App herunterladen
57.96% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 564: Labintatlong taon kitang minahal (35)

Kapitel 564: Labintatlong taon kitang minahal (35)

Redakteur: LiberReverieGroup

Kagigising lang ni Qiao Anhao, pero hindi nagtagal ay muli nanaman siyang nakatulog. Dahil na rin siguro sa ilang araw niyang pagkakahimbing, hindi na ganun kahaba ang kanyang tulog. Noong magising siya, malalim na ang gabi. 

Napakatahimik ng buong paligid. Ilang araw ng puyat si Xu Jiamu kaya ngayon na gising na si Qiao Anhao, mas kampante na ito kaya nakatulog ito kaagad ng mahimbing sa kabilang kama. May tubo na nakakabit sakanya na mukhang swero. 

Sa ikalawang beses na nagising siya, di hamak na mas malinaw na ang kanyang isip kumpara noong unang beses niyang iminulat ang kanyang mga mata. Base sa naalala niua, nagkabanggaan sila ng mayordoma ng mga Xu siya nalaglag sa hagdanan. Ang sabi sakanya ng lahat ay apat na araw at apat na gabi na siyang walang malay… Buong apat na araw at gabi… Hinanap kaya siya ni Lu Jinnian?

Bago siya mawalan ng malay, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Lu Jinnian kaya noong mga oras yun ay gusto niya sanang humingin ng tawad. Paano kung hinahanap na siya ni Lu Jinnian nitong mga nakaraang araw pero hindi siya makapagreply…

Habang mas iniisip ni QiaoA nhao ang mga posibilidad, lalo lang siyang naguguluhan. Sinilip niya si Xu Jiamu na mahimbing ang tulog. Hindi nagtagal, habang nakakagat sakanyang labi ay hinila niya ang karayom na nakatusom sakanyang kamay. Nang matanggal niya na ang tubo, dahan dahan niyang hinawi ang kumot na nakapatong sakanya at tuluyan ng bumangon ng kama.

Pagkaapak niya sa sahig, parang may mga bituin siyang nakita kaya humawak siya sa gilid ng kama para masuportahan niya ang kanyang sarili. Nang maramdaman niya na mas mabuti na ang kanyang pakiramdam, dahan-dahan siyang humakbang. Wala namang problema sa kanyang paglalakad kaya nagawa niyang tumingkayad papalabas ng kwarto.

Wala na siyang ibang damit sa ospital kaya wala na siyang maisuot kundi ang hospital gown na kasalukuyan niyang gamit. Bago siya makalabas sa pintuan, bigla niyang naalala na wala nga pala siyang dalang pera kaya maingat siyang bumalik para kumuha ng pera mula sa bulsa ni Xu Jiamu.

Buti nalang at malalim na ang gabi kaya ang mga nurse na nakatoka sa gabi ay nagkanya kanya na rin ng pwesto sa pagtulog. Dahil dito, nagkaroon siya ng pagkakataon na makatakas.

Noong nasa entrance na suya, naramdaman niya na naubos na ang lahat ng mga natira niyang lakas kaya kinailangan niyang magpahinga sa gilid ng kalsaa bago siya makapara ng taxi.

-

Noong makarating na siya sa Ming Zhu Gardn, agad niyang inenter ang passcode sa pintuan para makapasok. Napakladilim ng buong apartment, at wala manlang ilaw na nanggaling sa kahit saan. 

Binuksan niya ang mga ilaw at nagpalit ng sapatos sa entrance bago siya dumiretso sakanyang kwarto na nasa taas. Lahat ng nakita niya ay parehong pareho sa iniwanan niya noong araw na naaksidente siya. Napakagulo pa rin ng kanyang changing dahil pagkatapos niyang sukatin ang kanyang mga damit, basta niya nalang na itinapon ang mga ito. 

Sinubukan niyang maglakad papunta sa gilid ng kama pero bigla siyang natumba. Hindi nagtagal, naisipan niyang kunin ang telepono ng apartment para tawagan si Lu Jinnian.

"I'm sorry, the number you dialed cannot be reached within your service area."

Biglang kumunot ang noo ni Qiao Anhao. Wala sa service area, hindi kaya wala lang battery ang phone?

Ibinaba niya ang telepono at humiga sa kama ng ilang sandali. Noong naramdaman niya na nanumbalik na ang kanyang lakas, dahan-dahan siyang tumayo. Nakita niya ang ipad na nakalapag sa coffee table kaya walang pagdadalwang isip siyang naglakad papunta rito. Noong hawak niya na ang kanyang iPad, agad siyang naglog in sakanyang WeChat.

Ilang sandali ring nagload bago siya nakapaglog in sakanyang account. Sunod sunod na nagsidatingan ang mga messages para sakanya. Pinaka malala sa lahat ay mayroon siyang isang group chat na umabot na sa sampung milyon ang mga messages na hindi niya pa nababasa. 

Agad na hinanap ni Qiao Anhao ang pangalan ni Lu Jinnian pero nakakalungkot dahil wala siyang nakitang ni isang message mula rito. Pero magkaganunpaman, ayaw niyang magpaawat kaya minessage niya pa rin ito,, [Nakauwi na ako sa Ming Zhu Garden.]

Pagkatapos niyang masend ang message niya para kay Lu Jinnian, nagscroll pa siya ng ilang messages na hindi niya pa nababasa. Ang kauna unahang pangalan na kanyang pinindot ay ang kay Zhao Meng. Napakarami nitong message sakanya na hindi niya pa nababasa kayaga ng "Andiyan ka ba?" o di naman kaya mga emojis. 

Una, nagreply muna siya kay Zhao Meng ng isang 'Yeah.' At noong muli sana siyang magtytype ng karugdong niyang sasabihin ay bigla namang nagsend si Zhao Meng sakanya ng isang exclamation mark na sinundan pa ng isang voiuce note. "Qiao Qiao, buhay ka pa ba? Alam mo bang halos mabaliw na si Mr. Lu kakahanap sayo?"


Kapitel 565: Labintatlong taon kitang minahal (36)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Qiao Qiao, buhay ka pa ba? Alam mo bang halos mabaliw na si Mr. Lu kakahanap sayo?"

Gusto lang naman sanang tanungin ni Qiao Anhao kung bakit hindi pa ito natutulog, pero noong marinig niya ang mga salitang "Halos mabaliw na si Mr. Lu kahahanap sayo", bigla siyang napahinto sa pagtatype sakanyang iPad. 

Sunod sunod ang mga voice notes na pinagsesend ni Zhao Meng sakanya, pero bago niya pa mapindot ang isa mga ito, bigla namang nagrequest ang kanyang kaibigan na magvoice chat. 

Agad na sinagot ni Qiao Anhao ang tawag. Base sa nakikita niya, nakasuot si zhao Meng ng salamin at pantulog. Bakas sa itsura nito ang sobrang pagaalala at dali dali itong nagtanong, "Qiao Qiao, tinatawagan kita, pero hindi ka naman sumasagot. Ano bang nangyari sayo?"

"Wala sa akin ang phone ko ngayon…"

Hindi pa tapos magsalita si Qiao Anhao nang bigla siyang patigilin ni Zhao Meng para sabihin ang mas mahalagang bagay na kailangan niyang malaman. "Kalimutan mo na, kalimutan mo na. Mamaya nalang natin yan pagusapan. Sa ngayon, may tatlong bagay kang kailangang malaman. Una, ang 'Heaven's Sword' ay magfifilm na ulit sa susunod na Miyerkules. Pangalawa, hinahanap ka ni Mr. Lu. Pangatlo, nasangkot ka sa isang scandal, kahapon ng umaga!"

Mukhang wala talagang balak si Zhao Meng na pagsalitain si Qiao Anhao at muli siyang nagpatuloy, "Qiao Qiao, naalala mo noong nagfifilm ka pa sa 'Alluring Times', kasama ang isang artista na ang pangalan ay Wang Ying? Siya ang gumanap na secretary ni Cheng Yang. Maganda siya at mabait. Nasangkot siya ngayon sa isang scandal na nadamay ka…"

Biglang napakunot si Qiao Anhao ng kanyang noo. "Paano naman ako nadamay?"

Ang boyfriend niya ay isang napaka sikat na singer sa Hong Kong at ang dalawang yun ay nahuling nagdodroga noong isang araw ng bandang alas onse. Mabilis na lumabas ang balita at umabot kaagad ito sa Weibo. 

"Noong una, sila lang ang pinagpipyestahan, pero pagsapit ng alas dose, may isang taong naglabas ng larawan niyo ni Wang Ying habang nasa set ng 'Alluring Times'. Base sa litrato, mukhang pagod na pagod ito at mukhang nakadroga noong mga oras na yun.

"Dahil ikaw ang second female leat sa sikat na drama na 'Alluring Times', mabilis na dumami ang mga flowers mo. Pero ngayon, ang alam ng lahat ay nagdodroga ka rin dahil lang sa litrato niyo ni Wang Ying na magkasama…

"Alam mo naman ang mga tao sa internet. Marami jan ang basta basta nalang maniniwala sa kung ano ang trending at hindi na aalamin ang katotohanan. Yun ang dahilan kung bakit mabilis na kumalat na nagdadrugs ka nga raw. Isa pa, umabot na rin ito sa headlines."

Hindi inakala ni Qiao Anhao na matapos niyang mahulog sa hagdanan at mawalan ng malay sa loob ng ilang araw, ay magbabago na ang lahat sa oras na magising siya. Nagmamadali niyang binuksan ang kanyang Weibo para hanapin ang kanyang pangalan at biglang napakunot ang noo niya dahil akala niya ay niloloko lang siya ni Zhao Meng.

Pero muli itong nagpatuloy, "Ang mga headline na patungkol sa drugs na kagaya niyo ay ang umero unong nakakasira ng career para sa mga celebrities. Ang masaklap diyan ay maging ang ibang celebrities ay lalayuan ka na rin. Isa pa, mahigpit ang bansa natin kapag ganitong bagay na ang pinaguusapan, kaya pagkatapos lumabas ng mga ganitong balita, siguradong maraming tao ang iiwas sayo.

 "Naglabas din si Song Xiangsi ng ilang pagpapatotoo na nagdodroga ka na, pero walang naniwala sakanya, bagkus, pinagbintangan siya na baka siya rin ay nagdodroga! Buti nalang, pagsapit ng alas tres ng umaga ay iniligtas ka ni Mr. Lu."


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C564
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES