"Mr. Lu, wala na talagang problema. Sobrang perpekto ng plano mo." Matapat
na sagot ng assistant. Dahil nakita niyang hindi pa rin mapalagay ang kanyang
amo, gusto niyang tulungan itong mapanatag kaya nagtingin tingin siya sa
paligid niya hanggang sa biglang pumasok sa isip niya na kumuha ng isang
bigkis ng dokumento. Naglakad siya pabalik kay Lu Jinnian at sinabi, "Mr. Lu,
paano kaya kung maglaro nalang tayo para malaman natin kung sasagutin ka
ba niya o hindi?"
Tumungo si Lu Jinnian at tumingin sa kanyang assistant, na para bang
sobrang interesado sa hamon nito.
Kinuha ng assistant ang unang dokumento at sinabi, "Sasagutin…"
Muli siyang kumuha ng isa pang dokumento. "Hindi sasagutin…"
"Sasagutin…"
"Hindi sasagutin…"
Biglang natigilan ang assistant noong nakita niya ang huling dokumento. Hindi
siya makatingin kay Lu Jinnian.
Hindi niya inasan na sasakto ang huling dokumento sa 'Hindi sasagutin'!
Maging si Lu Jinnian ay natigilan din. Alam niya na ang rason kung bakit hindi
nagsasalita ang assistant kaya kalmado niyang sinabi, "hindi ako sasagutin?"
Biglang nanlamig ang buong katawan ng assistant. Dali dali siyang umiling
siya at sinabi, "Mr. Lu, nagkamali lang ako. Ulitin nalang natin… Sa
pagkakataong ito, maguumpisa na ako sa 'Hindi sasagutin', para 'Sasagutin'
ang dulo…"
"Umalis ka na!" Habang nagsasalita ang assistant, biglang kinuha ni Lu
Jinnian ang kanyang mouse at inihagis dito. Sa pagkakataong ito, hindi na
nangatwiran ang assistant. Napayayakap nalang siya ng mahigpit sa mga
dokumentong hawak niya at nagmamadaling tumakbo papalabas ng office.
Naiwanan si Lu Jinnian sakanyang upuan na inis na inis. Minasahe niya ang
kanyang ulo at tinitigan ang mga dokumentong kabibilang lang ng assistant
niya. Hindi nagtagal, dahan-dahan niyang inulit ang pagbibilang, "hindi
sasagutin…sasagutin…hindi sasagutin…sasagutin…"
"…."
"Sasagutin!" Mabagal na sainabi ni Lu Jinnian ang salitang ito habang
nakatitig sa huling dokumento. Nang makuntento na siya sa wakas, dahan-
dahan siyang sumandal sakanyang upuan at pumikit Paulit ulit niyang sinasabi
sakanyang sarili na magtatagumpay siya dahil siguradong sasagutin siya ni
Qiao Anhao!
-
Kahit na sinabi na ni Lu Jinnian kay Qiao Anhao na gagabihin siya ng uwi para
hindi na ito malipasan ng gutom kakaantay sakanya, hindi pa rin siya
mapalagay at atat na ata siyang makauwi ng maaga kaya gumawa siya ng
paraan para makaalis kaagad sa dinner meeting niya.
Habang nagmamaneho, tinawagan niya si Qiao Anhao at nalaman niya na
kumakain ito sa lower floor ng mall kaya dumiretso siya sa parking lot ng mall
para pinuntahan ito.
Pagkarating ni Lu Jinnian, saktong kakatapos lang ding kumain ni Qiao Anhao.
Siya na ang nagbayad ng bill at dahil masyado pang maaga, naisip niyang
yayain muna itong manuod ng sine.
Hindi naman tumanggi si Qiao Anhao.
Dahil masyadong biglaan, hindi pa nakapagisip si Lu Jinnian ng papanuurin
nila kaya pinili niya nalang yung pelikulang maguumpisa na.
Naguumpisa na ang pelikula noong makarating sila sakanilang mga upuan.
Biglang natigilan si Lu Jinnian nang makita niya na si Lin Shiyi ang bidang
babae at doon niya lang naalala na naginvest nga pala ang Huan Ying
Entertainment sa nasabing pelikula noong nakaraang taon, pero ngayon lang
nailabas sa mga sinehan.
Oras lang ang inalala niya kanina kaya hindi niya na napansin kung sino ang
gaganap na artista. Noong ginawa ang pelikula, wala pa sa entertainment
industry si Qiao Anhao at si Song Xiangsi naman ay nagfifilm sa Hollywood,
kaya si Lin Shiyi lang talaga ang naisip nila na pwedeng maging bidang
babae.
Alam ni Lu Jinnian na may alitan sa pagitan nina Qiao Anhao at Lin Shiyi, pero
'yun pa rin ang pelikulang napili niyang panuurin nila. Medyo kinakabahan siya
na baka magalit si Qiao Anhao kaya sinilip niya ang reaksyon ng mukha nito
at binulungan sa tenga, "Sino naman kayang nakaisip na gawi panng bida ang
isang hindi magaling na artista?"
Alam ni Lu Jinnian na may alitan sa pagitan nina Qiao Anhao at Lin Shiyi, pero
'yun pa rin ang pelikulang napili niyang panuurin nila. Medyo kinakabahan siya
na baka magalit si Qiao Anhao kaya sinilip niya ang reaksyon ng mukha nito
at binulungan sa tenga, "Sino naman kayang nakaisip na gawi panng bida ang
isang hindi magaling na artista?"
Siyempre alam naman ni Qiao Anhao na ibinababa ni Lu Jinnian si Lin Shiyi
para mapagaan ang loob niya.
Sa totoo lang, mas maganda si Lin Shiyi sa screen kaysa sa tunay na buhay.
Hindi man ito tinatawag na pinaka kinaiinggitang babae sa mundo, pero kung
ikukumpara sa iba, angat talaga ito. All in all, sakto lang ang itsura nito.
Pero kahit anong mangyari, hindi talaga gusto ni Qiao Anhao si Lin Shiyi. Lalo
pa siyang nainis dito noong oras na lumabas na screen ang bidang babae.
Hindi talaga siya komportable pero matapos niyang marinig ang ibinulong
sakanya ni Lu Jinnian, bigla siyang nabuhayan ng loob. Habang nakatitig kay
Lin Shiyi, uminom siya ng mainit na orange juice, na binili nila bago sila
pumasok sa sinehan, at sinabi, "Hindi ba siya magaling? Sa tingin ko ayos lang
naman…"
Habang nagsasalita, biglang naalala ni Qiao Anhao na nakapirma si Lin Shiyi
sa Huan Ying Entertainment. Para makuha ang bidang role, kakailanganin ng
isang artista ng halos ninety percent na boto mula sa mga mayari ng Huan
Ying Entertainment. Kinuha niya ang kanyang phone para isearch ang mga
detalye ng pelikula. Nalaman niya na ang Huan Ying Entertainment ang
nagproduce at hinahabol nito ang Chinese Valentine's day. Bukod dun, nakita
niya rin na isa sa mga nangungunang pangalan ng investor ay si Lu Jinnian!
So ibig sabihin, sinasabihan ni Lu Jinnian ang sarili nitong hindi marunong
pumili….Noong mga sanding 'yun, napangiti nalang siya sa sobrang kilig.
Tumingin siya kay Lu Jinnian at biglang nagtanong, "Sa tingin mo ba maganda
ako?"
Pagkaalis ni Qiao Anhao ng bahay, natatakot siya na baka dumugin siya ng
mga tao sa mall kapag nakilala siya kaya naisipan niyang magsuot ng
sunglasses at tinaggal niya lang ito pagkaupo na sila sa loob ng sinehan para
makanuod. Hindi niya nilagyan ng makeup ang mga kilay niya kaya lalo siyang
nagmukhang malis at buhay na buhay. Noong sandaling humarap siya kay Lu
Jinnian para magtanong, medyo nasilaw siya sa matingkad na ilaw pero
naaninag niya na walang reaksyon itong tumungo na sinundan pa ng walang
pagdadalawang isip na sagot, "Maganda."
Nang marinig niya ang papuri ni Lu Jinnian, dali dali niyang ipinatong ang
kanyang phone sa kamay nito at nakangusong sinabi, "Pero sabi mo wala kang
taste! Ibig sabihin, hindi talaga ako maganda?"
Hindi naisip ni Lu Jinnian na magagamit ni Qiao Anhao laban sakanya ang mga
sinabi niya kanina. Ibinuka niya ang kanyang bibig dahil gusto niya sanang
magpaliwanag, pero hindi niya alam kung anong sasabihin niya kaya bandang
huli, muli niya nalang itong itinikom.
Hindi napigilang mapangiti ni Qiao Anhao nang makita niya ang naging
reaksyon ng mukha ni Lu Jinnian. Agad din siyang humarap sa big screen para
ipagpatuloy ang panunuod pero sa pagkakataong ito, parang biglang nawala
ang inis niya kay Lin Shiyi.
Samantalang si Lu Jinnian na nakaupo sa katabing upuan ay maya't-mayang
tinitignan si Qiao Anhao. Hindi talaga siya mapalagay kahit na mukha itong
aliw na aliw sa pinapanuod nilang pelikula. Ilang sandali pa ang lumipas at
hindi pa rin siya mapalagay kaya muli niya itong tinignan para magtanong,
"Qiao Qiao, gusto mo bang maglakad nalang tayo sa labas?"
Umiling si Qiao Anhao at hindi siya pinansin. Nakatitig lang ito sa screen ng
hindi kumukurap habang pinapanuod ang kasalukuyang eksena kung saan
sabay na namimili ng mga damit pangkasal ang bidang lalaki at bidang babae.
Halos tatlong minutong hindi nagsalita si Lu Jinnian hanggang sa nabigyan
nanaman siya ng pagkakataon na muling magsalita. Tinuro niya ang umiiyak
na si Lin Shiyi sa big screen sabay tingin kay Qiao Anhao para sabihin,
"Sobrang panget talaga niyang umarte. Nawawala siya sa character kapag
umiiyak!"
Nagpanggap si Qiao Anhao na parang walang narinig. Kukuha sana siya ng
popcorn na nasa tabi niya, pero dahil hindi siya nakatingin, hindi niya
namalayan na wala na ito sa pwesto nito.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES