App herunterladen
69.16% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 673: Ang mga text message sa phone (24)

Kapitel 673: Ang mga text message sa phone (24)

Redakteur: LiberReverieGroup

Kinaumagahan, ginising si Lu Jinnian ng isang tawag. Mataas na ang araw na

noong sandaling imulat niya ang kanyang mga mata.

Matagal na noong huling beses siyang nagising ng tanghali kaya medyo

kumunot ang kanyang noo noong nakita niyang mataas na ang araw.

Pagkakuha niya ng kanyang phone para silipin kung sino ang tumatawag, doon

niya lang din napansin na alas onse na pala ng umaga. Malinaw na

naalimpungatan siya kaya halos kalahating minuto pa ang lumipas na nakatitig

lang siya sa screen ng kanyang phone bago niya sagutin ang tawag.

Tawag mula sa America – magkakaroon sila ng isang emergency meeting na

kailangang kailangan ang presensya niya at hindi na siya pwedeng tumanggi

dahil may nagbook na ng ticket para sakanya.

Pagkaputol ng tawag, muli niyang sinilip ang oras. Mayroon nalang siyang

natitirang tatlong oras bago ang kanyang flight, pero imbes na magmadaling

bumangon ay muli siyang pumikit at niyakap si Qiao Anhao.

Buong magdamag na itong natutulog sakanyang braso, pero wala manlang

siyang naramdaman na kahit kapiranggot na pagkangalay, sa halip, sobrang

komportable at panatag niya lalo na noong maamoy niya ang katawan nito na

puno pa rin ng mga bakas ng pagmamahalang ginawa nila kagabi.

Hindi siya makapaniwala na pagkalipas ng limang buwan ay magkakaroon ng

araw na makakatulog siya ng mahimbing hanggang sa mag'tanghali. Para

sakanya, isang masamang panaginip nalang ang ilang buwan na nilagi niya sa

America, kung saan wala siyang ibang ginawa kundi ang manigarilyo lang

buong magdamag.

Walang nakakaalam kung anong klaseng pagtitiis ang ginawa niya sa bawat

segundong lumipas noong lumayo at nagtago siya.

Mahal na mahal niya si Qiao Anhao at kahit sobrang nasaktan na siya nito,

hindi niya talaga kayang sumuko.

Pero aminado siyang nakaramdam din siya ng matinding galit dahil sa mga

ginawa nito sakanya.

Sa totoo lang, sinubukan niyang kalimutan si Qiao Anhao pero sa tuwing

sasapit ang gabi, hindi niya mapigilan ang sarili niyang isipin ito buong

magdamag.

Para siyang pinaparusahan…

Kung pwede lang, wala talaga sana siyang balak na sabihin kahit kanino ang

tungkol sa mga madidilim niyang pinagdaanan.

Pero kung hindi dahil kay Lucy, malamang matagal na siyang namatay sa ibang

bansa.

Habang inaalala niya ang mga nangyari sa nakaraan, sinilip niya ang isang

bagay na mula noong sinuot niya ay hindi niya na muli pang tinanggal kahit

tuwing naliligo o nagswiswimming siya.

Paano niya ba makakalimutan ang mga nangyari noong gabing natanggap niya

ang text, na sobrang dumurog sakanyang pagkatao, habang matyaga siyang

naghihintay sa labas ng mansyon ng mga Qiao...Kabisdo niya pa rin ang baat

detalye pero hindi kagaya ng dati, hindi na siya nasasaktan sa tuwing naalala

ang mga ito, na para bang hindi ito nangyari sakanya.

Ibig sabihin... ganun talaga kalakas ang kapangyarihan ni Qiao Anhao

pagdating sakanya dahil kung kaya siya nitong itulak papuntang impyerno,

kayang kaya rin siya nitong buhayin muli.

Pero kahit gaano pa kadilim ang mga nangyari sa nakaraan, ang importante

naman ngayon ay mahal na rin siya nito, tama?

Ngayong nasuklian na ang labintatlong taon na wala siyang ibang ginawa kundi

magmahal at magsakripisyo, wala na siyang ibang mahihiling pa at sigurado

siyang magiging masaya na siya hanggang sa huli niyang hininga.

Sa wakas, pinagbigyan na rin siya ng langit.

Hindi mapigilan ni Lu Jinnian na mapangiti sa sobrang saya at kilig. Kung wala

lang sana siyang emergency meeting, wala siyang balak na iwanan si Qiao

Anhao... Pero bago siya maghanda, dahan-dahan niya munang hinaplos ang

magandang mukha na maihimbing na natutulog sakanyang tabi at maingat itong

hinalikan sa noo. Alam niyang sobrang napagod ito sa mga ginawa nila kagabi

kaya tahimik siyang naglakad papunta sa CR para hindi ito maistorbo sa

kagustan niyang makabawi ng lakas. Pagkatapos niyang magbihis, kumuha

muna siya ng sticky note para magiwan ng ilang paalala sa salamin ng kanilang

CR, bago siya mabilisang nagempake at lumabas ng bahay.

'start niya na ang sasakyan at handa na sana siyang umalis nang may bigla

siyang naalala. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone at nag-dial ng isang

number galing sakanyang Contacts. "Lucy, it's me... No, she's good... but could

I trouble you to come over with your husband… Yea, I'll send you the directions

in a moment. I have an emergency matter to tend to in America now… Yea,

thank you…

Pagkaputol ng tawag, muli niyang sinulyapan ang mansyon na nasa kanyang

harapan bago siya tuluyan na magmaneho palabas.

Kahit na alam niyang nananiwala naman si Qiao Anhao sa paliwanag niya,

gusto niya pa ring papuntahin si Lucy para makapagpaliwanag din ito.

Dahil kahit na natuwa siya noong nakita niya itong nagseselos, ayaw niya

namang hayaang na manatiling may lamat ang tiwala nito sakanya.


Kapitel 674: Ang mga text message sa phone (25)

Redakteur: LiberReverieGroup

Alas dose na ng tanghali noong nagising si Qiao Anhao. Kagaya ng

nakasanayan, dumiretso muna siya sa CR kaya agad niyang nakita ang sticky-

note na iniwanan ni Lu Jinnian.

Umalis pala ito para sa isang business trip...

Pagkatapos niyang mag-toothbrush, dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone

para tawagin ito.

Sumagot naman kaagad si Lu Jinnian at sa linya nito, narinig niya ang

announcement na malapit ng lumipad ang eroplanong sinasakyan nito.

"Gising ka na?"

"Oo," malambing na sagot ni Qiao Anhao. "Ilang araw kang mawawala?"

"Baka makabalik na ako ng Biyernes kapag natapos ko kaagad ang mga

trabaho ko dito."

"Oh."Sinilip ni Qiao Anhao ang kalendaryo ng kanyang phone...Lunes palang.

Ramdam ni Lu Jinnian na medyo nalungkot si Qiao Anhao kaya hindi niya

napigilang matawa. Ilang araw lang naman silang magkakalayo pero nagaalala

pa rin siya na baka malipasan ito ng gutom at ginawin ito sa gabi kaya muli

siyang nagpaalala na wag nitong kalimutang kumain sa tamang oras at

magkumot bago matulog...

Pero lahat naman ng sinabi niya ay nakasulat din sa sticky-note na iniwanan

niya sa CR.

Kung siya ang masusunod, gusto niya pa sanang kausapin ng matagal si Qiao

Anhao pero dahil lumapit na sakanya ang air stewardess, kinailangan niya ng

ibaba.

-

Pagka-putol ng tawag, nakita ni Qiao Anhao na lowbatt na ang kanyang phone

kaya chinarge niya muna ito bago siya bumaba sa kusina. Kumuha siya sa ref

ng mga pwede niyang mailuto pero habang nasa kalagitnaan siya ng

paghahanda, biglang may nagdoorbell.

Dali-dali niyang pinatay ang kalan para tignan kung sino ang dumating. Wala

naman siyang inaasahang bisita kaya laking gulat niya nang makita niya ang

CCTV...May dalawang taong nakatayo sa labas ng bahay nila at ang isa sa mga

ito ay kilala niya... Si Lucy at isang blonde na lalaking ngayon niya lang nakita

Biglang kumunot ang noo ni Qiao Anhao at naguguluhang binuksan ang

pintuan. Magalang siyang bumati at nagtatakang nagtanong sa wikang Ingles, "Are you looking for Lu Jinnian? He's out on a business trip."

"Really? That's a pity," Nakangiting sagot ni Lucy bago nito ituro ang loob ng

bahay. "Can we go for a seat?"

"Of course." Dali-daling kumuha si Qiao Anhao nd dalawang pares ng tsinelas.

Pagkaupo ng mga bisita niya sa sofa, nagmamadali siyang tumakbo papunta sa

kusina para ikuha ang mga ito ng mainit na kape.

"Thank you." Masayahin talaga si Lucy kaya sa tuwing magsasalita ito ay laging

may kasunod na ngiti. "Are you Nian's wife?"

Tumungo si Qiao Anhao.

Pinapunta ni Lu Jinnian si Lucy para linawin ang lahat kaya nang sandaling

makahanap siya tyempo, mahinahon niyang itinuro ang lalaking nakaupo sa

tabi niya, "He's my husband, he was also in the hotel yesterday."

Hindi makakalimutan ni Qiao Anhao ang mga ginawa niya kagabi... Bigla siyang

namula sa sobrang kahihiyan kaya dali-dali siyang yumuko at humingi ng

tawad. "I'm really sorry for yesterday night." 

"It's fine." Muling ngumiti si Lucy at pinuri ang kapeng inihanda ni Qiao Anhao.

"Is this your and Nian's house?"

"Yea," Masayang itinuro ni Qiao Anhao ang hagdanan, "Care for a tour?"

Hindi inaasahan ni Lucy na magyayaya si Qiao Anhao kaya gulat na gulat

siyang nagtanong. ";Can I?"

Qiao Anhao nodded her head. She stood up and gestured for the couple to go

ahead.

Masayang tumungo si Qiao Anhao. Dali-dali siyang tumayo at sinenyasan ang

mag-asawa na sumunod sakanya.

Mian Xiu Garden was a European style building. A famous designer from

Europe had been hired to design it so it suited the tastes of the couple.

European ang style ng Mian Xiu Garden dahil gawa ito ng isang sikat na

European designer na eksklusibo talagang kinuha ni Lu Jinnian, na sobrang

pumatok sa panlasa ng magasawang Amerikano.

They toured the house, the guests constantly praising the furnishings as they

passed. When they came back down, Lucy smiled to her husband. "I have

something to tell Mrs. Lu. Dearest, do you want to go back to the hotel first?"

Habang iniikot ni Qiao Anhao ang dalawa, walang tigil ang mga ito sa pagpuri

sa bawat muwebles na madadaanan nila. Pagkabalik nila sa sala, malambing

na ngumiti si Lucy sakanyang asawa at sinabi, "I have something to tell Mrs.

Lu. Dearest, do you want to go back to the hotel first?" 

Lucy's husband agreed readily, giving her a quick kiss and an enthusiastic wave

to Qiao Anhao before leaving.

Wala namang problema sa asawa ni Lucy kaya agad nitong hinalikan ang misis

at masayang nagpaalam kay Qiao Anhao.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C673
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES