App herunterladen
59.91% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 583: Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (14)

Kapitel 583: Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (14)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang lalaki na nagtangkang kunin ang buhay ni Qiao Anhao ay biglang nahulog sa kama at napunta sa kanyang binti, na naging sanhi ng pagngiwi niya sa sakit. Umungol siya ng mahina sa sobrang sakit, at biglang natauhan at bumalik sa katotohanan. Nang hinila niya ang unan mula sa kanyang mukha, nakita niya ang isang madilim na pigura sa pinto, bumukas ito, at tumakbo ng mabilis.

Si Zhao Meng, na natutulog sa kabilang panig ng silid, ay nagising. Biglang siyang umupo siya at nanlulumong sumigaw, "Qiao Qiao". Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang telepono na malapit sa kanyang tainga at pinang-ilaw ito sa kama ni Qiao Anhao. Doon, nakita niya ang isang lalaking may dugo na dahan-dahang tumulo mula sa likod ng kanyang ulo, na nagdulot ng mantsa na pula sa kumot.

Ang mga mata ni Zhao Meng ay nagbukas ng malawak, bilang siya ay lubos na nagulat sa kanyang nakit. Siya ay nag-alinlangan ng tatlong segundo bago siya sumigaw ng sobrang lakas, "Ah-"

Si Qiao Anhao ay hindi talagang tunay na natakot sa magnanakaw na pumasok sa kanyang silid sa gitna ng gabi, sinusubukang nakawin ang kanyang mga gamit, at halos patayin siya, ngunit mas natakot siya nang si Zhao Meng ay hindi na magalaw ang buong katawan ay nanginginig. Pagkatapos ay tumingin siya sa may pintuan at bumalik kay Zhao Meng, umiiyak, "Bakit ka sumisigaw!"

Si Zhao Meng ay hindi narinig kung ano ang sinabi ni Qiao Anhao, habang siya ay tumalon sa kama at pinilit na ipadyakpadyak ang kanyang mga paa. Sa kanyang lakas, patuloy siyang sumigaw, "Tulong! tuloooooong!"

Ang lugar ng pinaggawan ng pelikula ay matatagpuan sa isang desyerto na lugar ng natural na tanawin. Sa araw, ito ay napaka payapa at kaya sila ay nanirahan sa pansamantalang mga silid na hindi soundproof. Sa kailaliman ng gabi, ang sigaw ni Zhao Meng ay agad na nagpagising sa buong crew. Ang malakas na pagbukas at pagbagsak ng pinto ay narinig, at pagkatapos ay may isang taong nagbukas ng silid nila Qiao Anhao at Zhao Meng. Ang buong tripulante ay pumasok sa loob.

"Anong nangyari?"

 "Anong nangyari?"

Sa tanong ng lahat, sumindi ang mga ilaw sa kuwarto.

Ang lahat ay nakatingin sa eksena sa kama ni Qiao Anhao.

Si Chen Yang ang unang nagmadaling pumasok. Siya ay tumingin kay Qiao Anhao na medyo nag-aalala. "Ano ang nangyari? Ayos ka lang ba?"

Ang medyo nag-aalala rin, tanong ng direktor, "Xiao Qiao, ano ang nangyari?"

"Ayos lang ako." Si Qiao Anhao, na may natitirang takot pa rin, ay nagbigay ng kaluwagang paghinga. Una niyang pinilit na magpahiwatig ng isang ngiti sa kanyang mukha, pagkatapos ay itinuro ang lalaking walang malay at tiniyak ang lahat sa pamamagitan ng kanyang mga salita.

"Habang natutulog ako, may inaabot siyang bagay sa may unan ko at nagising ako. Pagkatapos, may isang bagay na sumagi sa kanya at kinuha niya ang aking unan at sinubukan akong takpan nito. Sa huli, may isang tao ang pumasok at hinampas siya. . "

Si Qiao Anhao ay tumigil sandali, at pagkatapos ay idinagdag, "Siya ay hindi basta-basta mamamatay sa isang hampas diba?"

Si Chen Yang, na pinaka-buo, ay sinuri ang paghinga ng estranghero at sinuri ang kanyang ulo. "Ito ay malala ... ang sugat ay mababaw at ang kanyang paghinga ay normal. Hinala ko ay nawalan siya ng malay dahil sa puwersa."

Si Zhao Meng, na kalmado na, may takot na tinanong "Sino siya? Bakit siyang palihim na pumasok sa silid ng ibang tao sa kalagitnaan ng gabi?"

"Hindi mukhang isang tao na mula sa ating crew," sagot ng isang tao.

"Mula sa kung ano ang kanyang suot, marahil isa siya sa mga kalapit na tagabaryo."

"Halos bagong taon na kaya maraming mga tao ang nais ng isang maliit na dagdag na pera sa mga oras na ito. Siya ay marahil nandito upang magnakaw ng isang bagay."

"Sige, huwag tayo manatili rito at gumawa pa ng mga teorya at mabilis na tawagin ang pulisya" ang sabi ng direktor, na hininto ang mga ispekulasyon.


Kapitel 584: Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (15)

Redakteur: LiberReverieGroup

Dahil malayo ang lokasyon, ang pulisya ay dumating pagkatapos ng isang oras nilang pagtawag.

Ang taong nanghimasok sa kwarto ay nagising na, at nang dinala siya ng pulisya, kinuha nila ang patpat na gawa sa kahoy na ginamit upang maitama sa ulo. Siyempre, sinama din nila si Qiao Anhao sa kanila para sa kanyang testigo, sinamahan siya ni Chen Yang at Zhao Meng.

.

Tulad ng ipinagpalagay ng lahat, ang lalaki ay talagang mula sa isang kalapit na nayon. Dahil sa kanyang mga utang sa pagsusugal, mayroon siyang utang na malaking pera. Nang papalapit na ang bagong taon, hinabol siya ng mga nagpa-utang sa kanya. Dahl sa hindi makabalik sa bahay, madalas siyang naglalakbay sa magagandang lugar. Siya ay di-sinasadyang mapadpad sa mga tauhan habang sila ay nagawa ng pelikula, at isang pagnanakaw ang humimok sa kanya.

Tulad ng pagkakakilanlan ng pigura na humampas sa magnanakaw, Si Qiao Anhao ay hindi sigurado. Ang lahat ng maaari niyang gawin ay ilarawan kung ano ang nakita niya.

Gayunpaman, kahit na hindi nila alam kung sino ang humampas sa magnanakaw, ang lalaki ay mali una pa lang, at kaya sa mga mata ng batas, ito ay pagtatanggol lamang sa sarili. Bukod dito, kung hindi dahil sa biglang pagsulpot ng taong iyon, maaaring may nawalan na ng isang buhay. At sa gayon, matapos makuha ang kanyang testimonya, inilabas sila ng pulisya pabalik sa hanay at hinalughog ang palibot ng lugar ng pinaggawan ng pelikula para sa bayani ni Qiao Anhao.

Marahil ang taong iyon ay umalis na, yamang ang mga pulis ay naghanap ng ilang sandal, hindi pa rin nila ito makita. Sa huli, sila ay sumuko na at umalis.

Ang malaking kaguluhan na nagsimula sa kalagitnaan ng gabi ay natapos alas-kwatro na ng umaga. Si Chen Yang at si Zhao Meng ay sobrang antok na antok, at sa gayon ay bumalik ang lahat sa kanilang mga silid upang matulog.

Nagkaroon ng malaking dami ng dugo sa ibabaw ng kama ni Qiao Anhao, na kung saan napatakip siya ng bibig, at kaya sumiksik siya sa kama ni Zhao Meng. Mula sa tunog ng kanyang paghinga, maaari niyang sabihin na si Zhao Meng ay mabilis na nakatulog, ngunit siya ay hindi pa inaantok. Sa nakakunot niyang kilay, ang kanyang mga mata ay tumitig diretso sa pinto ng silid.

Lamang na lumitaw sa ganitong oras at suntukin ang magnanakaw?

Nang panahong iyon, siya ay nakaligtas lamang sa kamatayan, at hindi pa siya nakakabawi mula sa pagkabigla, at sa gayon ang kanyang konsentrasyon ay hindi maganda. Nakita lamang niya ang isang matangkad, payat na pigura. Pagkatapos, sa isang pikit lang ng mata, ito ay nawala sa pinto.

Hindi niya alam kung ito ay dahil sa pangungulila niya kay Lu Jinnian, ang imahe ng panandaliang pigura ay tila katulad ng hugis ng kanyang katawan.

-

Si Qiao Anhao ay nagpatuloy na pairalin ang kanyang imahinasyon hanggang alas-sais ng umaga, bago niya ipikit ang kanyang mga mata. Matapos siyang matulog ng dalawang oras lamang, pinukaw siya ni Zhao Meng.

Mula noon, siya ay abala sa kanyang pag-aayos, pagsasanay, at paggawa ng pelikula.

Tulad ng ito na ang huling eksena ng "Heavenly sword", lahat ay sobrang sabik. Sa buong paggawa ng pelikula, ang pagganap ni Qiao Anhao ay mahusay, ngunit dahil sa insidente noong nakaraang gabi, ang lahat ng maisip niya ay ang madilim na pigura na kung saan ay tumakas. Tila ginugulo siya nito, kaya siya ay lumabas.

Sa kabutihang palad, alam ng lahat ang tungkol sa kung ano ang nangyari kagabi, kaya hindi na nila ito pinagsalitaan ng di maganda para di na maaksaya ang kanilang oras. Sa katunayan, pinuntahan nila ito at nagbigay ng mga salitang pampatibay-loob.

Pagkatapos sa paggawa ng pelikula, lahat ay bumalik sa kani-kanilang mga silid upang mag-empake ng kanilang mga gamit at maghanda upang bumalik sa Beijing.

Nais ni Qiao Anhao na tanggalin ang mantsa na dugo sa kumot. Nang irolyo ito ni Zhao Meng, may isang bagay na nahulog at napunta sa sahig na may "Pa!".

Si Zhao Meng ay inikot ang kanyang ulo at sumulyap upang makita ang isang pakete ng sigarilyo. Itinaas niya ang kanyang paa at binanggit ito kay Qiao Anhao, na nasa gilid, na nagtitiklop ng mga damit. "Naiwan siguro ito ng magnanakaw, tama ba?"

Sa mga salita ni Zhao Meng, sumulyap si Qiao Anhao. Nang biglang napatitig ito doon. Ibinaba muna niya ang mga damit, lumakad papunta roon, at lumuhod upang kunin ang pakete ng sigarilyo.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C583
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES