Sa pagkakataong ito, isang salita lang ang sinagot ni Lu Jinnian. Walang paligoy ligoy at pagaalinlangan siyang sumagot ng "Oo."
Umaasa si Qiao Anhao na itatanggi ni Lu Jinnian ang mga pagdududa niya. Kung sasabihin nito sakanya na hindi ito ang gumawa ng lahat, handa siyang paniwalaan ito at balewalain ang mga narinig niya kay Xu Jiamu kanina. Kung itatanggi lang ni Lu Jinnian ang akusasyon, magpapanggap siyang walang alam kahit na magkalat pa sa mga balita na sinabotahe nito ang Xu Enterprise. Pero, hindi, dahil sa tatlong beses siyang nagtanong, tatlong beses din itong umamin. Higit sa lahat, nanatili pa itong kalmado na para bang pinapalabas nito na tama lang ang mga ginawa nito.
Alam niya na may nanabotahe sa Xu Enterprise, pero kahit kailan hindi niya naisip na si maaring si Lu Jinnian ang taong 'yun.
Wala siya masyadong alam tungkol sa pagkatao ni Lu Jinnian, bukod sa hindi ito tunay na anak ng mga Xu na kahit kailan ay hindi matatanggap ng pamilya. Lumaki ito kasama lang ang nanay nito habang kinamumuhian nina Xu Wanli at Han Ruchu.
Kahit na anak din naman ito ng mga Xu, hindi niya alam ang dahilan kung bakit hindi ito pwedeng maging parte ng Xu Enterprise. Sa pagkakaalam niya, sobrang malapit sa isa't-isa nina Lu Jinnian at Xu Jiamu at maayos naman ang pagpapatakbo nito sa sarili nitong kumpanya, kaya ngayon, hindi niya maintindihan kung bakit kailangang nakawin ni Lu Jinnian mula kay Xu Jiamu ang lahat ng yaman ng kapatid nito ng wala man lang pasabi….
Naalala niya noong gabing nalaman niyang may problema ang Xu Enterprise. Binanggit niya ito kay Lu Jinnian at noong mga oras na 'yun, kalamdo pa itong pumayag nang sabihin niyang tawagan nito si Xu Jiamu.
Hindi maintindihan ni Qiao Anhao ang dahilan ni Lu Jinnian kung bakit nagawa ni Lu Jinnian ang mga bagay na 'yun kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili na magtanong, "Bakit? Bakit mo ginawa 'yun?"
Muling nabalot ng katahimikan ang buong opisina. Pinagmamasdan lang ni Lu Jinnian ang reaksyon ni Qiao Anhao at malinaw sakanya ang tumatakbo sa isipan nito. Sa ngayon, wala pa sa mga kamay niya ang ebidenysang kailangan niya kaya hindi niya alam kung paniniwalaan ba siya nito sa oras na magpaliwanag siya, pero sinubukan niya pa ring magsalita, "Qioa Qiao…"
Matapos niyang tawagin ang pangalan ni Qiao Anhao, muli nanaman itong nagsalita na para bang pinagbibintangan siya nito. Yumuko siya para itago ang sakit na nararamdaman niya. Napaghandaan niya na marami talaga itong magiging katanungan pero ngayon na nasa harap niya ito, hindi niya pa rin maiwasang masaktan.
Napalunok si Lu Jinnian at pinilit niya ang kanyang sarili na magsalita, "Ginawa ko lang naman ito dahil sa ating…."
Marahil na rin sa sobrang inis ni Qiao Anhao, bigla siyang nagsalita na para bang kinokonsensya niya si Lu Jinnian, "Lu Jinnian, para gawin mo ang mga bagay na ito…Kung si brother Jiamu yan, siguradong hindi niya ito gagawin sayo…"
Mahirap talagang magpaliwanag sa mga taong hindi handa na paniwalaan ang katotohanan. Wala ng ibang tumatakbo sa isip ni Qiao Anhao kundi ang pagamin sakanya ni Lu Jinnian na ito talaga ang may gawa ng lahat. Hindi niya na napagisipan ang mga sinabi niya….Kung paano niya pinagkumpara ang dalawang magkapatid na halos pumatay na kay Lu Jinnian sa sobrang sakit…
Nang marinig ni Lu Jinnian ang mga sinabi ni Qiao Anhao, bigla siyang natigilan sa gusto niyang sabihin.Nanatili siyang nakatitig sa mga mata nito na para bang hindi niya maintindihan kung bakit nito sinabi ang mga sinabi nito.
Kung si Xu Jiamu lang, maiintindihan niya kung bakit ito galit na galit sakanya at kung sakali mang hindi ito maniwala sa mga magiging paliwanag niya.
Dahil alam niyang narinig nito ang mga sinabi ni Xu Jiamu kanina, handa siyang tiisin na hindi siya paniwalaan nito.
Dahil alam niya sa puso niya na kailangan niyang magpakababa para mawasak niya ang magadang imahe ni Han Ruchu sa mga puso ng taong mahal niya.
Pero para ikumpara siya ni Qiao Anhao kay Xu Jiamu at paniwalaan ito na hindi nito kayang gumawa ng ganung klaseng bagay nang hindi manlang nito iniisip na baka may maganda talaga siyang rason kung bakit niya nagawa ang lahat…
So, para pala sa puso ni Qiao Anhao, hindi niya talaga kayang pantayan si Xu Jiamu. Matapos niyang gawin ang lahat ng ito para rito, paano niya matatanggap ngayon ang mga sinabi nito? Paano niya tatanggapin!
"Tama, tama ka…" Ngumiti si Lu Jinnian kay Qiao Anhao at tinitigan ito ng diretso sa mga mata na para bang sinisisi niya ang kanyang sarili. "Pero, nakakalungkot lang… dahil hindi ako si Xu Jiamu."
Inalala niya noong gabing nagkaraoon ng problema ang Xu Family, tandang tanda niya na habang nakahiga si Qiao Anhao sa kanyang braso ay sinabi nito na alagaan niya si Xu Jiamu.
Isa pa, naalala niya rin noong nakita niya ito sa labas ng opisina niya kanina. Pareho sila ni Xu Jiamu na nakita nito pero ang kapatid niya pa rin ang una nitong tinawag…
Kahit na nagdivorce na sina Qiao Anhao at Xu Jiamu…. Kahit na ginawa niya na ang lahat para dito…. Para pala sa puso nito ay si Xu Jiamu pa rin ang pinaka importante!
"Siguro lagi mong iniisip kung anong magiging pakiramdam kung magiging si Xu Jiamu ako, tama ba?" Hindi maitatanggi ni Lu Jinnian na sobra talaga ang selos na nararamdaman niya sa kanyang kapatid pagdating kay Qiao Anhao. Hanggat maari, gusto niya sanang kontrolin ang kanyang emosyon pero nang marinig niyang ikinumpara siya nito sa iba, hindi niya na napigilan at tuluyan na siyang sumabog. Hindi pa man din ito nakakapagsalita ay muli siyang nagpatuloy na halatang galit na galit, " Pero, Qiao Anhao. Ipapaalala ko lang sayo… Hindi ako magiging si Xu Jiamu kahit kailan!
"Dahil kay Xu Jiamu ka lang naman nagaalala, bakit hindi mo nalang siya puntahan!" Habang sinasabi ito ni Lu Jinnian, bigla siyang tumayo sa sofa at kinaladlad si Qiao Anhao palabas ng kanyang opisina.
Medyo napalakas ang pagkakatulak ni Lu Jinnian kaya natumba si Qiao Anhao. Huli na nang maibalanse niya ang kanyang sarili dahil nakasara na ang pintuan ng opisina. Napatingingin nalang siya sa nakasaradong pintuan at doon lang siya natauhan na dahil sa mga sinabi niya ay biglang nagalit si Lu Jinnian.
Wala naman talaga siyang intensyon na pagkumparahin sina Xu Jiamu at Lu Jinnian, pero hindi niyamatanggap ang katotohanan na inagaw ni Lu Jinnian ang Xu Enterprise. Magkapatid ang dalawa at alam niyang napakaganda ng ugnayan ng mga ito, kaya hindi niya maintindihan kung bakit nagawa 'yun ni Lu Jinnian. Paano nito nakayang balewalain ang lahat ng pinagsamahan nilang magkapatid ng ganun ganun nalang?
Nakita ni Qiao Anhao ang mga nangusisa mula sa kabilang department. Sa sobrang kahihiyan, yumuko nalang siya at naglakad pabalik sa opisina pero noong bubuksan niya na ang pintuan, napansin niya na nakalock ito kaya kumatok siya.
Halos kalahating minutong naghintay sa labas si Qiao Anhao pero walang sumasagot sakanya kaya naisipan niyang muling kumatok, pero noong nakataas na ang kamay niya, biglang binuksan ni Lu Jinnian ang pintuan.
"Lu Jinnian.." Masyado itong mabilis na naglakad papunta sa elevator at nilagpasan lang siya nito para bang wala siya doon.
Sinubukang habulin ni Qiao Anhao si Lu Jinnian habang nagpapaliwanag, "Mali ang iniisip mo, hindi kita kinukumpara kay Brother Jiamu. Ang gusto ko lang naman ay…"
Dahil may dinner date sila mamayang gabi, napagdesisyunan niyang magsuot ng sapatos na may ten centimeters na taas kaya hindi niya kayang maglakad ng mabilis para habulin si Lu Jinnian. Bago pa siya matapos sakanyang sinasabi ay nagdire-diretso na ito papasok sa elevator at noong sandaling papasok na rin sana siya, bigla namang nagsara ang pintuan at tuluyan na ngang nakababa si Lu Jinnian.
Paulit ulit niyang pinindot ang button ng elevator para mahabol niya si Lu Jinnian.
Pagkalabas niya ng elevator, nakita niya si Lu Jinnian na sumasakay na sa sasakyan nito kaya agad niya itong tinawag. Dahil hindi kinaya ng kanyang takong ang masyadong mabilis niyang pagktakbo, bigla siyang natapilok. Buti nalang may nakapitan siyang sasakyan kaya agad niya ring nabalanse ang kanyang katawan. Nang marinig niyang umandar na ang sasakyan ni Lu Jinnian, dali dali niyang binalewala ang masakit niyang binti para subukan itong habulin pero bigla itong kumaripas ng takbo.
Wala ng nagawa si Qiao Anhao at pinagmasdan niya nalang ang sasakyan ni Lu Jinnian hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng parking lot. Bumalik siya sa elevator pero noong pipindutin niya na sana ang button nito, sakto namang nagring ang kanyang phone na nasa kanyang bulsa.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES