyo nitong huling Valentine's day?"
"Sinabi na ba sayo ni Jiamu?" Sa sobrang kaba ni Han Ruchu, hindi ito
mapakaling sumagot kaagad pagkatapos na pagkatapos magtanong ni Qiao
Anhao.
Sa totoo lang, wala talagang ideya si Qiao Anhao kung bakit siya nalaglag:
kung aksidente lang ba ang lahat o may nanabotahe sakanya.
Ang tanging rason lang naman kung bakit niya yun sinabi ay dahil hindi maalis
sa isip niya ang mga natuklasan niya sa drawer ni Lu Jinnian.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES