Gulat na gulat si Qiao Anhao sa nakita niya kaya nang sandaling mahimasmasan siya, dali-dali siyang tumakbo papunta sa CR.
-
Magkakahiwalay ang mga compartment sa loob ng CR ng Beijing Hotel.
Noong may nakitang bakenteng compartment si Lu Jinnian, agad niya itong binuksan at pwersadong itinulak si Xu Jiamu papasok sa loob. Pumasok din siya at pabalibag na isinara ang pintuan.
"Bro, ano bang kasalanan ko sayo? Kahit na galit na galit ka sakin, dapat da bahay mo nalang ako kinausap, napakaraming tao dito…Masyado mo naman akong pinapahiya!" Pagalit na sinabi ni Xu Jiamu dahil hindi niya maintindihan si Lu Jinnian.
"Pinapahiya?" Naiinis na pagulit ni Lu Jinnian habang inaalala niya ang nakita niya sa dining kanina at si Qiao Anhao na alam niyang mahal na mahal ang lalaking nasa harap niya. Hindi niya na mapigilan ang galit na nararamdaman niya kaya bigla niya itong sinuntok ng malakas.
Dumiretso ang suntok niya sa mukha ni Xu Jiamu kaya nasubsob ito sa lababo. "Bro, bakit mo ako sinun…"
Bago pa matapos si Xu Jiamu sa pagsasalita, bigla nalang hinawakan ng aahigpit ni Lu Jinnian ang braso niya.
Masyadong mahigpit ang pagkakahawak kaya napasigaw na si Xu Jiamu sa sakit.
"Bakit hindi natin pagusapan kung paano mo pinapahiya si Qiao Anhao!" Puno ng pagkasuklam ang boses ni Lu Jinnian at halos hindi na siya makahinga ng maayos sa sobrang galit. Hindi nagtagal, muli siyang nagsalita ng pasinghal, "Xu Jiamu, parang bigla naman atang bumaba ang mga tipo mo. Anong nilamang ng babaeng 'yun kay Qiao Anhao!"
"Bro, mali ka ng…Argh!" Hindi na natapos ni Xu Jiamu ang sinasabi niya dahil muli nanaman siyang napasigaw sa sobrang sakit ng kanyang braso.
Kayang kayang basagin ni Lu Jinnian ang mga buto ni Xu Jiamu pero hindi niya ginawa. Isinandal niya ang mkga balikat ni Xu Jiamu sa pader at pagalit na sinabi, "Ang babaeng yun ay hinding hindi maikukumpara kay Qiao Anhao, bulag ka na siguro!"
Tinignan ni Lu Jinnian ang kaliwa't kanan niya at nang masigurado niyang wala ng ibang tao, muli siyang tumingin kay Xu Jiamu at bigla niya nalang tinanggal ang belt nito.
"F*ck, bro, ano bang ginagawa mo?" Pasigaw na sabi ni Xu Jiamu habang tinatakpan ang kanyang ari.
Tinignan ng masama ni Lu Jinnian si Xu Jiamu at bigla niyang hinila ang belt nito. Sa takot ni Xu Jiamu na mahampas, bigla itong napaatras at dali-daling lumabas ng compartment si Lu Jinnian.
-
Habang nakatayo sa labas ng CR, pinakikinggan ni Qiao Anhao ang mga yabag ng paa. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan pero noong may natsambahan siyang bakanteng compartment, dali dali siyang tumakbo at nagtago sa loob.
-
Isinara ng malakas ni Lu Jinnian ang pintuan at itinali ito gamit ang belt ni Xu Jiamu. Makailang beses niya itong pinulupot ang hawakan bago niya ito tuluyang ibuhol.
Si Xu Jiamu, na nakulong sa loob, ay walang tigil na hinila ang pintuan, pero masyadong mahigpit ang pagkakatali kaya sumigaw siya, "Anong ginagawa mo? Bakit mo ako kinukulong? Lu Jinnian…"
"Pat Pat Pat" Paulit ulit na sinuntok si Lu Jiamu ang pintuan.
Hindi ininda ni Lu Jinnian ang pakiusap ng kapatid. Kinuha niya ang kanyang wallet para bumunot ng pera. Iniabot niya ito sa taga linis at sinabi habang nakaturo sa pintuan, "Pakawala mo ang lalaking nasa loob niyan pagkatapos ng labindalawang minuto."
Labindalawang minuto…. Sa loob ng labindalawang minutong iyon, dapat nakaaalis na sila ni Qiao Anhao sa hotel.
Alam naman ni Lu Jinnian na walang maitatagong sikreto pero hindi niya napigilan ang nagbabaga niyang puso nang makita niya si Xu Jiamu na may kasamang ibang babae.
Sobrang hindi siya mapalagay kahit na hindi naman siya ang taong may kalaguyo o ang taong pinagtaksilan.
Dahil siya ang taong pinaka nakakatot na makitang nalulungkot si Qiao Anhao.
Inayos ni Lu Jinnian ang kanyang damit at huminga ng malalim para kalmahin ang kanyang sarili. Hindi nagtagal, tuluyan na siyang lumabas ng CR.
-
Hindi maipaliwanag ni Qiao Anhao kung bakit niya gustong magtago pero takot na takot siyang magpakita noong narinig niya ng palabas na si Lu Jinnian ng CR.
Siya lang ang magisa sa loob ng napaka laking CR. Habang nakasandal sa bakal na pintuan, narinig niya ang boses ni Lu Jinnian na galit na galit na nagsalita, "Pakawala mo ang lalaking nasa loob niyan pagkatapos ng labindalawang minuto."
Hindi nagtagal, unti-unting humina ang yabag ng mga paa ni Lu Jinnian hanggang sa tuluyan ng nawala. Humarap siya sa kulay gintong salamin at wala siyang ibang maramdaman kundi ang matinding kaba. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso at hindi niya maipaliwanag kung ano ba talagang nararamdaman niya.
Noong una, hindi niya alam kung bakit biglang naging mapusok si Lu Jinnian, pero matapos niyang marinig ang paguusap ng dalawa, nalaman niya na siya pala ang dahilan.
"Xu Jiamu, parang bigla naman atang bumaba ang mga tipo mo. Anong nilamang ng babaeng 'yun kay Qiao Anhao!"
"Ang babaeng yun ay hinding hindi maikukumpara kay Qiao Anhao, bulag ka na siguro!"
Base sa pagkakakilala niya kay Lu Jinnian, natural talaga itong siplado at arogante kaya kahit na galit na galit na ito ay nagagawa pa rin nitong manatiling kalmado habang nagbibitaw ng masasakit na salita.
Pero sa nakita niya ngayon, mukhang gigil na gigil ito dahil naginginig sa sobrang galit ang boses nito habang kinakausap si Xu Jiamu.
Ang pagkakaintindi nito ay may ibang babae si Xu Jiamu at pinagtataksilan siya. Galit na galit at nagawa pa nitong saktan ang pinaka mamahal nitong kapatid ng dahil sakanya.
Para magkaroon ng dahilan na tapusin ang kasal nila, naisipan ni Xu Jiamu na palabasin na ito ang nagtataksil dahil gusto nitong siguraduhin na hindi siya ang sisihin ng pamilya niya kapag nagdivorce na sila.
Hindi alam ni Lu Jinnian ang totoong nangyari kaya hindi nito naintindihan ang mga bagay bagay.
Pero natuwa pa rin siya kahit na nagkaroon pa ng misunderstanding.
Dahil nalaman niya na gusto siyang ipagtanggol ni Lu Jinnian noong nalaman nito na niloloko siya ni Xu Jiamu at hindi ito nagdalawang isip na ilock ang kapatid nito sa CR sa loob ng labindalawang minuto dahil natatakot ito na baka makita niya ang kasama babae ni Xu Jiamu….
Lahat ng ginawa nito ay para sakanya.
Kahit na madalas siyang sinusupladahan nito at hindi sinasabihan ng mga nakakakilig na salita, sapat na ang mga ginagawa nito para sakanya para mapukaw siya.
Paano niya naman mapipigilan ang sarili niya na mahalin ang ganitong klase ng lalaki?
Habang iniisip niya ang mga ginawa ni Lu Jinnian para sakanya, bigla nalang siyang naiyak.
Makalipas ang ilang sandali, unti-unti niyang naramdaman na mas kumalma na siya kaya naghilamos lang siya ng sandali at muli siyang bumalik sa kwarto nila.
-
Pagkarating ni Lu Jinnian sa kwarto, wala roon si Qiao Anhao, pero noong tatawagan niya ito, sakto namang tumawag din ang kanyang assistant.
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES