App herunterladen
64.64% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 629: Lu Jinnian, Buntis ako (20)

Kapitel 629: Lu Jinnian, Buntis ako (20)

Redakteur: LiberReverieGroup

Hindi nagtagal, yumuko si Lu Jinnian para kunin ang bote ng orange juice at ang

sukli nito.

Dali daling isinuksok ni Qiao Anhao ang box sakanyang bulsa at hinawakan niya

ang basong walang laman para maitago ang pill na inilagay niya. 

Pagkabalik ni Lu Jinnian dala ang inuming pinabili niya, binuksan muna nito ang

bote bago iabot sakanya.

Pagkakuha niya ng bote, una niyang sinalinan ang baso na may pill, at doon

palang siya nakahinga ng maluwag. Kumuha siya ng isa pang basong walang

laman na nilagyan niya rin ng orange juice.

Inilapag muna ni Qiao Anhao ang natirang orange juice sa lamesa bago niya

ibigay kay Lu Jinnian ang baso na nilagyan niya ng pill. Habang nakatingin sa

mga mata nito, kumurap siya at malambing na sinabi, "Para sayo."

Ang mga kadalasang iniinom ni Lu Jinnian ay kape, tsaa, o kaya simpleng tubig

lang. Hindi talaga siya mahilig sa mga matatamis na inumin kaya nang makita

niya ang juice, walang pagdadalawang isip siyang umiling bilang pagtanggi.

"Ayoko niyan."

Medyo nagalangan siya sa una niyang sinabi kaya muli siyang nagsalita para

hindi naman gaanong masakit ang dating kay Qiao Anhao. "Sayo nalang."

Sa loob loob niya, natatawa nalang siya sakanya sarili dahil kahit sobra na

siyang nasaktan ni Qiao Anhao noon, gusto niya pa ring pasayahin ito sa tuwing

nararamdaman niyang malungkot ito.

 

Hindi umimik si Qiao Anhao at nakahawak pa rin sa baso habang nakatitig sa

mga mata ni Lu Jinnian na parang inosenteng bata.

Nang lumaon, hindi na kinaya ni Lu Jinnian ang titig ni Qiao Anhao kaya wala na

siyang nagawa kundi kunin ang inumin mula sa kamay nito.

Ngumiti si Qiao Anhao at sa sobrang saya, maging ang kanyang mga mata ay

naghugis cresent moon. Kinuha niya ang kanyang baso at pinatama sa baso ni

Lu Jinnian bago niya ito tunggain ng walang hingahan.

Nakatitig lang si Lu Jinnian sa masayang ngiti ni Qiao Anhao. Pagkababa nito

ng baso, napansin nitong hindi pa siya umiinom kaya nagtanong ito sakanya.

Dahil hindi talaga siya makatanggi, yumuko nalang siya at tumikim ng kaunti.

Ang juice ay matamis na maasim. Kahit kailan ay hindi talaga nagustuhan ni Lu

Jinnian ang mga ganitong lasa, pero noong ilalapag niya na sana sa lamesa ang

baso, nakita niya na nakatitig pa rin sakanya si Qiao Anhao. Ilang sandali rin

siyang nagdalawang isip bago siya mapilitang tunggain ang buong laman ng

baso.

Nakatitig lang si Qiao Anhao kay Lu Jinnian habang hinihintay niyang maubos

nito ang laman ng baso bago niya muling kunin ang kanyang chopsticks para

magpatuloy sa pagkain. Sa loob loob niya, sobrang kinakabahan siya.

Ang pagkakasabi sakanya ni Zhao Meng ay kalahating oras daw bago umepekto

ang pill.. Ibig sabihin, kailangan na nilang makabalik sa hotel sa lalong madaling

panahon…

Nagmamadaling inubos ni Qiao Anhao ang pagkain na nasa kanyang bowl bago

siya muling tumingin kay Lu Jinnian na nakatitig nanaman sa bintana at sinabi,

"Tapos na ako."

Biglang ibinaling ni Lu Jinnian ang kanyang tingin. Walang imik niyang kinuha

ang kanyang wallet at naglakad papunta sa cashier.

Nang makalabas na sila sa restaurant, agad silang kumuha ng taxi at bumalik sa

hotel.

Pagkapasok nila sa elevator papunta sa pinaka itaas na palapag, nagumpisa ng

mamula ang mukha ni Lu Jinnian ay bumilis ang kanyang paghinga. Bigla ring

naging mapusok ang titig nito na para bang nagpipigil ng labis na pananabik.

Nang makalabas sila ng elevator, nagmamadaling naglakad si Lu Jinnian para

iwasan si Qiao Anhao.

Ramdam na ramdam ni Qiao Anhao ang naging pagbabago sa kilos ni Lu

Jinnian kaya hindi niya ito hinayaang makalayo at dali dali siyang tumakbo para

habulin ito. Habang binubuksan ni Lu Jinnian ang pintuan ng kwarto nito, bigla

siyang sumulpot sa harap kaya napayakap ito sakanya.


Kapitel 630: Kasal (1)

Redakteur: LiberReverieGroup

Biglang nagulantang ang isipan ni Lu Jinnian nang maamoy niya ang kakaibang

pabango ni Qiao Anhao. Kahit kapiranggot nalang ang natira niyang kamalayan,

pinilit niya pa ring hawiin ito, pero wala talaga siyang sapat na lakas para iangat

ang kanyang braso.

Hindi nagtagal, biglang tumingkayad si Qiao Anhao para halikan siya.

Nang maramdaman niya ang malambot nitong mga labi, parang biglang nag'alab

ang kanyang damdamin at hindi na siya nanlaban pa. Walang pagdadalawang

isip niyang sinipa ang pintuan para magbukas ito at bunuhat si Qiao Anhao

papasok sa loob bago niya muling sipain ang pintuan para magsara ito. Noong

nasa loob na sila ng kwarto, isinandal niya si Qiao Anhao sa pader at sabik na

sabik itong hinalikan.

Masyadong madiin at agresibo ang halik ni Lu Jinnian kaya mabilis na naubusan

ng lakas si Qiao Anhao at medyo nahilo ito.

Dahil sa epekto ng pill, di hamak na mas naging atat si Lu Jinnian kaya

pwersado niyang hinubaran si Qiao Anhao. Medyo maraming butones ang suot

nito kaya noong hindi na siya makapaghintay, bigla niyang pinunit ang damit nito

at nagkalat sa sahig ang mga butones.

Bago pa sila makapasok sa tulugan, pareho silang halos nakahubad na at ang

kanilang mga damit ay nagkalat sa buong sala. Bakas sa paghinga ni Lu Jinnian

ang labis na pananabik. Pagkabukas niya ng pintuan, agad niyang inihiga si

Qiao Anhao sa kama at atat na atat niya itong pinasok.

Dahil matagal na ring nanabik si Lu Jinnian sa ganitong klase ng intimasya

dagdag pa ang impluwensyang buhat ng pill, di hamak na mas agresibo siya

ngayon kumpara noon. Gising si Qiao Anhao pero medyo nahihilo siya. Nang

matapos na sila, gusto niya sana munang huminga pero bigla siyang niyakap ni

Lu Jinnian at nagbago ng posisyon para sa isa pang round.

 

Noong sa talagang tapos na sila, hindi niya na nabilang kung nakailang rounds

nga ba sila…apat ba o lima? Basta ang pakiramdam niya lang ay parang wasak

na wasak ang kanyang buong katawan at tila hinigop ang lahat ng lakas na

mayroon siya.

Sa sobrang pagod, sumandal siya sa dibdib ni Lu Jinnian at hindi nagtagal ay

nakatulog din siya kaagad ng mahimbing.

-

Nagising si Lu Jinnian ng hindi pa sumisikat ang araw. Kukunin niya sana ang

kanyang phone pero may naramdaman siyang mainit na nakapatong sakanya.

Biglang nagbago ang kanyang itsura at sa tulong ng liwanag na nanggaling sa

poste na nasa labas, naaninag niya si Qiao Anhao na natutulog sakanyang

braso. Noong una, wala talaga siyang kahit anong ideya pero makalipas matagal

na pagiisip, napagdugtong dugtong niya ang mga nangyari kagabi…. Mukhang

pinainom siya ni Qiao Anhao ng droga.

Matagal niyang tinitigan ang mukha ni Qiao Anhao na mahimbing na natutulog

bago niya maingat na alisin ito mula sa pagkakayakap niya. Dahan-dahan niya

itong inihiga sa unan na nasa kanyang tabi bago siya pumunta sa CR.

Pagkatapos niyang magshower, bumalik siya sa tulugan na nakasuot ng

bathrobe para muling silipin si Qiao Anhao, na mahimbing pa ring natutulog

bago siya maglakad palabas ng tulugan.

Pagkalabas niya, tumambad sakanya ang sahig na puno ng mga nagkalat nilang

damit. Ilang sandali rin siyang natigilan bago siya yumuko at isa isang pulutin

ang mga ito para ilagay sa labahan na nasa sala.

Naglakad siya para silipin ang oras sakanyang phone, alas kwatro palang ng

umaga.

Napagod siya sa ginawa nila kagabi kaya gumawa siya ng kape para sakanya.

Dinala niya ito sa balcony kung saan siya humanap ng pwesto na mauupuan.

Kinuha niya ang isang kaha ng sigarilyo na nasa kanyang harapan at naglabas

ng stick. Habang naninigarilyo, nakatingala lang siya sa madilim na kalangitan.

Sa bawat usok na ibinubuga niya, nanatiling kalmado ang kanyang itsura kaya

kung pagmamasdan siya ay masasabing ayos lang lahat, pero ang kaloob

looban pala ng kanyang puso ay sobrang naguguluhan na.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C629
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES