Sinamahan ni Lu Jinnian ang matandang babae na mag'gabihan, at
pagkatapos nilang manuod ng isang episode ng isang makalumang historical
drama, inakyat na ng tagapag'alaga sa taas para makaligo ito bago matulog.
Doon lang siya nagdesisyong umalis.
Alas diyes na ng gabi nang makalabas siya ng elevator.
Noong sandaling lumabas siya ng apartment ng matanda, napansin niya na
umuulan pala ng snow – napapalibutan ang buong lugar ng manipis na yelo.
Habang bumababa ng hagdanan, maririnig ang pagkaluskos ng mga snow na
naapakan niya.
Pagkarating niya sa kalsada, agad niyang kinuha ang susi ng kanyang
sasakyan at bnuksan ito. Noong sandaling 'yun, may napansin siyang isang
sasakyang nakailaw habang nakaparada sa isang gilid na hindi naman
kalayuan mula sakanya.
Papasok na sana siya sa loob ng sasakyan nang may bigla siyang narinig na
tumawag sa pangalan niya, "Mr. Lu."
Biglang natigilan si Lu Jinnian at nang sandaling humarap siya ay nakita niya
ang kanyang assistant na nakatayo sa kabilang gilid ng kalsada. Halatang
matagal na itong naghihintay sakanya sa labas dhil punong puno na ng yelo
ang tuktok ng sumbrero nito.
Huminto si Lu Jinnian.
Mabilis na naglakad ang assistant papunta kay Lu Jinnian. Tinitigan niya ito
sa mga mata at naiinis na nagtanong, "Mr. Lu, kailan ka pa bumalik? Bakit
hindi mo manlang ako kinontak?"
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Lu Jinnian imbes na sagutin ang
tanong ng kanyang assistant.
"May binisita lang akong malayong kamaganak ng asawa ko na nakatira sa
dito. Naglalaro pa sila ng mahjong sa taas kaya lumabas muna ako para
magsigarilyo at laking gulat ko na nakita kita!" Kapanipaniwalang sagot ng
assistant habang iniisip niya na nasa Suzhou ang lahat ng kamaganak ng
kanyang asawa…Ang tanging rason lang naman kung bakit siya nakararting
doon ay dahil sa tawag ni Miss Qiao!
Sa tagal na panahaon nilang magkasama ni Lu Jinnian, ito ang kauna-
unahang pagkakataon na nagsinungaling siya rito at kahit nagawa niya ito ng
maayos ay nakokonsensya pa rin siya. Natatakot siya na baka mahanapan
siya ni Lu Jinnian ng butas jaya dali dali siyang nagtanong, "Mr. Lu, libre ka
ba mamaya? Gusto mo ba munang uminom?"
Hindi tumanggi si Lu Jinnian. Tumungo siya at itinuro ang kanyang sasakyan
habang naglalakad papunta sa driver's seat.
Ilang taon ng nagtarabaho ang assistant kay Lu Jinnian, kaya kahit apat na
buwan na silang hindi nagkikita ay hindi niya pa rin siya nagbabago. Alam
niya kung anong ibig sabihin ng kanyang amo kaya dali dali siyang tumakbo
para buksan ang back door. "Mr. Lu, ako na."
Papasok na sana si Lu Jinnian sa driver's seat nang marinig niya ang sinabi
ng kanyang assistant kaya bigla siyang natigilan. Hindi nagtagal, binitawan
niya ang handle ng pintuan at lumipat sa back seat.
Dali daling sumakay ang assistant sa driver seat at pinaandar ang sasakyan.
"Mr. Lu, saan mo gustong pumunta?"
"Kahit saan."
Nagisip ang assistant ng ilang sandali bago siya muling magtanong, "Sa
Golden Luxury?"
Pumayag naman si Lu Jinnian at sumagot ng isang mahinang "Sige."
Sa apat na buwang lumipas, narenovate na ang Jin Bi Hui Huang kaya mas
nagmukha itong malaki at pang'mayaman kumpara sa itsura nito noon.
Kumuha sila ng isang private room at ang mga inorder na inumin ng assistant
ay dumating din kaagad. Pagkaalis ng staff, tinignan niya si Lu Jinnian.
Kalmado ang itsura nito habang nakasandal sa sofa at nagsisigarilyo.
Pinuno niya ng alak ang dalawang baso at itinulak papalapit kay Lu Jinnian
ang isa. "Mr. Lu, may balak ka pa bang umalis ulit?"
Inalis ni Lu Jinnian ang pagkakatitig niya sa kisame at umupo ng maayos.
Kinuha niya ang basong ibinigay ng assistant at inubos muna ang laman nito
bago siya tumungo, "Paalis na."
"Paano na ang kumpanya?"
"Hindi ba maganda ang lagay ng kumpanya?"
Natigilan ang assistant at inalala ang naging paguusap nila ni Qiao Anhao. "Mr.
Ku, kailan mo balak umalis?"
Nagalangan si Lu Jinnian noong una bago siya muling sumagot, "Hindi ko pa
alam."
"Mr. Lu, nagawa na ang mga inutos niyo para kay Qiao Anhao…"
Nanatiling tahimik si Lu Jinnian, pero biglang humigpit ang pagkakahawak niya
sa baso nang marinig niya ang pangalan ni Qiao Anhao.
Noong sandaling maalala ng assistant na pinagdiinan skanya ni Lu Jinnian na
wag sabihin kay Qiao Anhao ang mga ginawa nito noo, bigla niyang
naramdaman na parang pinagtaksilan niya ito. Sobrang nakokonsensya siya
kaya dali dali niyang binago ang usapan. "Mr. Lu, kaya ka ba umalis ng walang
pasabi ay dahil kau Miss Qiao?"
Nanigas ang buong katawan ni Lu Jinnian. Nanggigil ang kanyang mga labi at
bumakas sa kanyang mga mata ang halo halong emosyon. Muli siyang
tumungga ng isang basong alak at minasahe ang kanyang noo. Hindi nagtagal,
unti unting kumalma ang kanyang istura at sinabi, "Wag ka ng magtatanong ng
nakaraan na."
"Pero si Miss Qiao.."
Gusto lang naman sanang sabihin ng assistant na walang ibang ginawa si Qiao
Anhao sa nakalipas na apat na buwan kundi ang hanapin si Lu Jinnian, pero
noong sandaling banggitin niya ang pangalan nito, bigla nalang galit na galit na
binasag ni Lu Jinnian ang basong hawak nito sa lamesa at hindi pa man din
siya tapos sakanyang sinasabi ay pabalang itong nagsalita, "Sinabi ko naman
sayo na wag mo ng kwentuhan ng tungkol sakanya!"
Biglang nanahimik ang assistant.
Nabalot ng matinding katahimikan ang buong private room.
Makalipas ang ilang sandali, iniba ng assistant ang usapan pero hindi na
nagsalita si Lu Jinnain at halatang galit na galit pa rin ang itsura nito habang
tuloy tuloy sa paninigarilyo.
Noong malapit ng maunos ang huling stick ng sigarilyo ni Lu Jinnian, pinatay
niya ito sa ashtray at tumayo. "Lumalalim na ang gabi, babalik na ako sa hotel."
Biglang kinabahan ang assistant.
Noong una, gusto niya lang sanang bigyan ng hustisya ang mga ginawa ni Lu
Jinnian kaya sinabi niya ang lahat ng ginawa nito kay Qiao Anhao. Pero noong
nalaman niya na sobrang nagaalala rin ito kay Lu Jinnian, sa puntong araw
araw siyang tinatawagan nito sa nakalipas na apat na buwan para lang
makibalita, ay medyo nakaramdam siya pagkakonsensya sa nagawa niya noon.
Ngayong gabi, muli siyang tinawagan ni Qiao Anhao. Sa pagkakataong ito ay
nagpapatulong itong makipagbati kay Lu Jinnian, pero noong sandaling
banggitin niya ang pangalan nito ay bigla nalang nagalit ang kanyang amo.
Hindi siya sinagot ni Lu Jinnian noong nagtanong siya kung saan ito pupunta at
kung kailan ito babalik sa Beijing…Hindi kaya pinapalayo rin siya nito?
Kahit minsan na siyang nabigo, determinado talaga ang assistant na tulungan si
Miss Qiao…
Dahil dito, dali dali siyang nagtanong, "Mr. Lu, saang hotel ka tumutuloy
ngayon?"
Lumingon si Lu Jinnian at nagtatakang tumingin sakanya. "Bakit?"
Dahil sa tingin nito, lalo siyang kinabahan at nakonsensya. Natatakot siya nab
aka mabuking siya kaya nagmamadali siyang sumagot, "Gusto sana kitang
ihatid, isa pa, wala kasi akong dalang sasakyan."
Halos dalawang segundong nakatitig sakanya si Lu Jinnian, at noong sandaling
akala niya'y nabuking na siya ay bigla itong sumagot, "Sa Four Seasons Hotel."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES