App herunterladen
53.44% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 520: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (21)

Kapitel 520: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (21)

Redakteur: LiberReverieGroup

Pero masyadong napalakas ang pagkakasipa nito, kaya nagulat si Lu Jinnian at aksidente niyang napindot ang voice message.

Noong mga sandaling iyon, biglang nangibabaw sa buong meeting room ang mahinhin at malambing na boses ni Qiao Anhao. "Nanunuod ako ng rerun ng 'The Voice of China'."

Maririnig din sa voice message ang mahinang tunog na mukhang galing sa TV, "The voice of china, the most herbal tea."

Biglang natahimik ang lahat. May kachat si Mr. Lu na parang pamilyar ang boses…

Wala sa mga director ang may lakas ng loob na magsalita, pero dahil bago sakanila ang mga ipinakita ni Lu Jinnian, hindi na nila napigilang tumingin sa isa't-isa.

Iniangat ni Lu Jinnian ang kanyang ulo para tignan ang assistant niya na tinatakpan ang mukha nito gamit ang kamay.

Ang buong akala ng lahat ay sasabog siya sa galit, pero muli siyang yumuko at nagpatuloy sa pagtatype.

Ang lahat ng nasa meeting room, kasama ang kanyang assistant, ay takang takang nakatingin sakanya dahil hindi makapaniwala ang mga ito sa mga ikinilos niya.

Gustong makiusisa ng vice president na nakaupo sa tabi niya kaya sinubukan nitong sumilip sakanyang phone—may ka'text siya sa WeChat! Kapansin pansin din na nakangiti siya.

Ito ang unang pagkakataon na nakita ng mga katrabaho ni Lu Jinnian na masaya siyang nakangiti, kaya naglakas loob na ang vice president na magtanong, "Mr. Lu, sino kausap mo?"

"Babae siya."

"…" Muling nabalot ng katahimikan ang buong kwarto dahil hindi makapaniwala ang lahat sa sinabi niya.

Pagkatapos magreply ni Lu Jinnian kay Qiao Anhao, iniangat niya ang kanyang ulo at muling nagsalita, "Nililigawan ko siya."

Hindi pa nagkakaroon ng kahit anong scandal ang tinaguriang best screen actor na si Lu Jinnian, pero ngayon may nililigawan itong babae…Nagulantang ang buong kwarto at mnawalan na ang lahat ng gana sa meeting. Dahil sa naging sagot niya, lalo lang nainriga ang mga kasama niya.

"Anong klase kaya siyang babae at nabihag ka niya Mr. Lu?"

"Mr. Lu, kailangan mo pa ba talaga siyang ligawan? Sigurado naman na gusto ka rin niya?"

Mayroon pang isang babae na kasama rin sa meeting ang naiinggit na nagsalita, "Siguro ang ganda ng babaeng 'yun!"

Biglang ginanahan si Lu Jinnian dahil hindi niya inasahan na ganun ang magiging reaksyon ng mga empleyado niya. Gusto niya sanang itigil na ang usapan at bumalik nalang sila sa trabaho, pero may biglang pumasok sa isip niya kaya muli nanaman siyang nagsalita, "Paano ba kayo manligaw ng isang babae?"

"Noong nililigawan ko ang girlfriend ko, madami akong nagastos. Ilang libo rin ang inilalabas ko buwan buwan."

"Ako naman, niligawan ko yung asawa ko noong nagaaral palang kami sa university. Magkaklase kami noon at para mapalapit sakanya, isang buwan kong nilibre ang buong klase ng milk tea…Pagkatapos 'nun, puro instant noodles nalang ang kinakain ko noong mga sumunod na buwan.

"Araw-araw akong nagbibigay ng bulaklak. Noong biglang akong huminto, yung asawa ko na yung naghabol sa akin…"

Habang nakaupo si Lu Jinnian, pinakinggan niyang mabuti ang advice ng mga nagsasalita. Sa sobrang interesado niya, kinatok niya pa ang laptop ng kanyang assistant para sensyasan ito na irecord ang mga sinasabi ng mga kasama nila.

At ganun ganun nalang, ang kaninang meeting tungkol sa bago nilang business deal ay biglang naging pagalala ng lahat sa kung paano sila nanligaw ng mga babae noon.


Kapitel 521: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (22)

Redakteur: LiberReverieGroup

Maagang tinapos ni Lu Jinnian ang trabaho niya noong hapon na yun at sa loob ng maraming taon, ito ang kauna-unahang beses na umuwi siya ng maaga na ang rason niya ay dahil naatat na siyang umuwi. Sa sobrang pagmamadali, nakaligtaan niya pa isang stop light na nadaanan niya.

Pagkarating niya sa Ming Zhu Garden, nagmamadali niyang inilabas ang susi para buksan ang pintuan. Habang nagpapalit ng tsinelas, tinawag niya si Qiao Anhao, pero walang sumagot sakanya.

Sinubukan niyang tawagin ito ulit pero noong wala pa ring sumagot sakanya, bigla siyang kinabahan kaya dali dali siyang tumakbo paakyat sa changing room kahit isang tsinelas palang ang naisusuot niya. Nang makita niya ang mga damit ni Qiao Anhao, nakahinga siya ng maluwag at kinuha niya ang kanyang phone para tawagan ito.

Sumagot naman kaagad si Qiao Anhao pero medyo maingay ang paligid at mahina ang signal kung nasaan siya kaya putol putol ang dating ng linya ni Lu Jinnian sakanya. Naghanap siya ng mas tahimik na pwesto at sumagot, "Bakit?"

"Nasan ka?"

"Nandito ako sa supermarket ng Cheng Jian building."

Malapit lang ang nasabing supermarket sa Ming Zhu Garden kaya naglakad nalang si Lu Jinnian. Pagkarating niya sa entrance, saktong lumabas na rin si Qiao Anhao na may dalang maraming plastic ng mga pinamili nitong grocery.

Mabilis na naglakad si Lu Jinnian papalapit kay Qiao Anhao.

Sinilip ni Qiao Anhao ang kanyang phone at nang mapansin niyang wala pang alas sinco, nagtataka siyang nagtanong, "Bakit ang aga mong umuwi?"

"Wala masyadong trabaho." Kinuha ni Lu Jinnian ang plastic at biglang kumunot ang noo niya nang makita niya na puro gulay at pampalasa ang mga pinamili nito.

Napansin ni Qiao Anhao na nagtataka si Lu Jinnian kaya nagpaliwanag siya, "Hindi masyadong maganda ang panlasa ko kasi araw-araw akong kumakain sa labas."

"Oh." Sagot ni Lu Jinnian habang sabay silang naglalakad pauwi.

Palubog na ang araw kaya nabalot ang paligid ng liwanag na nanggaling sa kulay pulang kalangitan. Marami silang kasabay na mga matatandang magasawa na namamasyal din. Habang naglalakad, palihim na sinilip ni Qiao Anhao si Li Jinnian at may mga salitang biglang pumasok sa isip niya: Wala akong ibang hiling kundi ang makasama kang maglakad sa paglubog ng araw habang magkahawak ang ating mga kamay at sinusulit ang malamig na simoy ng hangin.

-

Habang nagluluto si Qiao Anhao ng pagkain, naghuhugas naman si Lu Jinnian ng mga plato. Sa unang tingin, para silang bagong kasal na magasawa.

Maliwanag pa nang matapos silang mag'gabihan kaya nagkayayaan silang maglakad lakad muna sa labas. Noong pauwi na sila, bumili si Qiao Anhao ng strawberry Häagen-Dazs, samantalang kutkutin naman ang kay Lu Jinnian. 

Alas otso palang ng gabi noong makabalik sila sa bahay kaya umupo muna si Qiao Anhao sa sofa para manuod ng TV habang may yakap na tsistirya.

Hindi nagtagal, lumabas si Lu Jinnian ng study room na may dalang laptop para samahan si Qiao Anhao na manuod habang nagtatrabaho.

Noong nagpatalastas, biglang tinawag ni Lu Jinnian si Qiao Anhao kaya napatingin ito sakanya ng may hawak pang tsistirya. Hindi niya ito tinignan pabalik, nakatutok lang siya sa screen ng kanyang laptop habang ang mga kamay niya ay nasa keyboard. "Halika."

"Bakit?" tanong ni Qiao Anhao habang sumisilip.

Pagkalapit ni Qiao Anhao, agad na nangibabaw sa pangamoy ni Lu Jinnian ang pabango nito kaya biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Pero para hindi mahalata, iniharap niya rito ang kanyang laptop at nagsalita na parang normal lang ang lahat.

"May bagong modern movie na gagawin ang kumpanya. Ang kwento ay iikot sa pagcoconfess ng bidang lalaki sa bidang babae. May ilang ideas na akong nakuha, pero gusto ko sanang malaman kung anong pinaka maganda para sayo? Isa ka sa mga target audience ng pelikula, kaua malaking tulong ang magiging suggestion mo."


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C520
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES