Dahil malayo ang lokasyon, ang pulisya ay dumating pagkatapos ng isang oras nilang pagtawag.
Ang taong nanghimasok sa kwarto ay nagising na, at nang dinala siya ng pulisya, kinuha nila ang patpat na gawa sa kahoy na ginamit upang maitama sa ulo. Siyempre, sinama din nila si Qiao Anhao sa kanila para sa kanyang testigo, sinamahan siya ni Chen Yang at Zhao Meng.
.
Tulad ng ipinagpalagay ng lahat, ang lalaki ay talagang mula sa isang kalapit na nayon. Dahil sa kanyang mga utang sa pagsusugal, mayroon siyang utang na malaking pera. Nang papalapit na ang bagong taon, hinabol siya ng mga nagpa-utang sa kanya. Dahl sa hindi makabalik sa bahay, madalas siyang naglalakbay sa magagandang lugar. Siya ay di-sinasadyang mapadpad sa mga tauhan habang sila ay nagawa ng pelikula, at isang pagnanakaw ang humimok sa kanya.
Tulad ng pagkakakilanlan ng pigura na humampas sa magnanakaw, Si Qiao Anhao ay hindi sigurado. Ang lahat ng maaari niyang gawin ay ilarawan kung ano ang nakita niya.
Gayunpaman, kahit na hindi nila alam kung sino ang humampas sa magnanakaw, ang lalaki ay mali una pa lang, at kaya sa mga mata ng batas, ito ay pagtatanggol lamang sa sarili. Bukod dito, kung hindi dahil sa biglang pagsulpot ng taong iyon, maaaring may nawalan na ng isang buhay. At sa gayon, matapos makuha ang kanyang testimonya, inilabas sila ng pulisya pabalik sa hanay at hinalughog ang palibot ng lugar ng pinaggawan ng pelikula para sa bayani ni Qiao Anhao.
Marahil ang taong iyon ay umalis na, yamang ang mga pulis ay naghanap ng ilang sandal, hindi pa rin nila ito makita. Sa huli, sila ay sumuko na at umalis.
Ang malaking kaguluhan na nagsimula sa kalagitnaan ng gabi ay natapos alas-kwatro na ng umaga. Si Chen Yang at si Zhao Meng ay sobrang antok na antok, at sa gayon ay bumalik ang lahat sa kanilang mga silid upang matulog.
Nagkaroon ng malaking dami ng dugo sa ibabaw ng kama ni Qiao Anhao, na kung saan napatakip siya ng bibig, at kaya sumiksik siya sa kama ni Zhao Meng. Mula sa tunog ng kanyang paghinga, maaari niyang sabihin na si Zhao Meng ay mabilis na nakatulog, ngunit siya ay hindi pa inaantok. Sa nakakunot niyang kilay, ang kanyang mga mata ay tumitig diretso sa pinto ng silid.
Lamang na lumitaw sa ganitong oras at suntukin ang magnanakaw?
Nang panahong iyon, siya ay nakaligtas lamang sa kamatayan, at hindi pa siya nakakabawi mula sa pagkabigla, at sa gayon ang kanyang konsentrasyon ay hindi maganda. Nakita lamang niya ang isang matangkad, payat na pigura. Pagkatapos, sa isang pikit lang ng mata, ito ay nawala sa pinto.
Hindi niya alam kung ito ay dahil sa pangungulila niya kay Lu Jinnian, ang imahe ng panandaliang pigura ay tila katulad ng hugis ng kanyang katawan.
-
Si Qiao Anhao ay nagpatuloy na pairalin ang kanyang imahinasyon hanggang alas-sais ng umaga, bago niya ipikit ang kanyang mga mata. Matapos siyang matulog ng dalawang oras lamang, pinukaw siya ni Zhao Meng.
Mula noon, siya ay abala sa kanyang pag-aayos, pagsasanay, at paggawa ng pelikula.
Tulad ng ito na ang huling eksena ng "Heavenly sword", lahat ay sobrang sabik. Sa buong paggawa ng pelikula, ang pagganap ni Qiao Anhao ay mahusay, ngunit dahil sa insidente noong nakaraang gabi, ang lahat ng maisip niya ay ang madilim na pigura na kung saan ay tumakas. Tila ginugulo siya nito, kaya siya ay lumabas.
Sa kabutihang palad, alam ng lahat ang tungkol sa kung ano ang nangyari kagabi, kaya hindi na nila ito pinagsalitaan ng di maganda para di na maaksaya ang kanilang oras. Sa katunayan, pinuntahan nila ito at nagbigay ng mga salitang pampatibay-loob.
Pagkatapos sa paggawa ng pelikula, lahat ay bumalik sa kani-kanilang mga silid upang mag-empake ng kanilang mga gamit at maghanda upang bumalik sa Beijing.
Nais ni Qiao Anhao na tanggalin ang mantsa na dugo sa kumot. Nang irolyo ito ni Zhao Meng, may isang bagay na nahulog at napunta sa sahig na may "Pa!".
Si Zhao Meng ay inikot ang kanyang ulo at sumulyap upang makita ang isang pakete ng sigarilyo. Itinaas niya ang kanyang paa at binanggit ito kay Qiao Anhao, na nasa gilid, na nagtitiklop ng mga damit. "Naiwan siguro ito ng magnanakaw, tama ba?"
Sa mga salita ni Zhao Meng, sumulyap si Qiao Anhao. Nang biglang napatitig ito doon. Ibinaba muna niya ang mga damit, lumakad papunta roon, at lumuhod upang kunin ang pakete ng sigarilyo.
Si Qiao Anhao ay hindi naninigarilyo, ni hindi niya rin gusto na naninigarilyo ang iba, at sa gayon ay hindi kailanman siya nagbigay pansin sa mga tatak ng sigarilyo.
Nang siya at si Lu Jinnian ay magkasama pa, siya ay bihirang naninigarilyo sa harap niya, ngunit nang sinubukan niyang hanapin ito ng ilang beses, nahuli niya ito sa akto. Sa totoo lang, si Lu Jinnian ay palaging mabilis ilabas ang kanyang mga sigarilyo. Magbubukas siya ng isang bintana upang maaalis ang usok nito, o dinadala siya sa iba pang lugar upang makipag-usap, ngunit nagawa pa rin nitong tandaan ang tatak ng pakete ng kanyang sigarilyo: Nanjin95 Supreme.
Ito ay sobrang pagkakataon ...
Sa maagang oras, si Qiao Anhao ay tumalon at umikot sa kama. Habang hindi siya makatulog, ang kanyang kutob ay nagpabalik-balik nanaman sa kanyang isip. Sa kanyang intuwisyon, biglang siyang naging sigurado sa nangyari kagabi ... sa pinaka-mahalagang sandali, ang tao na biglang lumitaw at humampas sa magnanakaw ay si Lu Jinnian!
Tumingin siya sa pakete ng sigarilyo. Ang kanyang dibdib ang biglang bumigat. Hindi niya namalayan na bigla nalang lumabas sa kanyang bibig ang pangalan nito at umiyak, "Lu Jinnian…"
Si Zhao Meng na nagtapon ng kumot sa basurahan ay hindi napigilang kumunot ang kanyang kilay nang marinig si Qiao Anhao na banggitin ang pangalan ni Lu Jinnian.
Sa mga nakaraang buwan sa set, madalas niyang biglang banggitin ang pangalan nito kapag siya'y tulala tulad niyan.
Isang kapaitan ang pumasok sa puso ni Zhao Meng habang nililiko ang kanyang ulo, na nais aliwin ang kanyang kaibigan. Ngunit pagkatapos, si Qiao Anhao ay tumingin din papunta sa kanya na may nakangiting hitsura ng sorpresa sa kanyang mukha. Habang hawak niya ang pakete ng sigarilyo, Si Zhao Meng ay hindi sinasadyang bumaba sa sahig, sabi niya, "Zhao Meng, Lu Jinnian, Lu Jinnian!"
Nang marinig ito ni Zhao Meng, nadama niya ang kalungkutan. Si Qiao ay maaaring nasapian ... Paano magiging pakete ng sigrailyo si Mr. Lu?
"Zhao Meng, siya iyon kagabi! Si Lu Jinnian yung kagabi!" Nang magsalita si Qiao Anhao, ang mga luha ay nagsimulang bumagsak, ngunit kasama nito ang napakagandang ngiti sa kanyang mukha. Mukha siyang nakatagpo ng isang bagay na kamangha-mangha.
Sa mga perlas ng luha na bumagsak sa kanyang mukha, nagmadali siya at masigasig na niyakap si Zhao Meng. Siya ay umiiyak at tumawa habang sinabing walang saysay, "Zhao Meng, Si Lu Jinnian ay nasa tabi ko. Ang taong dumating upang iligtas ako kagabi ay si Lu Jinnian!"
Nang matapos ang pagsasalita ni Qiao Anhao, inalis niya ang kanyang mga kamay na nakayapos sa leeg ni Zhao Meng, at hinawakan ang kanyang braso na para bang sabik na sabik na bata. Walang hinto nitong inugoy-ugoy at sinabi, "Zhao Meng, sinasabi ko sa iyo! Laging naninigarilyo si Lu Jinnian ng ganyang tatak ng sigarilyo! Siya iyon, walang dahilan na mali ako!"
Dahil doon, Si Qiao Anhao ay mahigpit na niyakap si Zhao Meng. Ang kanyang mga luha ay nahulog para bang mga tali ng perlas na pinutol putol. "Sigurado ako, nagmamalasakit pa rin siya sa akin! Sabi na! Mahal na mahal niya ako, papaano niya maiiwasan na iwan ako mag-isa?
"Zhao Meng, sobrang saya ko! Matagal na panahon ko siyang hinintay. Sa wakasa, nakita ko na siya ulit…"
"Ngunit hindi niya ako gustong makita. Malinaw na nagtatago siya sa akin kagabi! Kung hindi, bakit siya tumakbo sa takot pagkatapos niya akong sagipin!"
"Zhao Meng, tulungan mo akong mag-isip! Paano ko siya malilinlang ulit para siya'y lumabas?!"
Bagama't si Qiao Anhao ay biglang naisip ng isang seryosong bagay, hinila niya ang kanyang mga kamay mula kay Zhao Meng at tinitigan ang pakete ng sigarilyo. Tinagilid niya ang kanyang ulo, isang hindi mapigil na ngiti sa sulok ng kanyang mga labi. Pagkatapos, siya ay sabik na nagsabi, "Ano kaya sa tingin mo tungkol sa akin na magpapanggap na may sakit? Ngunit kung hindi ito seryoso, ano ang gagawin ko kung hindi siya lumabas? Hindi maganda ..."
Umiling si Qiao Anhao, pagkatapos ay biglang isang ideya ang pumasok sa kanyang isip. Inikot niya ang kanyang ulo, at may mga kumikislap na mata, tinitigan niya si Zhao Meng. "Paano kaya kung magplano tayo ng isang aksidente sa sasakyan?"
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES