Nagpatuloy ang assistant, "Mr. Lu, sa tagal kitang nakilala, ngayon ko lang nalaman na may romantic side ka pala!"
Sa wakas, iniangat na ni Lu Jinnian ang kanyang ulo at pinagmasdan ang napakagandang nakapaligid sakanya. Upang kalmahin ang kanyang sarli, huminga siya ng malalim, at sumagot ng walang kabuhay buhay, "Kay Qiao Qiao lang ako nagiging romantic."
"Mr. Lu, naisip mo na ba kung anong gagawin mo kapag dumating na si Miss Qiao?"
"Ang una kong gustong gawin ay humingi ng tawad sa nagawa ko kanina, tapos ipaparinig ko sakanya ang recording pen…" Habang nagsasalita, inilabas niya ang recording pen at inilapag sa parte ng lamesa na hindi mahirap abutin.
Hindi nagtagal, unti unti siyang kumalma at di hamak na mas luminaw na ang kanyang pagsasalita, "Pagkatapos mapakinggan ni Qiao Anhao ang laman ng recording pen, siguradong masasaktan siya dahil malamang kahit kailan ay hindi niya naisip na ang taong iginalang niya ng sobra ay tatratuhin siya ng ganun nalang kaya icocomfort ko muna siya ng ilang sandali.
"Tapos tatawagin ko ang manager para iserve na ang mga pagkain. Iinom kami ni Qiao Qiao para icelebrate ang Valentines day…" Hindi maiwasan ni Lu Jinnian na isiping totoo na ang mga plano niya.
Pagkatapos sabihin ni Qiao Anhao ang mga gusto nitong sabihin, biglang magliliwanag ang iba't-ibang kilay ng mga ilaw na inihanda ni Lu Jinnian.
Pag nabasa na nito ang mensahe niya, balak niyang titigan ito sa mga mata para aminin kung ano talaga ang nararamdaman niya para rito.
Kung tatanggapin siya ni Qiao Anhao, buong puso niya itong mamahalin. Kung hindi naman, mamahalin niya pa rin ito hanggang sa dumating ang araw na tuluyan na siyang tanggapin nito.
Napangiti nalang si Lu Jinnian habang iniisip niya ang mga mangyayarii mamaya.
Hindi rin mapigilan ng assistant ang saya na narramdaman nito kaya muli itong nagpatuloy, "Kapag sinagot ka na ni Miss Qiao, kailangan mo namang paghandaan ang magiging proposal mo sakanya. Kapag kasal na kayo, siguradong napakaganda ng mga magiging anak niyo…"
Alam ni Lu Jinnian na magcoconfess palang siya at masyado pang malayo sa katotohanan ang mga sinasabi ng assistant, pero magkaganunman, hindi niya mapigilang sumaya habang iniisip niya ang mga posibilidad na mangyari sa mga buhay nila ni Qiao Anhao.
Makalipas ang ilang sandali, muli niyang sinilip ang kanyang relo. Seven twenty five na. Umubo siya para linisin ang kanyang lalamunan at sinabi, "Limang minuto nalang bago dumating si Qiao Qiao."
Matapos niyang magsalita, muli nanamang nanumbalik ang kaba na nararamdaman niya. Maging ang assistant na nakatayo sa tabi niya ay kinakabahan na rin.
Napakabagal ng takbo ng oras. Ang huling limang minuto ay parang naging isang siglo sa pakiramdam ni Lu Jinnian. Sa wakas, tumungtong na ang alas siyete imedya, pero wala pa ring Qiao Anhao na dumarating.
'Yun ang eksatong oras na magkikita sila, siguro medyo malelate lang ito. Pinilit ni Lu Jinnian na kumbinsihin ang sarili niya na maghintay pa ng ilang sandali.
Tick tock. Tick tock. Patuloy ang pagtakbo ng oras.
Pagsapit ng seven forty, sinabi niya sakanyang sarili na baka naipit lang sa traffic si Qiao Anhao.
Seven fifty na, muli niyang sinabi sakanyang sarili na natraffic lang ito.
Pagtungtong ng alas otso impunto, sinabi ng assistant na baka natraffic lang si Miss Qiao dahil siguradong maraming tao ang nasa labas ngayon gawa ng Chinese Valentines day.
Padilim na ng padilim ang kapaligiran, at ang mga bituin sa kalangitan ay lalo pang dumami. Mas naging matingkad pa ang liwanag mula sa mga ilaw ng forbidden city, pati ang mga kandila ay lalo pang tumaas ang apoy.
Padilim na ng padilim ang kapaligiran, at ang mga bituin sa kalangitan ay lalo pang dumami. Mas naging matingkad pa ang liwanag mula sa mga ilaw ng forbidden city, pati ang mga kandila ay lalo pang tumaas ang apoy.
Tunay ngang parang walang katapusan ang oras kapag ang isang tao ay naghihintay. Sa mga oras na ito, sobrang kinakabahan na si Lu Jinnian. Habang tumatagal, ang saya na naramdaman niya kanina ay napalitan ng matinding pagaalala.
Nanatili siyang nakaupo sa hinanda niyang napaka romantic na lugar para kay Qiao Anhao. Bakas sa kanyang itsura ang matinding pagaalala.
Maging ang assistant na nakatayo sa isang gilid ay hindi na rin mapakali. Maya't maya siyang tumitingin sakanyang relo. Pagsapit ng dalawampung minuto matapos ang alas otso, hindi na nito kinayang manahimik at nagsalita na ito, "Mr. Lu, gusto mo bang tawagan natin si Miss Qiao? Siguradong may nangyari kaya siya natagalan."
Tumungo si Lu Jinnian ay kinuha ang kanyang phone para matawagan si Qiao Anhao.
Paulit ulit niyang narinig ang doot-doot-doot hanggang sa magsalita ang automated customer service, "I'm sorry, the person you are trying to reach is currently unavailable."
"Bakit?" Hindi sinagot ni Miss Qiao?" nakita ng assistant na nawawalan na ng pagasa ang mga mata ni Lu Jinnian kaya muli siyang nagpatuloy, "Siguro hindi lang narinig ni Miss Qiao."
Napakagat si Lu Jinnian ng kanyang labi at muli niyang sinubukang tawagan si Qiao Anhao. Hindi na niya na mabilang kung ilang beses niya na itong paulit ulit na tinawagan pero sa tuwing mapuputol ang linya, tanging ang boses lang ng automated customer service ang naririnig niya.
Sa paglipas ng bawat minuto, lalo pang bumibigat ang tensyon sa paligid.
Sa ilalim ng makukulay na ilaw, napansin nmg assistant na wala ng emosyon ang itsura ni Lu Jinnian. Hindi naman ito mukhang kinakabahan pero paulit ulit nitong sinusubukang tawagan si Qiao Anhao.
Pagsapit ng alas nuebe, nabasag ang katahimikan nang may kumatok sa pintuan ng Lijing Pavilion.
Sa pagkakataong ito, nakahinga ng maluwag ang assistant. Masaya niyang sinabi kay Lu Jinnian, "Nandito na si Miss Qiao", na sinundan ng "Pasok" para naman sa kumakatok
Pagkabukas ng puntuan, nagmamadaling tumayo si Lu Jinnian at naghihintay sa pintuan. Pero wala siyang nakitang Qiao Anhao at tanging ang manager lang ng Lijing Pavilion ang taong nasa labas. Dahil doon, bigla siyang napahawak ng mahigpit sakanyang upuan.
"Mr. Lu, nine o'clock na. Excuse me sir, pero iseserve na ba naming ang mga pagkain? Magalang na tanong ng manager.
Yumuko si Lu Jinnian at ibinaling ang kanyang tingin sa direksyon ng forbidden city. Nakatitig lang siya sa mga makikinang nitong mga ilaw.
Natatakot ang assistant na baka magalit si Lu Jinnian sa naging pagtatanong ng manager patungkol sa dinner kaya agad niya itong kinawayan bilang sensyas na lumabas muna.
Naramdaman ng manager ang bigat ng tensyon kaya yumuko nalang ito at lahimik na umalis.
Pagkasarado ng manager ng pintuan, naramdaman ng assistant na lalo pang bumigat ang hangin. Hindi niya kayang tignan si Lu Jinnian na nakatayo sa harap ng malaking dining table sa gitna ng napaka romantic na lugar.
Habang nakatitig si Lu Jinnian sa mga ilaw sa paligid niya, hidi niya maipaliwanag kung anong nararamdaman niya sa kasalukuyan.
Simula noong mahalin niya si Qiao Anhao, wala siyang ibang ginawa kundi hintayin ang araw na maging karapat dapat siya para rito.
Noong sa wakas nagkaroon na siya ng pagkakataon, nalaman niya naman na engaged na ito kay Xu Jiamu, kaya kinailangan niyang maghintay muli. Pero noong nalaman niyang naghiwalay na ang dalawa, nagkaroon siya ng pagasa na baka ito na ang pagkakataon na matagal niya ng hinihintay.
Ilang taon na siyang naghihintay at sa totoo lang, hindi na nga siya nasasaktan sa tuwing ginagawa niya ito.
Pero iba ang naramdaman niya ngayong gabi. Para sakanya, hinding hindi maikukumapara ang sakit na nararamdaman niya ngayon habang kumpara sa naramndaman niya noon.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES