Itinulak ng assistant ang pinto sa villa, at nang matiyak na naka-lock na ito, nilingon niya ay kanyang ulo at tumingin kay Qiao Anhao. Iginalaw niya ang kanyang mga labi, ngunit tila'y nag-aalangan siyang sabihin ang isang bagay. Sa huli, binuksan niya ang pinto ng kotse, at sinabi kay Qiao Anhao, magalang pa rin tulad ng dati, "Miss Qiao, pumasok po kayo."
Ang isang kakila-kilabot na pakiramdam ang namuo sa puso ni Qiao Anhao nang tumayo siya roon habang nakatitig sa assistant, siya'y nanginginig, walang kulay ang labi at itim na mata.
Ang assistant ay nilingon ang kanyang ulo at tumingin patungo sa mga luntiang punungkahoy sa kalayuan na may namimighati na hitsura sa kanyang mukha. Pagkaraan ng ilang sandali, kumuha siya ng isang malalim na hininga, at pagkatapos ay tumingin muli kay Qiao Anhao at sinabi, "Miss Qiao, halos oras na ng hapunan ngayon. Kung hindi mo mamasamain at ikaw ay hindi abala, maaari ba kitang ilibre ng hapunan? "
"Bakit mo ba iniiwasan ang mga tanong ko?" lalong lumakas ang hinala ni Qiao Anhao. Ang takot ay nasa kanyang mga mata at ang kanyang labi ay nanginig. Tinanong niya, "Galit ba sa akin si Lu Jinnian? Ayaw niya akong makita, tama ba?"
Ang mga luha ay nahulog mula sa mata ni Qiao Anhao. Walang pakialam tungkol sa etiketa sa pagitan ng babae at lalaki, hinawakan niya ang braso ng assistant at nagmakaawa, "Sabihin mo sa akin kung nasaan siya, please? Alam kong alam mo kung nasaan siya. Pakiusap, sabihin mo sa akin."
Ang katulong ay nakaramdam pa rin ng galit sa puso para kay Qiao Anhao na hindi nagpakita sa 'Lijing Pavilion' at iniwan si Lu Jinnian upang maghintay ng matagal para sa kanya. Kahit na siya ay palaging magalang, ang tono ng kanyang boses ay nagpahiwatig ng panlilibak na mahirap matuklasan. "Magiging maganda kung si Mr. Lu ay talagang magagalit sa iyo."
Pagkatapos sabihin iyon ng assistant, Nakita niya ang umiiyak na mukha ni Qiao Anhao at mabilis na naawa. Sa huli, nagbigay siya ng buntong hininga at sinabi, "Ms. Qiao, pumasok ka muna ng kotse. Sasabihin ko sa'yo lahat sa hapunan, okey?"
Tumango si Qiao Anhao, binaba ang kanyang ulo at pumasok na sa loob.
Ang assistant ay pumasok na rin at pinaandar na ang sasakyan.
Nang malayo na ang distansya sa pagitang ng kotse at bundok Yi villa, Ang assistant ay kumuha ng dalawang tisyu at ibinigay ang mga ito kay Qiao Anhao na nasa tabi niya.
—
Nang ipunta ng assistant ang kotse sa daan kung saan ang 'Lijing Pavilion', tinanong niya, "Miss Qiao, ayos lang ba kung pumunta tayo sa Lijing Pavilion?"
Iniling ni Qiao Anhao ang kanyang ulo.
Matapos dumaan sa mga ilaw ng trapiko, ang assistant ay hindi nagsabi ng kahit isang salita, at lumiko sa paradahan ng Lijing Pavilion.
Dahil wala silang reserbasyon, lahat ng mga pribadong kuwarto ay nakuha na. Sa huli, ang katulong at si Qiao Anhao ay umupo sa isang liblib na lugar ng lobi.
Ang weyter ay dumating na may hawak na menu, at ang assistant ay pinasa agad ito kay Qiao Anhao. "Ms. Qiao, tingnan niyo po. Ano ang gusto mong i-order?"
Hindi tiningnan ni Qiao Anhao ang menu. Pasimple niyang sinabihan ang assistant, "Ayos lang ako sa kahit na ano."
Hindi na siya pinilit pa ng assistant at ibinalik ang menu sa harap niya at umorder ng ilang mga putahe.
Lahat ng mga putahe ay mga gustong kainin ni Qiao Anhao, at kaya itinaas niya ang kanyang ulo sa pagtataka at tumingin sa kanya. Tumingin din pabalik ang assistant sa kanya, ngunit nagkunwaring ito'y wala lang. Inabot niya pabalik ang menu sa weyter na may ngiti sa kanyang mukha, nagdagdag siya ng dalawang bote ng beer at isang tsaa.
Ang tsaa at beer ay dumating agad. Ang assistant ay personal na nagbuhos ng isang tasang tsaa at binigay kay Qiao Anhao, pagkatapos ay binuksan ang isang boteng beer.
Tahimik na sinabi ni Qiao Anhao, "Salamat" at itinaas ang tasa at humigop ng tsaa.
Ang assistant ay hindi tumugon, at kumuha ng isang lagok ng beer.
Ang mga putahe sa "Lijing Pavilion" ay mabilis na dumating sa mesa. Ang napakagandang kubyertos na sinamahan ng liwanag na mga pinggan ay mukhang magbibigay ng gana sa sinuman.
Tinanggal ng assistant ang papel na nakabalot sa chopsticks at ipinasa ito kay Qiao Anhao, "Lahat ng mga ito'y paborito mo. Ubusin mo at mag-uusap tayo."
Hindi kinuha ni Qiao Anhao ang chopsticks. Ang kanyang labi ay gumalaw na tila ba'y may gusto siyang sabihin ngunit bago pa man ito, tinulungan siya ng assistant. "Nagtataka ka kung paano ko nalaman na paborito mo itong mga putahe, tama ba?
Hinila niya ang dulo ng kanyang labi at kinain ang mga tanong na gusto niyang sabihin.
"Sinabi sa akin ni Mr. Lu." Ang assistant ay nagpakita ng malumanay na ngiti, at lumagok ulit ng beer. Lumingon siya at tumingin kay Qiao Anhao, "kumain ka muna, mag-usap tayo pagkatapos."
Nang sabihin ito ng assistant, kinuha niya ang chopsticks at nagsimulang kumain.
Tumingin sandali si Qiao Anhao sa assistant bago niya kunin ang chopsticks, at tahimik na nagsimulang kumain.
Ito ay mga paborito niyang pagkain, ngunit wala siyang gana. Kinailangan niyang pilitin ang sarili niyang kainin ito.
Pagkatapos lumipas ng kalahating oras, hindi niya na kayang kumain pa at binaba ang kanyang chopticks sa mesa. Tinaas niya ang kanyang ulo at tumingin sa assistant, na mas naunang binaba ang chopsticks at tumingin sa bintana, iniisip ang tungkol sa sinong nakakaalam. Naubos niya ang dalawang boteng beer sa harap niya.
Sa tunog pa lang ng pagbaba ni Qiao Anhao ng kanyang chopsticks sa mesa, lumingon ang assistant at nagtanong, "tapos na?"
Malumanay na tumango si Qiao Anhao.
Itinaas ng assistant ang kanyang kamay at tinawag ang weyter. Umorder pa ito ng dalawa pang bote ng beer. Pagkatapos maghintay na dumating ang beer, nagbuhos siya ng isang tasa para sa kanyang sarili at ibinagsak ito. Pagkatapos ay hinugot ang telepono sa kanyang bulsa at inabot ito kay Qiao Anhao.
Nagpahiwatig ng pagkalito ang mga mata ni Qiao Anhao.
"hindi ba't tinatanong mo kung nasaan si Mr. Lu?" Malalaman mo kapag nakita mo kung ano ang nasa telepono." Matapos magsalita ng assistant, binaba nito ang kanyang ulo, at nagbuhos ulit ng isang tasang beer para sa kanyang sarili. Kumuha siya ng isang malaking lagok.
Ang telepono ng assistant ay agad na umilaw sa isang pindot ni Qiao Anhao. Nakita niya na ang ibig sabihin nito ay basahin niya ang isang email.
Si Lu Jinnian ang nagpadala sa kanya ng email.
Ang email ay nagsimula sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanya kung sino ang mamamahala sa ilang mga trabaho sa Huan Ying Entertainment. Pagkatapos nito, sinabi sa kanya ni Lu Jinnian na si bise presidente Wang ay pansamantalang mamamahala sa mga pagpapatakbo ng negosyo.
Ang email ay hindi lamang nagtapos doon. Sa ibaba, may mahabang seksyon kung saan si Lu Jinnian ay nagsulat ng personal na bagay sa kanyang assistant.
"Narito ang mga pagkain na gustong kainin ni Qiao Qiao. Kapag bumalik siya sa set, mangyaring sabihin sa crew na magluto ng higit pa sa mga pagkaing ito kung mayroon silang oras.
Ang kanyang pangarap ay ang maging pinakamagaling na babaeng aktres, kaya't mangyaring maghanda para sa mga ito sa panahon ng mga nominasyon sa katapusan ng taon
Ang industriya ng aliwan ay medyo magulo. Ito ay hindi ligtas sa isang babae na mag-isa, kaya't mangyaring alagaan mo siya at wag mo siyang hahayaang magdusa.
Mayroon akong isang villa sa bundok Yi. Kapag mayroon kang oras, mangyaring isara ang mga bintana, lalo na ang isang silid sa bandang kanluran, kung sakaling bumagsak ang ulan sa bintana at papunta sa mga drowing ng kanyang sa mesa. Oh, tama. Huwag mong isara ang mula-sahig-hanggang-kisameng bintana sa likod ng pintuan ng unang palapag - Gusto ni Qiao Qiao na umakyat mula roon. "
Si Lu Jinnian ay nagsulat ng marami sa assistant. Si Qiao Anhao ay nagbukas ng ilang mga pahina hanggang sa wakas ay naabot na niya ang dulo.
Ang kanyang isip ay blangko. Hindi niya lubos na maunawaan kung ano ang kahulugan ni Lu Jinnian sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa assistant nito. O marahil, talagang naunawaan niya ngunit hindi siya handa.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES