Pagkalabas niya ng beauty salon, napansin niya na napapalibutan ang mall ng
napakaraming advertisement patungkol sa Valentines day.
Sinilip niya ang oras at nang makita niya na may anim na oras pa siyang
natitira, napagdesisyunan niyang magpunta muna sa male section para
hanapan si Lu Jinnian ng Valentines gift.
Pagdating ng Valentines day, mayaman man o mahirap ang isang tao, pareho
lang sila ng pagcecelebrate nito- kumakain, nanunuod ng sine, nagpapalitan ng
regalo. Ang tanging pinagkaiba lang ay mas malaki ang ginagastos ng
mayayaman.
Punong puno ang buong mall ng mga kababaihan na may parehong pagiisip
kagaya ng kay Qiao Anhao; naghahanap din ang mga ito ng regalo para sa mga
taong mahal ng mga ito. Halos lahat ng customers ay babae.
Mayroong mga magisa kagay ni Qiao Anhao, pero meron din namang may mga
kasamang kasintahan. Pagkadaan niya sa isang bintana, may narinig siyang
dalawang babaeng naguusap kung anong bagy na damit para sa mga damit
nila. Pagsilip ni Qiao Anhao, nakita niya kung gaano kasaya ang mga ito kaya
napaisip siya kung ganun din ba siya kasaya tignan.
Matapos niyang magikot ikot sa iba't-ibang tindahan, nagdesisyon siya na
regaluhan nalang si Lu Jinnian ng isang necktie.
Noong magbabayad na siya, medyo mahaba at nakakainip ang pila kaya
nanuod muna siya sa TV na nakasabit sa taas ng cashier. Ang kasalukuyang
palabas ay balita na patungkol sa iba't-ibang pangyayari. Noong malapit na siya
sa counter, may bigla siyang narinig na isang pamilyar na pangalan.
"diyos ko, hindi ko inaasahan na mapapalitan na ng may ari ang Xu Enterprise
ng wala pang isang buwan."
"Paano ba nangyari?"
"Tignan mo ang balita! Nagkaroon daw ng board meeting ang Xu Enterprise, at
ang sabi may bumili raw ng 53% ng share nila, kaya ngayon 'yun na ang
pinakamalaking shareholder ng kumpanya. At pinakaunang ginawa raw ng
taong 'yun ay ang patalsikin sina Xu Wanli at Han Ruchu…"
"Sino raw siya?"
"Hindi pa pinapangalanan…Oh teka may lumabas na pala…. Ang CEO ng
Huan Ying Entertainment na si Lu Jinnian…"
"diyos ko, ang male god ko ang bumili ng Xu Enterprise!"
….
Binili ni Lu Jinnian ang Xu Enterprise?
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao. Tinignan niya ang dalawang
babae at nakita niya na nakita niya na may hawak na phone ang mga ito kaya
dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone para tignan ang news site. Agad na
lumabas ang pinakabagong headline: Xu Enterprise mystery buyer, the largest
shareholder exposed!
Tinitigan ni Qiao Anhao ang headline at nagaalangan pa siya noong una na
pindutin ito. Huminga siya ng malalim at nang makaipon na ng lakas ng loob,
binuksan niya ang article para basahin ang laman nito.
'Xu Enterprise biggest shareholder is Lu Jinnian, who was awarded for six
consecutive years as the Best Screen Actor and who is also the CEO of Huan
Ying Entertainment. On the day of Xu Enterprise board meeting, using 53%
shares, he became the person with the biggest say…'
Nakatitig lang si Qiao Anhao sa screen ng kanyang phone at paulit ulit niyang
binabasa ang pangalan ni Lu Jinnian bago niya maintindihan ang sinasabi ng
article.
Nakatitig lang si Qiao Anhao sa screen ng kanyang phone at paulit ulit niyang
binabasa ang pangalan ni Lu Jinnian bago niya maintindihan ang sinasabi ng
article.
Bakit naman bibilhin ni Lu Jinnian ang Xu Enterprise?
Kailan pa ba nito plinano na itakeover ang kumpanya?
Bakit ngayon niya lang nalaman ang tungkol dito?
Sobrang gulo ng isipan ni Qiao Anhao. Hindi siya gumagalaw sakanyang
kinatatayuan niya hanggang sa lapitan na siya ng taong nasa likod niya para
paalalahanan, "Excuse me, ikaw na ang magbabayan." Medyo nahimasmasan
siya pero nanatili pa rin siya sakanyang kinatatayuan.
Medyo naiirita na ang kahera kay Qiao Anhao kaya naiinis itong kumatok sa
lamesa. "Miss? Bilisan mo naman."
Ibinigay sa kahera ang necktie na bibililhin niya at habang nakatayo, may bigla
siyang naalala. Kinuha niya ang kanyang phone at nagdial ng isang number,
pero nang hindi niya ito makontak, dali-dali niyang tinawagan ang assistant ni
Lu Jinnian.
"Miss Qiao."
Nang marinig niya ang magalang na boses ng assistant, ipinikit niya ang
kanyang mga mata sa para kalmahin ang kanyang sarili bago siya magtanong,
"Nasaan si Lu Jinnian?"
"Si Mr. Lu ay nasa kanyang office…" Bago pa matapos ang assistant sa
pagsasalita, biglang pinutol ni Qiao Anhao ang tawag. Hindi niya pinansin ang
kaherang nasa harapan niya at nagmamadali siyang tumakbo papunta sa
hagdanan.
Tumakbo siya hanggang sa makalabas siya sa mall at noong nasa kalsada na
siya, dali-dali siyang sumakay sa taxi na iba ang pumara. Ilang beses siyang
humingi ng tawad sa taong naabala niya bago niya sabihin sa driver ang
address kung saan siya pupunta, "Huan Ying Entertainment, salamat."
Magkaibigan na sila ni Xu Jiamu mula pagkabata. Kung hindi dahil dito, hindi
siya mabibigyan ng pagkakataon na makasama si Lu Jinnian. At kung hindi rin
dahil dito,l hindi magiging madali ang pagkawala niya sa buhay may
asawa…Para niya ng kapatid si Xu Jiamu, na walang ibang ginawa kundi
protektahan siya, pero si Lu Jinnian ang lalaking pinakamamahal niya sa loob
ng labintatlong taon.
Iisang dugo ang dumadaloy sa dalawa at gusto niyang maging parehong
masaya ang mga ito. Ayaw niyang magkaroon ng hidwaan ang magkapatid kaya
gusto niyang iklaro kay Lu Jinnian kung ano ba talagang motibo nito.
-
Pagkatapos lumabas ng balita, sunod sunod na ang tumatawag kay Lu Jinnian.
Sa tuwing magriring ang kanyang phone, sisilipin niya lang ito ngunit hindi
sasagutin. Nanatili siyang kalmado at kampante habang hinihintay ang isang
partikular na tawag.
Kumapara sa inaasahan, medyo napaaga ang tawag mula sa hinihintay niyang
tao. Nang makita niya ang pangalang "Han Ruchu" sakanyang screen, bigla
siyang napangisi. Tinitigan niya lang ang kanyang screen at dahan-dahang
ibinaba ang dokumentong hawak niya para sagutin ang tawag. Nanatili siyang
tahimik habang naglalakad papunta sa bintana, maging ang kanyang mga mata
ay wala ring bakas ng anumang emosyon.
Makalipas ang matagal na pananahimik, si Han Ruchu, na kilala bilang eksperto
sa pagdadala ng mga problema ay biglang bumigay, "Bakit mo ginawa 'yun?
Ikaw…"
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES