App herunterladen
50.87% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 495: Divorce (16)

Kapitel 495: Divorce (16)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Sige." Pagkatapos tumugon ang assistant, idinagdag niya, "Ms. Qiao, kapag nagising na si Mr. Lu, sasabihan ko siyang tawagan ka."

"Salamat."

Nang matapos ayusin ang sarili, pumunta na ang assistant sa silid ni Lu Jinnian.

Noong isang gabi, nakuha niya ang ekstrang susi ng kuwarto ni Lu Jinnian. Pagkatapos kumatok, naghintay ng ilang sandali at nang makatiyak siya na walang mga paggalaw sa silid, ini-swayp niya ang card at pumasok.

Ang sala ay walang laman. Nang buksan niya ang pinto sa silid, ang malakas na amoy ng sigarilyo ang bumungad na nagdulot sa kanya ng pagbahing ng dalawang beses.

Ang kama ay magulo, ngunit si Lu Jinnian ay wala na rito sa loob. Ang mga pintuan ng banyo ay nakasara at ang tunog ng dumadaloy na tubig lang ang maririnig. Ang assistant ay pinisil ang kanyang ilong habang naglalakad papunta sa mesa ng kape, na puno ng upos ng sigarilyo. Binuksan niya ang lahat ng bintana ng silid upang makapasok ang hangin. Bago pa man huminga ng malalim, narinig niyang bumukas ang pinto ng banyo.

Noong magsimulang magtrabaho ang assistant bilang tagapangasiwa ni Lu Jinnian, Pinapagalitan niya ito tungkol sa kanyang mga kinakain at pamumuhay, at kahit hanggang ngayon, hindi pa rin ito nagbago.

"Mr Lu, bakit napakarami mong pinanigarilyo kahapon? Ilang beses kong sinabi sa iyo na ang paninigarilyo ay masama para sa kalusugan. Kahit na hindi mo kayang tumigil, paano mo nagawang manigarilyo ng sobra?"

Si Lu Jinnian ay nanatiling walang pakialam sa kanyang nagagalit na assistant. Sa kanyang basang-basa at tumutulong buhok, kinuha niya ang kanyang mga damit, isinuot niya ang mga ito at sinimulang ibutones.

Ang katulong ay nagpatuloy sa pag-aalala, ngunit nang maglaon, natandaan niya ang tawag sa telepono kay Qiao Anhao, nang tumigil ay sinabi niya, "Mr Lu, kung mayroon kang oras, dapat mong bigyan si Miss Qiao ng isang tawag."

huminto si Lu Jinnian, hindi nagsasalita.

Ang kanyang assistant ay nagsimulang ipaliwanag ang mga detalye, "Sinubukan kang tawagan ni Ms. Qiao kahapon, ngunit hindi ka niya matawagan. Sa halip, ako ang hinanap niya. Tinawagan ko siya kaning umaga nang makita ko ang kanyang di nasagot na tawag sa aking telepono."

Sinagot ni Lu Jinnian ang kanyang mga sinabi sa maikling "Oo" habang isinusuot ang suit dyaket. Kinuha ang mga dokumento sa gilid at umalis ng silid.

Ang kanyang assistant ay nagmadaling sundan siya.

-

Ang pakiramdam ni Qiao Anhao ay gumaan dahil sa natanggap na tawag. Humiga siya sa kanyang kama at masayang babalik sa pagtulog.

Nang muli siyang magising, tanghali na. noong isang gabi, naiwan niyang bukas ang telebisyon. Nang sumilip siya, Nakita niya si Lu Jinnian, nakabihis ng pormal na damit sa may iskrin.

Bumaliktad si Qiao Anhao at tumitig ng walang humpay sa may iskrin.

Si Lu Jinnian ay matangkad at may nakakabighaning itsura. Kahit na ang brodkast ay tungkol sa isang bagong kooperasyon sa negosyo, ang kamera ay nakatuon lamang kay Lu Jinnian. Hindi ito inalis sa kanyang mukha, ito ay alinman naka-zoom sa kanyang mukha o naka-zoom out para sa isang malawak na anggulo. 

Si Lu Jinnian ay nakaupo sa unang hilera, isang laptop sa harap niya. habang ang iba't ibang mga nagtatalumpati ay pumunta sa entablado, paminsan-minsan niyang tatapikin ang kanyang keypad bago tingnan ang kanyang telepono. Sa maraming pagkakataon, binuksan niya rin ang kanyang telepono.

Tinitigan ni Qiao Anhao ang mga aksiyon ni Lu Jinnian, isang maliit na ngiti na lumalaganap sa kanyang mukha, at isang ngisi ang nakatakas sa kanyang mga labi.

Si Lu Jinnian ay talagang wala sa sarili

Ang memorya ng nakaraan, ng isang pisikal na aralin sa edukasyon ay lumulutang sa kanyang isipan. Sa oras na iyon, dinatnan siya, kaya umalis siya sa silid-aralan ng mas maaga.


Kapitel 496: Divorce (17)

Redakteur: LiberReverieGroup

Nang dumaan si Qiao Anhao sa silid-aralan ni Lu Jinnian, madalas siyang sumisilip sa bintana at doon ay makikita niyang siya ay nakaupo sa kanyang mesa na nakasuot ng putting polo.

Noong panahong iyon, siya ay nasa Pisika. Ang lahat ng mga estudyante ay maingat na nakinig sa guro na nagsasalita sa likod ng desk sa harap. Karamihan ay kumukuha ng mga tala, maliban kay Lu Jinnian, na nakababa ang ulo, isang lapis sa kamay. Siya ay gumuguhit ng isang bagay sa isang puting piraso ng papel sa mesa, kung minsan ay gumagamit ng goma

ang kanyang kaklase na katabi niya sa kanyang lamesa ay napansing lumilipad ang utak ni Lu Jinnian at sinubukang makipag-usap para tanungin kung ano ang kanyang iginuguhit. Hindi niya alam na ang bilis ng reaksyon ni Lu Jinnian, mabilis na kumuha ito ng libro upang takpan ang kanyang papel.

Ang kanilang mga reaksyon ay nakatawag ng pansin sa guro, na kasalukuyang nagtuturo sa klase. Ang guro ay isa-sang tinawag ang kanilang mga pangalan at binigyan ng tanong.

Ang kanyang kaklase na kahati niya sa kanyang lamesa ay nagulat sa tanong, ngunit si Lu Jinnian ay kumurap ng ilang segundo at pagkatapos ay malinaw na ibinigay ang tamang sagot.

Pagkatapos ay pinarusahan ng guro ang kaklase na tumayo sa harap ng pisara. Si Lu Jinnian, na nakaupo, ay inalis ang aklat mula sa kanyang papel at ipinagpatuloy ang kanyang ginuguhit.

Si Lu Jinnian noon ay malayo sa kanyang mature na sarili na mayroon siya ngayon. Ang kanyang batang katangian at walang karanasan sa sarili ang dahilan kung bakit lumilipad ang kanyang isip noon. Ngunit para kay Qiao Anhao, iyon ang nagpaibig sa kanya, ang batang imahe ni Lu Jinnian. Hindi kataka-taka na siya ang nagpabihag ng puso nito. Kahit na lumilipad ang kanyang isipan, siya ay ubod ng gwapo pa rin.

-

Naghintay si Qiao Anhao hanggang sa matapos ang palabas bago umalis ng kama. Naghilamos siya at tumawag para magpahatid ng pagkain. Pagkatapos ay ikinuha ang kanyang telepono upang icharge na halos wala ng baterya.

Sinabi ng assistant sa kanya na tatawagan siya ni Lu Jinnian.

Naghintay buong araw si Qiao Anhao hanggang alas-7 ng gabi.

Ang paghihintay ay nakapagpapababa ng kalooban ng isang tao, Si Qiao Anhao ay natatakot na baka mabaliw siya sa paghihintay at magsimula siyang maglinis ng kanyang silid.

Itinupi niya ulit ang lahat ng kanyang mga damit, pagkatapos ay nilabhan ang ibang mga damit na sinuot niya ng isang beses, at dinala ito sa balkonahe upang patuyuin. Nang may dalawang piraso na lamang na natitira upang ipatuyo, tumunog bigla ang kanyang telepono.

Si Qiao Anhao ay kumaripas ng takbo pabalik ng kanyang kuwarto. Dahil sa pagmamadali, aksidenteng bumundol ang kanyang binti sa sampayan ng mga damit. Bumundol ng malakas ang tuhod niya dito at bumagsak ang mga luha sa sakit.

Gayunpaman, Si Qiao Anhao ay wala sa mood upang suriin ang kanyang sugat at direktang tumakbo sa sopa. Kinuha niya ang kanyang telepono, ngunit sa kinalaunan ay tawag pala iyon mula kay Qiao Anxia, hindi kay Lu Jinnian.

Si Qiao Anhao ay agad nakaramdam ng lungkot. Sinagot niya ang tawag, at binati "Sis." Narinig niya ang makabasag-taingang ingay ng isang taong kumakanta. Kumunot ang noo nito at tinanong, "Sis, nasaan ka?"

"Qiao, Qiao? Lumabas ka diyan at hanapin moa ko, bilisan mo…" ang sabi niya sa isang simpleng wika. Pagkatapos ay sumigaw siya, pinipigilan ang kanyang tinig habang siya ay umawit, "Mahal mo ba ako, mahal mo ako…"

Inilayo ng kaunti ni Qiao Abhao sa kanyang tainga ang telepono, at sumigaw ng malakas, "Sino ang kasama mo? Bakit mo kailangang uminom?"

"Ako lang. Kasama mo ako, Qiao Qiao. Hindi tama yan, nag-iisa lang ako." Si Qiao Anxia ay sobrang lasing na, ang kanyang mga salita ay hindi na masyadong malinaw. Nasinok siya pagkatapos magsalita, at pagkatapos ay nagpatuloy, "Basta ako, sa sarili ko, sa Royal Palace."

Pagkatapos, nang hindi binababa ang tawag, nagpatuloy pa rin siya sa pagkanta. Sa oras na ito, kahit ilang beses magtanong si Qiao Anhao, wala siyang makuhang sagot.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C495
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES