App herunterladen
59.6% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 580: Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (11)

Kapitel 580: Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (11)

Redakteur: LiberReverieGroup

Ngunit sa araw na nalaman ni Qiao Anhao na nakuha ni Lu Jinnian ang Xu Enterprise, kahit na siya ay nagreklamo sa kanya tungkol dito ... Hindi nakapagtataka na galit siya sa araw na iyon. Nang panahong iyon, hinabol niya sa loob ng kalahating araw na umaasa na mapaliwanag ang kanyang sarili, ngunit hindi siya nakikinig.

Sobra siyang naghihinagpis, iniisip na ito ay isang bagay na hindi nakakapinsala, kaya bakit kailangan niyang maging walang awa?. Ito ay hindi hanggang sa ngayon na sa wakas siya ay naunawaan, kung paano niya ipinadama na siya ay mali ... Ang mahalin siya sa loob ng maraming taon. Siya ay tunay na natamaan sa kanya ng lubos.

Takot agad ang lumabas sa mga mata ni Qiao Anhao, at ang mga luha ay tahimik na tumulo sa kanyang mukha. Tinanong niya sa isang pabulong, "Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit hindi niya sinabi sa akin ng mas maaga?"

Ang pangwakas na pantig na tanong ni Qiao Anhao ay bumaba mula sa pagitan ng kanyang mga ngipin na may paghikbing tunog sa kanyang tinig.

"Una, ayaw niyang maramdaman mo ang sakit ng pagkawala ng isang bata, ngunit sino ang mag-aakala na ang pumatay sa bata ay hindi lamang pinagtakpan ang sitwasyon. sinubukan niyang iligtas ang mga relasyon ng pamilya Qiao at Xu pagkatapos nagising ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagsabi sayo ng ibang bersyon."

Si Qiao Anhao ay biglang naalala na natanggap niya ang isang anonimong sulat na may lagda ni Lu Jinnian sa mga aborsyong papeles sa kanyang kaarawan. Ito ay ang parehong araw na si Xu Jiamu ay nagising.

"Dahil hindi siya naisip na siya at ikaw ay may pagkakataong magkasama, pinili niyang ilihim ito." Sa sandaling iyon, ang boses ng assistant ay humina. "Higit pa, kahit na ang target niya ay si Han Ruchu, gagamitin niya ang kanyang sariling paraan upang tratuhin si Xu Jiamu ng maayos. Hindi mo pa alam ... Hindi niya talaga nais na panatilihin ang Xu Enterprise mula sa simula, Lagi niyang binalak na unti-unti itong ilipat kay Mr. Xu ... Nais lamang niyang matikman ni Han Ruchu ang pakiramdam ng walang-wala na…" 

Ang mga salita ng assistant ay malinaw na hindi niya isinisisi ito kay Qiao Anhao, ngunit itinungo pa rin niya ang kanyang ulo sa lungkot. Kinagat nito ang dulo ng kanyang labi sa kadahilanang wala siyang ibang masabi upang maipahayag ang kanyang sarili. Ang magagawa niya lamang ay ibigay ang kanyang makakaya upang pigilan ito. Ngunit sa bawat oras, siya ay tahimik na humihikbi.

"Alam mo ba, Ms. Qiao, dapat sasabihin niya na sa iyo ang lahat noong gabing araw ng mga puso? Sa panahong iyon, naisip niya ang tungkol sa kung gaano ka masasaktan kaya gumawa siya ng paraan upang pasayahin ka..."

Sa huli, hindi na matanggap ni Qiao Anhao ang mga salita ng assistant at dahan-dahang bumagsak sa sahig, humihikbi ng malakas.

Ang katulong ay tumigil sa pagsasalita. Ang simoy ng gabi ay umalis sa terasa, ngunit tanging maririnig lamang ay ang walang tigil na eko ngiyak ni Qiao Anhao. Siya ay tulad ng tunog ng nagdadalamhati.

Sa gitna ng kanyang mga iyak, maririnig mo ang paulit-ulit na tunog ng mga salitang "Paumanhin ... paumanhin ...".

Pagkalipas ng apat na buwan.

"Cut-" Sa salita ng direktor, Qiao Anhao at Chen Yang, na orihinal na nakatitig sa bawat isa na may iba't ibang emosyon ay agad na dinala ang kanilang sarili pabalik sa katotohanan.

"Good work, ang shoot ngayon ay mahusay. Lahat kayo ay maaari ng kumain, pagkatapos ay maaari na kayong magpahinga. Bukas ng hapon na ang huling eksena, pagkatapos ay ito na ang wakas ng pelikulang 'Heavenly Sword'," sabi ng direktor sa nakataas na mikropono, nakangiti ng malaki. "Ang buong tripulante ay may tiket na na-book upang bumalik na sa Beijing bukas ng ika-lima ng hapon. Sa kabutihang palad ay natapos natin ang paggawa ng pelikula bago ang bagong taon ng lunar, kaya ang lahat ay maaari nang umuwi para sa kanilang salu-salo ng pamilya."


Kapitel 581: Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (12)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Direktor! Paano naman ang hapunang pagdiriwang?! Ililibre mo ba kami pagbalik ng Beijing?" sigaw ng isang batang aktres.

"Oo! Oo! Oo, sagot ko" ang direktor ay pinaulit-ulit ito ng ilang beses. Ang mga masisiglang tao sa set ay tumawa at nagsaya. Ang ilan sa kanila'y talagang umiyak, "Salamat po direktor!"

Dahil ito'y isang makasaysayang pelikula, ang make up ni Qiao Anhao ay kumplikado at ang mga hakbang upang alisin ito ay mahirap. Pagkatapos niyang tanggalin lahat ito, may ilan-ilan na lamang na natirang miyembro ang natira sa set.

Nang siya ay lumabas sa silid, dalawang tao ay nangongolekta ng mga kalat sa sahig. Nang makita siya ng dalawang ito, mabait nilang binati "Hello Miss Qiao!"

Si Qiao Anhao ay nagbigay sa kanila ng banayad na ngiti, at sumagot ng isang "Hey", pagkatapos ay bumalik sa kung saan siya at si Zhao Meng ay naninirahan.

Ang lokasyon ng paggawa ng pelikula ay sa Jiangxi. Gaya ng dati, nanatili sila sa isang pansamantalang bahay. Kahapon, siya ay nagkaroon ng regla, kaya ang kanyang katawan ay tila nanghihina. Ngayon, siya ay kinunan lang buong araw kaya siya ay sobrang pagod.

Nang bumalik siya sa bahay, agad niyang humiga sa kama. Ito ay malalim sa panahon ng taglamig, at kaya ang panahon ay sobrang malamig. Ang bahay ay walang pang-init, na naging mas malamig kaysa sa labas. Si Qiao Anhao ay gumamit ng dalawang patong ng makapal na kumot upang mapainit ang sarili, ngunit tila walang makakapagpainit ng kanyang paa. Sa huli, ang magagawa niya lamang ay magtiis sa lamig.

Biglang sumagi sa isip niya ang kanyang pagkakaroon ng regla. Ito ay kalagitnaan na ng gabi, at siya ay tumakbo patungo ng Mian Xiu Garden upang bumili ng sanitary tuwalya, Nang hindi inaasahan bigla niyang nakasalubong si Lu Jinnian. Sa kadahilanang baka siya ay nasa panganib, sinamahan siya nito sa pamamagitan ng paglalakad patungo sa tindahan. Nang gabing iyon, nag-iwan siya ng pampainit sa kamay at luya sa harap ng kanyang pinto.

Ang dulo ng mga mata ni Qiao Anhao ay hindi mapigilang mag-init at itinago ang kanyang ulo sa ilalim ng kumot.

Apat na buwan na ang lumipas sa isang pikit lang. Sa apat na buwan na ito, ginugol niya ang lahat ng kanyang oras na hanapin siya, ngunit ang mundo ay napakalaki at ang mga dagat ay napakalawak, kung ang isang tao ay nais magtago mula sa iba, madali ito.

Gustong tanungin ni Zhao Meng kung ano ang nais ni Qiao Anhao na dalhin niya upang makain sa gabing iyon, ngunit alam niya na kung siya ay magtanong, wala itong makukuhang sagot. Pagkatapos ay lumakad siya sa tabi, na parang naramdaman niya ang isang bagay, at tinanggal ang mga takip.

Bilang inaasahan niya, nakita niya si Qiao Anhao na may bahagyang pulang mata at hindi napigilan ang isang banayad na buntong-hininga. Inabot niya ang kanyang kamay at tinulungan siyang punasan ang mga luha. "Iniisip mo nanaman si Mr. Lu?"

Ipinikit ni Qiao Anhao ang kanyang mata at walang ibang sinabi. Dalawang kristal na bola ng luha ang nasa kanyang pilikmata.

"Tinawagan mo ba ang assistant ni Mr. Lu ngayon?"

Isinara ni Qiao Anhao ang kanyang mga mata at binigay ang isang magiliw na tungo. "Yeah."

"Hindi pa rin nakipag-ugnayan si Mr. Lu sa kanya?" Habang tinatanong ni Zhao Meng ang mga ito, nakita niya ang mukha ni Qiao Anhao at Nakita agad ang sagot. Pagkatapos ng isang mahabang buntong-hininga, sinabi niya, "Sabihin mo ... apat na buwan na ngayon. Nasaan sa tingin mo si Ginoong Lu?"

Walang niisang sinabi si Qiao Anhao.

Ang bahay ay tahimik. Pagkatapos ng ilang sandali, binuksan ni Zhao Meng ang kanyang bibig upang magtanong, "Qiao Qiao, kung hindi mo makita si Mr. Lu buong buhay mo, ano ang gagawin mo? Huwag mo akong sabihin na magpapatuloy ka tulad nito, hinahanap siya ?! "

"Uh huh," sagot ni Qiao Anhao sa isang malambot na tinig, ngunit may mga pahiwatig ng determinasyon at pagtitiyaga. "Magpapatuloy ako sa paghahanap, kung aabutin ng isang araw, maghanap ako ng isang araw, at kung tatagal ito ng buong buhay ko, maging ano pa man. Kahit anong mangyawi, sa oras na ito, hindi ako susuko."

Tiningnan ni Zhao Meng si Qiao Anhao na may tanging sakit sa kanyang puso. May gusto siyang sabihin upang maaliw ito ngunit sa bawat oras, ang kanyang mga salita ay tila labis na nakalulungkot.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C580
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES