App herunterladen
54.47% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 530: Labintatlong taon kitang minahal (1)

Kapitel 530: Labintatlong taon kitang minahal (1)

Redakteur: LiberReverieGroup

Kailangang magisip ni Lu Jinnian ng magandang plano para mapatunayan niya

kay Qiao Anhao na talagang sinabotahe ni Han Ruchu ang pagbubuntis nito.

At may naisip na siya.

Tuluyan ng nahimasmasan ang assistant nang marinig niya ang sagot ni Lu

Jinnian. Hang nakayakap sa mga dokumento, magalang siyang nagsalita, "Mr.

Lu, kung wala na po kayong kailangan, mauuna na po ako."

Hindi sumagot si Lu Jinnian at nagpatuloy lang ito sa pagbabasa sa listahan

na nakuha nito sa meeting kahapon patungkol sa iba't-ibang ideya kung paano

magkagirlfriend.

Hindi na inistorbo ng assistant si Lu Jinnian kaya tahimik siyang naglakad

palabas. Pero noong bubuksan niya na ang pintuan, bigla siyang pinahinto

nito. "Sandali lang."

"Mr. Lu, ano pong kailangan niyo?"

Inihagis ni Lu Jinnian sa lamesa ang isang dokumento at sinabi, "Base sa mga

litratong nasa loob, gawin mo yan para sa akin."

Naglakad pabalik ang assistant sa lamesa para kunin ang mga dokumento.

Mukhang candlelit dinner ang gustong mangyari ni Lu Jinnian. May mga

kakaibang ilaw na ayon sa request ay ipwepwesto sa mga salitang""Qiao

Qiao, pwede ba kitang ligawan?". "Qiao Qiao, labintatlong taon kitang

minahal", "Pwede ba kitang maging girlfriend, Qiao Qiao?"

Pagkasilip ng assistant sa mga detalye, hindi niya napigilan ang sarili niya na

purihin si Lu Jinnian, "Sobrang romantic! Mr. Lu…"

Bigla niyang binasa ang mga salitang saktong iniisip ni Lu Jinnian, "Sumasaya

lang ako kapag kasama kita…Qiao Qiao, pwede bang…"

Galing talaga sa puso ni Lu Jinnian ang mga salitang isinulat niya. Noong una,

wala siyang nararamdamang kahit ano pero bigla siyang nailang nang basahin

ito ng kanyang assistant ng malakas. Maikukumpara ang nararamdaman niya

sa pakiramdam ng isang binatang gustong makalapit sa babaeng

nagugustuhan nito.

Hindi mapakali si Lu Jinnian at sa sobrang hiya, biglang namula ang maputi

niyang mukha. Naiinis siyang umubo para linisin ang kanyang lalamunan at

pagalit na sinabi, "Labas!"

Dali-daling napatigil sa pagsasalita ang assistant at halos hindi na siya

makahinga sa sobrang kaba kaya habang nakayakap sa mga dokumento,

nagmamadali siyang tumakbo papunta sa bukas na pintuan, pero bago pa man

din siya makarating dito, muli nanamang nagsalita si Lu Jinnian na halatang

hindi sigurado, "kung manliligaw ba ako, sa tingin mo sasagutin niya ako?"

Napahinto siya sa paglalakad at mabilisang sinilip si Lu Jinnian. Nang

makumpirma niya na hindi ito galit, tuluyan na siyang humarap dito at

masayang sinabi, "Mr. Lu, sigurado akong sasagutin ka ni Miss Qiao!"

"Talaga?" Tanong ni Lu Jinnian. Bigla niyang naalala noong nagtanong siya

kagabi kay Qiao Anhao kung itutuloy niya ba. Hindi ito sumagot, pero habang

nagsesex sila, hindi naman din ito tumangi…So ibig sabihin, malaki talaga ang

tsansa niyam tama ba?

Kahit anong isipin ni Lu Jinnian para gumaan ang pakiramdam niya, hindi pa

rin talaga siya makampante kaya muli niyang tinanong ang kanyang assistant,

"Anong masasabi mo sa plano ko?"

"Maganda! Kung ako ang babae, siguradong kikiligin ako." Yun talaga ang

nararamdaman ng assistant kahit na mukhang sinasakyan niya lang si Lu

Jinnian. Alam niyang puso't kaluluwa ang ibinuhos nito para buuhin ang plano

at sa tingin niya, matagal na panahon ang iginugol nito para pagisipan ang

mga detalye….Isa pa, ang pinili nitong araw para manligaw ay sa susunod na

miyerkules, saktong Chinese Valentine's day…Sobrang romantic talaga…

Nang marinig ni Lu Jinnian ang sagot ng assistant, para siyang nakainom ng

chill pill. Dali dali siyang kumalma at walang emosyon na sinabi, "Pwede ka ng

umalis."

Sa pagkakataong ito, hindi na lumingon ang assistant nang muling magsalita

si Lu Jinnian, na halatang mas panatag na ngayon kumpara kanina, "Sigurado

ka bang maganda na talaga ang plano? Tignan mong mabutin wala na bang

kailangang idagdag? Anong palagay mo sa regalo? Sa tingin mo ba ayos na

'yan?"

May limang araw pa bago ang confession pero ngayon palang ay kinakabahan

na si Lu Jinnian kaya hindi siya makapagisip ng tama.


Kapitel 531: Labintatlong taon kitang minahal (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Mr. Lu, wala na talagang problema. Sobrang perpekto ng plano mo." Matapat

na sagot ng assistant. Dahil nakita niyang hindi pa rin mapalagay ang kanyang

amo, gusto niyang tulungan itong mapanatag kaya nagtingin tingin siya sa

paligid niya hanggang sa biglang pumasok sa isip niya na kumuha ng isang

bigkis ng dokumento. Naglakad siya pabalik kay Lu Jinnian at sinabi, "Mr. Lu,

paano kaya kung maglaro nalang tayo para malaman natin kung sasagutin ka

ba niya o hindi?"

Tumungo si Lu Jinnian at tumingin sa kanyang assistant, na para bang

sobrang interesado sa hamon nito.

Kinuha ng assistant ang unang dokumento at sinabi, "Sasagutin…"

Muli siyang kumuha ng isa pang dokumento. "Hindi sasagutin…"

"Sasagutin…"

"Hindi sasagutin…"

Biglang natigilan ang assistant noong nakita niya ang huling dokumento. Hindi

siya makatingin kay Lu Jinnian.

Hindi niya inasan na sasakto ang huling dokumento sa 'Hindi sasagutin'!

Maging si Lu Jinnian ay natigilan din. Alam niya na ang rason kung bakit hindi

nagsasalita ang assistant kaya kalmado niyang sinabi, "hindi ako sasagutin?"

Biglang nanlamig ang buong katawan ng assistant. Dali dali siyang umiling

siya at sinabi, "Mr. Lu, nagkamali lang ako. Ulitin nalang natin… Sa

pagkakataong ito, maguumpisa na ako sa 'Hindi sasagutin', para 'Sasagutin'

ang dulo…"

"Umalis ka na!" Habang nagsasalita ang assistant, biglang kinuha ni Lu

Jinnian ang kanyang mouse at inihagis dito. Sa pagkakataong ito, hindi na

nangatwiran ang assistant. Napayayakap nalang siya ng mahigpit sa mga

dokumentong hawak niya at nagmamadaling tumakbo papalabas ng office.

Naiwanan si Lu Jinnian sakanyang upuan na inis na inis. Minasahe niya ang

kanyang ulo at tinitigan ang mga dokumentong kabibilang lang ng assistant

niya. Hindi nagtagal, dahan-dahan niyang inulit ang pagbibilang, "hindi

sasagutin…sasagutin…hindi sasagutin…sasagutin…"

"…."

"Sasagutin!" Mabagal na sainabi ni Lu Jinnian ang salitang ito habang

nakatitig sa huling dokumento. Nang makuntento na siya sa wakas, dahan-

dahan siyang sumandal sakanyang upuan at pumikit Paulit ulit niyang sinasabi

sakanyang sarili na magtatagumpay siya dahil siguradong sasagutin siya ni

Qiao Anhao!

-

Kahit na sinabi na ni Lu Jinnian kay Qiao Anhao na gagabihin siya ng uwi para

hindi na ito malipasan ng gutom kakaantay sakanya, hindi pa rin siya

mapalagay at atat na ata siyang makauwi ng maaga kaya gumawa siya ng

paraan para makaalis kaagad sa dinner meeting niya.

Habang nagmamaneho, tinawagan niya si Qiao Anhao at nalaman niya na

kumakain ito sa lower floor ng mall kaya dumiretso siya sa parking lot ng mall

para pinuntahan ito.

Pagkarating ni Lu Jinnian, saktong kakatapos lang ding kumain ni Qiao Anhao.

Siya na ang nagbayad ng bill at dahil masyado pang maaga, naisip niyang

yayain muna itong manuod ng sine.

Hindi naman tumanggi si Qiao Anhao.

Dahil masyadong biglaan, hindi pa nakapagisip si Lu Jinnian ng papanuurin

nila kaya pinili niya nalang yung pelikulang maguumpisa na.

Naguumpisa na ang pelikula noong makarating sila sakanilang mga upuan.

Biglang natigilan si Lu Jinnian nang makita niya na si Lin Shiyi ang bidang

babae at doon niya lang naalala na naginvest nga pala ang Huan Ying

Entertainment sa nasabing pelikula noong nakaraang taon, pero ngayon lang

nailabas sa mga sinehan.

Oras lang ang inalala niya kanina kaya hindi niya na napansin kung sino ang

gaganap na artista. Noong ginawa ang pelikula, wala pa sa entertainment

industry si Qiao Anhao at si Song Xiangsi naman ay nagfifilm sa Hollywood,

kaya si Lin Shiyi lang talaga ang naisip nila na pwedeng maging bidang

babae.

Alam ni Lu Jinnian na may alitan sa pagitan nina Qiao Anhao at Lin Shiyi, pero

'yun pa rin ang pelikulang napili niyang panuurin nila. Medyo kinakabahan siya

na baka magalit si Qiao Anhao kaya sinilip niya ang reaksyon ng mukha nito

at binulungan sa tenga, "Sino naman kayang nakaisip na gawi panng bida ang

isang hindi magaling na artista?"


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C530
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES