Si Qiao Anhao ang init na pinagbuhusan ni Lu Jinnian ng kanyang buong lakas
sa kagustuhan niyang makasama ito.
Ang buong akala niya noon ay wala na talaga siyang pagasa na maramdaman
ang init na hinahanap hanap niya.
Pero sa wakas, nakamtan niya na ito. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung
bakit nararamdaman niya na pwede nanamang mawala si Qiao Anhao sakanya.
Hindi niya itinatanggi na nanumbalik ang takot na dinala niya sa loob ng ilang
buwan noong narinig niya ang mga salitang 'Xu Jiamu'.
Noong gabing 'yun, hindi bumalik si Lu Jinnian sa kwarto nila at buong
magdamag lang siyang nanigarilyo sa balcony ng kanyang study room. Dahil
hindi siya umalis sa kanyang kinauupuan hanggang sa pagsikat ang araw,
medyo namanhid na ang kanyang katawan noong sandaling igalaw niya ito.
Inilabas niya ang kanyang phone at may dinial na number.
"Lucy, it&'s me... Have you slept? It's nothing, haven't you always wanted to
travel to China? If you have time lately, you can come over... Uh huh, I want to
talk to you... All right, I'll wait for you to book the tickets. Tell me when, I'll come
pick you up... Uh huh. See ya."
Agad niya ring pinutol ang tawag. Hindi nagtagal, tumagos na ang sinag ng araw
sa bintana ng kanilang first floor.
Sa mga oras na 'to, siguradong malapit ng magising si Qiao Anhao, tama?
Kung ganun, kailangan niya ng makabalik sa kwarto.
Kinuskos ni Lu Jinnian ang kanyang mukha at ilang sandali pa siyang nanatili sa
kinauupuan niya habang nakahawak sakanyang phone. Bago siya bumalik sa
kwarto nila, nilinis niya muna ang ga-bundok na upos ng sigarilyo na naubos
niya.
Hindi siya pwedeng basta-bastang bumalik sa kama kaya dumiretso muna siya
sa CR para maligo at magsipilyo. Nang masiguro niyang hindi na siya amoy
sigarilyo, dahan-dahan siyang bumalik at humiga sa kama.
Hanggang sa mga oras na ito ay mahimbing pa ring natutulog si Qiao Anhao.
Kagaya noong bago siya tumakas, maganda at mapayapa pa rin ang itsura nito.
Ilang sandali rin siyang nakatitig sa mukha nito bago niya ito dahan-dahang
yakapin at muling ipikit ang kanyang mga mata.
-
Sa ikatlong araw ng kanilang pagiging magasawa, nagumpisa na ang pagfifilm
ni Qiao Anhao sa Beijing ng 'Love at First Sight'. Ang pelikulang ito ay matagal
ng inayos para sakanya ng Huan Ying Entertainment.
Hindi kagaya ng mga nakaraang ginawa ni Qiao Anhao, ang 'Love at First Sight'
ay wala masyadong pondo kaya hindi rin ganun kasikat ang mga kasama niyang
artista. Siya ang bidang babae at ang kapareha niyang lalaki ay isang
matandang artista, na matagal ng nasa industriya pero hindi nabibigyan ng
pagkakataon. Pagdating naman sa supporting actress, ito ay walang iba kundi
ang dati niya na ring nakasama na si Lin Shiyi.
Simula noong insidenteng nangyari sa kalagitnaan ng 'Alluring Times', ilang
buwan ding hindi lumabas si Lin Shiyi sa kahit anong pelikula. Pero nitong
nakaraang Nobyembre lang, nanumbalik siya sa kalakaran niyang pagdikit sa
iba't ibang lalaki at dahil maswerte siya, nakabingwit siya ng isang film investor.
Mukhang nahulog talaga sakanya ang investor na ito dahil naglabas ito ng
napaka laking halaga para lang makuha niya ang supporting actress ng
pelikulang 'Love at First Sight'.
Dahil sa naganap na pagpopondo, di hamak na mas yumabang si Lin Shiyi
kumpara noong nagfifilm siya ng Alluring Times. Bukod sa direktor at
screenwriter, karamihan rin sa mga staff members at mga artistang kasama niya
sa set ay napakataas ng tingin sakanya. Sobrang nirerespeto siya ng lahat at
tinawad siyang Sister Shiyi ng mga ito.
Sa totoo lang, nakalimutan na talaga ni Qiao Anhao kung sino si Lin Shiyi kung
hindi lang ito pinaalala sakanya ni Zhao Meng.
Nakakawalang pasensya talaga ang ugali ni Lin Shiyi. Maraming beses na
silang nagaway nito at sa tuwing magkakabanggan sila ay si Lin Shiyi lang ang
laging dehado. Ngayon na nakabalik na ito, ang unang pumasok sa isip ni Qiao
Anhao ay mahihirapan siyang ifilm ang pelikula.
Pero, sa totoo lang, di hamak naman na mas magaan ang naging sitwasyon
kumpara sa inakala niya. Isang linggo pa ang lumipas bago sila gumawa ng
eksena ni Lin Shiyi kaya pansamantalang naging kalmado at mapayapa ang
lahat.
Umupo muna sina Qiao Anhao at Zhao Meng sa break room habang hinihintay
ang susunod na eksena. Medyo maraming kailangang ulitin sa mga nakasalang
na eksena kaya hindi nagtagal ay humikab na si Zhao Meng sa sobrang
pagkainip. Para patayin ang bagot, bigla siyang lumapit kay Qiao Anhao para
makichismis, "Qiao Qiao, kamusta naman ang buhay mo ngayong magasawa na
kayo ulit ni Mr. Lu?"
Medyo nagulat si Qiao Anhao sa biglaang pagtatanong ni Zhao Meng habang
nagbabasa siya ng script.
Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano niya maipapaliwanag ang buhay niya
bilang asawa ni Lu Jinnian. Ilang araw na mula noong umuwi ito sa China at
hanggang ngayon ay hindi pa rin ito pumapasok sa opisina. Pero habang abala
siya sa trabaho, nakikita niya na mukhang abala rin ito. All in all, parang
masyadong maraming ginagawa ang kanyang mister na wala siyang ideya kung
bakit.
Kung sa pagtrato lang naman, wala siyang masasabi dahil napakabait sakanya
ni Lu Jinnian. Mula noong ikasal sila, lagi itong umuuwi sa bahay nila. Noong
isang araw, hiniram ni Zhao Meng ang sasakyan niya dahil may kailangan lang
itong gawin pero noong susunduin na siya nito sa set, sakto namang naipit ito
sa matinding traffic. Siguro dahil medyo matagal siyang naghintay sa labas sa
kalagitnaan ng winter, bumigay ang katawan niya at nilagnat siya sa kalagitnaan
ng gabi. Noong oras na 'yun, si Lu Jinnian mismo ang tumakbo sa botika para
ibili siya ng gamot at simula noon ay lagi na siyang dinadaanan nito sa set.
Habang inaalala niya ang mga nakalipas na araw, ang masasabi niya lang ay
wala talaga siyang mairereklamo sa kanyang asawang si Lu Jinnian at kung may
kinalulungkot man siya ay yun yung sampung araw na silang kasal, pero ni
isang beses ay wala pang nangyari sakanila.
Hindi naman sa uhaw na uhaw siyang may mangyari sakanila pero kasi simula
noong sumapit ang ikalawang araw na wala pa ring nangyayari sakanila, hindi
niya na napigilang malungkot kahit papano. Sa totoo lang, gusto niyang
kumbinsihin ang sarili niya na baka masyado lang masakit ang pinagdaanan ni
Lu Jinnian sa America at hanggang ngayon ay nagrerecover pa rin ito. Pero
kahit anong gawin niya para maging positibo, hindi talaga maalis sa isip niya na
baka may malaki pa rin silang problema.
Habang iniisip niya ang mga posibilidad, medyo nairita siya.
Sinarado niya ang script na nasa kanyang kamay at humarap sa bintana.
Habang nakatitig siya kalangitan, lalo pang kumunot ang kanyang noo.
]Ang buong akala niya ay lalo silang magiging malapit ni Lu Jinnian sa isa't-isa
sa oras na maging magasawa na sila, pero base nakikita niya, mukhang hindi
naman ganun ang nangyayari kaya kailangan niyang magisip ng magandang
plano para maayos niya ang sitwasyon. Pero kanino nga ba siya lalapit para
malaman niya kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin?
"Qiao Qiao, ano bang minumuni-muni mo jan? Halos kalahating araw mo ng
iniiwasan ang mga tanong ko ha. Malapit na eksena mo, bilisan mo na!" Hindi na
napigilan ni Zhao Meng na tapikin siya nang makita nitong nakatulala lang siya.
Sobrang nagulat si Qiao Anhao at doon lang siya nahimasmasan. Sumagot siya
ng isang "Oh!" bago siya dali-daling tumayo at naglakad papunta sa set.
-
Pagkatapos gawin ni Qiao Anhao ang kanyang eksena, nag mid-shoot break
muna ang buong crew.
Alas kwatro na ng hapon kaya pagbalik nila sa trabaho ng alas kwatro imedya,
eksena nalang nila ni Lin Shiyi ang pwedeng makuhaan.
Dahil mayaman ang bagong boyfriend ni Lin Shiyi, binigyan niya ang kanyang
assistant ng maraming pera para ibili ang buong crew ng tsaang pagsasaluhan
nila. Sakto ang pagdating nito noong mid-shoot break nila, kaya pinakuha niya
ang lahat ng tig isa.
Hindi ginawang dahilan ni Lin Shiyi ang alitan nila ni Qiao Anhao para hindi niya
ito bigyan. Sa totoo lang, siya pa mismo ang nagdala ng para rito at sa kaibigan
nitong si Zhao Meng. Pagkalapit niya, masaya siyang ngumiti at sinabi, "Here's
a little something. Walang anuman."
Alam naman ni Qiao Anhao na ginagawa lang ito ni Lin Shiyi para magmukha
itong mas mataas sakanya dahil sa investor na sumusuporta dito.
Normal na sa personalidad ni Zhao Meng ang pagiging prangka at hindi niya
naman itinatanggi na matagal niya ng ayaw kay Lin Shiyi kaya ngayon na
nakikita niya itong nagbabait baitan, lalo lang siyang naiirita. Noong nakita
niyang lumapit si Lin Shiyi para dalhan sila ni Qiao Anhao ng tsaa, hindi niya ito
kinuha at tumingin lang siya kaibigan niya na para bang hindi niya ito nakikita.
Pero iba ang ginawa ni Qiao Anhao. Ngumiti siya ng mas masaya kay Lin Shiyi
at nagpasalamat habang kinukuha ang mga dinala nito para sakanila.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES