App herunterladen
51.9% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 505: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (6)

Kapitel 505: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (6)

Redakteur: LiberReverieGroup

Simula noong ginalit ni Song Xiangsi si Xu Jiamu noong maguumpisa na ang pagfifilm ng 'Heaven's Sword', hindi na sila muling nagusap.

Kagaya ng mga kumakalat na balita, talagang nagiging malapit sa isa't-isa sina Xu Jiamu at Lin Qianqian.

Labing isang taong gulang palang si Lin Qianqian noong unang beses silang nagkakilala ni Xu Jiamu at simula noon, lagi na itong bumubuntot at tinatawag at tinatawag siyang 'Brother Jiamu'. Madalas na naiirita siyang sa tuwing nilalapitan siya nito hanggang sa mag'migrate nalang ito sa ibang bansa.

Noong gabing nagaway sina Xu Jiamu at Song Xiangsi, dumiretso siya sa isang bar para maginom at doon sila nagkita ulit ni Qianqian.

Halatang nakainom na ito noong tumakbo ito papalapit sakanya habang tinatawag siyang 'Brother Jiamu', kagaya ng madalas nitong ginagawa noon. Noong una, hindi niya maalala kung sino ito hanggang sa magpakilala nalang ito sakanya.

Qianqian ang kanyang phone at tinawagan ang sarili nitong number para maisave ang number niya sa phone nito. Hindi naman ito nagtagal at bumalik din kaagad ito sa dance floor para makipagsaya sa mga kaklase nito.

Kinabukasan, bigla nalang siyang tinawagan nito at noong mga oras na iyon, hindi niya maalala kung paano nito nakuha ang number niya.

Matagal ng naiinis si Xu Jiamu kay Lin Qianqian dahil simula pagkabata ay astang prinsesa na talaga ito. Kung hindi lang dahil sa mga magulang niya, hindi niya gugustuhing maging kalaro ito. Kaya naman napakarami niyang palusot dahil ayaw niya itong makausap pero noong ibaba niya na sana ang tawag, may biglang lumabas na notification para ipaalala na kailangan niya ng ayusin ang divorce nila ni Qiao Anhao.

Noong mga oras din na iyon, naisip niya na magandang ideya kung sasakyan niya si Li Qianqian kaya kinausap niya pa ito ng mas matagal at nang lumaon ay sinamahan niya rin itong magmall at kumain sa labas.

Pero ngayon, tadhana lang talaga ang may gawa kung bakit nila kinailangang magdinner sa Beijing Hotel.

Isang araw, nahanap ni Lin Qianqian ang office ni Xu Jiamu kaya bigla nalang siyang pinuntahan nito. Ihahatid niya na sana ito pabalik sa school pero hindi niya inaasahan na magkakasalubong sila ni Song Xiangsi. Nalaman niyang magdidinner ito kamasa ng Vice President ng Huan Yao Enterprise kaya naisipan niyang yayain ding magdinner si Lin Qianqian, na gusto sanang manuod ng pelikula. 

Nakapwesto sina Song Xiangsi at ang vice president ng Hua Yoa Enterprise sa main dining area kaya pinilit ni Xu Jiamu na humanap ng pwesto na malapit lang sa dalawa.

Nakilala siya kaagad ng vice president ng Hua Yao Enterprise kaya tumayo ito at masaya siyang binati.

Samantalang si Song Xiangsi naman ay umasta na para bang hindi sila magkakilala. Kasunod ng pagbati ng vice president ng Hua Yang Enterprise, binati lang din siya nito bilang pagrespeto. "Nice to meet you, Mr. Xu."

Hindi maikakailang si Song Xiangsi talaga ang pinakamagling na artista. Sa loob ng pitong taon nilang pagsasama ni Xu Jiamu, nagawa pa rin niyang magpanggap na para bang ito ang unang beses nilang pagkikita….

Nagpanggap din si Xu Jiamu na hindi siya interesado kay Song Xiangsi at walang malisya niyang kinamayan ito. Hindi nagtagal, dahan-dahan niyang hinila ang upuan ni Lin Qianqian para paupuin ito at hindi pa siya nakuntento dahil binigyan niya pa ito ng table napkin.

Kinikilig si Lin Qianqian dahil yun ang unang pagkakataon na trinato siya ni Xu Jiamu ng ganun.

Nang silipin ni Xu Jiamu si Song Xiangsi, nakita niya na masaya itong nakikipagusap sa voce president ng Hua Yao Enterprise na para bang walang pakielam sa presensya nila ni Lin Qianqian.

Noong mga oras na iyon, hindi maipaliwanag na inis ang bigla niyang naramdaman.


Kapitel 506: Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (7)

Redakteur: LiberReverieGroup

Binigyan kaagad ni Lin Qianqian ng ibig sabihin ang mga ikinikilos ni Xu Jiamu kaya hindi nagtagal ay lalo pa siyang naging mas malambing.

Kung dati madalas pagtulakan ni Xu Jiamu si Lin Qianqian, pwes ngayon naisipan niyang sakyan ito. Hindi niya tinitignan si Song Xiangsi at tanging dito lang ang kanyang atensyon.

Mula noong magumpisa ang dinner, hindi man lang siya tinignan ni Song Xiangsi na para bang wala itong pakielam sakanya kaya noong sinubuan siya ni Lin Qianqian, bigla siyang nawalan ng pagasa dahil pakiramdam niya ay walang kwenta ang mga ginagawa niya kaya naisipan niyang mas mabuti kung aalis nalang siya pero noong magbabayad na sana siya ng bill, may biglang lumapit sakanya. 

Bigla siyang napangiti nang makita niya kung sino ang taong lumapit sakanya. "Bro…"

Bago niya pa matapos ang sinasabi niya, bigla nalang hinila ni Lu Jinnian ang kanyang kwelyo. Hindi na nakaiwas si Xu Jiamu dahil masyadong mabilis ang pangyayari.

Pati ang kasama niyang si Lin Qianqian ay nagulat din kaya bigla itong napatayo. "anong ginagawa mo…"

Nang marinig ni Lu Jinnian ang boses nito, tinignan niya ito ng masama, na para bang kaaway niya galit na galit siya rito, at pasinghal niyang sinabi, "Wag mo akong kausapin, ang sakit sa tenga."

Nanginginig sa takot si Lin Qianqian kaya hindi niya na itinuloy ang pagtatanong.

Nabigla si Lin Qianqian sa sobrang pagkaprangka ni Lu Jinnian dahil mula pagkabata ay spoiled na talaga siya kaya hindi siya sanay na masigawan. Habang nakatingin sa galit na galit na si Lu Jinnian, napakagat nalang siya ng kanyang labi at hindi niya na napigilang umiyak. 

"Bro, ano bang ginagawa mo?" Mahinahong tanong ni Xu Jiamu. Kahit na hindi gusto ni Xu Jiamu kay Lin Qianqian, nabastusan pa rin siya sa ginawa ni Lu Jinnian.

Hindi sinagot ni Lu Jinnian ang tanong ng kanyang kapatid at walang emosyon niya itong hinila papunta sa CR.

-

Naubos na ni Qiao Anhao ang tsaa na ibinigay sakanya ni Lu Jinnian pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik kaya naisipan niyang tawagan na ito. Hindi nagtagal, narinig niya na may nagriring na phone sa tabi niya.

Nakita niya ang phone ni Lu Jinnian na naiwanan sa bakenteng upuan na katabi nito kanina.

Sinubukan niyang maghintay pa ang ilang sandali pero noong hindi niya na kinaya ang pagkabagot, nagdesisyon na siyang lumabas ng kwarto para hanapin si Lu Jinnian.

Pagkalabas na pagkalabas niya ng elevator, nakita niya kaagad si Lu Jinnian. Nakatayo ito sa front desk na parang may tinitignan ng masama.

Gusto niya sanang tumakbo para lapitan ito pero bigla siyang natigilan at sinundan ang direksyon ng mga mata nito. Nakita niya si Xu Jiamu na nakaupo malapit sa bintana. May kasama itong magandang dalaga na mukhang pamilyar pero hindi niya maalala.

Masyadong intimate si Xu Jiamu at ang nasabing babae. Minsan nagsusubuan pa ang dalawa ng pagkain at may isang beses pa nga na binulong si Xu Jiamu na sobrang nagpangiti sa babae. 

Pero nagulat nalang siya noong biglang lumapit ang galit na galit na si Lu Jinnian para hilain si Xu Jiamu papunta sa CR ng hindi inaalintana ang mga taong nakatangin.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C505
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES