App herunterladen
68.55% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 667: Ang mga text message sa phone (18)

Kapitel 667: Ang mga text message sa phone (18)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nakatitig lang sila sa isa't-isa at wala ninuman sakanila ang gustong bumasak

ng katahimikan.

Hindi na namalayan ni Qiao Anhao kung gaano katagal na siyang nakatingin

kay Lu Jinnian nang may marinig siyang tunog ng takong na papalapit ng

papalapit sakanila, Hindi nagtagal, sinundan pa ito ng isang pamilyar na

boses na nagsalita ng wikang Ingles. "Nian, who is it?"

Nakita ni Qiao Anhao ang isang blonde na babaeng nakausot ng kulay pulang

long dress na naglalakad palabas ng kwarto. Tandang tanda niya kung sino

ang babaeng ito dahil ito ang nakita niyang kasama ni Lu Jinnian magdinner

sa America!

Ibig sabihin, hindi pa rin ito sumuko kahit na sinabi niya ng buntis siya at si

Lu Jinnian ang ama? At ngayon talagang pumunta pa ito sa China para

sundan ang asawa niya?

Noong sandaling magsalita si Lucy, doon lang din nahimasmasan si Lu

Jinnian.

Hindi ba tulog na si Qiao Anhao? Paano siya nasundan nito sa Four Seasons

Hotel? Pero hindi kasi yun ang punto… Malalim na ang gabi at kasalukuyan

siyang nasa loob ng isang kwarto na may kasamang ibang babae…

Sa takot ni Lu Jinnian, kabado siyang nagsalita, "Qiao Qiao…"

Pero bago siya matapos sa pagsasalita, si Qiao Anhao na nakatayo sa

harapan niya na parang estatwa ay biglang nagpanic. Nanginig ang buong

katawan nito at bigla nalang hinawakan ang kanyang kamay. Sa totoo lang,

sobrang natatakot si Qiao Anhao na baka hindi niya kayanin ang mga sunod

na sasabihin ni Lu Jinnian kaya inunahan niya na ito at sinabi, "Lu Jinnian,

bakit ka naman umalis? Hindi ako makatulog ng mag-isa."

Sa mga ganito katinding sitwasyon, hindi ba normal lang na dapat nagwawala

na ang isang babae?

Pero bakit parang kakaiba naman ata ang naging reaksyon ni Qiao Anhao?

Wala talagang ginawa si Lu Jinnian na ikakasakit ng puso ni Qiao Anhao,

pero dahil sa nakita nito, siguradong iba ang naging interpretasyon nito at

malamang nawalan na ito ng tiwala sakanya ngayon. "Qiao Qiao, makinig ka

sakin. Ako at si Lucy ay…"

Hindi maintindihan ni Lucy kung anong nangyayari kaya naguguluhan siyang

nagtanong kay Lu Jinnian, "Nian?"

Hindi masikmura ni Qiao Anhao na marinig ang boses ni Lucy kaya nang

sandaling magsalita ito, bigla siyang sumigaw na halatang naiirita, "Lu

Jinnian, gusto ko ng umuwi!"

Para siyang isang batang na biglang yumakap sa leeg ni Lu Jinnian at

nagpapaawang sinabi, "Uwi na tayo… Uwi na tayo… Lu Jinnian, umuwi na

tayo. Please?"

Sige, sige," dali-daling sagot ni Lu Jinnian. Sa takot niya na baka tuluyan ng

magalit si Qiao Anhao, hindi niya na kinuha ang kanyang jacket at

nagmamadaling nagsabi ng "Sorry" kay Lucy. Imbes na sabay silang

maglakad, bigla niyang binuhat ang kanyang asawa at saka siya naglakad ng

mabilis papuntang elevator.

Habang pababa sila, ramdam na ramdam ni Lu Jinnian ang takot ni Qiao

Anhao dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang buong katawan nito.

Napansin niya na pahigpit rin ng pahigpit ang yakap nito sakanyang leeg niya

kaya maging siya ay hindi na rin mapakali. Gusto niya sanang magpaliwanag

pero natatakot siya na baka lalo lang itong magalit.

Wala siyang balak na ibaba si Qiao Anhao hanggang sa makalabas sila, pero

pagkarating nila sa lobby, bigla itong nagsalita, "Lu Jinnian, iistart mo na ang

sasakyan. Magc'CR lang ako."

"Sasamahan na kita." Pagkatapos magsalita ni Lu Jinnian, dali-dali siyang

umikot at naglakad sa direksyon papuntang CR.

"Ayoko. Gusto ko ako lang!" Pabulong na sagot ni Qiao Anhao. Pinilit niyang

bumaba mula sa pagkakabuhat ni Lu Jinnian at hindi pa man din ito

nakakasagot ay nagmamadali siyang tumakbo papunta sa CR.

Pero imbes gawin ang inutos ni Qiao Anhao…. Sumunod si Lu Jinnian sa CR.

Halos dalawampung minuto siyang nakatayo sa labas ng CR, pero walang

Qiao Anhao na lumalabas.


Kapitel 668: Ang mga text message sa phone (19)

Redakteur: LiberReverieGroup

Hindi na mapakali si Lu Jinnian kakahintay kaya dahan-dahan siyang naglakad

hanggang sa makarating siya sa tapat ng CR ng mga babae. Medyo

nag'aalangan siya noong una pero sobrang kinakabahan na talaga siya kaya

pikit mata niyang binuksan ang pintuan at pumasok.

Buti nalang, malalim na ang gabi kaya wala ng tao sa loob ng public CR ng mga

babae. Pero dahil ito ang unang beses ni Lu Jinnian na gawin ang ganitong

bagay, medyo naiilang pa rin siya. Halata sakanyang paglalakad na hindi siya

komportable kaya mabilisan niya lang na binuksan ang bawat cubicle para

silipin kung nandoon ang asawa niya.

Pero noong makarating siya sa pinaka huling cubicle, biglang kumunot ang

kanyang noo.

Wala pala si Qiao Anhao sa loob ng CR!

Wala ng dalihan pa para magtagal siya sa loob ng CR kaya dali-dali siyang

naglakad palabas. Ang unang pumasok sa isip niya ay tawagan si Qiao Anhao

kaya nagmamadali niyang inilabas ang kanyang phone, pero bago niya pa ito

ma'idial, napansin niya na may emergency route sa loob ng CR. Sa

pagkakataong ito, lalong lumakas ang kutob niya na may hindi magandang

nangyayari kaya walang pagdadalawang isip siyang tumakbo papunta sa

elevator na nasa lobby para bumalik sa pinaka mataas na palapag.

Pagkabukas ng elevator, nagmamadali niyang binaybay ang kahabaan ng isang

napaka'tahimik na corridor hanggang sa makarating siya sa pinaka dulo, kung

saan siya lumiko. Desidido siyang makarating sa pupuntahan niya sa lalo't

madaling panahon pero bigla siyang natigilan nang sandaling marinig niya ang

kalmadong boses ni Qiao Anhao na nanggagaling sa pinaka dulong kwarto.

"I came here to see you, because I have something to tell you. Whatever you

want to tell me, I don't actually want to hear it.

"Lu Jinnian is my husband. My legal husband, under Chinese law. I have a

marriage certificate here. I believe you wouldn't understand it.

"I don't care about what happened between you and him in America, but what I

want to tell you now, is the you and him must end it here.

"Because the one who will grow old with him, the one who will give birth to his

beautiful children, and the one who will take care of them as they grow up is -

ME, not YOU. So I hope that you will stop pestering him. His future will never

have you in it. Nor will I allow you to be in his future.

"I've said everything I wanted to say. Thank you for your cooperation.

Goodbye."

Hindi naman malakas ang boses ni Qiao Anhao pero dahil sobrang tahimik ng

paligid, nangibabaw pa rin ito. Habang nakikinig si Lu Jinnian, pakiramdam niya

ay parang biglang huminto ang tibok ng kanyang puso.

Hindi siya makagalaw sakanyang kinatatayuan hanggang sa may marinig

siyang tunog ng takong na papalapit ng papalapit sakanya. Bigla siyang

nahimasmasan kaya habang hindi pa nakatingin si Qiao Anhao, ginamit niya

ang pagkakataon na tumakbo pabalik ng elevator.

-

Pagkapasok ni Qiao Anhao ng elevator, maniyak-ngiyak ang kanyang mga mata

sa sobrang sama ng loob.

Mahal na mahal siya ni Lu Jinnian at hindi lingid sa kaalaman niya na marami

na itong sinakripisyo para sakanya…Kaya paano nito nagawang maghanap ng

ibang babae?

Sa totoo lang, alam niya naman na kapag ang isang babae ay nahuli ang asawa

nito na may kabit, normal lang na mamisikal at magbitaw ng masasakit na salita

hindi lang kabit kundi pati na rin sa asawa nito, o ang pinaka malala ay

naghahamon pa ito ng divorce. Pero may ibang mga babae na hindi

nakukunteto sa ganito kaya gumagawa sila ng paraan para tuluyan ng masira

ang reputasyon ng mga manloloko nilang asawa.

Noong kumatok siya kanina sa room 1002, iniisip niya paano kung makita niya

nga si Lu Jinnian, ano bang dapat niyang gawin? Sasampalin niya ba ito at

manghihingi ng divorce?

Pero nang magbukas ang pintuan, nakumpirma niya na hindi niya talaga

kayang makipagdivorce. Alam niyang habambuhay na itong magiging tinik sa

puso niya. Pero handa siya… Handa siyang tiisin ito hanggang sa huling araw

ng buhay niya, dahil mas gugustuhin niya pang magtiis kaysa makipagdivorce

kay Lu Jinnian.

Kaya…pinili niya ang pinaka duwag na paraan. Hindi siya umiyak o nagwala at

nagtanga-tangahan lang siya, na para bang walang nangyari.

Lumabas siya ng elevator sa pangalawang palapag at naghandan nalang siya

sa emergency route pababa.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C667
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES