Dati, sinabihan siya ni Qiao Anhao na walang karapatan ng dahil kay Xu Jiamu
at noong ayaw talaga siyang bigyan nito ng pagkakataon, naisipan niyang
umalis nalang. Ngayon naman, sinundan siya nito mula sa Beijing hanggang sa
America para i'harass. Sa harapan ni Lucy, paulit ulit siyang tinawag nitong
asawa at sinabi pang nabuntis niya ito, na para bang gusto nitong ipamukha sa
kaibigan niya na may karapatan ito sakanya.
Ano ba talagang gutsong mangyari ni Qiao Anhao?
Medyo nailang si Qiao Anhao sa mga mata niyang halatang naiinis kaya
yumuko nalang ito at pabulong na sinabi, "Nawala ko ang wallet ko."
Nawala talaga ni Qiao Anhao ang wallet niya, pero sinadya nito itong gawin.
Nakatitig lang si Lu Jinnian sakanya at sa magulo niyang buhok at hindi umimik.
Sinilip ni Qiao Anhao ang mukha ni Lu Jinnian at hindi niya mabasa ang iniisip
nito dahil halatang naiinis pa rin ito sakanya. Hindi siya sigurado kung
naniniwala ba ito sinabi niya o hindi kaya maingat niyang hinila ang isang
kamay nito para ipakapa ang kanyang mga bulsa.
At pabulong niyang sinabi, "Nawala ko talaga. Noong umalis ako sa restaurant,
naglakad pa ako ng malayo bago ako makakuha ng taxi. Noong magbabayad na
ako, dun ko lang napansin na nawala ko na pala ang wallet ko. Nanghiram
nalang ako ng pera sa front desk para mabayaran ang pamasahe ko sa taxi."
Kahit na pinagisipan niya ng mabuti ang mga gagawin niya, ngayon na
nagsasabi na siya kay Lu Jinnian ay hindi niya maiwasang alalahanin noong
isang beses na nagpunta siya sa Hangzhou. Mga estudyante palang sila noon
at nanakawan siya ng wallet. Si Lu Jinnian ang tinext niya at tandang tanda
niya pa na wala itong pagdadalawang isip na pumunta sakanya kahit na
sobrang layo pa ng pinanggalingan nito. Pero ngayon, nakatingin lang ito
sakanya na parang walang pakielam.
Dahil dun, medyo nalungkot siya at hindi nagtagal ay biglang nagluha ang
kanyang mga mata. Mukha talagang nakakaawa ang kanyang boses ng muli
siyang magpatuloy, "Hindi nila ako pinahiram noong una, kaya sinabi ko na may
kaibigan ako na pwedeng magbayad sakanila. Doon palang nila ako pinahiram
ng pera pero hindi nila ako pinayagang umakyat dahil sabi nila kailangan ko
raw munang maghintay sa lobby hanggang sa makabalik ka. Mahigit dalawang
oras kitang hinintay. Hindi pa ako kumakain kaya gutom na ako."
Sa tuwing magbibitaw ng salita si Qiao Anhao, parang nagiinit ang puso ni Lu
Jinnian.
Kahit na nakayuko ito at hindi niya makita ang itsura nito, hindi maalis sa isip
niya ang nakakaawa at aping api nitong mukha habang nagkwekwento.
Ipinikit ni Lu Jinnian ang kanyang mga mata at sikretong nagbuntong hininga.
Pinilit niyang kumalma at hindi nagtagal ay bigla siyang naglabas ng maraming
pera mula sa wallet niya at iniabot kay Qiao Anhao.
Tinitigan lang ni Qiao Anhao ang pera pero hindi niya ito kinuha. Umiling siya at
sinabi, "Hindi yan sapat. Ang isang gabing pag'stay ko sa hotel na 'to ay ilang
milyon na kaagad ang halaga."
Kumunot ang noo ni Lu Jinnian at inilabas ang kanyang bank card na muli
niyang iniabot kay Qiao Anhao. "Alam mo na ang pin."
Mula noong muli silang magkita pagkalipas ng apat na buwan, ito ang kauna
unahang pagkakataon na kinausap ni Lu Jinnian ng kalmado si Qiao Anhao.
Kahit na ramdam pa rin ang pagka'ilag niya, hindi niya pa rin talaga kayang
tanggalihan at talikuran si Qiao Anhao. Lalo niya itong napatunayan noong
sabihin niya ang "Alam mo na ang pin."
Hindi rin alam ni Qiao Anhao kung bakit pero bigla nalang tumulo ang kanyang
mga luha na pumatak pa sa likod ng kamay ni Lu Jinnian, habang hinihila niya
ang manggas ng damit nito.
Ang mainit na luha ni Qiao Anhao ay biglang nagpabilis ng tibok ng puso ni Lu
Jinnian. Dahil din dito, naramdaman na parang biglang lumambot ang kanyang
puso na napakatagal niyang pinilit patigasin.
Itinaas ni Qiao Anhao ang kanyang kamay para punasan ang kanyang mga luha
na parang batang walang muwang. Iniangat niya ang kanyang ulo at tinignan si
Lu Jinnian. Ang kanyang mga mata ay mangiyak ngiyak at para siyang isang
kawawang tuta na aping api at nagmamakaawa, "Ayoko ng pera, gusto ko ng
pagkain."
Gusto ng pagkakain… Sobrang nakakatawa ang sinabi ni Qiao Anhao pero
hindi naman pwedeng tumawa si Lu Jinnian.
Ibinuka niya ang kanyang bibig na para bang may gusto siyang sabihin pero
pinipigilan niya. Pero nang lumaon, hindi niya na natiis at sinabi niya na rin,
"Una, pumasok ka muna sa loob at bayaran mo sila."
Sobrang natatakot talaga si Qiao Anhao na baka iwanan nanaman siya ni Lu
Jinnian, kaya hindi niya binitawan ang kamay nito. Ayaw niyang sumunod sa
sinabi nito at nanatili lang siya sakanyang kinatatayuan.
Tinitigan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao ng halos dalawang segundo bago niya
maintindihan ang gusto nitong mangyari. Tumalikod siya at hinayaan niya
lang na humawak ito sakanyang kamay habang naglalakad siya papasok sa
lobby ng hotel.
Dahil nakahawak ng mahigpit si Qiao Anhao sa kamay ni Lu Jinnian, nahila
siya nito noong maglakad ito.
Masyadong mabilis maglakad si Lu Jinnian, kaya kinailangan niyang tumakbo
para lang hindi niya mabitawan ang kamay nito.
Noong narinig ni Lu Jinnian ang nagmamadaling yabag ng takong ni Qiao
Anhao, yumuko siya para silipin ito at nang makita niyang halos tumakbo na
ito kakahabol sakanya, bigla niyang binagalan ang kanyang paglalakad.
Naglakad sila papunta sa front desk kung saan magalang na nagtanong ang
isang receptionist, "Sir, how may I help you?"
Hindi pinansin ni Lu Jinnian ang babae. Bagkus, tumingin siya kay Qiao
Anhao at walang emosyon na nagtanong, "Magkano?"
Si Qiao Anhao, na parang aping aping asawa, ay pabulong na sumagod,
"Forty."
Humugot si Lu Jinnian ng isang daan at inilapag sa front desk, na para bang
hindi siya natuwa sa ginawa ng mga itong pagpapahintay kay Qiao Anhao ng
magisa sa sofa ng mahigit dalawang oras. Hindi na siya nagabalang
magpalasamat at sinabi, "Take the change", at agad din silang naglakad
palabas ng lobby
Pumara si Lu Jinnian ng taxi sa gilid ng kalsada at binuksan ang pintuan bago
siya muling tumungin kay Qiao Anhao at pautos na sabihin, "Pasok."
Dahil dun, kinailangang bitawan si Qiao Anhao ang kamay ni Lu Jinnian para
pumasok sa sasakyan. Sa takot niya na baka isara ni Lu Jinnian ang pintuan
at iwanan nanaman siya, bigla niyang hinila ang manggas ng damit nito para
hilain ito papasok sa loob ng sasakyan.
Napakunot ang noo ni Lu Jinnian at hindi umimik, pero alam niya sa sarili
niya na sobrang komportable siya sa masunurin at nakakaawang mga kilos ni
Qiao Anhao kaya parang isang pusa, sumunod siya sa gusto nito. Pumasok
siya sa loob ng taxi at sinabi sa driver ang direksyon.
Hindi sila nagusap sa buong byahe hanggang sa huminto ang taxi sa labas ng
restaurant na kinainan ni Lu Jinnian at ng blonde na babae. Biglang nagsalita
si Qiao Anhao na halatang nagseselos, "Ayoko ng western food."
Kumunot ang noo ni Lu Jinnian na para bang naiinis ito sa sobrang
pagkademanding niya.
"Ah, okay lang naman ang western food," biglang bawi ni Qiao Anhao.
Hindi pinansin ni Lu Jinnian ang huling sinabi ni Qiao Anhao. Humingi siya ng
tawad sa taxi driver at binigyan ito ng panibagong lokasyon.
Sa pagkakataong ito, huminto ang taxi sa tapat ng isang Chinese restaurant.
Binayaran ni Lu Jinnian ang pamasahe at bumaba sa sasakyan. Sinilip niya si
Qiao Anhao, na nakakapit lang sakanya ng mahigpit sa buong byahe.
Hinintay niya lang na makalabas ito ng taxi at nagmamadali siyang naglakad
papasok sa loob ng restaurant.
Pagkaupo nila, kinuha agad ni Lu Jinnian ang menu at inilapag sa harapan ni
Qiao Anhao.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES