Pagkalabas ng assistant, lumapit si Qiao Anxia sa lamesa ni Lu Jinnian at pagalit na hinagis ang mga litratong hawak niya.
Biglang kumunot ang noo ni Lu Jinnian pero hindi manlang siya nagabalang dumilat para tignan si Qiao Anxia at nagpatuloy lang siya sa dahan-dahang pagmamasahe sa masakit niyang ulo.
Habang tinitignan ni Qiao Anxia na wala pa ring pakielam sakanya si Lu Jinnian kagaya ng nakasanayan, lalo lang kumulo ang dugo niya at naiinis na sinabi, "Bakit hindi mo yan tignan!"
Sa pagkakataong ito, tuluyan ng nandilim ang paningin ni Lu Jinnian sa sobrang ingay ni Qiao Anxia. Itinigil niya ang pagmamasahe ng kanyang ulo para tignan ang mga litratong nagkalat sa lamesa; silang dalawa ni Qiao Anhao. Walang nagbago sa sa itsura niya at nakahigop pa siya ng kape na para bang walang halaga sakanya ang nangyari.
"Saan mo yan nakuha?"
"Alam mo ng may kumakalat kayong litrato?" Pinagisipan kaagad ni Qiao Anxia ng masama ang pagtatanong ni Lu Jinnian kaya hindi pa man din ito nakakasagot at muli nanaman siyang nagsalita, "Tama, kaya naman pala hindi ito lumabas sa tabloids. Pwede ngang napigilan mong kumalat ito pero kahit anong gawin mo para itago ang balita, paguusapan at paguusapan pa rin ito ng mga tao."
Yumuko si Lu Jinnian para inumin ang naguusok pa sa init niyang kape.
Napakuyom si Qiao Anxia ng kanyang mga kamay sa sobrang tindi ng inis na nararamdaman niya at nagpatuloy, "Alam mo ba kung nasaan si Qiao Qiao ngayon?"
Nang marinig ni Lu Jinnian ang salitang 'Qiao Qiao', bigla nalang siyang napahinto sa paginom ng kape, samantalang si Qiao Anxia naman ay halos sumabog na sa galit na nagpatuloy, "Pinauwi si Qiao Qiao sa bahay dahil sa mga litratong 'yan."
Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Lu Jinnian sa tasang nasa kamay niya kaya natapunan ang siya ng mainit na kape. Sinubukan niyang manatiling kalmado pero bakas pa rin sa itsura niya ang matinding pagaalala.
"Lu Jinnian, nanakita na ng buong business circle ang mga litrato. Alam na nila na nagtaksil si Qiao Anhao kay Xu Jiamu, at ngayon galit nag alit si auntie Xu. Kanina sumugod siya sa bahay naming para ipaalam sa mga magulang ko ang tungkol dito. Alam mo ba kung anong naging reaksyon nila nang sandaling makita ang mga ito?" Biglang natigilan si Qiao Anxia at tinignan si Lu Jinnian ng diretso sa mga mata. "Naalala mo pa ba ang sinabi ko sayo noon?"
Galit na galit na inulit ni Qiao Anxia kay Lu Jinnian ang sinabi niya noon. "Alalahanin mo na sinabi ko sayo na kung takagang mahal mo siya ay dapat tantanan at pakawalan mo na siya dahil ikaw rin mismo ang sisira sakanya!"
"Ngayon, gusto ko lang sabihin sayo na tuluyan mo na siyang nasira!"
"Alam na ng lahat na may iba siyang karelasyon at dahil doon, si aunti Xu na mother-in-law niya ay galit nag alit sakanya ngayon. Sa oras na malaman ito ni Xu Jiamu, siguradong kamukuhian nito si Qiao Qiao at maging ang mga magulang ko ay sobrang madidisappoint sakanya. Kapag nagdivorce sina Qiao Qiao at Xu Jiamu ng dahil dito, walang ibang sisihin ang mga magulang ko at ang buong Qiao Enterprise kundi siya!"
"Lu Jinnian, babae ang madalas na sinisisi sa mga ganitong bagay at hindi ang mga lalaki. Kahit na nagkamali ka rin, wala silang masasabi sayo dahil wala silang ibang sisisihin kundi si Qiao Qiao.
"Sabi mo mahal mo siya, ito ba ang sinasabi mong pagmamahal?
"Sinira mo ang reputasyon niya at ngayon sabihin mo nga kung ano pang mukhang ihaharap niya sa Beijing ngayon?"
Sa sobrang inis ni Qiao Anxia, hindi na siya nakapag'kontrol kaya napakarami niyang nasabing masasakit na salita.
Bigla siyang natigilan at nang muli niyang ibuka ang kanyang bibig para magsalita, di hamak na mas naging kalmado na siya ngayon. "Isa pa, Lu Jinnian, maagang namatay ang mga magukang niya, at ang pamilya ko nalang ang mga naiwan niyang kadugo. Gusto mo ba talagang iwanan siya ng lahat at maging magisa nalang siya?"
Biglang napahawak ng mahigpit si Lu Jinnain sa tasang nasa kamay niya.
Nabalot ng katahimikan ang buong office.
Matagal ding nakatayo si Qiao Anxia sa harapan ni Lu Jinnian at tinitigan niya lang] ito bago siya muling magsalita, "Nasabi ko na ang lahat ng kailangan kong sabihin, nasayo na ang desisyon. Good bye!"
Muli pang humabol ng tingin si Qiao Anxia kay Lu Jinnian bago siya tuluyang umalis.
Nang makita ng assistant si Qiao Anxia na lumabas, dali-dali siyang lumaoit para bumati. "Miss Qiao."
Pero hindi siya pinansin nito at nagdire-diretso lang sa elevator.
-
Habang nasa byahe papunta sa mansyon ng mga Qiao, hindi mapalagay si Qiao Anhao habang iniisip ang mga maaring dahil kung bakit siya pinagmamadali ng aunt niya na umuwi. Sobrang nagaalala siya nab aka tungkol ito sa kalusugan ng aunt at uncle niya kaya nang makarating siya sa mansyon, dali-dali siyang tumakbo papasok.
Katulong ang sumalubong sakanya sa pintuan at nang makita siya nito, magalang itong nagreport, "Mister, Missus, nandito na po si Miss Qiao."
Pagkatpos niyang magtanggal ng sapatos, dahan-dahang naglakad si Qiao Anhao papasok ng mansyon. Agad niyang naramdaman niya na parang sobrang bigat ng awra sa sala at hindi nagtagal, napansin niya na nandoon din si Han Ruchu. Tinignan niya ng maigi ang tatlo at magalang na bumati, "Aunt, Uncle, Auntie Xu."
Hindi siya pinansin ni Han Ruchu, ang kanyang uncle naman ay tumungo sakanyasamantalang ang kanyang aunt ay biglang tumayo na may hawak na mga litratro. "Qiao Qiao, sumama ka sa akin."
Kahit nagugululuhan, tumungo pa rin si Qiao Anhao at sumunod sakanyang aunt papunta sa second floor.
"Aunt, ano pong nangyari?"
Para sagutin ang tanong niya, ibinigay sakanya ng kanyang aunt ang mga litratong hawak nito.
Nang kunin niya ang ibinibigay ng kanyang aunt, nakita niya ang mga patagong kinunan na mga litrato nila ni Lu Jinnian habang kumakain kaya bigla siyang natigilan, pero bago pa siya makapagsalita, muli nanamang nagpatuloy ang kanyang aunt. "Qiao Qiao, hindi ko alam kung anong namamagitan sainyo ng illegitimate son ng mga Xu, pero naniniwala ako sayo, kaso nga lang hindi naman ibig sabihin 'nun na naniniwala na rin sayo ang auntie Xu mo.
"Ngayon na kasal ka na kay Jiamu, dapat ingatan mo na ang mga kilos mo at kang basta-bastang lalapit sa ibang lalaki dahil pwede 'yung magbigay ng kahihiyan sa Xu family.
"Isa pa, alam mo namang maganda ang relasyon ng mga Qiao at Xu. Hindi ko na iisa-isahin pero umaasa ako na alam mo na ang dapat mong gawin. Huminto ng sandali ang kanyang aunt bago muling magpatuloy, "Qiao Qiao, alam mo namang tiniik sa puso ng auntie Xu mo si Lu Jinnian kaya mas maganda kung hindi ka na lalapit sakanya."
Das könnte Ihnen auch gefallen
Kommentar absatzweise anzeigen
Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.
Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.
ICH HAB ES