Pagkabalik ng assistant ni Lu Jinnian na dala ang phone at recorder ng kanyang amo, napansin niya na wala ng tao sa loob ng opisina nito at may dalawang tasa sa ibabaw ng lamesa. Halatang malamig na ang milk tea at kape kaya dali-dali siyang nagpunta sa secretary para tanungin kung anong nangyari. Alam niya na kaagad ang sunod na naganap kaya nagmamadali siyang bumalik sakanyang opisina para kunin ang damit ni Lu Jinnian bago siya umalis.
Matagal ng kasama ng assistant si Lu Jinnian kaya marami siyang alam patungkol dito na kahit katiting na ideya ay wala si Qiao Anhao.
Sa tuwing nagagalit ito, madalas itong dumidiretso sa isang partikular na gym.
Kilala na siya nhg gym instructor kaya agad siyang hinatid nito sa private room kung nasaan si Lu Jinnian.
Alam ng instructor na mainit ang ulo ni Lu Jinnian kaya hindi na ito nagtagal at umalis din kaagad nang maihatid na siya nito.
Kumatok siya pero walang sumasagot mula sa loob. Pagkapasok niya nakita niyang tumatakbo si Lu Jinnian habang naka headphones.
Wala siyang balak na istorbohin ito kaya inilagpag niya lang ang mga gamit na dala niya at tahimik na umupo sa isang gilid.
Binilang ni Lu Jinnian ang kanyang bawat hakbang at huminto lang siya noong umabot na siya ng sampung libo.
Nang makita ng assistant na basang basa ng pawis si Lu Jinnian, dali-dali siyang tumayo para bigyan ito ng isang basong tubig.
Habang tumutulo ng pawis ang buhok ni Lu Jinnian, agad niyang tinungga ang tubig hanggang sa halos maubos niya na ito.
Pagkatapos niyang uminom, hindi na nagdalawang isip ang assistant na ilabas ang kanyang phone at ang isang recorder,"Mr. Lu, ito na ang kailangan mo."
Itinapon ni Lu Jinnian ang bote sa basurahan at gamit ang isang twalya, pinunasan niya muna ang kanyang pawis bago niya kunin ang mga inaabot sakanya ng assistant.
"Mr. Lu, nagaway ba kayo ni Miss Qiao?"
Hindi pinansin ni Lu Jinnian ang ang naging pagtatanong ng kanyang assistant, bagkus, inilapit niya ang voice recorder sakanyang tenga para pakinggan ang laman nito. Matapos niyang siguraduhing maayos na ang lahat, muli niya itong inilapag sa tabi ng kanyang phone at tuluyan na siyang pumasok sa shower.
Habang pumapatak ang maligamgam na tubig sakanyang katawan, dahan-dahang ipinikit ni Lu Jinnian ang kanyang mga mata at inaalala ang mga nangyari noong hapon na iyon.
Sobrang hindi niya inaasahan ang mga nangyari kanina.
Ang pinakamalalang inasahan niya na mangyayari ay ang pagagalitan siya ni Qiao Anhao kaya naisipan niyang maghanda ng recording ng paguusap nila ni Han Ruchu.
Pero hindi niya inaasahan na siya pa pala ang magagalit dito…
Isa lang ang dahilan kung bakit niya inagaw ang Xu Enterprise at dahil 'yun sa pagpatay ni Han Ruchu ng kanilang anak at ang pananakit nito sa babaeng pinakamamahal niya. Pero noong oras na ikumpara siya nito kay Xu Jiamu, hindi niya napigilan ang kanyang sarili na sobrang magalit.
Pero kasabay ng pagubos niya ng kanyang lakas sa pagtakbo ay inilabas niya na rin ang lahat ng galit na nararamdaman niya. Alam niyang galit na siya noong si Xu Jiamu palang ang kanyang kausap dahil kahit kapatid niya pa ito, hindi pa rin niya naiwasang masaktan gaano man kalinaw sakanya na nagbitaw lang ito ng masasakit na salita dahil sa sobrang galit nito….Pero dahil sa mga sinabi ni Qiao Anhao, tuluyan na siyang sumabog.
Pagkatapos niyang maligo, pinulupot niya ang twalya sakanyang bewang. Hindi nagtagal, lumapit ang kanyang assistant na dala ang mga damit niya. "Mr. Lu, ito na ang mga damit na inutos mong bilhin ko para sa dinner niyo mamayang gabi."
Pagkatapos niyang maligo, pinulupot niya ang twalya sakanyang bewang. Hindi nagtagal, lumapit ang kanyang assistant na dala ang mga damit niya. "Mr. Lu, ito na ang mga damit na inutos mong bilhin ko para sa dinner niyo mamayang gabi."
Binigyang diin ng assistant ang mga salitang "ngayong gabi" at "dinner". Noong mga oras na 'yun, makikita sa mga mata ni Lu Jinnian ang labis na pagkabahala.
Pinaalala na ng assistant noon na malaki ang posibilidad na magalit si Qiao Anhao kapag nalaman nitong inagaw niya ang Xu Enterprise at noong mga oras na 'yun, sinigurado niya na siya na ang bahala….Pero sa mga nangyari ngayon, hindi niya na alam kung anong gagawin niya…
Bago niya kunin ang kanyang damit, kinuha niya muna ang kanyang phone na nakapatong sa upuan. Pagkatapos niyang hanapin ang number ni Qioa Anhao, gusto niya sanang tawagan ito pero bandang huli ay napagdesisyunan niyang itext nalang ito. [I'm sorry.]
I'm sorry kung nagalit ako. I'm sorry dahil ang bilis kong mawalan ng pasensya.
Dahil lang sa isang simpleng text, biglang nabuhayan ang nanlulumong kalooban ni Lu Jinnian hanggang sa tuluyan na siyang mahimasmasan. Sa loob ng mjaraming taon, napanatili niyang kalmado ang kanyang sarili sa lahat ng pagkakataon pero kapag si Qiao Anhao na ang pinaguusapan, hindi niya mapigilang maging emosyunal at sensitibo.
Napahawak siya ng mahigpit sakanyang phone at matapos ang ilang sandali, muli nanaman siyang nagtext kay Qiao Anhao. [Qiao Qiao, pagusapan natin ito ng mahinahon mamaya sa dinner natin.]
Nakatitig lang si Lu Jinnian screen ng kanyang phone at nang masiguro niyang nagsend na ang text niya, muli niya itong inilapag sa lamesa at tumayo. Pero noong papasok na siya sa changing room, bigla niyang naalala na hindi niya pa pala nasasabi kay Qiao Anhao kung saan sila magkikita kaya muli niyang kinuha ang kanyang phone para itext ito ulit. [Sa Li Jing Xuan, hihintayin kita.]
Matapos niyang isend ang anim na salita, huminga siya ng malalim para palakasin ang kanyang loob bago siya pumasok sa changing room.
-
Habang nasa elevator, nakausap ni Qiao Anhao si Qiao Anxia at nalaman niya na na'bed-ridden si Han Ruchu sa sobrang gulat.
Kahit na hindi kadugo ni Qiao Anhao ang mga Xu, hindi niya mababago na malapit talaga sa isa't-isa ang dalawang pamilya. Isa pa, simula pagkabata niya ay naging mabuti na ang trato sakanya ni Han Ruchu kaya ngayon na may sakit ito, sa tingin niya ay dapat lang na bisitahin niya ito. Pagkarating niya sa mansyon ng mga Xu, hindi siya mapakali at muli siyang binagabag ng kanyang konsensya na kagaya ng naramdaman niya noong nasa labas siya ng opisina ni Lu Jinnian.
Malinaw na si Lu Jinnian ang may kagagawan ng lahat, pero dahil sa kakaiba nilang relasyon, tinatarato niya na ang kanyang sarili bilang… Ngayon na gumawa ito ng napakalaking gulo, pakiramdam niya ay parte rin siya ng kasalanan nito.
Matagal siyang nakatayo sa labas ng mansyon ng mga Xu at ilang beses siyang huminga ng malalim bago siya magkaroon ng lakas ng loob na pindutin ang doorbell.
Isa sa mga katulong ng pamilya ang sumalubong sakanya. Halatang hinihintay siya dahil may nakahanda ng tsinelas para sakanya. Itinuro ng katulong ang taas at sinabi, "Nasa taas si Mrs. Han."
Tumungo si Qiao Anhao at umakyat sa taas na dala ang isang bag ng mga tonoc na binili niya para kay Han Ruchu.
Bahagyang nakabukas ang pintuan. Pagkapasok niya, nakita niya ang mayordoma ng pamilya na may dalang isang tray na puno ng tonic. Palagay niya may nauna ng bumisita sakanya.
Kasalukuyang nakahiga sa kama ang namumutlang si Han Ruchu. Mukha talaga itong natrauma sa mga nangyari kaya kahit isang araw palang ang nakakalipas ay halata talang nagmukha itong tumanda. Nasa tabi naman nito ang anak nitong si Xu Jiamu na minamasahe ang ulo nito.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES