Napansin ni Qiao Anhao na parang may kakaiba sa mga kilos ni Lu Jinnian kaya tinitigan niya ito na para bang takang taka sa nangyayari. "Anong meron? Mukang hindi ka mapakali."
"Wala." Biglang nahimasmasan si Lu Jinnian nang marinig niya ang tanong ni Qiao Anhao. Tinignan niya ang orasan na nasa pader at nang mapansin niyang ala una na ng madaling araw, muli niyang binuhat si Qiao Anhao para maingat itong ihiga sa kama. Kinumutan niya ito ng maigi at noong papatayin niya na ang mga ilaw ay muli siyang nagsalita, "Malalim na ang gabi, magpahinga ka na."
Noong nga oras na 'yun lang naalala ni Qiao Anhao na basang basa pa ang buhok at mga damit ni Lu Jinnian. Pareho silang sumugod sa ulan, pero bukod tanging siya lang ang inisip nito kaya kinikilig niyang sinabi, "Lu Jinnian, magshower ka na. Baka magkasakit ka."
"Sige." Sumagot si Lu jinnian pero nanatili siya sakanyang kinatatayuan at nakatitig lang kay Qiao Anhao. "Mamaya na ako maliligo, matulog ka muna."
Hindi na nagpumilit si Qiao Anhao at ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata. Ramdam niya na may kakaiba kay Lu Jinnian pero hindi niya alam kung ano man yun.
Pagkagising niya kinaumagahan, tumawag kaagad sakanya si Lu Jinnian para sabihing may pupuntahan sila.
Hindi nila nakasanayang magtravel kahit pa madalas silang magkasama. Nagtaka siya kung bakit biglang pumasok si isip ni Lu Jinnian na yayain siyang umalis pero imbes na magtanong ay masaya siyang pumayag at dali daling nagempake ng ilang sakanyang mga damit.
Ang buong akala niya ay malapit lang sa Beijing ang destinasyon nila kaya nagulat siya nang malaman niyang dadayo pala sila sa kabilang dako ng China!
Mula sa Luoyang, pumunta sila sa Xian at sa Hainan bago sila dumiretso sa Hangzhou at Nanjing.
Nakita ni Qiao Anhao ang mga terracotta warrior, at inakyat niya rin ang Mount Hua. Medyo nahirapan siyang maglakad sa makipot na daan dahil masyadong mataas ang takong na suot niya kaya nagdesisyon si Lu Jinnian na buhatin nalang siya noong pababa na sila.
Ilang beses ng nakapunta si Qiao Anhao sa Shanghai at kagaya ng Beijing, marami ring magagandang bilihan dito kaya masarap talagang magshopping. Sa loob ng tatlong araw nilang pananatli dito, marami silang nabiling iba't-ibang gamit kaya kinailangan nilang pumunta ng mahigit limang beses sa courier.
Tanghali na sila nakarating sa Hainan. Pagkacheck in na pagkacheck in, agad na dumiretso si Qiao Anhao sa isang boutique na nasa loob ng hotel para bumili ng beach dress at beach hat. Nang masigurado niyang maganda na siya, niyaya niya si Lu Jinnian na pumunta sa beach at sumakay sila sa banana boat.
Habang nasa Bangka, aksidenteng nalaglag si Qiao Anhao sa dagat kaya walang pagdadalawang isip na tumalon si Lu Jinnian at lumangoy ng di hamak na mas mabilis kumpara sa mga life guard para iligtas siya. Hindi naman masyadong natakot si Qiao Anhao dahil pareho naman silang may life jacket pero medyo marami rin siyang nainom na tubig dagat kaya hindi niya napigilan ang sarili niyang maidura ito sa mukha ni Lu Jinnian.
Bukod sa Beijing, isa rin ang Hangzhou sa mga lugar na punong puno sila ng mga alaala. Marami ng napuntahan dito si Qiao Anhao dahil madalas niyang bisitahin si Lu Jinnian noong nagaaral palang sila. Pagkarating nila dito, naglakad sila sa memory lane, nagbike sa loob ng Song at Xitang, kung saan may nakita silang pagawaan ng paso at sa tulong ng may ari ng tindahan, hindi na nila pinaglapas ang pagkakataon na subukang gumawa ng paso.
Noong nagaaral palang sila, isa na talaga si Lu Jinnian sa pinaka magaling sa klase, samantalang si Qiao Anhao naman ay nasa katamtaman lang, pero ang katamtaman na ito ay sobrang pursigido sa pagaaral kaya nang luamaon ay nakarating siya sa isa sa pinaka magandang universities.
Sa unang beses na itinuro ng may-ari ng tindahan ang paggawa ng paso, nasundan kaagad ni Lu Jinnian habang si Qiao Anhao ay hirap na hirap dahil madalas niyang nakakalimutan ang sunod niyang gagawin.
Noong may dumating na mga bagong customer, pansalamntala silang iniwan ng may-ari ng tindahan para asikasuhin ang mga ito.
Tirik na tirik ang araw sa bayan ng Xitang at maririnig din ang pagagos ng sapa na hindi naman kalayuan sa tindahan. Marami mang taong dumadaan, hindi pa rin maitatanggi na tunay na napakapayapa ng lugar kaya sobrang kampante nina Qiao Anhao at Lu Jinnian. Sa usapang paso naman, sobrang ganda ng ginawa ni Lu Jinnian samantalang ang kay Qiao Anhao ay parang nasalanta ng bagyo.
Hindi nagtagal, bumalik ang may-ari para tignan ang mga gawa nila. Kinuha ni Qiao Anhao ang pasong ginawa ni Lu Jinnian at nakangiting sinabim "Ano sa tingin mo, ang galing ko diba?"
Alam naman ng may ari na si Lu Jinnian ang tunay na gumawa ng pasong hawak niya pero ayaw rin naman nitong ipahiya siya. Noong pupurihin na sana siya nito, bigla nalang ngumiti si Lu Jinnian at sinabi, "Ang galing."
Nginitian niya rin ito at tinignan ang pasong ginawa niya na pinilit niyang hawakan ni Lu Jinnian. Nagpanggap siyang gulat na gulat at sinabi, "Lu Jinnian, turuan mo naman ako kung paano gumawa ng ganyan ka'pangit na paso!"
Dagdag niya pa, "Itago mo nay an, wag mo ng ipahiya ang sarili mo!"
Natawa nalang si Lu Jinnian sa pinagagawa ni Qiao Anhao. Habang inilalagay niya sa kahon ang paso, halatang halata sa itsura niya na sobrang saya at panatag niya.
Pagkarating nila sa Nanjing, dumiretso sila sa Orchid theater para manuod ng 'The Peony Pavillion.' Kahit na hindi nila maintindihan ang mga kanta, kuntento na sila sa tono ng mga ito.
Pagkatapos nilang manuod, kumain sila ng Lugaw ng Mei Ling at Duck blood Vermicelli…. Pagkalipas ng dalawang araw, lumipad na sila pabalik sa Jingcheng.
Iniwan ni Lu Jinnian ang sasakyan niya sa parking lot ng Beijing airport kaya alas sinco na ng hapon sila nakarating sa siyudad. Pagkadaan nila sa Beijing Hotel, biglang binagalan ni Lu Jinnian ang pagmamaneho at nagtanong, "Gusto mong magdinner dito?"
"Sige." Tinignan ni Qiao Anhao ang hotel at walang pagtutol na tumungo.
-
Madalas talagang punuuan ang mga private rooms ng Beijing Hotel pero dahil maaga sila dumating, maswerte nilng nakuha ang pinaka huling kwartong available.
Pagkarating ng order ni Lu Jinnian na pu'er tea, agad na nagkalat ang amoy sa buong kwarto na talaga namang nakakarelax sa pakiramdam.
Nang masigurado ni Lu Jinnian na nakakain na ng maayos si Qiao Anhao, inilapag niya ang kanyang chopsticks sa lamesa para bigyan ito ng mainit na tsaa. "Mag'tea ka muna. Mabuti yan para sa sikmura mo. Bababa lang ang para magbayad ng bill."
Habang humihigop ng pu'er tea, tumungo lang si Qiao Anhao bilang pagsagot sa sinabi ni Lu Jinnian.
Noong sandali ring iyon, kinuha ni Lu Jinnian ang kanyang wallet at lumabas ng kwarto.
Pagkatapos niyang magbayad, babalik na sana siya sa kwarto nila pero may bigla siyang nakitang isang pamilyar na tao na nakaupo sa may bintana.
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES