App herunterladen
55.29% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 538: Labintatlong taon kitang minahal (9)

Kapitel 538: Labintatlong taon kitang minahal (9)

Redakteur: LiberReverieGroup

Miyerkules na ng umaga noong maalala ni Qiao Anhao na Valentines day nga

pala noong araw na 'yun.

Dati, hindi ginigising ni Lu Jinnian si Qiao Anhao sa tuwing papasok siya sa

trabaho. Pero ngayon, dahil miyerkules na ng umaga, bago siya bumangon sa

kama, hinalikan niya muna ito ng hinalikan hanggang sa magising ito. Lumapit

siya sa tenga nito at binulungan, "Qiao Qiao, wag mong kakalimutan na may

date tayo mamayang gabi."

Dahil kulang pa sa tulog si Qiao Anhao, humikab siya at habang bahagyang

nakamulat ang kanyang mga mata, tumungo siya at sinabi, "Alam ko."

"Tandaan mo na mamayang 6:30, may susundo sayo," Dagdagan ni Lu Jinnian

na nasundan pa ng paulit ulit na paalala kung gaano kahalaga ang lakad nila

mamaya.

Sa pagkakataong ito, hindi na nagsalita si Qiao Anhao. Tumungo lang siya at

nagpalit ng posisyon sa pagbabakasakaling makabalik pa siya ng tulog. Noong

sandaling iyon, muli nanamang nagsalita si Lu Jinnian, "Qiao Qiao, papasok na

ako, wag mong kakalimutan ang dinner."

Pagkatapos niyang ma'torture' ni Lu Jinnian sa buong magdamag, sobrang

napagod at inaantok talaga si Qiao Anhao. Dahil paulit uilit si Lu Jinnian,

medyo nairita siya kaya kinuha siya ang unan at binato ng malakas kay Lu

Jinnian kaya bigla itong napatigil sa pagsasalita.

Pagkatapos maghanda ni Lu Jinnian sa pagpasok sa trabaho, muli siyang

bumalik sa kwarto. Habang nakatingin sa kama, muli nanaman siyang

nagsalita, "Qiao Qiao, papasok na ako. Wag mong kakalimutan…"

May isa nanamang unan na lumilipad papalapit sakanya. Sinalo niya ito at

hinagis sa sofa. Hindi na siya nagsalita, lumabas nalang siya ng kwarto at

dahan-dahang isinara ang pintuan.

Biglang nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Hindi na makatulog si Qiao

Anhao kaya hinawi niya ang kumot at uumupo sa kama. Nakasanayan niya ng

kunin ang kanyang phone para silipin ang oras pero noong oras na 'yun, sakto

ring nagtext si Lu Jinnian. [Qiao Qiao, may dinner tayo mamaya]

Naiinis na si Qiao Anhao sa paulit ulit na paalala ni Lu Jinnian. Gusto niya

sanang basagin ang kanyang phone hanggang bandang huli, nagtalukbong

nalang siya ng kumot sa sobrang pagkairita.

Ano bang meron sa araw na 'to? Bakit ba pauli ulit si Lu Jinnian sa

pagpapaalala ng tungkol sa dinner?

Muli niyang kinuha ang kanyang phone para silipin ang kalendaryo. Wala

naman siyang nakitang kahit anong espesyal na okasyon kaya sinilip niya ang

Chinese calendar at doon niya lang naalala na July 7 nga pala ngayon! Ngayon

ang Chinese Valentines day!

Valentines day.... 

Paulit ulit na sinabi ni Qiao Anhao sakanyang isipan ang mga salitang

'Valentine's day' bago niya maproseso kung ano bang ibig sabihin ng araw na

ito.

Niyaya siya ni Lu Jinnian na magdinner sa Valoentines day…Iniimbitahan ba

siya nito na magcelebrate ng Valentines day? Pero ang araw na ito ay para sa

mga nagmamahalan lang…Ibig bang sabihin nito ay mapropromote na siya

bilang girlfriend?

Dahil hindi na siya makatulog, nagmamadali siyang pumunta sa kalapit na mall

para makapagpafacial at magpaayos ng buhok. Hindi pa siya nakuntento kaya

nagmakeup din siya sa isang propesyunal.

Pagkalabas niya ng beauty salon, napansin niya na napapalibutan ang mall ng

napakaraming advertisement patungkol sa Valentines day.


Kapitel 539: Labintatlong taon kitang minahal (10)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pagkalabas niya ng beauty salon, napansin niya na napapalibutan ang mall ng

napakaraming advertisement patungkol sa Valentines day.

Sinilip niya ang oras at nang makita niya na may anim na oras pa siyang

natitira, napagdesisyunan niyang magpunta muna sa male section para

hanapan si Lu Jinnian ng Valentines gift.

Pagdating ng Valentines day, mayaman man o mahirap ang isang tao, pareho

lang sila ng pagcecelebrate nito- kumakain, nanunuod ng sine, nagpapalitan ng

regalo. Ang tanging pinagkaiba lang ay mas malaki ang ginagastos ng

mayayaman.

Punong puno ang buong mall ng mga kababaihan na may parehong pagiisip

kagaya ng kay Qiao Anhao; naghahanap din ang mga ito ng regalo para sa mga

taong mahal ng mga ito. Halos lahat ng customers ay babae.

Mayroong mga magisa kagay ni Qiao Anhao, pero meron din namang may mga

kasamang kasintahan. Pagkadaan niya sa isang bintana, may narinig siyang

dalawang babaeng naguusap kung anong bagy na damit para sa mga damit

nila. Pagsilip ni Qiao Anhao, nakita niya kung gaano kasaya ang mga ito kaya

napaisip siya kung ganun din ba siya kasaya tignan.

Matapos niyang magikot ikot sa iba't-ibang tindahan, nagdesisyon siya na

regaluhan nalang si Lu Jinnian ng isang necktie.

Noong magbabayad na siya, medyo mahaba at nakakainip ang pila kaya

nanuod muna siya sa TV na nakasabit sa taas ng cashier. Ang kasalukuyang

palabas ay balita na patungkol sa iba't-ibang pangyayari. Noong malapit na siya

sa counter, may bigla siyang narinig na isang pamilyar na pangalan.

"diyos ko, hindi ko inaasahan na mapapalitan na ng may ari ang Xu Enterprise

ng wala pang isang buwan."

"Paano ba nangyari?"

"Tignan mo ang balita! Nagkaroon daw ng board meeting ang Xu Enterprise, at

ang sabi may bumili raw ng 53% ng share nila, kaya ngayon 'yun na ang

pinakamalaking shareholder ng kumpanya. At pinakaunang ginawa raw ng

taong 'yun ay ang patalsikin sina Xu Wanli at Han Ruchu…"

"Sino raw siya?"

"Hindi pa pinapangalanan…Oh teka may lumabas na pala…. Ang CEO ng

Huan Ying Entertainment na si Lu Jinnian…"

"diyos ko, ang male god ko ang bumili ng Xu Enterprise!"

….

Binili ni Lu Jinnian ang Xu Enterprise?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao. Tinignan niya ang dalawang

babae at nakita niya na nakita niya na may hawak na phone ang mga ito kaya

dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone para tignan ang news site. Agad na

lumabas ang pinakabagong headline: Xu Enterprise mystery buyer, the largest

shareholder exposed! 

Tinitigan ni Qiao Anhao ang headline at nagaalangan pa siya noong una na

pindutin ito. Huminga siya ng malalim at nang makaipon na ng lakas ng loob,

binuksan niya ang article para basahin ang laman nito.

'Xu Enterprise biggest shareholder is Lu Jinnian, who was awarded for six

consecutive years as the Best Screen Actor and who is also the CEO of Huan

Ying Entertainment. On the day of Xu Enterprise board meeting, using 53%

shares, he became the person with the biggest say…'

Nakatitig lang si Qiao Anhao sa screen ng kanyang phone at paulit ulit niyang

binabasa ang pangalan ni Lu Jinnian bago niya maintindihan ang sinasabi ng

article.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C538
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES