Kahit kailan ay hindi nagaral si Qiao Anhao ng French kaya hindi niya
maintindihan ang pinaguusapan ng dalawa. Pero, base sa nakikita niya na
parehong nakangiti at maya't-mayang naghahalikan ang mga ito sa tuwing
walang nakatingin ay masasabi niyang napaka sweet ng sinasabi ng mga ito sa
isa't-isa.
Samantalang sila ni Lu Jinnian ay hindi manlang nagusap kahit minsan simula
noong sumakay sila ng elevator sa top floor hanggang sa makakababa sila.
Ilang beses niya itong tinignan pero hindi talaga siya pinapansin nito na para
bang hindi sila magkakilala.
Pagkabukas ng elevator sa first floor, biglang nagring ang phone ni Lu Jinnian,
na sinagot naman nito kaagad. Dahil magkatabi lang sila, narinig niya ang
sinabi nito ng diretsong English, "I'll be right out."
Sinundan niya si Lu Jinnian palabas ng hotel. Nakatapat pa rin ang phone sa
tenga nito at mukhang may hinahanap dahil patingin tingin ito sa paligid. Hindi
nagtagal, nang makita nito ang isang magandang blonde na babaeng nakatayo
sa harap ng isang pulang Ferrari, ibinaba nito ang phone at naglakad papunta
sa babae.
Halatang sobrang saya ng babae na makita si Lu Jinnian dahil nagmamadali
itong lumapit para yakapin ang isa. Ilang sandali pa ang lumipas na nakatayo
lang ang dalawa sa gilid ng kalsada na para bang may pinagbubulungan bago
pumasok ang mga ito sa loob ng sasakyan.
Hindi maintindihan ni Qiao Anhao ang nangyayari hanggang sa dahan-dahang
umandar papalayo ang sasakyan. Napakurap nalang siya at nang sandaling
mahimasmasan, dali dali siyang tumakbo papasok sa isang walang laman na
taxi na nakaparada sa gilid ng kalsada at sinabi sa driver na sundan ang
sasakyan ni Lu Jinnian.
Hindi nagtagal, huminto ang pulang Ferrari sa tapat ng isang restaurant. Noong
nakita niyang bumaba si Lu Jinnian at ang blonde na babae, nagmamadali
siyang nagbayad sa driver para sundan ang dalawa. Pagkapasok niya, nakaupo
na ang dalawa sa isang pwesto na nakatapat sa bintana.
Kasalukuyang may hawak na menu ang babae at sinasabi ang order nito sa
waitress. Base sa nakikita niya, mukhang nagtatanong ito kay Lu Jinnian kung
anong gusto nitong kainin at may ilang pagkakataon din na nagsalita ang babae
habang masayang nakangiti. Tumungo lang si Lu Jinnian at bahagyang sumilip
habang papasok siya. Mabilisang tingin lang ang ginawa nito at dali dali rin
nitong inalis ang tingin nito sakanya.
Humanap siya ng pwesto na malapit kay Lu Jinnian at sa kasama nitong babae.
Sa mga ora na 'to, hindi talaga siya gutom kahit na isang buong araw na siyang
hindi kumakain, pero napagdesisyunan niyang magorder pa rin ng steak.
Magkatapat si Lu Jinnian at ang blonde na babae. Wala siyang ideya kung ano
ang pinaguusapan ng dalawa pero ang naririnig niya lang ay ang maya't-
mayang pagtawa ng babae.
May ilang distansya rin ang layo niya mula sa dalawa, pero rinig na rinig niya
pa rin ang tawa na babae, na para sakanya ay masakit sa tenga.
Kahit na hindi gaanong nagbago ang reaksyon ni Lu Jinnian simula umpisa,
kung ang pagkakakilala niya lang rito ang pagbabasehan, masasabi niya na
maganda ang relasyon na namamagitan kay Lu Jinnian at sa babaeng kasama
nito.
Pareho ang inorder nila ng babae kaya sabay itong sinerve ng waiter.
Noong sandaling iangat ni Qiao Anhao ang tinidor para hiwain ang kanyang
steak, nakita niya na hinihiwa ni Lu Jinnian ang steak na inorder ng babae
gamit ang sarili nitong tinidor at kutsilyo.
Ilang sandali rin siyang nakatitig sa kamay ni Lu Jinnian at hindi nagtagal ay
hindi niya na napigilang ngumuso. Sa sobrang selos, pagalit niyang sinasak ng
tinidor ang steak na nasa kanyang plato.
Anong klaseng relasyon ba ang namamagitan kay Lu Jinnian at sa babaeng
'yun?
Hindi pinaniwalaan ni Lu Jinnian ang paliwanag niya at sinabi pa nito sakanya
na ayaw na siyang makita nito. Hindi kaya ang babaeng 'yun ang tunay na
rason kung bakit umiiwas sakanya si Lu Jinnian?
Gawa ng mga tumatakbo sa isip ni Qiao Anhao, biglang nanginig ang kanyang
kamay na may hawak na kutsilyo kaya aksidente niyang nasugatan ang sarili
niyang daliri. Nagulat siya sa hapdi ng pagkakahiwa kaya nabitawan niya ang
kutsilyo at tumama ito sa plato na gumawa ng matining na ingay bago ito
tuluyang malaglag sa sahig. Dahil sa ingay na nagawa niya, may ilang mga tao
ang napatingin sakanya.
Nang makita ng waiter na nakatayo sa isang gilid ang nangyari, dali dali itong
yumuko para tulungan siyang kunin ang nalaglag niyang kutsilyo. Pagkabalik ng
nito para bigyan siya ng bago, nakita nito na tumutulo ang dugo niya mula sa
isa niyang daliri kaya walang pagdadalawang isip itong nagtanong, "Miss, are
you okay? Your finger is hurt."
Pagkarinig ni Qiao Anhao ng tanong ng waiter, doon lang siya yumuko para
tignan ang nagdudugo niyang daliri. Buti nalang, mababaw lang ang sugat kaya
iningat niya ang kanyang ulo at noong iiling na sana siya, napansin niya si Lu
Jinnian, na kanina pa siya hindi pinapansin, ay nakatitig sa nasugatan niyang
daliri.
Noong sandaling 'yun, binalikan niya rin ito ng tingin. Ang buong akala niya ay
tatayo ito para lapitan siya, pero pagkalipas ng sampung segundo, muli itong
humarap sa blonde na babaeng kasama nito at nagpatuloy sa pakikipagusap.
Hindi nagtagal, bumalik ang waiter na may dalang plaster at inilapag sakanyang
lamesa, "Miss, here's a plaster."
Pinilit ni Qiao Anhao na ngumiti at nagpasalamat sa waiter. "Thank you."
Pagkaalis ng waiter, kinuha niya ang plaster at binuksan ito bago niya ibalot
ang daliri niyang nasugatan ng sobrang bagal. Pagka'angat niya ng kanyang
ulo, muli niyang sinilip si Lu Jinnian. May hawak itong bote ng red wine at
kasalukyan nitong nilalagyan ng laman ang baso ng kasama nito. Samantalang
ang babae naman ay ipinapakita kay Lu Jinnian sa screen ng hawak nitong
phone, na wala siyang kahit anong ideya kung anuman 'yun.
Dahil sa mga nangyari, sobrang nalungkot at nawalan na ng paggasa si Qiao
Anhao. Bukod sa nasasaktan siya, hindi niya mapigilang alalahanin na kapag
napapagod siyang maglakad dati, kusang luluhod si Lu Jinnian sa harapan niya
para lang i'piggy back siya. Pero ngayon, sobrang iniiwasan siya ito at higit sa
lahat, hindi man lang siya magawang tignan nito.
Pagkatapos niyang maglagay ng plaster, nawalan na siya ng ganang kumain.
Medyo matagal pa siyang nanatili sakanyang kinauupuan bago siya tumayo.
Tinawag niya ang waiter para sa bill at pagkatapos niyang magbayad ay umalis
na rin siya kaagad.
-
Halos dalawang oras siyang nakaupo sa lobby ng hotel. Pagsapit ng alas nuebe
ng gabi, muli niyang nakita ang pulang Ferrari na dahan dahang pumarada sa
gilid ng kalsada.
Ang buong akala niya ay si Lu Jinnian lang ang bababa, pero laking gulat niya
nang makita niyang bumaba rin ang babae. Dahil dun, muli nanaman siyng
naguluhan at hindi niya alam kung anong gagawin niya.
Sasama ba ang babaeng 'yun sa kwarto ni Lu Jinnian? Sobrang liberated ng
mga babaeng foreigner! Isang lalaki at isang babae sa loob ng iisang kwarto….
Dali daling tumayo si Qiao Anhao sa sofa, na ikinagulat ng isang lalaking
foreigner na nagbabasa ng dyaryo. Dahil sa ginawa niya, gulat na gulat itong
napatingin sakanya.
Hindi pa naman siguro nahuhulog ang loob ni Lu Jinnian sa babaeng blonde na
'yan, tama ba? Eh kung ganun, anong dapat niyang gawin? Gusto niyang
magsimula ulit sila ni Lu Jinnian!
Habang mas iniisip ni Qiao Anhao ang mga posibilidad, lalo lang siyang
naguguluhan. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob, pero
nagmamdali siyang lumabas at gawa ng nagbabaga niyang damdamin, bigla
siyang tumakbo papunta sa harap ni Lu Jinnian at ng babae, at walang
pagdadalawang isip niyang sinabi ng may malambing na boses, "Hubby!"
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES