App herunterladen
54.98% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 535: Labintatlong taon kitang minahal (6)

Kapitel 535: Labintatlong taon kitang minahal (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

Hinawakan ni Lu Jinnian ang bewang ni Qiao Anhao para kilitiin ito. Ilang

beses itong bumaliktad hanggang sa maiyak na ito kakatawa. Nang makita ni

Lu Jinnian ang mga luha nito, bigla siyang naging seryoso at tinitigan ang mga

mata nito.

Bigla ring napatigil si Qiao Anhao sa pagtawa. Dilat na dilat ang kanyang mga

mata habang nakatitig kay Lu Jinnian. Mapanukso ang mga mata nito kaya

napakagat nalang siya ng kanyang mga labi at napapikit ng kanyang mga

mata. Hindi nagtagal, naramdaman niya na dahan-dahan itong lumalapit

sakanya hanggang sa tuluyan ng naglapat ang kanilang mga labi.

Gamit ang isang kamay, hinihila ni Lu Jinnian ang nightgown ni Qiao Anhao,

habang ginagamit niya ang isa niya pang kamay bilang pangkalkal sa grocery

bag para kunin ang condom na binili nila kanina. Mapusok niyang hinalikan si

Qiao Anhao hanggang sa pareho na silang nakahubad. Gamit ang dalawa

niyang kamay, sinira niya ang kahon at hinila palabas ang condom.

-

Malalim na ang gabi kaya napakatahimik ng buong kapaligiran. Bukod sa mga

hininga nila, ang tunog mula sa aircon nalang ang maririnig….Matapos ang

sobrang nakakapagod nilang ginawa, sumandal si Qiao Anhao sa braso ni Lu

Jinnian na parang pusa.

Sumandal si Lu Jinnian sa unan, medyo malalim ang kanyang paghinga

habang maingat na hinihimas ang buhok ni Qiao Anhao.

Nagkalat sa buong sala ang kakaibang amoy matapos nilang magsex, na

tumutunaw sa pareho nilang puso't katawan.

Matapos ang ilang sandaling pagkakahiga sa braso ni Lu Jinnian, nagpalit si

Qiao Anhao ng mas komportableng posisyon. Dati, madalas siyang

nakakatulog sa tuwing may nangyayari sakanila, pero ngayon, gising na gising

siya. Pinakinggan niya ang malakas na tibok ng puso ni Li Jinnian at wala

siyang ibang gustong gawin kundi sulitin ang mga oras na magkasama sila.

Hindi nagtagal, bahagyang gumalaw si Lu Jinnian at binasag ang katahimikan.

"Anong ginawa mo ngayong araw?"

Inisip maigi ni Qiao Anhao ang mga ginawa niya sa buong araw bago niya isa-

isahin ang mga ito kay Lu Jinnian.

Masyadong pangkaraniwan ang mga ginawa niya: nagshopping, kumain, bumili

ng mga gamit, hindi niya rin nakalimutang sabihin kung magkano ang mga

nagastos niya… Pero pinakinggan siyang mabuti ni Lu Jinnian. Kinuha niya pa

ang kanyang phone para ipakita kay ang dalawang bracelet na binili niya para

tanungin kung anong masasabi nito. Naging tapat naman si Lu Jinnian sa

sagot nito na magkamukha lang ang dalawang pearl bracelet pero sinugarado

naman nito na parehong magada ang mga ito.

Habang kinukwento ni Qiao Anhao kay Lu Jinnian na ginamit niya ang card nito

para bumili ng milk tea, bigla niyang naalala ang sinabi sakanya ni Qiao Anxia.

Bahagya niyang iniangat ang ulo niya hanggang sa sumakto ito sa baba ni Lu

Jinnian. Medyo nakiliti siya sa balbas nito kaya hinaplos niya ang baba nito ito

bago magtanong, "Lu Jinnian, alam mo ban a may malaking problema ang Xu

family ngayon?"

Hindi inaasahan ni Lu Jinnian ang biglaang pagtatanong ni Qiao Anhao kaya

medyo nagalangan siyang sumagit ng isang "Mmh"

"Ang sabi sakin ni Anxia, may tao raw sa likod ng mga nangyayari. Pero wala

namang kaaway ang mga Xu, kaya hindi ko maisip kung sinong pwedeng

gumawa 'nun…."

Marami pang sinabi si Qiao Anhao hanggang sa bigla siyang tumigil. Dahan

dahan siyang lumabas sa pagkakayakap ni Lu Jinnian para titigan ito sa mga

mata. "Lu Jinnian, tinawagan ko si Brother Jiamu kanina, at mukhang hindi siya

okay. Sobrang lapit niyo sa isa't-isa kaya dapat tawagan mo rin siya

makamusta mo siya."


Kapitel 536: Labintatlong taon kitang minahal (7)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Sige."

Medyo tumaas ang balahibo ni Qiao Anhao nang dahan-dahang haplusin ni Lu

Jinnian kanyang ang likod. Bago siya magpatuloy sakanyang sinasabi, bigla

itong yumuko para muli siyang halikan.

Biglang naginit ang kapaligiran, at parang nawala si Qiao Anhao sakanyang

sarili. Hindi nagtagal, maririnig na sa buong kwarto ang kanyang pagungol…

Nang matapos na sila, nakatulog na kaagad si Qiao Anhao ng mahimbing.

Bumangon si Lu Jinnian para kumuha ng dalawang wet tissue na ipinanglinis

niya kay Qiao Anhao. Pagkabalik niya sa kama, niyakap niya ito hanggang sa

makatulog siya.

-

Kinabukasan, hindi kailangang pumasok ni Lu Jinnian sa trabaho dahil weekend

kaya hindi siya nagalarm. Pagkagising ni Qiao Anhao, doon lang din siya

nagising kaya medyo naalimpungatan pa siya noong una. Kinagat niya ang

tenga nito ng mahina at bumulong ng "Morning", pero hindi nagtagal, hindi

nanaman sila nakapagpigil at may nangyari nanaman sakanila….

Tangahali na noong sumunod na gising nila. Binuhat ni Lu Jinnian ang pagod na

pagod na si Qiao Anhao papunta sa CR para makapagshower muna ito.

Pagkatapos niyang paliguan si Qiao Anhao, blinower niya rin ang buhok nito

bago niya ito maingat na ihiga sa kama. Tahimik siyang bumaba para

magpadeliver ng pagkain.

Hindi nagtagal at dumating na ang inorder ni Lu Jinnian, agad niya itong inayos

sa lamesa bago siya muling umakyat para gisingin si Qiao Anhao.

Pagkatapos nilang kumain, nagyaya si Lu Jinnian na pumunta sa isang

probinsya para makapag'hot spring lalo na't maganda ang panahon.

May isang sikat na templo sa tuktok ng isang maliit na burol na malapit sa hot

spring. Dahil gustong magdasal ni Qiao Anhao, hindi tumanggi si Lu Jinnian at

nagpunta talaga sila doon. Pero dahil napasobra ang mga ginawa nila kagabi at

kaninang umaga, medyo nanghihina si Qiao Anhao kaya hindi niya kayang

umakyat, Sa totoo lang, nasa ilalim palang sila ng burol pero hingal na hingal na

siya kaya inis na inis siyang nagreklamo kay Lu Jinnian.

Niyakap lang ni Lu Jinnian ang bewang niya at kinumnbinsi siyang maghot

spring nalang muna sila at sa ibang araw nalang sila magdasal sa templo.

Kumalma lang siya noong maingat siyang buhatin nito papunta sa sasakyan.

Kinagabihan, tinupad ni Lu Jinnian ang kanyang pangako na walang mangyayari

sakanila. Niyakap niya lang si Qiao Anhao hanggang sa maghating gabi.

Kinabukasan, bumalik sila sa templo. Kahit na nakatulog na ng maayos si Qiao

Anhao, hindi pa rin sapat ang lakas niya kaya pagod na pagod siya matapos

nilang umakyat at bumaba ng burol. Bandang huli, hindi na talaga kaya ni Qiao

Anhao at napaluhod na siya sa sobrang pagod kaya napagdesisyunan ni Lu

Jinnian na buhatin nalang siya pabalik sa sasakyan.

Tulog na tulog si Qiao Anhao sa buong byahe. Pagkauwi nila, kumain lang siya

ng mabilisan at nagshower bago siya dumiretso sa kama para muling matulog.

Habang natutulog si Qiao Anhao, tinapos ni Lu Jinnian ang mga dokumento na

kailangan niyang trabahuin. Nang matapos siya ng bandang alas onse ng gabi,

dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto at humiga sa kama. Niyakap niya ito at

hinalikan sa noo.

Medyo mababaw ang tulog ni Qiao Anhao noong mga oras na 'yun kaya nang

maramdaman niya ang halik ni Lu Jinnian, bahagya siyang gumalaw at kiniskis

ang kanyang ulo sa balikat nito habang bumubulong ng "Mhm Mhm". Noong

gabing 'yun, hindi nanaman nakontrol ni Lu Jinnian ang kanyang sarili at may

nangyari nanaman sakanila bago sila tuluyang makatulog.

-

Sobrang bilis ng oras, natapos na kaagad ang kanilang napakagandang

weekend at babalik nanaman sila sa mga kailangan nilang harapin para sa

buong linggo.

Kinabukasan, pagkaupong pagkaupo ni Lu Jinnian sakanyang lamesa,

bumungad sakanya ang isang paalala na ang Valentines day ay sa darating na

Miyerkules na.

Dalawang araw nalang ang natitira.

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Magkahalo kaba at excitement ang

nararamdaman niya para sa mga mangyayari.

-

Noong kinatanghalian ng Lunes, namili si Qiao Anhao ng grocery para sa bahay.

Habang naghahanda siya ng makakain, bigla siyang nakatanggap ng text mula

kay Lu Jinnian. [Magdinner tayo sa Wednesday ng 8 pm]


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C535
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES