Medyo madilim ang kwarto dahil tanging ang night lamp nalang na nasa isang gilid ang nakabukas. Itinungkod ni Lu Jinnian ang kanyang siko para pumangibabaw kay Qiao Anhao. Tila ipinaparating ng kanyang mga mata ang labis labis na kaligayahan na nararamdaman niya habang tinitigan niya ito ng diretso sa mga mata. Halos hindi rin siya makahinga ng maayos sa sobrang pananabik sa halik ni Qiao Anhao.
Mapusok ang kanyang mga mata, siguro dahil medyo matagal na rin niyang hinanap ang ganung klase ng pakiramdam, kaya medyo nailang si Qiao Anhao na para bang unang beses nitong makikipag'sex.
Nakatitig lang si Lu Jinnian kay Qiao Anhao, pinagmamasdan ang nahihiya ngunit nakakaakit nitong mukha at hindi nagtagal, unti-unti rin siyang nahawa at nakaramdam ng pagka'ilang. Aminado siyang hindi siya nakapagpigil noong hinila niya ito kanina sa pader para halikan, pero ngayon nahimasmasan na siya. Kung siya ang tatanungin, ayaw niya pa sanang tumigil dahil may hinahanap na pang mas higit ang kanyang katawan lalo na ngayon na naumpisan na nila. Pero ayaw niyang pangunahan si Qiao Anhao kaya tinanong niya ito, "Qiao Qiao, itutuloy ko ba?"
Hindi ito isang transaksyon, at hindi rin siya isang subsititute-mukhang pareho naman nilang nagugustuhan ang nangyayari. Ayos lang kaya 'yun?
Kinilabutan si Qiao Anhao sa nakakaakit ngunit mahinahong boses ni Lu Jinnian. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at hindi niya makontrol ang panginginig ng kanyang mga pilikmata. Sa loob loob niya, hindi na kailangan pang magtanong pagdating kay Lu Jinnian dahil sigurado namang siya. Pero kung manggaling mismo sa bibig niya, paano naman ang kanyang dignidad?
Hindi na talaga kayang pigilan ni Lu Jinnian ang tawag ng kanyang katawan. Atat na ata na siya, pero ayaw niya namang pilitin si Qiao Anhao, kaya dahan dahan niyang ibinaba ang zipper nito na para bang humihingi siya ng permiso.
Parang biglang namanhid ang katawan ni Qiao Anhao nang maramdaman niyang dumampi ang mga daliri ni Lu Jinnian sakanya. Nanabik na rin siyang may mangyari sakanila kaya napahawak siya ng mahigpit sa bedsheet na hinihigaan niya at dahan dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
Pinagmamasdan lang ni Lu Jinnian ang magiging reaksyon ni Qiao Anhao kaya nang makumpirma niyang hindi ito tumatanggi, naglakas loob na siyang dahan dahang hubarin ang nightgown nito…
Kahit na hindi 'yun ang unang beses na may nangyari sakanila, di hamak na mas maingat siya ngayon kumpara noon…
Noon, lagi silang may dahilan sa tuwing may mangyayari sakanila. Kundi sila parehong lasing, may sakit siya at wala sa sarili, o kaya naman kapag ayaw niyang mapalapit ito sa ibang lalaki. May isang beses pa nga na sa sobrang selos niya kay Xu Jiamu, hindi niya napigilan ang kanyang sarili at nirape niya si Qiao Anhao sa loob ng sasakyan….
Sa totoo lang, kapag mahal talaga ng isang lalaki ang isang babae, sapat na ang isang tingin para maakit siya at ano mang rason kung bakit sila nagtalik, siguradong masaya at kunteto ang lalaki pagkatapos ng lahat. Pero hindi yun nangyayari sakanya noon, kasi sa tuwing may mangyayari sakanila ng dahil lang sa transaksyon, hindi niya maiwasang maramdaman na masyadong mahina ang kanyang pagkalalaki.
Pero ngayong gabi ang kauna-unahang pagkakataon na kuntento at masaya ang parehong katawan at puso ni Lu Jinnian.
Dahil ito ang unang pagkakataon na ginamit niya ang tunay niyang pagkatao, bilang si Jinnian, para iparamdam ang tunay niyang nararamdaman para kay Qiao Anhao.
-
Pagkatapos nila, humiga si Qiao Anhao sa bandang dibdib ni Lu Jinnian, at siguro buhat ng matinding pagod o antok, nakatulog siya kaagad ng mahimbing.
Pero si Lu Jinnian ay gising na gising, hindi mapakali ang puso niya habang nakatitig kay Qiao Anhao na natutulog sa mga braso niya.
Ilang sandali pa ang lumipas bago siya dalawin ng antok at tuluyan ng makatulog. Pagkagising niya kinaumagahan, tinignan niya kaagad si Qiao Anhao na natutulog pa rin ng mahimbing sakanyang braso. Para sakanya, sobrang perpekto ng lahat ng nangyari sakanila kahit pa nakatulog ito kaagad. Hinaplos niya ang mukha ni Qiao Anhao at nang maramdaman niya ang init ng katawan nito, doon palang siya naniwala na hindi isang panaginip ang lahat ng nangyari kagabi.
Dati, sa tuwing nakikita niyang natutulog si Qiao Anhao sa mga braso niya kapag nauuna siyang magising, hindi naman sa hindi siya masaya, pero kung ikukumpara ngayon, masasabi niya na naguumapaw siya sa sobrang saya at kilig.
Labintatlong taon, na maglalabingapat na…Noong una, wala lang siyang kakayahang mahalin at nang lumaon, ang pagmnamahal niya ay naging ipinagbabawal. Pero ngayon, pwedeng pwede niya na itong mahalin. Limang libong gabi na siyang nagtiis… Ang pera niya noon na hindi pa umabot sa tatlong numero ay naging higit na sa sampu ngayon…Sa wakas, may karapatan na siyang mahalin si Qiao Anhao.
Malayo siya sa pagiging madrama, pero sa pagkakataong ito, hindi niya mapigilang maluha sa sobrang saya.
Simula noong imulat niya ang kanyang mga mata, nakatitig lang siya kay Qiao Anhao at hindi siya nagsasawa sa mukha nito. Simula kagabi, hindi pa sila nagpapalit ng posisyon kaya medyo namamanhid na ang braso niya, pero wala siyang pakielam dahil kuntento siya at ayaw niyang gumalaw kahit konti. Pagtungtong ng alas otso ng umaga, tumunog na ang kanyang alarm. Maingat niyang inalis ang ulo ni Qiao Anhao sa braso niya at bago siya umalis, hinalikan niya muna ito sa noo.
Pagkatapos niyang maghanda papasok sa trabaho, hindi niya nakalimutang bilhan si Qiao Anhao ng umagahan na nilagay niya sa thermoflask. Habang nasa byahe, tinext niya ito para paalalahanan na kumain ng umagahan at ang gym card, lounge card, at bank card ay iniwan niya sa lamesa. Ang gym at lounge card ay magagamit sa mall na kalapit lang ng apartment niya para kung sakaling mainip si Qiao Anhao ay may mapaglilibangan ito.
-
Alas diyes na ng umaga nang magising si Qiao Anhao. Medyo nanghihina at masakit ang kanyang katawan kaya tumagilid siya at yumakap sa kumot para sana bumalik sa tulog pero makalipas ang limang segundo, napansin niya na wala siyang kahit anong suot.
Natigilan siya at biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Pinagmasdan niya ng maigi ang kanyang katawan at nakita niya na punong puno siya mga kiss mark. Pagkatalikod niya, nakita niya ang kanyang nigt gown na nasa sahig at doon niya lang naalala ang mga nangyari kagabi.
Wala silang kahit anong transaksyon, pero may nangyari sakanila….
Kahapon, naniniwala na siya na magkaibigan lang talaga sila, pero matapos ang nangyari sakanila kagabi, hindi na sila pwedeng maging basta bastang magkaibigan nalang.
Wala siyang maalalang ginawa niya para akitin ito kagabi kaya kahit saang anggulo tignan, mukhang ginusto talagya ni Lu Jinnian na mangyari ang lahat. Pero hindi ito nagpaliwanag…Ano naman kaya ang ibig nitong sabihin?
One night stand? Friends with benefits? Girlfriend? Pero hindi pa nga nanliligaw sakanya si Lu Jinnian o kahit manlang umamin ng nararamdaman nito sakanya…
Ang daming tumakbo sa isip ni Qiao Anhao. Hindi niya na talaga matukoy ang tunay intensyon ni Lu Jinnian kaya noong ayaw niya ng magisip, bumangon nalang siya sa kama at naglinis ng kanyang sarili. Pagkabalik niya, kinuha niya ang kanyang phone at bumungad sakanya ang mga text message ni Lu Jinnian.
Bumaba siya sa kainan at sinilip ang mga card na nasa lamesa. Sa tabi ng bank card, may maliit na papel na nakasulat ang password. Sigurado siya na 'yun ang subsidiary card ni Lu Jinnian.
Habang hinahalo niya ang lugaw na binili ni Lu Jinnian para sakanya, nakatitig lang siya sa mga card at sinusubukan niyang intindihin ang mga bagay bagay.
Pagkatrapos niyang sumubo, biglang tumunog ang kanyang phone. Pagkasilip niya, nakita niya ang pangalan ni Lu Jinnian na tumatawag sakanya.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES