Parang bumalik sa pagkabata ang matandang babae na kailangan ng maya't
mayang lambing. Naging pasensyosa naman si Qiao Anhao at palagi niya itong
kinakausap kaya nalaman tungkol kay Lu Jinnian.
Noong hapon na nagpakita si Lu Jinnian, inulit ng matanda ang paboritong
alamat ni Lu Jinnian noong bata pa ito. Kunuwento rin nito ang pangungutsa ng
mga kapitbahay nila noong nalaman ng mga ito na nagtatrabaho ang nanay ni
Lu Jinnian sa isang night club. Walang katulad ang kagandahan ng nanay nito
kaya maraming lalaki ang sumisilip dito na bandang huli ay kinainisan ng ibang
mga kababaihan. Nang lumaon, ang mga babaeng 'yun ay pinagbintangan ang
nanay nito na nang'aagaw ng asawa at hindi lang 'yun dahil pinagsabihan rin
ng mga ito ang mga bata na huwag lalapit sa batang Lu Jinnian.
Masyado pang bata si Lu Jinnian noong mga panahong iyon at wala pa siyang
kamuwang muwang na ayaw siyang makalaro ng ibang bata kaya kapag may
nakikita siyang naglalaro ay nakikisali pa rin siya. Pero sa tuwing lalapit siya
ay titigan siya ng mga ito na punong puno ng pandidiri at nang lumaon, ayaw
niya ng makipaglaro. Natutulog ang kanyang nanay sa umaga at nagtatrabaho
sa gabi kaya maraming pagkakataon na makikita ang batang Lu Jinnian na
magisang naglalaro sa isang sulok.
Pero may isang beses na may isang napaka salbaheng batang lalaki ang
naghanap ng gulo. Kung anu anong sinabi nitong masasama tungkol sa nanay
ni Lu Jinnian at bilang anak, nasaktan ito kaya kumuha siya ng isang batong
gawa sa putik at binasag sa ulo ng bata. Dahil doon, sinugod ng mga tao ang
nanay ni Lu Jinnian at sinisi silang dalawa nang hindi man lang inaalam ang
tunay na nangyari.
Mula noon, bihira ng makitang lumabas si Lu Jinnian tuwing umaga.
Nagbuntong hininga ang matandang babae.
Noong mga oras na 'yun, pakiramdam ni Qiao Anhao ay parang may
nakadagan sa puso niya.
Ngayon niya lang nalaman na may ganun palang kadilim na nakaraan si Lu
Jinnian.
Wala pala talagang taong ipinanganak na takot makisalamuha…. Dahil lang
'yun sa pang'aapi ng mga tao noong pa bata siya. Malamang, yun nalang din
ang paraan ni Lu Jinnian para panghawakan ang dignidad nito.
Bago pa makapagkwento ng ibang bagay ang matanda, biglang tumunog ang
doorbell kaya ang babaeng nagaalaga sa matanda ay dali daling pumunta sa
pintuan. Halatang gulat na gulat itong makita si Lu Jinnian. "Mr. Lu, nandito ka
na?"
Nang sandaling marinig ni Qiao Anhao ang pangalan ni 'Lu Jinnian',
nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at nakita niya nga ito na naglalakad na
may hawak na ilang malalaking plastic.
Sa pagkakataong ito, mas malinaw niya na itong nakikita.
Bukod sa malaki nitong ipinayat, wala ng ibang pinagbago ang itsura nito.
Napakagwapo at suplado pa rin nitong tignan.
Hindi napansin ni Lu Jinnian si Qiao Anhao noong una. Ibinigay niya ang mga
plastic sa tagapag alaga para makapagpalit ng sapatos habang mahinahon na
nagtatanong, "Nasaan si nanay?"
"Nasa kwarto." Sagot ng babae.
Tumungo lang si Lu Jinnian bilang tugon pero noong sandaling maglalakad na
siya papunta sa kwarto, hindi niya inaasahang makita si Qiao Anhao na
nakatayo sa pintuan.
Biglang kumunot ang kanyang noo at hindi niya maintindihan kung paano
nangyari, pero bandang huli, pinilit niyang huwag magpahalatang apektado at
nagsalita na parang hindi niya kilala ang taong nasa harapan niya. "Anong
ginagawa mo dito?"
Pagkatapos magtanong ni Lu Jinnian, naisip niya nab aka maramdaman ni Qiao
Anhao na masyado siyang nagaalala, kaya bago pa ito makasagot ay muli
siyang nagsalita, "Hindi ka kailangan dito, pwede ka ng umalis."
Namutla si Qiao Anhao sa sobrang sakit ng sinabi ni Lu Jinnian.
Hindi mapakaling nagsalita ang tagapag'alaga ng matanda para ipagtanggol si
Qiao Anhao, "Mr. Lu, nandito si Miss Qiao para bisitahin si nanay. Noong gabi
ng bagong taon, nawala si nanay kakahanap sayo at si Miss Qiao ang nag'uwi
sakanya…"
Hindi interesado si Lu Jinnian sa sinasabi ng tagapagalaga kaya pagkatapos
nitong magsalita ay pautos niyang sinabi, "Palabasin mo na siya."
Malinaw na hindi masaya si Lu Jinnian na makita si Qiao Anhao. Pakiramdam
niya ay para siyang pinaparusahan sa bawat segundong lilipas na kasama niya
ito. Napayuko nalang si Qiao Anhao sa sobrang kahihiyan at napakapit ng
mahigpit sakanyang palda.
"Mr. Lu…." Gusto sanang kumbinsihin ng tagapag'alaga si Lu Jinnian, pero
hindi niya ito binigyan ng pagkakataon at mabilis siyang naglakad papunta sa
kwarto.
Noong sandaling lalagpasan niya na si Qiao Anhao, bigla itong nagsalita para
tawagin ang kanyang pangalan, "Lu Jinnian."
Medyo nagalangan siya noong una, pero bandang huli ay nilagpasan niya lang
ito at nagtuloy tuloy siya sa paglalakad papasok ng kwarto. Bago niya isarado
ang pintuan, muli niyang tinignan ang tagapag'alaga at sinabi, "Wag ka ng
tumalala jan, palabasin mo na si Miss Qiao."
Miss Qiao… Ito ang unang beses na nagalit si Qiao Anhao sa dalawang
salitang ito.
Lumingon si Qiao Anhao pero bago niya pa makita si Lu Jinnian ay bigla nitong
sinara ang pintuan.
Biglang tumahimik ang paligid at pareho sila ng tagapag'alaga na hindi alam
kung anong sasabihin.
Napangiti nalang ang tagapag'alaga sa sobrang hiya niya kay Qiao Anhao at
hindi nagtagal ay muli siyang nagsalita para pagaanin ang loob nito, "Miss
Qiao, wag mo masyadong dibdibin. Lagi namang mainit ang ulo ni Mr. Lu."
Yumuko si Qiao Anhao at mahinahong sumagot, "Ayos lang ako." Natatakot
siya nab aka lalo pang pagalitan ni Lu Jinnian ang tagapag'alaga kaya ngumiti
siya rito at sinabi, "Mauuna na ako."
Hinatid ng tagapag'alaga si Qiao Anhao palabas ng pintuan at habang
naglalakad sila ay paulit ulit itong humingi ng pasensya.
Pagkahatid ng tagpag'alaga kay Qiao Anhao sa elevator, agad siyang bumalik
sa loob para ayusin ang mga pinamili ni Lu Jinnian. Pagkatapos ay pumunta
siya sa kusina para kumuha ng tubig bago siya kumatok sa kwarto ng matanda.
Nakatulog na ang matanda, kaya naka'upo lang si Lu Jinnian sa kama habang
nakatitig sa bintana, na para bang may malalim na iniisip.
Lumapit ang tagapag'alaga para ibigay kay Lu Jinnian ang tubig at para hindi
maistorbo ang matanda, pabulong itong nagsalita, "Mr. Lu, magtubig ka muna."
Kinuha ni Lu Jinnian ang baso at pabulong na nagpasalamat.
Pagkakuha niya ng baso ay muling nagsalita itong nagsalita, "Naihatid ko na si
Miss Qiao sa labas."
Nang marinig niya ang sinabi ng babae ay bigla siyang natigilan at hindi
nagtagal ay dali dali niyang tinungga ang tubig. Pagkatapos niyang uminom,
ibinalik niya ang baso sa tagapag'alaga at tumungo bilang pagtugon.
Kinuha ng tagapag'alaga ang baso at agad na lumabas ng kwarto.
Ilang sandaling nakatulala si Lu Jinnian bago siya tumayo para buksan ang
bintana at maglakad papunta sa balcony para manigarilyo.
Sa gitna ng makapal na usok, nakatayo lang siya at nakatulala.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES