Hindi nagdalawang isip si Qiao Anhao kung nasaan sila ng matandang babae.
Makalipas ang halos kalahating oras, may sasakyan na huminto sa harapan
nila.
Nagbukas ang pintuan ng driver's seat at may isang babae na mukhang nasa
edad na kwarenta hanggang sisenta. Nang makita nito si Qiao Anhao na
kasama ang matandang babae, dali dali itong tumakbo papalapit at sinabi,
"Madam, halos patayin mo naman ako sa sobrang takot! Bakit ba bigla ka
nalang tumakbo palabas?"
"Gusto kong hanapin si Jinnian," malungkot na sagot ng matandang babae.
"Hindi ba sinabi naman sayo ni Mr. Lu na may pinuntahan lang siya at
mamaya uuwi na siya para bisitahin ka? Malambing na panunuyo ng babae
para kumalma ang matandang babae.
Mr. Lu? Uuwi mamaya para bisitahin ka?
Biglang nagkaroon ng pagasa si Qiao Anhao at masaya siyang nagtanong,
"Bibisitahin ni Lu Jinnian si nanay mamaya?"
Nang marinig ng babae ang pagtatanong ni Qiao Anhao, bigla itong natigilan
at naglabas ng isang envelope mula sa bulsa nito. Agad nitong inabot
sakanya ang sobre at sinabi, "Miss, maraming salamat talaga. Kung nawala
ang matanda, hindi ko alam kung paano magpapaliwanag kay Mr. Lu."
Hindi kinuha ni Qiao Anhao ang sobre at muling nagtanong, "Sabi mo uuwi si
Lu Jinnian para bisitahin si nanay? Kailan siya bibisita?"
Nagulat ang babae sa pagtatanong ni Qiao Anhao kaya imbes na sagutin ang
kanyang mga tanong ay nagtanong rin ito, "Miss, kilala mo ba si Mr. Lu?"
Masayang tumungo si Qiao Anhao. "Ako ay…"
Bago pa masabi ni Qiao Anhao ang salitang "kaibigan" ay muli nanamang
nagsalita ang matandang babae, "Siya ang asawa ni Jinnian!"
At noong sandaling iyon, biglang sumaya ang matanda at nagsalita na parang
may ipinagmamalaki na isang mamahaling kayamanan, "Tignan mo, maganda
talaga ang taste ng ating Jinnian! Napakaganda ng asawa niya!"
Gusto talagang pakasalan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian pero hindi naman
talaga siya asawa nito kaya ngumiti nalang siya sa babaeng nagaalaga sa
matanda at sinabi, "Kaibiganlang po ako. Hindi ko po alam kung anong
nangyari. Kanina pa ako tinatawag ni nanay na asawa ni Lu Jinnian…"
"Ikaw naman talaga ang asawa ni Jinnian!" Muli niya nanamang ginalit ang
matandang babae. Noong sandaling ding iyon, walang pasabi siyang hinila ng
matanda papunta sa sasakyan at binuksan ang pinto para pumasok siya sa
loob.
Wala ng nagawa si Qiao Anhao at napatingin nalang siya sa kasama nilang
babae, na humingi ng tawad sakanya at sumuyo sa matanda, "Madam,
nagkakamali ka. Wala pang asawa si Mr. Lu! Hindi pa siya ikinakasal!"
"Siya nga ang asawa ni Jinnian. Siya!" Paulit ulit na sigaw ng matandang
babae hanggang sa muli itong umiyak. Galit na galit nitong itinuro si Qiao
Anhao at sinabi, "Sumama ka sa akin, papatunayan ko sayo!"
Dahil doon, lalo pang lumakas ang iyak ng matandang babae.
"Sasama po ako. Sasama po ako. Wag ka ng umiyak nanay."
-
Pagkapasok ni Qiao Anhao sa sasakyan, ang matandang babae ay parang
bata na biglang tumahan. Nanumbalik ang masaya nitong ngiti habang paulit
ulit na tinatawag si Qiao Anhao na asawa ni Lu Jinnian.
Habang nagmamaneho ang babaeng nagaalaga sa matanda, humingi ito ng
tawad sakanya. Base sa paliwanag nito, nalaman niya na hindi talaga kadugo
ni Lu Jinnian ang matandang babae at magkapit bahay lang ang mga ito.
Wala pang sampung taong gulang si Lu Jinnian nang mamatay ang nanay
nito. Walang may gustong magalaga sa batang Lu Jinnian noong mga
panahong iyon. Sakto, ang kapit bahay nito ay namatayan ng asawa't anak sa
isang lindol kaya nang makita nito ang nakakaawang kapalaran ni Lu Jinnian,
napagdesisyunan ng matanda na pakainin ito ng dinner araw araw, paglabhan
ng mga damit at paglinisan ng kwarto.
Ang matandang babae ang nagalaga kay Lu Jinnian hanggang sa
makagraduate ito ng high school. Noong lumuwas ito sa Hangzhou, wala itong
sapat na kakayanan para bayaran ang renta ng dati nitong tinitirhan kaya sa
tuwing uuwi ito sa kapag university holidays, sa bahay ng matandang babae ito
tumutuloy.
Nang lumaon at nagkaroon ng magandang buhay si Lu Jinnian, gumaan din
ang pamumuhay ng matanda, pero dalawang taon na ang nakakalipas simula
noong nagpakita ang mga sensyales ng katandaan nito: kumulit na ito at kung
anu ano ng mga pinagsasabi.
Naging abala na si Lu Jinnian sa trabaho kaya hindi na nito kayang alagaan
ang matanda sa lahat ng oras. Malusog pa si nanay kaya magkakaroon lang ng
mas malaking problema kung iiwanan ito sa isang nursing home o ospital.
Dahil doon, kinuha ni Lu Jinnian ang babaeng sumundo sa matanda para
magsilbing tagpagalaga nito.
-
Sinamahan ni Qiao Anhao ang matandang babae hanggang sa makauwi ito.
Nagmamadaling pumasok ang matanda loob ng bahay at naglabas ng isang
kahon. Ilang sandali rin itong nagkalkal hanggang sa may nakita itong
dalawang napaka liit na litrato, na masaya nitong ipinakita kay Qiao Anhao.
"Oh tignan mo. Ngayon mo sabihin na hindi ikaw ang asawa ni Jinnian. Tignan
mo nga. Malinaw na ikaw yan!"
Hawak ng matandang babae ang isang lumang litrato ni Qiao Anhao. Ang
kanyang buhok ay nakatali ng dalawang pigtail at nakasuot siya ng school
uniform na masayang nakangiti. Bata pa siya sa litrato pero hindi naman
mahirap na makilalang siya 'yun.
Pati ang babaeng nagaalaga sa matanda ay napasigaw sa gulat, "Yiiii, Miss.
Ikaw nga yan."
"Nakita mo na, paano ko naman makakalimutan ang itsura ng asawa ni
Jinnian? Ang sabi sa akin ni Jinnian noon na papakasalan niya raw ang
babaeng nasa picture." Noong mga sandaling na yun, biglang niyakap ng
matandang babae ang litrato na para bang ito ang pinakamamahal nitong anak,
at galit na galit na tumingin kay Qiao Anhao. "Ngayon, paano mo 'to
lulusutan?"
Base sa pagkakasabi ng matanda, naintidihan na nina Qiao Anhao at ng
tagapagalaga ang nangyari. Malamang itinago ni Lu Jinnian ang litrato noon at
sinabi nito sa matanda na gustong gusto nito ang babaeng sa litrato kaya
naman noong nakita ng matanda si Qiao Anhao ngayong gabi, nakilala siya
kaagad nito at pinanindigan na ang pagtawag sakanya na asawa ni Lu Jinnian.
Malalim na ang gabi kaya hindi nagtagal ay nakaramdam na rin ng pagod ang
matandang babae. Paulit Kahit buong magdamag pa silang magtalo, wala rin
namang patutunguhan kaya bandang huli, sinakyan nalang ng tagapagalaga
ang matanda. Nilalambing nito ang matanda at sinabi, "Tama tama tama,
Madam. Siya nga ang asawa ni Mr. Lu. Pero lumalalim na ang gabi kaya
Madam, kailangan na nating magpahinga ngayon.
Sa pagkakataong ito, masayang sumunod ang matandang babae sa kwarto.
Pero bago matulog ang matanda, inilagay muna nito ang pinakaiingatan nitong
litrato ni Qiao Anhao sa loob ng isang kahon.
Hindi na pinigilan ng tagapagalaga ang matanda sa kahit anong gawin at
sabihin nito. Nahihiya siya kay Qiao Anhao kaya tinignan niya ito at sinabi,
"Sorry, Miss. Yun lang ang paraan para mapasaya ko ang matanda."
"Wala pong problema." Nakangiting sagot ni Qiao Anhao. Hindi na siya
nagpaligoy ligoy at diretso ng nagtanong, "Anong oras po kadalasang binibisita
ni Lu Jinnian si nanay?"
"Noon, pumupunta si Mr. Lu dito tuwing Miyerkules, pero ngayon apat na
buwan na siyang hindi bumibisita. Siguradong miss na miss na siya ng
matanda kasi kung hindi, hindi naman siya tatakas."
Ang buong akala ni Qiao Anhao ay nahanap niya na ang paraan para mahuli si
Lu Jinnian, pero hindi niya inakala na ganito pala ang makukuha niyang sagot.
Noong mga oras na 'yun, wala siyang ibang maramdaman kundi ang
pagkadismaya. "Ah ganun ba…"
"Parang hindi kayo nagiisip! New Year's Eve ngayon. Siguradong pinuntahan
ni Jinnian ang nanay niya," bulong ng matandang babae habang isinasara ang
kahon. "Ang sementeryo ay nasa isang liblib na lugar sa bandang kanluran,
taon taon siyang nandoon para magcelebrate ng New Year kasama ang nanay
niya…."
Bago pa matapos ang matanda sa pagsasalita, biglang tumakbo si Qiao Anhao
palabas ng pintuan. Nasa labas na siya ng bahay noong naalala niya na wala
siyang dalang sasakyan kaya bumalik siya sa loob at kinuha ang susi ng
sasakyan na nasa lamesa. "Hihiramin ko muna'to. Ibabalik ko rin kaagad
bukas." At hindi pa man din pumapayag ang tagapagalaga ay muli nanaman
siyang tumakbo palabas.
Pagkasakay ni Qiao Anhao, agad niyang inilagay ang lugar na pupuntahan niya
sa navigation system. Wala siyang sinayang na oras at dumiretso na siya
kaagad sa isang sementeryo na nasa isang lilib na lugar sa bandang kanluran.
Hindi niya alam kung nasaan ang puntod ng nanay ni Lu Jinnian, kaya mula sa
paanan ng bundok, inisa isa niya ang bawat puntod.
Napakatahimik ng sementeryo at sa pagihip ng malamig na simoy ng hangin ay
kumalma ang kanyang puso.
Lalo pang lumakas ang pag'ihip ng malamig na hangin kaya hindi nagtagal ay
nanginginig na ang buong katawan ni Qiao Anhao, pero buo ang loob niyang
magpatuloy sa paglalakad.
Noong nasa kalagitnaan na siya ng bundok, sa wakas may nakita na siyang
isang taong nakatayo sa harap ng isang puntod.
Dahil sa ilaw na tumatama rito, sigurado siya na si Lu Jinnian ang taong 'yun.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES