"Si Lu Jinnian?" Naguguluhang bulong ni Qiao Anhao. Noong sandaling icheck niya ang top ten sa mga headline, napansin niya na anim sa mga balita ay patungkol kay Lu jinnian kaya dali dali siyang nagtanong kay Zhao Meng, "Kamusta siya? Bakit siya pinaguusapan ngayon?"
"Qiao Qiao, ayoko sanang sabihin ito sayo… pero sabi mo diba gusto mong magtrabaho sa entertainment circle? Pero bakit hindi ka nagchecheck ng mga entertainment news! Naiinis na sagot ni Zhao Meng bago nito idetalye ang buong nangyari.
"Noong sobrang pinaguusapan ka na ng lahat, may isang taong nagkalat na si Mr. Lu ay illegitimate chile ng Xu Enterprise na kabibili niya lang!
Sa mga nakalipas na taon, hindi matawaran ang mga followers ni Mr. Lu. Isa pa, kailan lang noong binili niya ang Xu Enterprise, kaya ngayon ay mainit ang mata ng lahat sakanya. Mabilis na kumalat ang balita at agad na natabunan ang scandal mo."
"Qiao Qiao, sa totoo lang, sa tagal kong kakilala si Mr. Lu…. Ibig kong sabihin, mula middle school ay magkakalse na kami. Ang buong akala ko ay ulila na siya. Hindi ko naman inakala na stepbrother pala siya ni Xu Jiamu!
"Pero, Qiao Qiao, kung sino man ang galit kay Mr. Lu, ang pinupuntirya ng mga ito ay ang kanyang nanay."
Pagkatapos magsalita ni Zhao Meng, napindot na ni Qiao Anhao ang top searched topics.
Tunay ngang nagkakagulo sa internet! Di hamak na mas malala ang mga pinaguusapan ng netizend kumpara sa pagkakakwento ni Zhao Meng. Sa mga nakalipas na taon, nakalikom si Lu Jinnian ng napakaraming taga hanga, pero siyempre, kapag mas sikat ang isang tao, ay mas marami rin ang mga taong nagagalit dito.
Kaya kapag ang mga fans at haters ay nagbanggan, sobra alaga ang nangyayaring away sa internet. Napakagulo ng lahat at sa totoo lang, ang mga marketers at gumagawa ng mga meme ay lalong tumataas ang kita ng dahil dito. Habang dumarami ang mga taong naguusap, lalong umiinit ang balita at napakahirap na nitong pahupain.
"Qiao Qiao, hindi ko talaga alam na ang nanay pala ni Mr. Lu ay dati ring artista na bumibida sa mga porno na pelikula. Mayroon pang naglabas ng video nito sa internet at ang…. Nanay niya rin pala ay minsang ding naging pokpok…. Talagang nakakaawa si Mr. Lu."
Partida, sa video chat palang nagsasalita si Zhao Meng, pero nanginginig na ang mga daliri ni Qiao Anhao sa bawat salitang binibitawan nito. Walang tigil siyang nagscroll para basahin ang magkakahalong sumusuporta at bumabastos kay Lu Jinnian. Habang patagal ng patagal, pabiogat ng pabigat ang nararamdaman niya.
"Qiao Qiao, malalim na ang gabi. Kailangan ko ng matulog. Tinatawagan na rin kasi ako ng boyfriend ko. Oh sige, ikamusta mo nalang ako kay Mr. Lu. Hindi ka niya mahanap noon kaya ilang beses siyang bumalik dito.
"Noong unang beses na dumating siya, mukhang hindi pa siya natutulog 'nun. Gusot gusot ang mga damit niya at namumula na ang kanyang mga mata. Grabe talaga ang istura niya 'nun dahil mas malala pa siya sa isang pulubi. Sa totoo lang, sa tagal kong kakilala si Lu Jinnian, buong puso akong naniwala na perpekto siya. Pero noong araw lang na yun ko siyang nakitang nagkaganun.
"Noong nakita niya ako, hinawakan niya ang mga balikat ko kasi bakit hindi ko raw sinasabi kung nasaan ka? Ang boses niya… sobra talagang nakakaawa. Para siyang isang desperadong bata."
Pagkatapos sabihin ni Zhao Men gang mga gusto niyang sabihin, muli siyang nagpaalam "Bye bye" Pero noong ibababa niya na ang tawag, may biglang pumasok sa isip niya. Ilang sandali siyang natigilan bago siya magpatuloy, "Qiao Qiao, sa totoo lang, noong pumunta dito si Mr. Lu. Alam kong mahal na mahal ka talaga niya. Na para bang sobra sobra ang pagmamahal niya sa iyo."
Sa pagkakataong ito, tuluyan ng pinutol ni Zhao Men gang video call.
Noong nawala na ang boses ni Zhao Meng, biglang nabalot ng katahimikan ang buong paligid.
Habang tahimik na nakaupo sa sofa, maya't mayang sinisilip ni Qiao Anhao ang screen ng kanyang Ipad. Isa sa mga nabasa niya mula sa mga netizens ay kung gaano kasuplado at kailag si Lu Jinnian sa mga tao. Sa totoo lang, wala naman talaga masyadong masasabing negatibo rito dahil ang puntirya ng karamihan ay ang mga scandal ng nanay nito.
Maraming litrato mula sa mga lumang dyaryo ang nagsilabasan kung saan umiinom ito sa isang nigh club kasama ang maraming lalaki. Mayroon din itong… ilang porno. Sa mga oras na ito, hindi na mabilang ang mga taong nagsheshare ng mga ito. Lalo pang uminit ang balita noong nagumpisa ng gumawa ang mga tao ng meme ng ilan sa mga exaggerated expressions nito.
May iba pang nacocomment na hindi niya na halos masikmurang basahin. Kahit matatag ang fanbase ni Lu Jinnian na laging positibo kagaya ng no matter what male idols do, they'll always be our male idols" at "we support you", di hamak na mas mahina pa rin ito kumpara sa mga gustong manira.
Alam niya na anak sa labas ng mga Xu si Lu Jinnian, pero wala siyang ideya sa mailim na nakaraan ng nanay nito.
Naalala ni Qiao Anhao noong araw na bumisita siya kay Han Ruchu. Hindi niya makakalimutan ang masasakit na sinabi nito patungkol sa nanay ni Lu Jinnian. Ano kayang nararamdaman ni Lu Jinnian ngayon na naparaming tao ang nangungutsa dito?
Habang iniisp ni Qiao Anhao ang mga bagay, parang gusto niya nalang na magtago sa isang lugar na walang sinuman ang nakakaalam at akuin nalang lahat ng sakit na nararamdaman ni Lu Jinnian. Sobra sobra ang sakit na nararamdaman niya na para bang paulit ulit siyang sinasaksak ng kutsilyo. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili kaya muli niyang kinuha ang telepono para muling tawagan si Lu Jinnian, pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito makontak.
Naalala niya na sinave niya nga pala ang mga contacts niya sa isang software kaya dali dali niya itong dinownload sakanyang iPad para makuha niya ang number ng assistant ni Lu Jinnian. Sinubukan niya itong tawagan, pero sa kasamaang palad, nakapatay ang phone nito. Minsan na rin siyang tumira sa Mian Xiu Garden kaya mayroon siyang number nito, pero noong subukan niya itong tawagan, wala ring sumagot sakanya.
May gusto pa sanang tawagan si Qiao Anhao pero noong silipin niya ang oras sa kanyang iPad, napansion niya na pasado alas tres na ng umaga. Sa ganito kalalim na gabi, siguradong tulog na kahit sino pa ang tawagan niya.
Padabog niyang inilapag ang telepono, at dahil kagagaling niya lang sa ospital, hindi pa ganun kayos ang pakiramdam niya, pero hindi rin naman siya inaantok. Maya't-maya niyang nirerefresh ang kanyang weibo at habang tumatatagal siyang nakatingin rito, ay lalo lang siyang nasasaktan. Para sakanya, mas masakit pa ito kaysa sa naramdaman niya noong naharass siya.
Bandang huli, hindi niya na talaga kinaya ang sakit kaya inihagis niya sa isang gilid ang kanyang iPad. Sobrang gulo ng kanyang isipan kaya paulit ulit niyansinipa ang hangin hanggang sa malaglag na sa kama ang kanyang iPad. Niyakap niya ang unan na na sa tabi niya, at hindi nagtagal ay umupo siya sa kama habang nakatulala.
Naiiyak siya sa hindi niya malaman na dahilan, kaya tumingala siya at huminga ng malalim. Habang kinalakma niya ang kanyang sarili, bigla niyang naalala ang porcelain doll na ibinigay sakanya ni Lu Jinnian noong huli niyang birthday.
Agad niyang ibinato ang unan at dali daling bumangon sa kama pata maglakad sa shelf kung nasaan ang doll. Nakakagt labi pa siya habang pinipilit itong abutin. Lalo pa siyang nasaktan nang makita niya ang magandang ngiti ng maliit na kulay puting doll. Hindi niya maintindihan kung bakit hinang hina ang kanyang katawan, pero hindi niya talaga ito maabot. Ginawa niya ang lahat para makuha ito hanggang sa aksidenteng dumulas ang porcelain doll sakanyang mga kamay.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES