App herunterladen
52.72% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 513: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (14)

Kapitel 513: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (14)

Redakteur: LiberReverieGroup

Sumagot si Lu Jinnian nang hindi na tinitignan ang mga natambak na dikumento sa lamesa niya. "Tapos na ako."

Pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita, bigla naman siyang nagtanong, "Bakit?"

"Wala lang…" Halatang may gustong sabihin si Qiao Anhao pero hindi niya tinuloy. Medyo nagalangan pa siya noong una bago siya muling magsalita. "Lu Jinnian, kung hindi ka na busy, pwede kang pumunta sa restaurant na nasa top floor ng Hua Yuan Hotel. Ililibre kita ng dinner."

"Sige, papunta na ako."

Pagkaputol ng tawag, agad niyang kinuha ang jacket niya at sa sobrang pagmamadali ay hindi niya na napatay ang kanyang computer.

Noong mga oras na yun, sakto namang hinahanap ng assistant si Lu Jinnian pero bago siya makakatok, biglang nagbukas ng malakas ang pintuan kaya napaatras siya. Nang makita niya itong papalabas, dali-dali siyang bumati. "Mr. Lu."

Hindi siya pinansin ni Lu Jinnian na naglakad ng mabilis papunta sa elevator.

Sinundan niya si Lu Jinnian. "Mr. Lu, may dinner ka ngayong gabi…"

Nagmamadaling pumasok si Lu Jinnian. Tinignan ni Lu Jinnian ang assistant habang nagsasalita ito at sinabi, "Hindi ko pa napapatay ang computer ko, ikaw nalang ang pumata at wag mong kakalimutang isarado ang mga binta, baka umulan."

May sasabihin pa sana ang assistant pero nagsara na ang elevator at tuluyan ng bumaba.

-

Dahil sabay-sabay na naglabasan ang lahat, sobrang daming sasakyan ang naglipana sa kalsada kaya naisipan ni Lu Jinnian na dumaan nalang sa dinadaanan ng mga pampublikong bus.

Kahit na yun na ang pinaka mabilis na daan, inabot pa rin siya ng alas siyete ng gabi bago siya makarating sa Hua Yuan Hotel.

Pagkatapos niyang magpark, nagmamadali siyang pumunta sa main hall para magelevator . Pagkarating niya sa pinaka mataas na palapag, sinabi niya na kaagad ang lahat ng detalye kahit hindi pa siya tinatanong ng waitress. "Table 116, Miss Qiao."

Ang restaurant na napili ni Qiao Anhao ay isang rotating restaurant. May isang babae na nakasuot ng ball gown ang nagpa'piano sa kagitnaan ng silid, ay lahat ng lamesa ay nakaharap sa bintana.

Pagkalagpas ni Lu Jinnian sa stage, nakita niya si Qiao Anhao na nakadungaw sa bintana at magisang nakaupo sa pangdalawahang lamesa. Dali-dali niyang iniwanan ang waitress at naglakad papunta rito, pero bigla siyang natigilan noong halos limang metrio nalang ang layo niya.

May nakita siyang dalawang malalaking maleta sa tabi nito.

Ang waitress na iniwanan niya ay naglakad papunta sa direksyon ng lamesa ni Qiao Anhao. Tinignan nsi Lu Jinnian at nagsalita, "Sir, dito nap o ang lamesa niyo."

Napalingon si Qiao Anhao sa pinanggalingan ng boses at nang makita niya si Lu Jinnian, dali-dali niya itong kinawayan. "Lu Jinnian."

Biglang inalis ni Lu Jinnian ang tingin niya sa dalawang malalaking maleta at naguguluhang naglakad papalapit sa lamesa. Tinignan niya si Qiao Anhao at sinubukan niyang pakiramdaman ito.

Bakit naman ito magdadala ng melata sa dinner nila? Dahil ba ito sa ginawa ni Xu Jiamu? Aalis na ba ito ng Beijing? Ibig sabihin, nagyaya itong magdinner dahil nagpapaalam na ito?

Nang makita ni Qiao Anhao na nakatulala si Lu Jinnian, muli niyang ikinaway ang kanyang kamay at sinabi, "Huy, wag ka ng tumulala jan Lu Jinnian. Umupo ka na!"

Biglang nahimasmasan si Lu Jinnian. Tumungo lang siya pero hindi niya pa rin inalis ang tingin niya kay Qiao Anhao at halos dalawang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang umupo. 


Kapitel 514: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (15)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Kalahating oras na akong naghihintay! Gustom na gutom na ako kaya magorser ka na." Nag'salumbaba si Qiao Anhao at itinulak niya ang menu papalapit kay Lu Jinnian.

Hindi pinansin ni Lu Jinnian ang menu at nakatitig lang siya kay Qiao Anhao. 

Ilang sandaling naghintay si Qiao Anhao pero bandang huli, binawi niya nalang ang menu dahil gutom na gutom na talaga siya. Tinignan niya ang waitress na nagaabang sa gilid at nagorder siya ng apat na putahe at isang soup.

Inulit ng waitress ang mga order nila at nagtanong, "Would you like anything to drink?" 

Kadalasan, tsaa o kaya orange juice lang ang inoorder ni Qiao Anhao, pero sa pagkakataong ito, iba ang hinahanap ng panlasa niya. Nagisip siya ng sandali at sinabi sa waitress nang hindi mang lang kumukunsulta kay Lu Jinnian, "Isang bote ng red wine, Château Lafite Rothschild."

"Sure, give me a minute." Magalang na nagpaalam ang waitress para ihanda ang mga order nila.

Iinom si Qiao Anhao…ibig sabihin sobrang lungkot talaga nito at hindi lang nagpapahalata…

Binasa ni Lu Jinnian ang mga labi niya para kausapin si Qiao Anhao pero noong magsasalita na siya, biglang nangibabaw ang boses ng mga nakaupo sa kabilang lamesa. "Narinig niyo na ba? Iniwan daw ni Xu Jiamu si Qiao Anhao?"

Biglang bumigat ang loob ni Lu Jinnian. Hindi siya makatingin kay Qioa Anhao dahil hindi niya kayang makita na umiiyak ito.

Rinig na rinig din ni Qiao Anhao kaya sinilip niya ang mga naguusap. Kilala niya ang tatlong babaeng naguusap dahil galing ang mga ito sa Beijing Business Circle. Hindi sila masyadong close pero maraming pagkakataon niya na ring nakausap ang mga ito.

"Nabalitaan ko lang pero hindi ko pa alam ang totoong nangyari."

"May relasyon daw sina Xu Jiamu at Lin Qianqian. Base sa narinig ko, nagkaka mabutihan talaga ang dalawa. Sinabi niya pa nga sa akin noong nagkita kami na binilhan siya ni Xu Jiamu ng dalawang limited edition na Chanel bag."

"Pero hindi ba, magkasama na sina Xu Jiamu at Qiao Anhao mula pagkabata kaya bakit naman siya biglang iiwanan nito ng wala silang isang taon?"

"Mas bata si Lin Qianqian kaysa sakanya at ang di hamak naman na mas maganda ang family background niya…kaya normal lang talagang iwanan ni Xu Jiamu si Qiao Anhao."

Hindi na kinakaya ni Lu Jinnian ang mga naririnig niya kaya bigla niyang sinipa ang upuan na nasa tabi niya at galit nag alit na pumunta sa kabilang lamesa. Tinignan niya ng masama ang tatlo at pasinghal na sinabi, "Bago niyo pagusapan ang ibang tao, siguraduhin niyo munang wala siya dito."

Natigilan ang tatlong babae at gulat na gulat na tumingin sa paligid nila. Nang makita nila si Qiao Anhao na nakaupo sa kabilang lamesa, bigla nalang silang namutla sa sobrang kahihiyan.

Nanatili lang kalmado si Qiao Anhao at walang bakas ng anumang inis itsura niya. Ngumiti siya sa tatlo at bumati.

Hindi na kinaya ng tatlong babae ang sobra sobrang kahihiyan kaya pagkatapos nilang batiin si Qiao Anhao, dali-dali silang tumayo para magbayad ng bill at umalis ng restaurant kahit na hindi pa sila nakakakain.

Pagkabalik ni Lu Jinnian sa lamesa nila, nagaalala niyang tinignan si Qiao Anhao at pampalubag loob na sinabi, "Qiao Qiao, wag kang makinig sakanila…"

Inasahan na ni Qiao Anhao na paguusapan ng lahat ang naging divorce nila ni Xu Jiamu pero malinis ang konsensya niya kaya wala siyang pakielam sa iisipin ng iba.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C513
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES