Siguradong pupunta si Han Ruchu sa charity gala…
Kinuha ni Qiao Anhao ang kanyang phone para tignan kung anong petsa na…
Bukas na ang gala…
Pinapangako niya sa sarili niya na unti-unti niyang pagbabayarin si Han Ruchu
sa lahat ng mga kasalanan na ginawa nito!
Kung ngayon siya pupunta sa mansyon ng mga Xu para sugurin si Han Ruchu,
malaki ang posibilidad na walang maniniwala sakanya dahil wala siyang dalang
kahit anong ebidensya. Magiging problema niya rin kapag ipinatawag ang
auntie at uncle niya dahil sa ganda ng relasyon ng dalawang pamilya, tiyak na
papagalitan lang siya dahil masyado siyang nagmamagaling.
Para mapabagsak niya ang isang napaka samang babae, hindi siya pwedeng
magpadalos-dalos….
Kailangan niyang umisip ng plano na hindi niya kailangang mamisikal, pero
kung siya ang masusunod, gusto niyang sampalin ito hanggang sa mapagod
siya!
Tama… Kailangan niyang kumalma. Desidido siyang gumanti kaya hindi muna
siya bumaba ng sasakyan hanggang sa makaisip siya ng magandang
plano…Hinding hindi niya makakalimutan noong gabing tumakas siya sa ospital
para kausapin si Lu Jinnian. Kung saan saan siya nagpunta pero hindi niya
talaga ito makita.
Pero habang naghahanap siya, nakasalubong niya ang assistant nito at napaka
rami nitong pinaliwanag sakanya… Sinabi nito na naghanda si Lu Jinnian ng
isang recording pen na magsisilbing ebidensya na si Han Ruchu talaga ang
pumatay sa anak nila…Gusto sana itong iparinig sakanya ni Lu Jinnian noong
Chinese Valentine's day. Pero nakakalungkot dahil hindi natuloy…
May naisip na siya… Dali-dali siyang bumaba sa sasakyan at tumakbo papasok
ng bahay.
Noong umuwi sila ni Lu Jinnian galing sa America, tandang-tanda niya na isang
maleta lang ang dala nito. Mula noong ikasal sila, sa Mian Xiu Garden na sila
palaging umuuwi at wala siyang naalala na bumili si Lu Jinnian ng bagong
maleta. Ngayong nasa isang business trip ito, kahit pa gamitin nito ang
nasabing maleta, sigurado namang siya na hindi nito dadalhin ang recording
pen…Kaya ibig sabihin, nandito lang sa villa ang recording pen… Tama!
Kailangan niya itong mahanap at hiramin muna!
Dahil sa mga naisip ni Qiao Anhao, nagmamadali siyang umakyat at dumiretso
sa kwarto nila para halughugin ang lahat ng kahon at kabinet na mayroon sila.
Wala pang ilang minuto siyang nagkalkal, ang dating napaka linis nilang kwarto
ay parang biglang dinaanan ng dilubyo. Kung saan saan niya lang tinapon ang
bawat madampot niya kaya bandang huli, halos wala na rin siyang
mapwestuhan.
Nang wala siyang napala sa kwarto nila, hindi siya nakuntento kaya inisa-isa
niya ang iba pang mga kwarto sa mansyon hanggang sa makarating siya sa
study room ni Lu Jinnian.
Kinuha niya ang mga dokumentong nakapatong sa lamesa. Sinilip niya lang ang
mga ito ng mabilisan at noong wala siyang nakitang kahit ano, padabog niya
itong binalik sa lamesa. Sa sobrang pagkataranta niya, hindi niya namalayan na
may ilang dokumento dumulas kaya maraming papel ang nagkalat sa sahig.
Sumalampak siya sa sahig at sa sobrang pagkadesperado, inisa-isa niya
namang buksan ang drawer ng lamesa, kung saan puro dokumento at kung
anu-anong gamit lang ang mga nakita niya. Pero wala siyang balak na tumigil…
Hinila niya ang upuan na nasa kanyang harapan niya at tumuntong dito para
maabot niya naman ang book case.
Tinignan niya ang bawat sulok ng bookcase hanggang sa mapansin niya na
may isang nakalock na drawer sa bandang ibabang kanan ng kabinet.
Habang pinilipit niyang sirain ang lock, naalala niya na may napansin siyang
mga susi sa isa sa mga kinalkal niyang drawer kaya nagmamadali siyang
bumaba sa upuan para kunin ang mga ito. Hindi pumasok ang una at
pangalawa, pero buti nalang sa ikatlong susi nagtagumpay na siyang mabuksan
ito!
Pagkabukas niya ng drawer, tumambad sakanya ang napakaraming "NanJin95
Supreme" na brand ng sigarilyo.
Kumunot ang noo ni Qiao Anhao at walang pagdadalawang isip niyang kinuha
ang mga ito para itapon sa basurahan na nasa kanyang tabi. Sa ilalim ng mga
sigarilyo, may nakatagong isang phone, recording pen, kulay pulang marriage
certificate at folder.
Sa wakas, nahanap niya rin! Dali-dali niyang kinuha ang recording pen at
pinindot ang play button, at wala pang ilang segundo, may narinig siyang
bumubulong.
"Bakit mo ginawa 'yun? Ikaw…"
Sampung segundo pa ang lumipas bago nakilala ni Qiao Anhao na ang
pinanggagalingan ng boses ng babaeng nagsasalita ay walang iba kundi si
Han Ruchu, pero bago ito matapos sa pagsasalita, narinig niya naman ang
boses ni Lu Jinnian. "Paano mo magagawang tumingin kay Xu Jiamu, na
minsan ng nagligtas ng buhay mo? Sa loob ng maraming taon, wala siyang
ibang ginawa kundi ang maging mabait sayo, nakalimutan mo na ba? May
puso ka ba!" Mrs. Han, nasabi mo na ba ang lahat ng gusto mong sabhin?"
Sadlit na nahimik ang recording pen hindi nagtagal, muli niyang narinig si Lu
Jinnian, "Pwede kong sabihin kay Xu Jiamu na malinis ang konsensya ko! Eh
ikaw? Mrs. Han, kaya mo rin bang gawin 'yun? Bilang isang nanay, kaya mo
bang maging tapat at sabihing ginawa mo ang lahat ng may malinis na
konsensya?"
"Nagbibiro ka ba! Ninakaw mo ang lahat kay Jiamu. Sinasabi mo ngayon na
malinis ang konsensya mo, pero nakalimutan mo na ba na isa kalang hampas
lupa na dapat na hindi na ipinanganak sa mundong ito! Ang nanay mo ay
isang nakakahiyang kirida at bilang nanay ni Jiamu, bakit naman ako
makokonsensya? Ipapaalala ko lang sayo, na kahit mapasayo pa ang Xu
Enterprise, hinding hindi mo pa rin mababago na isa ka lang hampas lupat at
hindi mo maitatanggi ang katotohanan na ang nanay mo ay isang pokpok!"
"Oo. Tama ka. Isa ngang pokpok ang nanay ko. Ang nanay ko ay isang kirida
na nagbigay ng buhay sa akin. Ngayon palang naming natanggap ang
hustisyang kailangan namin. Kahit na mahirap lang ang nanay ko, bilang anak
niya, naging mabuti pa rin siyang ina, isang napakagaling na ina at hindi
kagaya mo na isang kriminal!
"Anong ibig mong sabihin?" Ramdam sa boses ni Han Ruchu ang pagkagulat
nito.
"Iniisip ko nga kung alam nab a ni Jiamu na ang kamay ng nanay niya ay
punong puno ng dugo. Hindi na ito naawa sa isang dalawang buwang taong
gulang na bata…. Ang kayang magiging tingin niya sayo sa oras na mamulat
siya sa katotohanan?"
"So alam mo na pala."
"Oo, alam ko na. Dahil sa sleeping pills na nilagay mo sa swallow's nest ni
Qiao Anhao kaya siya nakunan. Mrs. Han, sobrang pinaghandaan mo ang
lahat, pero nakakahiya ka dahil ikaw mismo ang gumawa ng paraan para
mapahamak ka."
"Kailan mo nalaman?"
"Kaya pala napurnada ang investment ko na nagkakahalaga ng ilang bilyon
ay dahil minanipula mo ito? Ikaw din ang dahilan kung bakit lalong bumagsak
ang stocks ng Xu Enterprise? Gusto mong agawin ang Xu Enterprise para
maghirap kami ni Wanli, tama ba ako?"
Sa puntong 'to, halata sa boses ni Han Ruchu na hindi na nito kayang magtimpi
at magpanggap na kalmado. Bagamat tuloy-tuloy lang ang pagsasalita nito,
malinaw na balisa na ito.
"Tama ka."
"Anong kailangan kong gawin para tumigil ka? Pinaghirapan ko ang lahat ng
ito. Pwede mo akong puntahan…"
"Mrs. Han, kung sa tingin mo titigilan kita, tandaan mo ito… Wag ka ng
umasa!"
Hindi niya maintindihan ang huling sinabi ni Lu Jinnian dahil halos hindi na ito
makapagsalita ng maayos sa sobarng panggigil, at dito na rin natapos ang
recording.
Napahawak si Qiao Anhao ng mahigpit sa recording pen at dahil sa mga narinig
niya, lalo lang tumindi ang galit niya kay Han Ruchu pero kailangan niyang
kumalma kaya pagkabulsa niya ng pen, yumuko muna siya para magpahupa ng
emosyon. Noong sandaling iangat niya muli ang kanyang ulo, ang phone naman
na nasa loob rin ng drawer ang umagaw ng kanyang atensyon.
Hindi ba ito ang phone na ginagamit ni Lu Jinnian dati… Sigurado siya na ito
ang phone na binili ng asawa niya matapos nilang maaksidente sa set ng
'Heavenly Sword'. Halatang hindi pa ito masyadong nagagamit kaya hanggang
ngayon ay mukha pa rin itong bago. Pero bakit hindi na ito ginagamit ni Lu
Jinnian?
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES