App herunterladen
55.49% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 540: Labintatlong taon kitang minahal (11)

Kapitel 540: Labintatlong taon kitang minahal (11)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nakatitig lang si Qiao Anhao sa screen ng kanyang phone at paulit ulit niyang

binabasa ang pangalan ni Lu Jinnian bago niya maintindihan ang sinasabi ng

article.

Bakit naman bibilhin ni Lu Jinnian ang Xu Enterprise?

Kailan pa ba nito plinano na itakeover ang kumpanya?

Bakit ngayon niya lang nalaman ang tungkol dito?

Sobrang gulo ng isipan ni Qiao Anhao. Hindi siya gumagalaw sakanyang

kinatatayuan niya hanggang sa lapitan na siya ng taong nasa likod niya para

paalalahanan, "Excuse me, ikaw na ang magbabayan." Medyo nahimasmasan

siya pero nanatili pa rin siya sakanyang kinatatayuan.

Medyo naiirita na ang kahera kay Qiao Anhao kaya naiinis itong kumatok sa

lamesa. "Miss? Bilisan mo naman."

Ibinigay sa kahera ang necktie na bibililhin niya at habang nakatayo, may bigla

siyang naalala. Kinuha niya ang kanyang phone at nagdial ng isang number,

pero nang hindi niya ito makontak, dali-dali niyang tinawagan ang assistant ni

Lu Jinnian.

"Miss Qiao."

Nang marinig niya ang magalang na boses ng assistant, ipinikit niya ang

kanyang mga mata sa para kalmahin ang kanyang sarili bago siya magtanong,

"Nasaan si Lu Jinnian?"

"Si Mr. Lu ay nasa kanyang office…" Bago pa matapos ang assistant sa

pagsasalita, biglang pinutol ni Qiao Anhao ang tawag. Hindi niya pinansin ang

kaherang nasa harapan niya at nagmamadali siyang tumakbo papunta sa

hagdanan.

Tumakbo siya hanggang sa makalabas siya sa mall at noong nasa kalsada na

siya, dali-dali siyang sumakay sa taxi na iba ang pumara. Ilang beses siyang

humingi ng tawad sa taong naabala niya bago niya sabihin sa driver ang

address kung saan siya pupunta, "Huan Ying Entertainment, salamat."

Magkaibigan na sila ni Xu Jiamu mula pagkabata. Kung hindi dahil dito, hindi

siya mabibigyan ng pagkakataon na makasama si Lu Jinnian. At kung hindi rin

dahil dito,l hindi magiging madali ang pagkawala niya sa buhay may

asawa…Para niya ng kapatid si Xu Jiamu, na walang ibang ginawa kundi

protektahan siya, pero si Lu Jinnian ang lalaking pinakamamahal niya sa loob

ng labintatlong taon.

Iisang dugo ang dumadaloy sa dalawa at gusto niyang maging parehong

masaya ang mga ito. Ayaw niyang magkaroon ng hidwaan ang magkapatid kaya

gusto niyang iklaro kay Lu Jinnian kung ano ba talagang motibo nito.

-

Pagkatapos lumabas ng balita, sunod sunod na ang tumatawag kay Lu Jinnian.

Sa tuwing magriring ang kanyang phone, sisilipin niya lang ito ngunit hindi

sasagutin. Nanatili siyang kalmado at kampante habang hinihintay ang isang

partikular na tawag.

Kumapara sa inaasahan, medyo napaaga ang tawag mula sa hinihintay niyang

tao. Nang makita niya ang pangalang "Han Ruchu" sakanyang screen, bigla

siyang napangisi. Tinitigan niya lang ang kanyang screen at dahan-dahang

ibinaba ang dokumentong hawak niya para sagutin ang tawag. Nanatili siyang

tahimik habang naglalakad papunta sa bintana, maging ang kanyang mga mata

ay wala ring bakas ng anumang emosyon.

Makalipas ang matagal na pananahimik, si Han Ruchu, na kilala bilang eksperto

sa pagdadala ng mga problema ay biglang bumigay, "Bakit mo ginawa 'yun?

Ikaw…"


Kapitel 541: Kabanata 541: Labintatlong taon kitang minahal (12)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Paano mo magagawang tumingin kay Xu Jiamu, na minsan ng nagligtas ng buhay mo? Sa loob ng maraming taon, wala siyang ibang ginawa kundi ang maging mabait sayo, nakalimutan mo na ba? May puso ka ba!"

Si Lu Jinnian, na kanina pa nanahimik, ay hindi na nakapagpigil kaya kahit hindi pa tapos si Han Ruchu sa sinasabi nito ay bigla siyang nagsalita, "Mrs. Han, nasabi mo na ba ang lahat ng gusto mong sabhin?"

Bago pa makasagot si Han Ruchu, muli nanamang nagsalita si Lu Jinnian at sa pagkakataong ito, tuluyan ng natiglan ang nasa kabilang linya….

Hindi na kayang manahimik ni Lu Jinnian kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita na di hamak na mas kalmado ngunit halata pa ring may diin ng pagkasuklam. "Pwede kong sabihin kay Xu Jiamu na malinis ang konsensya ko! Eh ikaw? Mrs. Han, kaya mo rin bang gawin 'yun? Bilang isang nanay, kaya mo bang maging tapat at sabihing ginawa mo ang lahat ng may malinis na konsensya?"

"Nagbibiro ka ba! Ninakaw mo ang lahat kay Jiamu. Sinasabi mo ngayon na malinis ang konsensya mo, pero nakalimutan mo na ba na isa kalang hampas lupa na dapat na hindi na ipinanganak sa mundong ito! Ang nanay mo ay isang nakakahiyang kirida at bilang nanay ni Jiamu, bakit naman ako makokonsensya?"

Matapos manakaw ni Lu Jinnian sa loob ng isang araw ang Xu Enterprise na dugo't pawis na pinaghirapan ni Han Ruchu, nagawa pa rin nitong magsalita na parang walang nangyari. Nagpatulooy ito sa pangiinsulto kina Lu Jinnian at sa nanay nito. "Ipapaalala ko lang sayo, na kahit mapasayo pa ang Xu Enterprise, hinding hindi mo pa rin mababago na isa ka lang hampas lupat at hindi mo maitatanggi ang katotohanan na ang nanay mo ay isang pokpok!"

Napakunot ang noo ni Lu Jinnian sa sobrang galit. Napahawak siya ng mahigpit sakanyang phone at sinabi, "Oo. Tama ka. Isa ngang pokpok ang nanay ko. Ang nanay ko ay isang kirida na nagbigay ng buhay sa akin. Ngayon palang naming natanggap ang hustisyang kailangan namin. Kahit na mahirap lang ang nanay ko, bilang anak niya, naging mabuti pa rin siyang ina, isang napakagaling na ina at hindi kagaya mo na isang kriminal!

Biglang natigilan si Han Ruchu. "Anong ibig mong sabihin?"

Hanggat maari, walang balak si Lu Jinnian na pagsalitain si Han Ruchu kaya muli siyang nagtanong na para bang naghahamon, "Iniisip ko nga kung alam nab a ni Jiamu na ang kamay ng nanay niya ay punong puno ng dugo. Hindi na ito naawa sa isang dalawang buwang taong gulang na bata…. Ang kayang magiging tingin niya sayo sa oras na mamulat siya sa katotohanan?"

Matalino si Han Ruchu kaya nakakutob na siya kaagad noong unang beses palang na magsalita si Lu Jinnian. Ngayon na direkta na siyang tinanong nito, agad niyang naintindihan ang gusto nitong sabihin, "So alam mo na pala."

"Oo, alam ko na. Dahil sa sleeping pills na nilagay mo sa swallow's nest ni Qiao Anhao kaya siya nakunan. Mrs. Han, sobrang pinaghandaan mo ang lahat, pero nakakahiya ka dahil ikaw mismo ang gumawa ng paraan para mapahamak ka."

"Kailan mo nalaman?" Tanong ni Han Ruchu.

Hindi sumagot si Lu Jinnian.

Makalipas ang ilang sandali, muling nagsalita si Han Ruchu, "Kaya pala napurnada ang investment ko na nagkakahalaga ng ilang bilyon ay dahil minanipula mo ito? Ikaw din ang dahilan kung bakit lalong bumagsak ang stocks ng Xu Enterprise? Gusto mong agawin ang Xu Enterprise para maghirap kami ni Wanli, tama ba ako?"


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C540
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES