Pagkabalik ni Qiao Anhao sa kwarto nila, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan pero bago siya tuluyang makapasok, narinig niya na mukhang may kausap si Lu Jinnian.
"Anong ibig mong sabihin na baka hindi totoo ang mga nabalitaan natin sa Hong Kong? Eh kakakita ko lang sakanya kanina may kasamang ibang babae…"
Biglang natigilan si Qiao Anhao at pinakinggan ang naiinis na boses ni Lu Jinnian.
"Hindi ba sinabi ko naman na sayo? Hindi ako papasok ng ilang araw, kung may kailangan ka, isend mo nalang sa email ko, gagawin ko yan ngayong gabi."
"May meeting bukas? May gagawin ako kaya hindi ako makakapunta….Pinipilit ng kabilang partida na pumunta ako? Kalimutan mo na ang tungkol sa deal… Magbabayad sa nabreach na kontrata? Bahala na."
Tandang tanda ni Qiao Anhao ang sagot ni Lu Jinnian noong tinanong niya ito kung bakit umuwi na ito kahit may meeting pa sana ito kinabukasan sa Hong Kong. Napanatag siya dahil sinabi nito sakanya na may umaasikaso na ng mga dapat gawin at bumalik lang ito dahil may kinailangan itong asikasuhin sa Beijing office.
Pero base sa narinig niya ngayon, masasabi niya na mukhang nagmadali itong umuwi dahil nalaman nitong may ibang babae si Xu Jiamu.
Malinaw sa alala niya noong na gabing iyon ay basang basa si Lu Jinnian dahil sumugod ito sa malakas na ulan at pagkabukas niya ng pintuan, nakatayo at nakatitig lang ito sakanya. Sa mga oras palang na 'yun, alam niyang may kakaiba na kay Lu Jinnian kaya tinanong niya ito kung bakit mukha itong kinakabahan, pero hindi nasagot ang tanong niya. Ngayon alam niya na, alam niya na ang lahat.
Pagkagising niya kinabukasan, tumawag ito sakanya para tanungin siya kung gusto niya bang magbakasyon dahil ang sabi ni Lu Jinnian ay nakaleave daw ito ng ilang araw. Noong mga oras na yun, naniwala siya kaagad na magbabakasyon lang sila kaya masaya siyang pumayag. Pero ngayon, alam niya na hindi lang yun basta-bastang bakasyon, dahil ang tunay na motibo ni Lu Jinnian ay iklaro ang isip niya dahil ang pagkakaalam nito nito ay pinagtataksilan talaga siya ni Xu Jiamu.
Malinaw na ang lahat sakanya ngayon. Noong nasa Hainan sila, nag'stay sila sa isang apartement na may dalawang kwarto. Isang gabi, bumangon siya para magCR at doon niya nakita na nakabukas pa ang ilaw sa kwarto ni Lu Jinnian at bahagyang nakabukas pa ang pintuan nito. Pagkadaan niya, narinig niya na parang may nagtatype sa loob.
Pagkabalik niya naman galing sa CR, narinig niya na may kausap ito sa phone ng mahina. Pagod na pagod siya noong araw na 'yun kaya hindi niya nalang masyadong inisip at bumalik na siya kaagad sa kwarto niya para makatulog ulit, pero ang totoo pala, naghahabol ito ng trabaho…
Gaano na ba karami ang ginawa ni Lu Jinnian para sakanya na hindi niya alam?
Sobrang bigat ng puso niya habang pinagdudugtong-dugtong niya ang mga bagay-bagay.
"Yun nga, naiintindihan ko. Ibababa ko na."
Nang marinig ni Qiao Anhao ang huling sinabi ni Lu Jinnian, dali-dali niyang binitawan ang hawakan ng pintuan at naglakad papunta sa corridor. Tumingala siya sa kisame at huminga ng malalim. Noong sandaling iyon, saktong lumabas din si Lu Jinnian ng kwarto na may hawak na phone.
"Lu Jinnian?" Medyo nanginginig ang boses ni Qiao Anhao noong sumigaw siya.
Biglang nakahinga ng maluwag si Lu Jinnian nang marinig niya ang boses ni Qiao Anhao. Dali-dali siyang naglakad papalapit dito at nagaalalang nagtanong, "Saan ka ba nagpunta? Diba sabi ko sayo, hintayin mo nalang ako sa kwarto?"
"Nag'CR lang ako." Nakangiting sagot ni Qiao Anhao. "Nakapagbayad ka na?"
"Oo,"
"Bakit ang tagal mo?"
"Medyo mahaba kasi ang pila tapos nasira pa ang machine."
"Oh." Kahit alam ni Qiao Anhao na malayo ang sinasabi ni Lu Jinnian sa tunay na nangyari, sinakyan niya nalang ito at nagpanggap na walang alam dahil ayaw niya namang pangunahan ito. Muli siyang ngumiti at nagtanong, "Pwede na ba tayong umalis?"