Kagaya ng karamihan, gusto ring maging matagumpay ni Xu Jiamuy sa negosyo kaya mula pagkabata niya, iniisip niya na ang kasal ang pinaka magandang deal sa buong mundo.
Napakaraming benepisyong maibibigay ng business marriage sa dalawang partido, kaya kahi sinong negosyante ay masasabing hibang lang ang tatanggi dito.
Pero bigla siyang natigilan nang marinig niya ang tanong ni Qiao Anhao. Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit siya nagaalangan ngayon. Sobrang nakokonsensya siya at hindi mawala si Song Xiangsi sa isip niya kaya makalipas ang halos limang segundo, bigla siyang umiling para tanggalin ito sa isip niya.
"Oo naman, maghahanap ako ng babaeng karapat dapat kong pakasalanan."
Diretso ang sagot ni Xu Jiamu na para bang pati siya ay makukumbinsi rin sa naging sagot niya.
Noong sandali ring iyon, biglang tumunog ang kanyang phone—galing sa driver niya. Tumayo si Xu Jiamu at tinignan si Qiao Anhao. "Tara, nandito na yung driver."
Kinuha ni Qiao Anhao ang kanyang bag at sumunod kay Xu Jiamu.
Ngunit ang hindi nila alam, mula sa hindi kalayuan, nandoon pala si Qiao Anxia. Namumutla ang buong mukha niya sa sobang pagkagulat.
Ilang sandali rin siyang hindi makagalaw sa kinatatayuan niya bago siya mahimasmasan.
Ang kaninang maraming taong park ay bigla nalang tumahimik dahil nagsiuwian na ang mga batang naglalaro. Noong iilan nalang ang taong naiwan, pinilit niyang maglakad papunta sa bench na inupuan nina Qiao Anhao at Xu Jiamu. Paulit ulit sa isip niya ang narinig niyang usapan.
Ibig sabihin, ang Xu Jiamu na nakabandage ang mukha ay si Lu Jinnian. Kung ganon, habang nagpapagaling pala si Xu Jiamu, hindi iito ang tumayong asawa ni Qiao Anhao kundi si Lu Jinnian.
Kaya naman pala man nakita siyang litrato ni Qiao Anhao na natutulog sa isang kama na kasama si Lu Jinnian.
Kanina lang, narinig niya na nagtanong si Qiao Anhao ng tungkol sa divorce…Ibig sabihn, hindi talaga nila gusto ang isa't-isa….
Sa kagustuhan niyang takasan ang kasal nila ni Xu Jiamu noon, gumawa siya ng paraan para isipin ni Han Ruchu na gusto ni Xu Jiamu si Qiao Anhao at nagtagumpay nga ang plano niya dahil talagang pinili nito ang pinsan niya na ipakasal kay Xu Jiamu. Ilang taon siyang hinabol ng konsesnya niya hanggang sa makita niyang masaya naman si Qiao Anhao sa buhay may asawa…
Ang buong akala niya ay nalilito lang si Qiao Qiao kaya ibinigay ni kay Lu Jinnian ang voice recorder, at hindi lang yun dahil ilang beses niya rin itong sinugod para sabihing layuan na si Qiao Anhao.
Pero lumalabas na maling mali pala ang iniisip niya.
Pero bakit pinagtaguan siya ni Qiao Qiao ng ganun kalaking sikreto?
At kung hindi niya nilaglag si Qiao Qiao, ibig sabihin siya ang dapat naging asawa ni Lu Jinnian?
Bandang huli, napagtatnto niya na sinayang niya lang ang oportunidad na makasama si Lu Jinnian.
-
Kanina pa nasa labas ng office ang assistant pero hindi pa rin lumalabas ang amo niya kaya matapos niyang tignan ang oras, sinubukan niya ng kumatok sa pintuan. Sobrang tahimik ng buong kwarto kaya medyo nagalangan siya noong una bago niya dahan-dahang buksan ang pintuan.
Nakita niya si Lu Jinnian na nakaupo habang may hawak na kape. Sa wari niiya ay mukhang sobrang lalim ng iniisip nito kaya hindi na siya napansin nito na pumasok.
Matagal pang nakatayo sa isang gilid ang assistant bago siya magsalita, "Mr. Lu."
Makalipas ang halos limang segundo, dahan-dahang tumingin sakanya si Lu Jinnian. "Bakit?"
"Magaalas diyes na, hindi ka pa ba uuwi?"
Paghigop ni Lu Jinnian ng kape, doon niya lang napansin na lumamig na pala ito. Ibinaba niya ang tasang hawak niya sa lamesa at pinunasan aang kanyang mukha gamit ang kamay niya bago siya sumagot. "Okay."
Tumayo siya para kunin ang kanyang jacket bago siya lumabas ng office.
Napansin ng assistant na nakabukas pa ang computer at ang wallet sa tabi nito kaya pinaalalahan niya si Lu Jinnian, "Mr. Lu, nakabukas pa ang computer mo."
Lumingon si Lu Jinnian. "Oh." Pabulong niyang sagot at agad siyang bumalik sakanyang lamesa para patayin ang computer.
Nagtataka ang assistant kung ano ba talagang sinabi ni Miss Qiao Anxia kay Mr, Lu? Dahil parang bigla nalang itong nawala sa sarili…. Ilang sandali rin siyang nagisip kung bakit kakaiba ang ikinikilo ng amo niya bago niya kunin ang wallet nito nang wala ng pasabi.
-
Noong nasa garahe na sila, tinignan ng assistant si Lu Jinnian sa rear view mirror. Nalaala niya na nitong mga nakaraang gabi, lagi niya itong hinahatid sa Mian Xiu Garden kaya nagtanong siya, "Mr. Lu, sa Mian Xiu Garden tayo?"
Habang nakatingin sa labas ng bintana, sumagot si Lu Jinnian ng isang mahinang "Yea"
Hindi masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa mga tumatamang sinag ng ilaw na nanggaling sa poste.
Makalipas ang ilang sandali, ibinalik ng assistant ang kanyang wallet, "Mr. Lu, nakalimutan mo ang wallet mo."
Bigla siyang napatingin sa assistant. Kinuha niya ang kanyang wallet na agad niyang siniksik sa bulsa niya at muli nanaman siyang tumingin sa labas.
Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan, pero makalipas ang sampong minuto bigla itong binasag ni Lu Jinniang nang magtanong siya. "Anong gagawin mo kapag nalaman mo ba na may malapit na kaibigan ang asawa mo?
Gusto sanang sabihin ng assistant na 'Hindi naman magiging malapit ang asawa ko sa ibang lalaki' pero bigla siyang nahiya nang makita niyang seryoso ang itsura ni Lu Jinnian habang nagtatanong. Pagkatapos niyang magisip ng mas magandang sagot, ganadong ganado siyang nagsalita, "Magagalit ako at sasama ang loob."
"Aawayin mo siya?"
"Sa una hindi pero kakausapin ko siya." Natigilan ang assistant bago magpatuloy, "Pero pa gang asawa ko ay nakipagkita pa rin sa lalaki kahit nagusap na kami, aawayin ko talaga siya at baka makipagdivorce pa ako."
"Oh," sagot ni Lu Jinnian. Mukhang hindi pa siya kuntento at muli siyang nagtanong, "Kung malalaman ng mga magulang mo, anong gagawin nila?"
Kanina, gusto ni Lu Jinnian na magisip siya na may karelasyon ang asawa niya at ngayon naman gusto nitong malaman kung anong gagawin ng mga magulang niya? Hindi na alam ng assistant kung anong sasabihin niya pero pinilit niya pa ring sumagot.
"Siguro magagalit din sila. Pero kung gusto naman talaga nila ang asawa ko, sa tingin ko maayos din ang lahat pero kung ayaw pala nila sa asawa ko, sigurado na magiging kumplikado ang lahat."
"Oh." Mahinang sagot ni Lu Jinnian, at hindi na siya muling nagsalita.
Hindi maintindihan ng assistant kung bakit nagtanong si Lu Jinnian ng tungkol sa pamilya.
Kaya sinilip niya ito sa rear view mirror at nagtanong, "Mr. Lu, bakit mo nga pala natanong?"
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES