Pagkababa niya, dumaan muna siya sa CR para maghilamos at magpakalma.
Noong sandaling pumasok siya sa main hall, nakita niya kaagad si Lu Jinnian
na nakatalikod. Hindi biro ang lamig sa labas dahil sa winter pero kahit na
nakasuot lang ito ng manipis na shirt, kalmado lang itong nakatayo at mukhang
hindi giniginaw.
Napahawak si Qiao Anhao ng mahigpit sakanyang damit at huminga ng
malalim. "Lu Jinnian."
Dali-daling lumingon si Lu Jinnian na para bang walang nangyari. Kung
pagmamasdan ang itsura nito, kapansin-pansin na kalmado at mukha itong
masaya. Mahinahon itong nagtanong, "Bakit ang tagal mo?"
Teka lang… hindi ba kanina lang nahuli ito na may kasamang ibang babae sa
loob ng isang kwarto, bakit parang napaka kalmado naman ata nito? O baka
naman talagang wala na itong pakielam kahit na nabuko na ito?
Habang nakikita ni Qiao Anhao na parang hindi apektado si Lu Jinnian sa kabila
ng mga nangyari, lalo lang siyang kinabahan.
Kung anu-anong pumasok sa isip niya at nahimasmasan lang siya noong bigla
nitong hawakan ang kanyang kamay. Tinitigan niya ang mukha ni Lu Jinnian at
kahit na mukha pa rin itong suplado, ramdam niya na kakaiba ang saya nito.
Hindi niya mabasa kung anong kasalukuyan nitong iniisip kaya habang
tumatagal, lalo lang siyang kinakabahan.
Habang nasa byahe sila pauwing Mian Xiu Garden, hindi sila gaanong nag-
usap pero maraming beses na sinilip ni Qiao Anhao si Lu Jinnian para
pagmasdan ang itsura nito.
Ramdam ni Lu Jinnian na tinitignan siya ni Qiao Anhao pero hindi siya
nagpa'apekto at kalmado lang siyang nakatutok sa kalsada. Hindi niya talaga
makalimutan ang mga narinig niya sa Four Seasons Hotel kaya hindi niya
napigilang mapangiti noong isang beses na sinilip niya ito sa rear view mirror.
Noong nakita ni Qiao Anhao na nakangiti si Lu Jinnian, biglang nandilim ang
kanyang paningin. Para siyang nagtatampong bata na yumakap ng mahigpit
sakanyang bag habang nakasimangot. Samantalang si Lu Jinnian naman ay
lalo pang sumaya at kinilig noong nakita niya ang naging reaksyon nito.
Hindi naman sa ayaw niyang magpaliwanag, pero sa ngayon gusto niya
munang makita kung paano mainis si Qiao Anhao.
Panno niya ba sasabihin… Habang nakikita niya na naiinis si Qiao Anhao,
sobrang kinikilig siya dahil ramdam na ramdam niya kung gaano siya kamahal
nito.
Pagkaparada niya ng sasakyan sa bakuran ng Mian Xiu Garden, dali-dali
niyang tinanggal ang kanyang seatbelt at bumaba para pagbuksan si Qiao
Anhao. Pero bago pa siya makapaglakad, inunahan siya nitong magbukas ng
pintuan at nagmamadaling tumakbo papasok ng bahay.
Natawa nalang si Lu Jinnian sa ginawa ni Qiao Anhao at kalmado niya itong
sinundan. Pagkapasok niya, saktong paakyat na ito ng hagdanan kaya bigla
niya itong tinawag habang nagtatanggal siya ng sapatos, "Qiao Qiao."
Natigilan si Qiao Anhao.
Bakit kaya siya tinatawag ni Lu Jinnian? Kokomprontahin na kaya siya nito?
Malinaw na nahuli niya itong may kasamang ibang babae… Ibig bang sabihin,
wala na talaga itong pakielam sa kasal nila? Sasabihin ba nito sakanya na wala
na itong nararamdaman para sakanya dahil mas gusto na nito ang foreigner na
babae sa Four Seasons Hotel?
Sobrang natatakot si Qiao Anhao na marinig ang sunod na sasabihin ni Lu
Jinnian kaya dali-dali siyang tumingin dito at sinabi, "Lu Jinnian, gusto ko ng
isang basong tubig."
Tumungo si Lu Jinnian at ikinuha siya ng isang basong tubig. "Qiao Qiao"
"Teka, uubusin ko lang to."
Hanggat maari, ayaw niyang bigyan ng pagkakataon na makapagsalita si Lu
Jinnian kaya dali-dali niyang tinungga ang isang baso ng tubig na ibinigay nito.
"Teka, uubusin ko lang to."
Hanggat maari, ayaw niyang bigyan ng pagkakataon na makapagsalita si Lu
Jinnian kaya dali-dali niyang tinungga ang isang baso ng tubig na ibinigay nito.
Habang ibinabalik niya ang baso kay Lu Jinnian, nagpanggap siya na
nakalimutan niya na ang sinabi niya bago siya uminom at dali-dali siyang
nagsalita, "Matutulog na ako. Bukas nalang tayo magusap."
Hindi pa man din ito nakakasagot, bigla siyang kumaripas ng takbo paakyat.
Habang hawak ni Lu Jinnian ang baso, natatawa nalang siya sa sobrang
ka'praningan ni Qiao Ahhao kaya nakangiti lang siya habang pinagmamasdan
itong tumakbo paakyat.
Alam niya… Natatakot itong marinig kung ano mang sasabihin niya kaya pilit
itong umiiwas sa tuwing sinusubukan niyang makipagusap.
Ibig sabihin…. Mahal mo talaga ako Qiao Qiao?
Sumandal si Lu Jinnian sa pader at tumingala sa ceiling lamp habang hawak
hawak pa rin ang basong ibinalik sakanya ni Qiao Anhao. Sa mga oras na 'to,
nararamdaman niya na unti-unting gumagaan ang anumang mabigat sa puso
niya na matagal niyang tiniis dalhin.
Halos dalawang minuto rin siyang nakatingala bago siya umayos ng tayo at
maglakad papunta sa kusina. Pero hindi pa man din siya nakakadalawang
hakbang, muli nanaman siyang natigilan dahil may naramdaman siyang kakaiba
sa ilalim ng kanyang tsinelas. Pagkayuko niya, nakita niya ang isang maliit na
pulang booklet na may nakasulat sa harap na 'Marriage Certificate'.
Habang nakakunot ang noo, yumuko si Lu Jinnian para pulutin ito. Sigurado
siya na itinago niya ang certificate niya sa study room, ibig sabihin kay Qiao
Anhao ito?
Kanina lang, ang lakas pa ng loob nitong ipagyabang ang marriage certificate
na dala nito, tapos ngayon hindi nito namalayan na nalaglag na ito…Napaka
burara.
Napangiti nalang si Lu Jinnian habang umiiling. Inilagay niya muna ang baso sa
kusina bago siya umakyat papunta sa kwarto nila.
Pagkarating ni Lu Jinnian, nakapajamas na si Qiao Anhao at nakahiga na sa
kama habang nakapikit.
Naglakad siya papalapit dito at noong nakikita niyang nanginginig ang mga
pilikmata nito, sigurado siyang hindi pa ito tulog at nakikiramdam lang sakanya
kaya dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kamay at kinurot ng mahina ang
malambot nitong mukha. "Qiao Qiao, nasaan ang marriage certificate mo?"
Marriage certificate... Bakit hinahanap ni Lu Jinnian ang marriage certificate
niya? Makikipag'divorce na ba ito?
Biglang humigpit ang hawak ni Qiao Anhao sa kumot at dali-dali siyang pumikit
ng mas matindi pa.
Natutulog siya, wala siyang naririnig na kahit ano.
Para mas maging kapani-paniwala, sinadya niyang laliman ang paghinga niya
at nagpanggap pa siyang humihilik.
Ilang sandali ring nakatayo si Lu Jinnian habang pinagmamasadan si Qiao
Anhao na halatang nagpapanggap na tulog bago siya yumuko para tapikin ang
mukha nito ng mahina gamit ang pulang booklet na napulot niya.
Biglang kumunot ang noo ni Qiao Anhao. Teka lang, anong pinangtapik ni Lu
Jinnian? Bakit parang may hawak itong booklet?
Bahagya niyang iminulat ang kanyang mga mata para sumilip. Naaninag niya
na may hawak itong pulang booklet kaya idinilat niya pa ng konti ang kanyang
mga mata at dun bumungad sakanya ang mga salitang 'Marriage Certificate'.
Hawak ni Lu Jinnian ang marriage certificate nito…Bakit hinahanap din nito ang
certificate niya? Baka gusto na talaga nitong makipagdivorce…
Hindi kayang tanggapin ni Qiao Anhao ang gustong mangyari ni Lu Jinnian
kaya dali-dali siyang nagtago sa ilalim ng kumot.
Wala siyang nakikita, wala siyang naririnig, wala siyang alam.
Basta, natutulog siya.
Hindi na alam ni Lu Jinnian kung anong gagawin niya kaya bigla nalang siyang
natawa ng malakas. Hindi niya alam kung bakit pero sobrang saya niya talaga
at sa totoo lang, hindi niya na maalala kung kailan ang huling beses na
nakatawa siya ng ganun.
Alam niyang hindi niya na mapipilit si Qiao Anhao na makipag-usap sakanya ng
matino kaya wala na siyang ibang maisip kundi ang hawiin ang kumot na
nakataklob dito at hilain ito palabas. Ikinaway niya ang pulang booklet na
hawak niya at sinabi, "Sayo to…"
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES