Si Lucy, na 'Hubby' lang ang naintindihan sa mga sinabi ni Qiao Anhao noong
una, ay muling tumingin kay Lu Jinnian at nagtatakang nagtanong, "Jinnian?
Pregnant?"
Kitang kita ni Qiao Anhao na hindi makapaniwala si Lucy. Ang dating sakanya
ng reaksyon ni Lucy ay parang ngayon lang nito nalaman na may asawa na
pala ang boyfriend nito at gusto nitong humanap ng kumpirmasyon.
Bakit ba kailangan pa nitong humanap ng kumpirmasyon?
Dahil ayaw pa ring masindak ng babae, hindi niya naman siguro masisisi ang
sarili niya kung gagawa siya ng sobra sobra!
Biglang niyakap ni Qiao Anhao ang leeg ni Lu Jinnian at inulit ang mga sinabi
niya kanina ng diretsong English sa pinaka malambing na boses na kaya niya
habang masayang nakangiti. "Hubby, I came all the way to Beijing to find you.
Hubby, I'm so tired from the flight. Hubby, I haven't eaten dinner yet, I'm so
hungry, so hungryyyy…"
Ang tagal bago naproseso ni Lu Jinnian ang mga ikinilos ni Qiao Anhao na hindi
niya alam kung anong dahilan.
Sino bang pwedeng magpaliwanag sakanya kung anong ginagawa ni Qiao
Anhao? Anong eksena ba talaga ang inaarte nito?
Tumingin siya kay Lucy na parang hiyang hiya at sinabi, "Sorry…"
Nang marinig ni Qiao Anhao ang sinabi ni Lu Jinnian, biglang namintig ang
kanyang tenga dahil ang akala niya ay nagmamakaawa ito sa magandang
blonde na babae na wag itong iwanan. Bakit naman siya bibigyan ng babae ng
pagkakataon?
Dahil ipit na ipit na si Qiao Anhao at hindi niya na alam kung anong gagawin
niya, hindi na siya nagdalawnag isip na tumingkayad at pwersadong hilain ang
ulo ni Lu Jinnian. Sa kalagitnaan ng isang lugar na napapalibutan ng mga taong
hindi nila kalahi, biglang natigilan si Lu Jinnian na sabihin ang mga salitang
"Excuse me" nang bigla siyang halikan ni Qiao Anhao.
Ang matagal niya ng pinakahihintay na lambing at init ay sa wakas muli
nanamang dumaloy sa dugo ni Lu Jinnian. Hindi niya alam kung anong gagawin
niya at parang bigla siyang nawalan ng lakas na iangat ang kanyang mga
kamay para itulak si Qiao Anhao papalayo.
Pagkasabi ni Lu Jinnian ng "Sorry", naintindihan kaagad ni Lucy na
magpapaalam na ito, kaya hindi niya inakala na ang maganda at balingkinitang
babaeng may itim na buhok ay bigla itong hahalikan. Napalunok nalang siya sa
sobrang gulat sa mga ikinilos ni Qiao Anhao pero hindi nagtagal, napailing
nalang siya habang nakangiti. Wala siyang anumang intensyon na istorbohin
ang dalawa, kaya naglakad nalang siya papasok sakanyang sasakyan at
nagmaneho palayo.
Nang marinig ni Qiao Anhao ang tunog ng sasakyan ni Lucy na papalayo, akala
niya ay nagtagumpay na siya na paalisin ang foreigner na babae at dahil dun,
napanatag na ang kanyang puso. Hindi nagtagal, dahan dahan niyang inilayo
ang kanyang mga labi sa mga labi ni Lu Jinnian at bakas sa kanyang itsura ang
sobrang saya.
May mga foreigner na lalaki na nakapaligid sakanila na hindi napigilang pumito
sa gulat na gulat na si Lu Jinnian. Dahil hindi siya makapaniwala na puwinersa
talaga siyang halikan ni Qiao Anhao, biglang namula ang kanyang supladong
mukha at makailang beses ding nagbago ang kanyang reaksyon. Nang
mahimasmasan na siya, bigla niyang inalis ang kamay ni Qiao Anhao na
nakayakap pa rin sakanyang leeg at tumalikod para maglakad ng mabilis
papasok sa hotel.
Dahil sa pagkakatulak ni Lu Jinnian, medyo nawalan ng balanse si Qiao Anhao.
Pero, dun-dun-dun, dali dali siyang tumayo ng maayos at naglakad ng mabilis
para sundan ito. Nang sandaling maabutan niya na si Lu Jinnian, bigla niyang
hinila ang kamay nito.
Biglang nanigas ang mga kalamnan ni Lu Jinnian. Hindi siya humarap para
tignan si Qiao Anhao at pwersado niyang tinanggal ang kamay nito na
nakakapit sakanyang braso. Pero ang hindi niya alam, dahil sa ginawa niya ay
lalo lang naginit si Qiao Anhao kaya dali dali itong lumapit para yakapin ang
braso niya.
Kumunot ang kanyang noo at muli nanamang sinubukang tanggalin ang kamay
ni Qiao Anhao na nakayakap sa braso niya pero nang mapansin niyang ayaw
talaga siyang bitawan nito, walang emosyon niyang sinabi, "Bitawan mo!"
Medyo kinabahan si Qiao Anhao pero lalo niya lang hinigpitan ang pagyakap sa
braso ni Lu Jinnian.
Hindi nagtagal, hindi na talaga kinaya ni Lu Jinnian ang mga ikinikilos ni Qiao
Anhao kaya naiinis niyang tinignan ito sa mga mata. "Ano bang ginagawa mo?"
Dati, sinabihan siya ni Qiao Anhao na walang karapatan ng dahil kay Xu Jiamu
at noong ayaw talaga siyang bigyan nito ng pagkakataon, naisipan niyang
umalis nalang. Ngayon naman, sinundan siya nito mula sa Beijing hanggang sa
America para i'harass. Sa harapan ni Lucy, paulit ulit siyang tinawag nitong
asawa at sinabi pang nabuntis niya ito, na para bang gusto nitong ipamukha sa
kaibigan niya na may karapatan ito sakanya.
Ano ba talagang gutsong mangyari ni Qiao Anhao?
Medyo nailang si Qiao Anhao sa mga mata niyang halatang naiinis kaya
yumuko nalang ito at pabulong na sinabi, "Nawala ko ang wallet ko."
Nawala talaga ni Qiao Anhao ang wallet niya, pero sinadya nito itong gawin.
Nakatitig lang si Lu Jinnian sakanya at sa magulo niyang buhok at hindi umimik.
Sinilip ni Qiao Anhao ang mukha ni Lu Jinnian at hindi niya mabasa ang iniisip
nito dahil halatang naiinis pa rin ito sakanya. Hindi siya sigurado kung
naniniwala ba ito sinabi niya o hindi kaya maingat niyang hinila ang isang
kamay nito para ipakapa ang kanyang mga bulsa.
At pabulong niyang sinabi, "Nawala ko talaga. Noong umalis ako sa restaurant,
naglakad pa ako ng malayo bago ako makakuha ng taxi. Noong magbabayad na
ako, dun ko lang napansin na nawala ko na pala ang wallet ko. Nanghiram
nalang ako ng pera sa front desk para mabayaran ang pamasahe ko sa taxi."
Kahit na pinagisipan niya ng mabuti ang mga gagawin niya, ngayon na
nagsasabi na siya kay Lu Jinnian ay hindi niya maiwasang alalahanin noong
isang beses na nagpunta siya sa Hangzhou. Mga estudyante palang sila noon
at nanakawan siya ng wallet. Si Lu Jinnian ang tinext niya at tandang tanda
niya pa na wala itong pagdadalawang isip na pumunta sakanya kahit na
sobrang layo pa ng pinanggalingan nito. Pero ngayon, nakatingin lang ito
sakanya na parang walang pakielam.
Dahil dun, medyo nalungkot siya at hindi nagtagal ay biglang nagluha ang
kanyang mga mata. Mukha talagang nakakaawa ang kanyang boses ng muli
siyang magpatuloy, "Hindi nila ako pinahiram noong una, kaya sinabi ko na may
kaibigan ako na pwedeng magbayad sakanila. Doon palang nila ako pinahiram
ng pera pero hindi nila ako pinayagang umakyat dahil sabi nila kailangan ko
raw munang maghintay sa lobby hanggang sa makabalik ka. Mahigit dalawang
oras kitang hinintay. Hindi pa ako kumakain kaya gutom na ako."
Sa tuwing magbibitaw ng salita si Qiao Anhao, parang nagiinit ang puso ni Lu
Jinnian.
Kahit na nakayuko ito at hindi niya makita ang itsura nito, hindi maalis sa isip
niya ang nakakaawa at aping api nitong mukha habang nagkwekwento.
Ipinikit ni Lu Jinnian ang kanyang mga mata at sikretong nagbuntong hininga.
Pinilit niyang kumalma at hindi nagtagal ay bigla siyang naglabas ng maraming
pera mula sa wallet niya at iniabot kay Qiao Anhao.
Tinitigan lang ni Qiao Anhao ang pera pero hindi niya ito kinuha. Umiling siya at
sinabi, "Hindi yan sapat. Ang isang gabing pag'stay ko sa hotel na 'to ay ilang
milyon na kaagad ang halaga."
Kumunot ang noo ni Lu Jinnian at inilabas ang kanyang bank card na muli
niyang iniabot kay Qiao Anhao. "Alam mo na ang pin."
Mula noong muli silang magkita pagkalipas ng apat na buwan, ito ang kauna
unahang pagkakataon na kinausap ni Lu Jinnian ng kalmado si Qiao Anhao.
Kahit na ramdam pa rin ang pagka'ilag niya, hindi niya pa rin talaga kayang
tanggalihan at talikuran si Qiao Anhao. Lalo niya itong napatunayan noong
sabihin niya ang "Alam mo na ang pin."
Hindi rin alam ni Qiao Anhao kung bakit pero bigla nalang tumulo ang kanyang
mga luha na pumatak pa sa likod ng kamay ni Lu Jinnian, habang hinihila niya
ang manggas ng damit nito.
Ang mainit na luha ni Qiao Anhao ay biglang nagpabilis ng tibok ng puso ni Lu
Jinnian. Dahil din dito, naramdaman na parang biglang lumambot ang kanyang
puso na napakatagal niyang pinilit patigasin.
Itinaas ni Qiao Anhao ang kanyang kamay para punasan ang kanyang mga luha
na parang batang walang muwang. Iniangat niya ang kanyang ulo at tinignan si
Lu Jinnian. Ang kanyang mga mata ay mangiyak ngiyak at para siyang isang
kawawang tuta na aping api at nagmamakaawa, "Ayoko ng pera, gusto ko ng
pagkain."
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES