"Teka, uubusin ko lang to."
Hanggat maari, ayaw niyang bigyan ng pagkakataon na makapagsalita si Lu
Jinnian kaya dali-dali niyang tinungga ang isang baso ng tubig na ibinigay nito.
Habang ibinabalik niya ang baso kay Lu Jinnian, nagpanggap siya na
nakalimutan niya na ang sinabi niya bago siya uminom at dali-dali siyang
nagsalita, "Matutulog na ako. Bukas nalang tayo magusap."
Hindi pa man din ito nakakasagot, bigla siyang kumaripas ng takbo paakyat.
Habang hawak ni Lu Jinnian ang baso, natatawa nalang siya sa sobrang
ka'praningan ni Qiao Ahhao kaya nakangiti lang siya habang pinagmamasdan
itong tumakbo paakyat.
Alam niya… Natatakot itong marinig kung ano mang sasabihin niya kaya pilit
itong umiiwas sa tuwing sinusubukan niyang makipagusap.
Ibig sabihin…. Mahal mo talaga ako Qiao Qiao?
Sumandal si Lu Jinnian sa pader at tumingala sa ceiling lamp habang hawak
hawak pa rin ang basong ibinalik sakanya ni Qiao Anhao. Sa mga oras na 'to,
nararamdaman niya na unti-unting gumagaan ang anumang mabigat sa puso
niya na matagal niyang tiniis dalhin.
Halos dalawang minuto rin siyang nakatingala bago siya umayos ng tayo at
maglakad papunta sa kusina. Pero hindi pa man din siya nakakadalawang
hakbang, muli nanaman siyang natigilan dahil may naramdaman siyang kakaiba
sa ilalim ng kanyang tsinelas. Pagkayuko niya, nakita niya ang isang maliit na
pulang booklet na may nakasulat sa harap na 'Marriage Certificate'.
Habang nakakunot ang noo, yumuko si Lu Jinnian para pulutin ito. Sigurado
siya na itinago niya ang certificate niya sa study room, ibig sabihin kay Qiao
Anhao ito?
Kanina lang, ang lakas pa ng loob nitong ipagyabang ang marriage certificate
na dala nito, tapos ngayon hindi nito namalayan na nalaglag na ito…Napaka
burara.
Napangiti nalang si Lu Jinnian habang umiiling. Inilagay niya muna ang baso sa
kusina bago siya umakyat papunta sa kwarto nila.
Pagkarating ni Lu Jinnian, nakapajamas na si Qiao Anhao at nakahiga na sa
kama habang nakapikit.
Naglakad siya papalapit dito at noong nakikita niyang nanginginig ang mga
pilikmata nito, sigurado siyang hindi pa ito tulog at nakikiramdam lang sakanya
kaya dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kamay at kinurot ng mahina ang
malambot nitong mukha. "Qiao Qiao, nasaan ang marriage certificate mo?"
Marriage certificate... Bakit hinahanap ni Lu Jinnian ang marriage certificate
niya? Makikipag'divorce na ba ito?
Biglang humigpit ang hawak ni Qiao Anhao sa kumot at dali-dali siyang pumikit
ng mas matindi pa.
Natutulog siya, wala siyang naririnig na kahit ano.
Para mas maging kapani-paniwala, sinadya niyang laliman ang paghinga niya
at nagpanggap pa siyang humihilik.
Ilang sandali ring nakatayo si Lu Jinnian habang pinagmamasadan si Qiao
Anhao na halatang nagpapanggap na tulog bago siya yumuko para tapikin ang
mukha nito ng mahina gamit ang pulang booklet na napulot niya.
Biglang kumunot ang noo ni Qiao Anhao. Teka lang, anong pinangtapik ni Lu
Jinnian? Bakit parang may hawak itong booklet?
Bahagya niyang iminulat ang kanyang mga mata para sumilip. Naaninag niya
na may hawak itong pulang booklet kaya idinilat niya pa ng konti ang kanyang
mga mata at dun bumungad sakanya ang mga salitang 'Marriage Certificate'.
Hawak ni Lu Jinnian ang marriage certificate nito…Bakit hinahanap din nito ang
certificate niya? Baka gusto na talaga nitong makipagdivorce…
Hindi kayang tanggapin ni Qiao Anhao ang gustong mangyari ni Lu Jinnian
kaya dali-dali siyang nagtago sa ilalim ng kumot.
Wala siyang nakikita, wala siyang naririnig, wala siyang alam.
Basta, natutulog siya.
Hindi na alam ni Lu Jinnian kung anong gagawin niya kaya bigla nalang siyang
natawa ng malakas. Hindi niya alam kung bakit pero sobrang saya niya talaga
at sa totoo lang, hindi niya na maalala kung kailan ang huling beses na
nakatawa siya ng ganun.
Alam niyang hindi niya na mapipilit si Qiao Anhao na makipag-usap sakanya ng
matino kaya wala na siyang ibang maisip kundi ang hawiin ang kumot na
nakataklob dito at hilain ito palabas. Ikinaway niya ang pulang booklet na
hawak niya at sinabi, "Sayo to…"
"Lu Jinnian, magnanakaw ka!" Biglang napabangon si Qiao Anhao at naiinis na
sumigaw. Hindi na nakapagsalita si Lu Jinnian dahil tinitigan niya ito ng
masama.
Grabe na talaga si Lu Jinnian!
Talagang ninakaw nito ang marriage certificate niya para piliting siyang
makipagdivorce!
Inirapan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian at pwersado niyang kinuha ang pulang
booklet na hawak nito.
Gusto lang naman sanang biruin ni Lu Jinnian si Qiao Anhao kaya itatanong
niya sana, "Gusto mong makuha?" pero bigla siyang natigilan nang
pagbintangan siya nitong magnanakaw. Napatulala nalang siya kaya noong
sandaling mahimasmasan siya, nakuha na ni Qiao Anhao ang marriage
certificate. Hindi ito mapakali at mukhang naghahanap ito ng pwedeng
pagtaguan.
Imbes na mainis, muli nanamang napahalakhak si Lu Jinnian dahil sa mga
pinaggagawa ni Qiao Anhao.
Pero sa kalagitnaan ng pagtawa ni Lu Jinnian, biglang kumurap si Qiao Anhao,
na para bang may nabuo siyang magandang plano. Wala na siyang oras
magdalawang isip kaya dali-dali niyang pinunit sa kalahati ang booklet. Pero
hindi pa siya nakuntento kaya nagpatuloy pa siya sa pagpunit nito hanggang sa
maging sobrang liit na ng bawat piraso. Natatakot siya na baka sa sobrang
pursigido ni Lu Jinnian na makipagdivorce sakanya ay pilitin pa rin nitong
buuhin ang certificate kaya inunahan niya na ito at bigla niya nalang isinubo
ang mga pinunit niya.
"Qiao Qiao!" Si Lu Jinnian, na tuwang-tuwa habang pinapanuod ang
ka'praningan ni Qiao Anhao, ay biglang napasigaw sa gulat. Dali-dali niyang
hinatak ang siko nito at hinila ito papalapit sakanya. "Iluwa mo!"
Pero ayaw talagang magpaawat ni Qiao Anhao at tuloy-tuloy lang ito sa
pagsubo ng mga papel. Sa takot ni Lu Jinnian na baka may malunok ito, bigla
niyang hinawakan ang baba nito gamit ang isa niyang kamay at dinukot ang
mga papel sa loob ng bibig nito gamit ang kabila.
Pagkalabas niya ng isang kumpol ng punit-punit na papel, muli niyang ipinasok
ang kanyang daliri sa bibig nito para siguraduhing wala ng natira. Pero sa
pagkakataong ito, hindi niya inaasahan na bigla siyang kakagatin ni Qiao
Anhao.
Buong lakas siyang kinagat ni Qiao Anhao kaya mabilis na dumaloy ang sakit
sakanyang buong katawan.
Napakunot nalang siya ng noo at noong hihilain niya na sana ang kanyang
daliri, naramdaman niya na may tila-tubig na pumatak sa likod ng kanyang
kamay. Noong sandaling 'yun, bigla siyang natigilan at hinayaan niya nalang na
kagatin siya nito hanggang sa magsawa ito.
Pinakawalan lang ni Qiao Anhao ang daliri ni Lu Jinnian noong may nalasahan
na siyang malansa. Sa sobrang pagod, bigla siyang napaupo sa kama. Ilang
sandali rin siyang nakayuko habang nakakagat sakanyang labi bago niya
muling iangat ang kanyang luhaang mukha para magtanong na parang isang
nakakaawang bata, "Lu Jinnian, sabi mo hindi na tayo pwedeng magdivorce
kapag naikasal na tayo, sinira ko na 'yung certificate ko kaya hindi na tayo
pwedeng magdivorce, tama?"
Sa pagkakataong ito, wala ng balak si Lu Jinnian na pagtawanan si Qiao
Anhao. Habang tinititigan niya ito, ramdam niya kung gaano niya ito nasaktan
kaya dahan-dahan niya itong hinila papalapit sakanya. "Walang divorce, hinding
hindi tayo magdidivorce."
"Talaga?" Sobrang nakakaawa ang mga mata ni Qiao Anhao noong tumingin
siya kay Lu Jinnian, na parang gustong-gusto niyang makasigurado.
"Oo," Sagot ni Lu Jinnian habang lalo niya pang hinihigpitan ang pagyakap kay
Qiao Anhao.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES